You are on page 1of 17

4

Art
Ikalawang Markahan
Modyul 5: Cultural Community’s Ways
of Life
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII, CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SIQUIJOR

COPYRIGHT NOTICE

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the
Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the
work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed through the initiative of the Curriculum
Implementation Division (CID) of the Department of Education – Siquijor Division.

It can be reproduced for educational purposes and the source must be clearly
acknowledged. The material may be modified for the purpose of translation into another
language but the original work must be acknowledged. Derivatives of the work including the
creation of an edited version, supplementary work or an enhancement of it are permitted
provided that the original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may
be derived from this material for commercial purposes and profit.

Borrowed materials (i.e. songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education

OIC-Schools Division Superintendent: Dr. Neri C. Ojastro


Assistant Schools Division Superintendent: Dr. Edmark Ian L. Cabio

Development Team of the Learning Module


Writer: Cyril B. Suan

Evaluators: Rogelio D. Lubguban Elizabeth C. Bucol Leila G. Canoy

Honeylene A. Dela Peña Gina Lynn A. Sumalpong Joseline M. Gom-os

Management Team: Dr. Marlou S. Maglinao


CID – Chief

Earl J. Aso
Education Program Supervisor ( MAPEH)

Edesa T. Calvadores
Education Program Supervisor (LRMS)

Printed in the Philippines by___________________________


Department of Education – Region VII, Central Visayas, Division of Siquijor
Office Address: Larena, Siquijor
Telephone No.: (035) 377-2034-2038
E-mail Address: deped.siquijor@deped.gov.ph

4
Art

Ikalawang Markahan

Modyul 5: Cultural
Community’s Ways of Life
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay inihanda upang masuportahan ang K to 12
Basic Education Program para masiguradong mapaunlad ninyo ang
kasanayang inaasahan sa inyo bilang mag-aaral.

Ito ay nagbibigay kaalaman tungkol sa pagpinta ng sketched


landscape gamit ang mga nababagay na kulay sa paraan ng
pamumuhay ng isang kultural na komunidad.

Kabilang nito ang sumusunod na mga Gawain:

 Inaasahang Resulta ng Pag-aaral-Dito makikita ang


kinalalabasan ng pag-aaral na inaasahang makakamit ninyo
sa pagtatapos ng modyul na ito.
 Panimulang Pagtataya –Tinutukoy nito ang iyong naunang
kaalaman tungkol sa araling ibig mong matutunan.
 Pagtatalakay- Ito ay nagbibigay sa inyo ng mahalagang
kaalaman,prinsipyo, mabuting katangian at kaugalian na
tutulong sa inyo upang makamtan ninyo ang inaasahang
matutunan.

Sana sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga Gawain sa Pagkatuto sa


modyul na ito, sana ay matutulungan kayong matugunan ang
kaalamang nais mo na may kasiyahan upang malinang at mapaunlad
ang iyong critical thinking skills.
Alamin
Pagkatapos ng araling ito inaasahang ang mag-aaral ay
makapag:

Paint the sketched landscape using colors appropriate to the


cultural community’s way of life. (A4EL-IIe, A4EL-IIf)

Subukin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat
ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Aling prinsipyong pansining ang nagpapakita ng tamang laki ng
mga bagay sa iba pang bagay sa guhit o larawan?
A. Armonya
B. Balanse
C. Paulit-ulit
D. Proporsyon

2. Ano ang tawag sa larawan na karaniwang pumapaksa sa mga


kabundukan at mga kalupaan?
A. Dreamscape
B. Landscape
C. Seascape
D. Skyscape

3. Paano nakatutulong ang paggamit ng espasyo sa pagguhit o


paggawa ng dibuho?
A. Mas nakakaakit ang larawan at dibuho.
B. Ginagawa nitong madali ang pagguguhit o pagpipinta.
C. Ginagawa nitong malalim at mas malawak ang larawan o
dibuho.
D. Mas simple ang mga bagay na nakaguhit sa mga larawan o
dibuho.

