You are on page 1of 3

LINGGUHANG PAGTATASA SA FILIPINO 10

Ikalawang Kuwarter – Linggo 1 at 2

Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksiyon: __________________ Iskor: ______

Kompetensi (MELC 60): Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na balita, komentaryo, talumpati, at iba pa.

Panuto: Iugnay nang may panunuri sa inyong sariling saloobin at damdamin ang narinig na balita, komentaryo, talumpati at iba pa. Piliin ang letra
ng tamang sagot.

Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na
nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may
pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong maisakatuparan.
Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kanyang Inagurasyon

______ 1. Batay sa pagsusuri, ano ang iyong damdamin pagkatapos mong mabasa ang talumpati?
A. Maaaring matatag ang kanyang paninindigan kayat humanga ako sa kanya at dapat siyang maging ehemplo ng kababaihan.
B. Humanga ako sa magandang pananalita ni Pangulong Dilma Rousseff.
C. Sa tingin ko, siya ay magiging mahina dahil siya ay babae.
D. Naawa ako kasi hindi niya alam ang kanyang pinagsasabi.
______ 2. Sa iyong palagay, ano ang maaaring dahilan ng mga problemang nabanggit sa pahayag?
A. kawalan ng pagkakaisa ng mga tao C. hindi sapat ang trabaho sa bansang Brazil
B. tiwaling pamamalakad ng gobyerno D. kakulangan ng tiwala ng mga tao sa gobyerno
______ 3. Alin sa mga sumusunod na hakbang na epektibong gamitin ng pamahalaan upang solusyunan ang problema ng kahirapan?
A. Bigyan ng libreng pabahay at trabaho ang mga mamamayan.
B. Ipakulong ang mga batang pakalat-kalat sa mga lansangan.
C. Mangalap ng mga mamumuhunan upang makapagbigay ng bagong trabaho ang pamahalaan.
D. Ilapit sa angkop na ahensya ng gobyerno ang mga batang inabandona ng kanilang mga magulang.

Kompetensi (MELC 61): Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa pahayagan, magasin, at iba pa sa nakasulat na akda.
Panuto: Iugnay sa prinsipyo ang pahayag o argumentong nakuha sa mga artikulo sa pahayagan. Piliin ang pinakaakmang sagot.

_______ 4. “Ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay pagsasaayos din ng paggastos ng gobyerno.” Ang prinsipyong nakapaloob dito ay
________.
A. ang pera ng bayan, gamitin para sa bayan C. ang mahusay na paggastos ng gobyerno kapalit ay maraming serbisyo
B. gamitin nang tama ang pondo para sa publiko D. paunlarin ang serbisyo sa bayan nang lumago ang pondo ng gobyerno

Kompetensi (MELC 62): Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay (talumpati o editoryal).
Panuto: Basahin ang pirasong bahagi ng talumpating ito at pillin ang letrang aangkop sa pananaw o opinyon na maibibigay nito batay sa mga
tanong.

Lumipas na ang panahon ng pag-aaklas laban sa paniniil ng mga mananakop: ginawa na ito nina Rizal at Bonifacio, ng mga
katipunero at iba pang bayaning Pilipino. Ginawa nila ito dahil mulat silang walang ibang magtatanggol sa ating karapatan; walang ibang
magsusulong para sa kinabukasan ng ating bayan; walang ibang magtutulak para sa ating ganap na kalayaan, kundi tayo ring mga Pilipino.
Wala nang iba. Salamat sa kanila, isandaan at labinlimang taon na nating ipinapahayag sa mundo na tayo’y isang bansang malaya.
Habang nagbabalik-tanaw at binibigyang-halaga natin ang ating kasarinlan, mulat ang pamahalaan sa tungkulin nitong pangalagaan
ang kalayaang ito. Kaya naman naninindigan tayo para sa ating mga karapatan bilang bansang may sariling soberanya, bilang bayang
nagbuwis na ng buhay para sa kalayaan, bilang Pilipinas na may sariling bandila na kapantay ng lahat.
(Dating Pangulong Benigno C. Aquino III, pagdiriwang ng anibersaryo ng Araw ng Kalayaan)

______ 5. Sa unang pangungusap, nais ipahayag ng dating pangulo ang ___________.


A. pagtuligsa sa mga mananakop C. pagpapahalaga sa pagtanggol sa bayan
B. paghikayat sa madling magkaisa D. pagbibigay-pugay sa mga bayaning Pilipino
______ 6. Sinasabi ng dating pangulo sa ikalawang talata na…... liban sa __________.
A. pahalagahan ang ating kalayaan C. tungkulin ng estado na pangalagaan ang kalayaan
B. magbuwis ng buhay para sa kalayaan D. maninindigan sa mga karapatan bilang bansang malaya
______ 7. Layunin ng talumpating ito na bigyan ng pagpapahalaga ang/ang mga __________.
A. bayani B. bandila C. kalayaan D. bansa

Kompetensi (MELC 63): Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di-lantad ang kahulugan sa tulong ng word association.
Panuto: Piliin ang letrang may salitang HINDI nagbigay ng kahulugan na maiuugnay sa sumusunod na salita para sa word association.

