You are on page 1of 27

Republic of the Philippines

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF ROXAS CITY

Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at


Wastong Pamamahala sa Naimpok
(Sesyon 1)
Sesyon 1

Inihanda Ni:
LEONY S. AGUILAR, Ph.D.
T - III, CRAAHS
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF ROXAS CITY
LEARNING RESOURCES MANAGEMENT SECTION (LRMS)
Copyright 2020
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the
Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the
work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”
This material has been developed through the Curriculum Implementation Division (CID) of
the Schools Division of Roxas City. It can be reproduced for educational purposes and the
source must be clearly acknowledged. The material may be modified for the purpose of
translation into another language but the original work must be acknowledged. Derivatives of
the work including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are
permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work
may be derived from any part of this material for commercial purposes and profit
CONTEXTUALIZED TEACHER RESOURCE LESSON PLAN
IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok
(Sesyon 1)
Writer
LEONY S. AGUILAR, PhD
T-III CRAAHS

Cataloguers
LOURDES ELEANOR M. MIRANDA JACKIELYN S. CABANGAL, RL
Project Development Officer II Librarian II

Division Quality Assurance Team Members


MENIA S. ALVIDERA
EPS I- Edukasyon sa Pagpapakatao

JOCELYN D. SUNSONA, PhD MARILOU C. LOYOLA


Public Schools District Supervisor Public Schools District Supervisor

Recommended for the use of the Schools Division

MARVIC S. MARTIREZ, PhD FERDINAND S. SY, PhD, CESO VI


Chief-Curriculum Implementation Division Assistant Schools Division Superintendent

Approved for the use of the Schools Division


FELICIANO C. BUENAFE JR, CESO VI
Assistant Schools Division Superintendent
Officer In-Charge
Office of the Schools Division Superintendent
CONTEXTUALIZED
TEACHER RESOURCE IN
Edukasyon sa
Pagpapakatao 9

Leony S. Aguilar, PhD


Writer
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF ROXAS CITY

BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

I. Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng kasipagan


sa paggawa.

B. Pamantayan sa Pagganap:

Nakagagawa ang mga mag-aaral ng mga hakbang upang mapanatili ang


kasipagan sa pag-aaral o takdang gawain sa tahanan.

C. Mga Kasanayan Sa Pagkatuto:

Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa


paggawa, nagtitipid at pinapahalagahan ang naimpok. (EsP9KP-IIIa-11.1)

II. Nilalaman:

Paksa: Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong


Pamamahala sa Naimpok

III. Kagamitan Sa Pagtuturo:

A. Sanggunian:
1. Gabay sa Pagtuturo: 88 - 91
2. Kagamitan ng Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pahina 162-177
B. Karagdagang Gamit sa Pagtuturo: laptop, larawan, Gawain 1 hanggang
Gawain 6
IV. Pamamaraan

A. Pagbabalik-aral: Gawain 1

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin: Gawain 2

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin: Gawain 3

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan 1:


Tatalakayin ang pagpapalalim tungkol sa kasipagan
(EsP 9: pahina 169-172)

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan 2:


Tatalakayin ang pagpapalalim tungkol sa pagpupunyagi
(EsP 9: pahina 172 – 174)

F. Paglinang sa Kabihasnan:
Itatanong sa mga mag-aaral:
1. Ano ang kasipagan?
Sagot: Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin
ang isang gawain na mayroong kalidad. Ito ang tumutulong sa tao na
malinang o mapaunlad niya ang kanyang pagkatao at iba pang
mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensiya,
katapatan, integridad, disiplina, at kahusayan.

2. Ano ang kabaligtaran ng kasipagan?


Sagot: Ang kabaligtaran ng kasipagan ay katamaran. Ito ang pumipigil
o humahadlang sa tao upang siya ay magtagumpay.

3. Anu-ano ang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan?


Sagot: Ang mga palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay:
(a) nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa; (b) ginagawa ang
gawain nang may pagmamahal; at (c) hindi umiiwas sa anumang
gawain.

4. Ano ang pagpupunyagi?


Sagot: Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maabot o makukuha ang
iyong layunin at mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga,
pagtitiis, kasipagan, at determinasyon.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang Araw-araw na Buhay: Gawain 4

H. Paglalahat ng Aralin:

Itatanong sa mga mag-aaral:


1. Ano ang indikasyon ng taong nagtataglay ng kasipagan at
pagpupunyagi?
Sagot: Ang taong masipag ay nagbibigay ng buong kakayahan sa
paggawa; ginagawa ang gawain nang may pagmamahal; at hindi
umiiwas sa anumang gawain. Ang taong may pagpupunyagi may
pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan, at determinasyon.
2. Paano makatutulong sa tao ang mga katangian na ito lalo na pagdating
sa trabaho?
Sagot: Ang kasipagan at pagpupunyagi ay makatutulong sa tao lalo na
sa pagdating sa trabaho sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
tagumpay, tiwala sa sarili at integridad.