4. Kung gagawin mong inspirasyon sa pagguhit ng landscape ang


pamayanang kultutral ng mga Ifugao, ano ang maaaring makikita
sa mga iguguhit mong larawan?
A. Chocolate Hills
B. Karagatang Pasipiko
C. Kahabaan ng EDSA
D. Banawe Rice Terraces
1
5. Sa paggawa ng myural, anong pagpapahalaga ang dapat na
bigyang pansin?
A. Pagsasarili sa ediyang gagawin.
B. Pag-uwi ng mga gawaing di-natapos.
C. Pagtutulungan at kooperasyon sa paggawa.
D. Pagpapagawa ng mahihirap na detalye sa mga nakatatanda.

6. Ano anong halimbawa ng mga bagay ang makikita kapag


inilalarawan mo ang pamayanang kultural sa kabundukan sa
pamamagitan ng pagguhit o pagpipinta?
A. Malalaking gusali, mahabang kalsada, at mga pabrika.
B. Mga bahay na may disenyong okir, sarimanok, at pako-
rabong.
C. Karagatan, palaisdaan, at mga bahay na nakatayo sa tabing-
dagat.
D. Banawe Rice Terraces, bulubundukin, mga bahay na yari sa
kawayan.

7. Bakit kailangang isaalang-alang ang proporsyon at espasyo sa


pagguhit? Upang maging _______________.
A. kakaiba ang larawang iginuhit.
B. makulay ang larawang iginuhit.
C. malamlam ang kulay ng larawang iginuhit.
D. mas makakatotohanan ang larawang ignuhit.

8. Paano mo iguguhit ang mga bagay upang magmukhang malayo


sa paningin?
A. Iguhit ito sa pinakamataas na bahagi ng papel.
B. Iguhit ito sa pinakamababang bahagi ng papel.
C. Gawing malaki ang pagkaguhit kumpara sa mga bagay na
dapat makita sa malapit.
D. Gawing mas maliit ang pagkakaguhit kumpara sa mga bagay
na dapat makita sa malapit.

Balikan
1. Ano ano ang ibat-ibang pagdiriwang o festival sa Pilipinas?
2. Ano anong mga kulay ang nagpapahiwatig ng kasayahan na
kadalasang ginagamit sa mga pista?
2
3. Paano mo maipagmalaki ang mga tanyag na pista sa ating
bansa?

Tuklasin
Narito ang mga larawan ng pamayanang kultural mula sa Luzon,
Visayas, at Mindanao. Suriin ang bawat larawan.

Pamayanan sa Lungsod Pamayanan sa Bundok

Pamayanan sa Kagubatan Pamayanan sa Tabing-dagat

1. Ano ang pagkakatulad ng bawat isa?


2. Ano ano ang pagkakaiba sa uri ng kanilang kapaligiran?
3. Paano binubuo ang krokis o detalye ng apat na larawan?
4. Ano ang inyong napupuna sa mga linyang ginamit?, sa sukat
ng mga bagay sa larawan.

3
Suriin
Kung magmamatyag ka sa iyong kapaligiran, mapapansin mong
iba-iba ang hugis, laki, at kulay ng iba’t-ibang bagay tulad ng bundok,
dagat, gusali, at iba pang likas at di-likas na istruktura. May mga bagay
na malapit at mayroon ding mga bagay malayo. Ang mga malalayong
bagay ay nagiging maliit sa paningin habang ang mga bagay naman na
malalapit ay mas malaki sa paningin kung pagmamasdan mong mabuti
ang isang tanawin. Sa sining, tinatawag itong ilusyon ng espasyo.

