You are on page 1of 2

Bible Quiz Bee Questions

References: 1& 2 Chronicles


1. Sino ang mga bantay sa pinto ng templo na nanirahan sa Jerusalem? 1 Cro.9:17
- Sallum
- Acub
- Talmon
- Ahiman
2. Sa anong bundok namatay si Saul? 1 Cro. 10:01
- Bundok ng Galboa
3. Gaano katagal nanatili ang kaban ng tipan sa sambahayanan ni Obed Edom? 1 Cro. 13:14
- Tatlong buwan
4. Ano ang suot ni David ng dalhin ang kaban ng tipan sa Jerusalem? 1 Cro. 15:26
-Tuniko at Efod
5. Ano ang dating tawag sa Jerusalem? 1 Cro. 11:4
- Jebus
6. Kaano-ano ni David si Solomon? 1 Cro 28:6
- Anak
7. Ilang taon naghari si David sa bayan ng Israel? 1 Cro. 29:26
- 40 years
8. Pagkatapos pahiran ng langis si Solomon bilang hari, sino naman ang piniling maging
saserdote? 1 Cro. 29:22
- Sadoc
9. Sa anong bundok itinayo ni Solomon ang templo para kay Yahweh? 2 Cro. 1:3
- Bundok Moria
10. Ano ang tinawag ni Solomon sa dalawang haliging tanso sa harap ng kanilang templo? 2
Cro. 3:17
- Jaquin at Booz
11. Ilang talampakan ang haba ng templong binubuo sa Jerusalem? 2 Cro. 3:3
- Siyamnapung talampakan
12. Ilang araw ipinagdiwang sa bayan ng Israel ang pista ng mga Tolda? 2 Cro 7:8
- Pitong araw
13. Ilang taon ang ginugol ni Solomon sa pagpapatayo ng templo at ng kanyang palasyo?
2 Cro. 8:1
- 20 years
14. Pagkatapos ng paghahari ni Solomon, sino sa mga anak niya ang naging hari? 2 Cro.9:31
-Roboam
15. Sinong kasalukuyang hari ang namumuno sa Jerusalem nang manalo sila sa isang
digmaan sa pamamagitan ng kanilang pagpupuri? 2 Cro 20:22
- Josafat
16. Ano ang tawag sa lugar o lambak na pinagtipunan nila Josafat upang magpasalamat kay
Yahweh pagkatapos nilang Manalo sa digmaan? 2 Cro 20:26
- Kapatagan ng Beraca
17. Anong klase ng sakit ang dumapo kay haring Joram? 2 Cro. 21:18
- Sakit sa bituka
18. Ilang araw hinakot nila Josafat ang mga kasangkapan ng natalo nila sa digmaan? 2 Cro.
20:26
- Tatlong araw
19. Nakipagkasundo si Josafat kay Ocaziaz na gumawa ng barko. Saang lugar ito ginawa?
2 Cro 20:36
- Ezion Geber
20. Pang -ilang araw sa unang buwan dapat ipagdiwang ang paskuwa ayon kay Yahweh? 2
Cro. 35:1
- Ika-14
21. Ilang kordero at bisirong kambing ang pinagkaloob ni Josias para sunugin sa araw ng
Paskuwa?
- 30,000
22. Sino ang namahala sa Juda ng si Uziaz ay magkasakit? 2 Cro. 26:21
- Joatam
23. Kumuha si haring Amasias ng 100,000 na kawal mula sa Israel. Magkano ang naging upa
niya sa mga ito? 2 Cro. 25:6
-100 talentong pilak

You might also like