I. Pagtataya ng Aralin: Gawain 5

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-aralin at Remediation:


Gawain 6

V. Mga Tala:

VI. Pagninilay:

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng ng 80% sa pagtataya:


___________
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation: ___________
C. Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin:
___________
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation:
___________
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos:
___________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng
aking punong guroat superbisor? ___________
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro? ___________
GAWAIN 1
Pagtutukoy sa Larawan

Panuto: Punan ang kahon nang angkop na mga letra at sagutan ang mga tanong.
A.

Tanong: Bakit nagpapakita ng kasipagan ang larawan?


Sagot: Ang lolo ay nagtatanim sa kabila na siya ay matanda na.

B.

P
Tanong: Bakit nagpapakita ng pagpupunyagi ang larawan?
Sagot: Ang atleta ay nagpapakita ng determinasyon sa kanyang ginagawa.
C.

GAWAIN 2

√ X

Tanong: Bakit nagpapakita ng pagtitipid ang larawan?


Sagot: Ang larawan ay nagpapakita ng pagtitipid dahil may tsek ang nakasarang
pitaka at may ekis naman ang kinukuhanan ng pera na pitaka.

D.

P -
Tanong: Bakit nagpapakita ng pag-iimpok ang larawan?
Sagot: Ang larawan ay nagpapakita ng passbook na ibig sabihin ang nagmamay-ari
nito ay may perang naitago o naimpok sa banko.
GAWAIN 2
Pagkilala sa Sarili

Panuto: Tingnan ang tsart sa ibaba. Lagyan ng tsek (√) ang kolum ng naipamalas
kung ito ay iyong naisasabuhay at ekis (X) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa EsP
dyornal.

Sitwasyon Naipamalas Hindi Naipamalas


1. Hindi na kailangan pang utusan pagdating sa
mga gawain dahil mayroong pagkukusa.
2.Tinitiis ang mga pagdurusa makamit lamang
ang hangarin.
3. Sinisiguradong magiging maayos ang
kalalabasan ng gawain.
4. Kahit na nahihirapan ay tinitiis lamang basta
matapos ang gawain.
5. Nagbabaon na lang imbis na bumili sa kantina.
6. Nilalakad nalang imbis sumakay ng
tricykel kung malapit lang naman ang
pupuntahan,
7. Ibinibigay ang buong kakayahan, lakas, at
panahon sa gawain ng buong husay.
8. Patuloy na hinuhusayan ang gawain
kahit na ilang beses na nagkamali.
9. May pagmamalasakit sa gawain.
10.Hindi sumusuko hanggat hindi pa
natatapos ang gawain.
11.Gumagamit ng baso kung nag
totoothbrush.
12.May oras sa paggamit ng gadgeyts
gaya ng cellphone, television, at computer.
13.Hindi umiiwas sa gawain kahit na
nahihirapan.
14.Tinitiis ang hirap matapos lamang ang
gawain.
15.Ginagamit ang electric fan o aircon
kung kinakailangan lamang.

Ang mga sitwasyon sa bilang 1,3,7, 9, at 13 ay nagpapakita ng kasipagan.


Ang mga sitwasyon sa bilang 2,4,8, 10, at 14 ay nagpapakita ng pagpupunyagi.
Ang mga sitwasyon sa bilang 5,6, 11, 12, at 15 ay nagpapakita ng pagtitipid.

Ang nakakuha ng 4-5 na tsek ang mag-aaral sa bawat na igrupong sitwasyon, siya
ay nagtataglay na ng nasabing katangian.
Kung 3 na tsek, nasa sa kanya na ang katangian pero kailangan pa na linangin.
At kung 1-2 kailangan pa niya ng ibayong pagsisikap upang taglayin ang nasabing
katangian.
GAWAIN 3
Pagbabasa ng isang maikling kuwento tungkol sa batang masipag at may
pagpupunyagi.

Si RL
Isinulat Ni: Leony S. Aguilar, Ph.D.

Araw ng Lunes, maagang gumising si RL para makapag ehersisyo at


makapaghanda para sa pagpasok sa paaralan. Alas singko ng umaga, “ Ma, Ma,
aalis na ako. Mag jo- jogging ako sa Villareal Stadium” ang paalam niya sa kanyang
ina.