Sa paggawa ng krokis o pagguhit ng landscape o tanawin ng


isang pamayanan na itinatampok ang kapaligiran bilang paksa,
kailangang isaalang-alang ang espasyo, balanse, at proporsyon upang
maging mas makatotohanan ang larawang iguguhit.
Ang landscape ay tanawin sa isang pamayanan o lugar na
itinatampok ang kapaligiran na karaniwang mga tanawin tulad ng mga
puno at bundok ang paksa.
4

Magiging mas makakatotohanan ang iyong larawang iginuhit kung


isaalang-alang mo ang prinsipyo ng proporsyon.
Ang proporsyon ay ang kaugnayan ng mga bagay-bagay base sa
taas at laki ng mga iguguhit. Kung guguhit ng isang puno at taong
magkatabi, mas mataas ang puno kaysa sa tao gayundin ang bahay at
ang mga tao nang gayo’y mas makatotohanan ang dibuho.
5
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na hakbang sa paggawa
at pagkatapos gawin ito.
 Ihanda ang mga kagamitan sa pagpinta tulad ng papel o bond
paper, lapis at pambura, ruler, acrylic paint, watercolor, o anumang
pangkulay na magagamit sa pagpinta.
 Maglagay ng palatandaan sa dakong paglalagyan ng paksa sa
background, middle ground, at foreground.
 Siguraduhing nasusunod ang mga pamantayan sa pagpinta gamit
ang balance sa larawan.
 Bigyan din ng pansin ang proporsyon ng mga bagay-bagay na
iguguhit para sa higit na maging makatotohanan ang dibuho.
 Mag-isip ng kawili-wiling tanawin sa inyong lugar na makikita sa
mga pamayanang kultural na nais mong iguhit.
 Lagyan ng pamagat ang natapos na likhang-sining.
 Linisin ang pinaggawaan pagkatapos ng gawain.

6
Gawain 2
Panuto: Kopyahin ang table sa inyong kuwaderno. Bigyan ng kaukulang
puntos ang antas ng iyong naisagawa batay sa rubrik at pamantayan sa
ibaba.
Kapansin-pansin Hindi gaanong Hindi kapansin-
PAMANTAYAN kapansin-pansin pansin
3
2 1
1.Nasunod ko
ang pamantayan
sa pagpinta
gamit ang
balance sa
larawan.
2. Naging
makatotohanan
ang aking
dibuho sa
wastong
proporsyon nito.
3. Naipakita ko
sa larawan ang
damdaming
ipinahiwatig sa
pamamagitan ng
kulay.
4. Naipagmalaki
ko ang aking
likhang-sining.

Isaisip
Natutunan ko na :
 Sa paggawa ng krokis o pagguhit ng landscape o tanawin
ng isang pamayanan na itinatampok ang kapaligiran bilang
paksa, kailangang isaalang-alang ang espasyo, balance, at
proporsiyon upang maging makatotohanan ang larawang
iguguhit.
7
 Ang pagpipinta ay isang visual art kung saan ang mga ideya
at ang mga damdamin ay ipinapahayag sa pamamagitan ng
iba't ibang media at mga istilo. Sa Pilipinas, may mga
mahuhusay at malikhaing pintor na ang mga gawa ay
maaaring makipagpaligsahan sa mga pintor sa ibang bansa.
Sila rin ay tumutulong sa pagpapaunlad ng sining at
kulturang Pilipino sa pamamagitan ng kanilang mga obra

 Ang mga tanyag na mga pintor ay may iba’t ibang istilo sa


pagpipinta upang magkaroon sila ng sariling pagkakilanlan.
Ito rin ang nagdadala sa kanilang mga ipininta upang
mabigyan ng buhay ang mga larawan sa kanilang mga obra.

 Ang pagpapahalaga sa naiambag ng mga pintor sa mundo


ng sining ay tunay na kahanga-hanga at yaman ng ating
bansa. Isa sa mga paraan upang maipakita ang
pagpapahalaga ay ang paggamit ng kanilang disenyo sa
iba’t-ibang obra. Dito din naipapahayag ang iyong damdamin
o saloobin sa pamamagitan ng pagpipinta ng mga bagay-
bagay na naaayon sa iyong kagustuhan katulad ng mga
istilong ginamit ng mga tanyag na pintor dito sa ating bansa.

