Professional Documents
Culture Documents
Edukasyon Sa Pagpapakatao 8 Subtest
Edukasyon Sa Pagpapakatao 8 Subtest
PANGALAN:_______________________________________
A. Panuto: Ibigay ang iyong hinuha kung ang mga sumusunod na paraan ay kakikitaan
ng pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan. I
sulat ang TAMA kung itoý nagpapakita ng pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng
mapagmahal na pamayanan at MALI naman kung hindi.
________1. Pagbibigay ng pagkain, damit at iba pa sa mga taong naapektuhan ng
kalamidad.
________2. Ang pagbukas ng tahanan ng isang pamilya para sa mga naapektuhan ng
pagbaha at mga sakuna.
________3. Ang paggawa ng usaping di- tiyak tungkol sa pag- aaway ng kabilang
bahay.
________4. Pangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga institusyon at
batas, laban sa mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at iba pa.
________5. Ang pagbingi-bingihan sa mga humihingi ng tulong sa inyong
pamayanan.
_______6. Pinatuloy ni Aling Rosa ang dayong napadpad sa lugar nila dala ng
kawalang matirhan nito.
_______7. Nagpadala ng liham ang kabataan ng barangay upang ipaalam sa kanilang
punong barangay ang napagkasunduang proyekto ukol sa kabataan.
_______8. Ipinaglaban ni Anton sa mga kaklase ang paniniwala at doktrina ng
simbahang kinabibilangan matapos pag-usapan ang isyu ng relihiyon.
_______9. Nakiisa ang mga mayayaman sa pagtulong ng gobyerno sa pagbibigay ng
“relief goods” at tulong pinansyal sa mga apektado ng COVID-19 pandemya.
_______10. Napaso na ang prangkisa ng ABS-CBN kaya’t pinasara ito ng NTC na
naaayon sa batas.