______ 8. Bayan ng Silang A. matandang retablo B. masaganang prutas C. masarap na kape D. mayamang
halamanan
______ 9. Pandemya A. SAP B. RFID C. COVID D. IATF

______ 10. Talumpati A. harap ng publiko B. kalagayang panlipunan C. may tatlong bahagi D. layuning manlibang

Kompetensi (MELC 65): Naipahahayag nang may katalinuhan ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang paksa sa isang talumpati.
Panuto: Basahin ang kada bahagi ng talumpati at ipahayag ang sariling kaalaman at opinyon tungkol dito. Piliin ang letra ng pinakaakmang sagot.

______ 11. “Hindi ako titigil hangga’t may Brazilian na walang pagkain sa hapag, hangga’t may desperadong pamilya sa lansangan, hangga’t may
mahirap na mga bata na pinababayaan ng kanilang sariling pamilya.” Batay sa pahayag ng pangulo ng Brazil, masasabing siya ay _________.
A. mapagmalasakit B.mapagmahal C. may determinasyon D. malakas ang loob

______ 12. “Huwag kayong makilahok sa anumang pagkilos laban sa ating mamamayan, manapa’y makabilang sa mga kamay na magtatatag ng
bagong lipunan.” Nais sabihin ng huling bahagi ng pahayag ang panawagan sa __________.
A. Pagbuo ng bagong bansa C. pagkakaroon ng matatag na bansa
B. Paglikha ng pagbabago D. paghubog ng bagong mamamayan

Kompetensi (MELC 67): Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap.


Panuto: Suriin ang kaisahan na ginamit sa pagpapawalak ng pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Mga kaibigan, ngayon na raw ang simula ng diumano ay pagbabago. Anim na taon tayong nahirati sa sistema ng “Daang Matuwid”
ngunit wari’y hindi umabot sa ikabubusog ng ating isip at kalooban lalo pa’t alam ng lahat na nananatiling mataas ang bilang ng mga
naghihirap. Ano pa ba kaya ang maaari nating asahan sa susunod na administrasyon matapos ang ELEKSIYON 2016? Pagbabago. Sa
biglang malas, iisiping ito na nga ang daan upang matugunan ang napakatagal nang krisis: kahirapan at terorismo.
Sinang-ayunan ng maraming mamamayan ang naging resulta ng sunod-sunod na isinagawang sarbey sa pagka-Pangulo sa
nakalipas na ilang buwan. Kumusta na ang food threshold? Malamang na bumabang muli upang maipagkanulo ito sa bagsak na ekonomiya.
Ang food threshold sa almusal na dati ay tortang kamatis, kape para sa matatanda at gatas para sa mga bata ay posibleng maiba na sa
bagong liderato. Marami ang umaasa at patuloy na aasa sa pagbabago. Dahil sa mga posibleng pagbabago, ang kumpiyansa ng taumbayan
sa integridad ng mga namumuno ay muling tataas. Gayunpaman, asahang patuloy na magtutungo ang mga militanteng grupo sa harap ng
Malacanang.

____ 13. Mga kaibigan, ngayon na raw ang simula ng diumano ay pagbabago. Mula sa pahayag, anong ingklitik ang ginamit sa ganap na
pagpapalawak ng pangungusap?
A. na B. raw C. ang D. ng

_____14. Sa pangungusap na “Sinang-ayunan ng maraming mamamayan ang naging resulta ng sunod-sunod na isinagawang sarbey sa pagka-
Pangulo sa nakalipas na ilang buwan” ang may salungguhit ay mga salita ay nasa anong komplemento o kaganapan?
A. sanhi B. tagaganap C. direksiyunal D. pang-abay na pamanahon

_____15. Malinaw ang kaisipang ipinababatid ng pangungusap 4 sa talata 2 ng teksto: food threshold bilang panukat ng ekonomiya ng bansa.
Pinalawak ang pangungusap na ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng pariralang komplemento o kaganapan na _____.
A. food threshold B. tortang kamatis C. para sa matatanda D. bagong liderato

Binalangkas nina: Binigyang-pansin ni:

EDRYNE A. AMON / ABEGAIL O DEL MUNDO EVELYN A. VILLANUEVA


Mga Guro Ulong Guro III

You might also like