Isagawa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.
1. Ano ang kahalagahan ng proporsiyon sa paggawa ng krokis ng
landscape ng isang tanawin?
2. Paano ginagawang malayo at malapit ang isang bagay sa iginuhit
na larawan?
3. Paano mo maipagmamalaki ang pamayanang iyong
kinabibilangan?
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang paggalang at
pagpapahalaga sa kultura ng ating mga kapatid na kabilang sa
pamayanang kultural?
8
Tayahin
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Piliin
ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

1. Ano ang tawag sa kauganayan ng mga bagay sa larawan batay sa


laki at taas ng mga ito?
A. Hugis
B. Krokis
C. Laki
D. Proporsiyon

2. Kapag may mga bagay na iyong iguguhit ay ibig mong


magmukhang malayo sa paningin, ano ang dapat mong gawin?
A. Iguhit ito sa pinakamataas na bahagi ng papel.
B. Iguhit ito sa pinakamababang bahagi ng papel.
C. Gawing malaki ang pagkakaguhit kumpara sa mga bagay na
dapat makita sa malapit.
D. Gawing mas maliit ang pagkakaguhit nito kumpara ssa mga
bagay na dapat makita sa malapit.

3. Ano ang tawag sa larawan na ang karaniwang paksa ay mga


bundok, burol, at puno?
A. Espasyo
B. Kulay
C. Landscape
D. Proporsiyon

4. Bakit kailangang isaalang-alang ang proporsiyon at espasyo sa


pagguhit? Upang maging __________________.
A. kakaiba ang larawang iginuhit.
B. makulay ang larawang iginuhit.
C. malamlam ang kulay ng larawang iginuhit.
D. mas makatotohanan ang larawang iginuhit.

9
B.
Panuto: Pumili ng isang uri ng pamayanan at iguhit ito sa
bondpaper. Pagkatapos, kulayan ito.(4 na puntos)
Rubriks:
Kapansin- Hindi gaanong Hindi kapansin-
PAMANTAYAN pansin kapansin-pansin pansin

4 3 2
1.Nasunod ko
ang pamantayan
sa pagguhit gamit
ang balance sa
larawan.
2. Naging
makakatotohanan
ang aking dibuho
sa wastong
proporsyon nito.
3. Naipakita ko sa
larawan ang
damdamin
ipinahiwatig sa
pamamagitan ng
kulay.
4. Naipagmalaki
ko ang aking
likhang-sining.

10
Talasanggunian

Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; adulfo Amit;


Benjamin Castro; Emely Maninang; Joan D. Sadoval (2015), Musika at
Sining 4 (Kagamitan ng Mag-aaral), Book Media Press, Inc. Pasig City

Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; adulfo Amit; Benjamin


Castro; Emely Maninang; Joan D. Sadoval (2015), Musika at Sining 4
(Patnubay ng Guro), Book Media Press, Inc. Pasig City

www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners...

www.slideshare.net/lhoralight/arts-50204613

More images for uri ng hanapbuhay ayon sa kapaligiran


Prepared by: CYRIL B. SUAN
Tagmanocan ES

11

Pre-test:
5. C
1. D 6. D
2. B 7. D
3. C 8. D
4. D
TAYAHIN:
A.
1. D
2. D
3. C
4. D
B.
Kapansin- Hindi gaanong Hindi
PAMANTAYAN pansin kapansin- kapansin-
pansin pansin
3 2 1
1.Nasunod ko ang
pamantayan sa
pagguhit gamit ang
balance sa larawan.
2. Naging
makakatotohanan
ang aking dibuho sa
wastong proporsyon
nito.
3. Naipakita ko sa
larawan ang
damdamin
ipinahiwatig sa
pamamagitan ng
kulay.
4. Naipagmalaki ko
ang aking likhang-
sining.

12

You might also like