Pag-alis ni RL ay bumangon na rin ang kaniyang ina upang magluto para sa


almusal at pati na rin sa tanghalian na babaunin ng anak. Habang nagluluto,
napansin ng ina na naligpit na ni RL ang kanyang higaan at handa na ang bag ng
anak na dadalhin sa paaralan pati na rin ang bag na sinisidlan ng mga kagamitan sa
isport na taekwondo.

Paglipas ng isang oras, dumating na si RL “Ma, magandang umaga po.”


sabay mano sa ina. Pagkatapos magmano, dali-daling naligo si RL, nagbihis, nag-
almusal, nagligpit at naghugas ng pinagkainan at pumasok na sa paaralan.

Sa may gate ng paaralan, “Magandang umaga, Pet!, halika, sabay na tayo


papunta sa quadrangle. Tamang tama ang dating natin para sa flag ceremony.” ang
bati ni RL sa kaniyang kamag-aral. “Magandang umaga din Pards! Oo nga tamang
tama ang dating natin. Kamusta, nagawa mo ba ang takdang aralin sa Calculus?”
tanong ng kamag-aral. “Aba, oo natapos ko na kagabi bago matulog.” sagot ni RL.

Mula alas 7 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon, nasa paaralan si RL para


sa pag-aaral. Mula sa paaralan, sinusundo niya ang kanyang nanay sa
pinagtatrabahuan nito at sabay na sila sa pag-uwi sa bahay. Imbis na magliliwaliw o
magpapahinga sa bahay, si RL ay pumupunta pa sa Villareal Stadium upang
magsanay sa taekwondo. Kahit na siya ay pagod na o nahihirapan, tinitiis niya ang
pagod at pilit niyang binabalanse ang oras sa pag-aaral at pagiging atleta.

Mga Tanong:
1. Sino ang bida sa ating kuwento?
Sagot: Si RL, isang mag-aaral at atleta ng taekwondo.
2. Anu-ano ang kaniyang katangian?
Sagot: Siya ay masipag at may pagpupunyagi
3. Ano ang indikasyon na siya ay masipag?
Sagot: Inaayos niya ang kaniyang higaan at mga kagamitan.
Nagliligpit at naghuhugas siya ng pinagkainan.
Ginagawa niya ang kaniyang takdang-aralin.
4. Ano ang indikasyon na siya ay may pagpupunyagi?
Sagot: Gumigising nang umaga para sa pag-eehersisyo.
Tinitiis ang pagod at hirap.
Binabalanse ang oras para magtagumpay sa pag-aaral at sa
isports.
5. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa tao kung patuloy niyang
pagsikapan na linangin ang kasipagan at pagpupunyagi? Bakit?
Ipaliwanag.
Sagot: Magiging matagumpay siya sa kanyang mga ginagawa dahil
kapag masipag ang tao nagsusumikap siya na tapusin ito ng
may kalidad ang kanyang ginagawa. Kapag may pagpupunyagi
ang isang tao, siya ay nagtitiyaga, nagtitiis, at nagkakaroon ng
determinasyon upang makamit ang layunin sa buhay.
GAWAIN 4
Tsart ng mga Gawain Ko

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa unang kolum, isulat ang nais mong gawin; sa
ikalawang kolum, isulat ang araw at oras kung kalian mo gagawin; at sa ikatlong
kolum ay isulat ang puna kung ito ay naisagawa o hindi naisagawa.

Mga Gawain Araw at Oras Puna


1 Halimbawa: Paggawa Lunes, 7 p.m. Naisagawa
ng takdang aralin sa
EsP
2. Pagligpit ng Araw-araw pagkatapos ng Naisagawa
pinagkainan sa hapunan
hapunan.
3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.
GAWAIN 5
Halo-Halong Talento

Aalamin ang pang-unawa, kaalaman, at kakayahan ng mga mag-aaral. Ipapangkat


ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay maaaring mag-role-play,
gumawa ng awit, jingle, tula, o hugot lines na nagpapakita ng indikasyon o katangian na
tinalakay sa aralin. Maaaring ang unang grupo ay sa indikasyon ng kasipagan, ang
ikalawang grupo ay sa indikasyon ng pagpupunyagi, ang ikatatlo ay sa indikasyon ng
pagtitipid, at ang ika-apat ay ang indikasyon sa pag-iimpok.

Rubrics sa pagtataya:
Nagpapakita ng indikasyon ng katangian na
itinalaga sa pangkat 50%
Angkop, wasto, at mabisang pagpapahayag ng mensahe 20%
Pagkakaisa at partisipasyon ng mga kasapi 30%
Pangkalahatan 100%
GAWAIN 6
Huli Cam

Panuto: Gumawa ng obserbasyon sa iyong tahanan, paaralan, o komunidad.


Kumuha ng litrato o larawan ng isang tao o mga taong nagtataglay ng kasipagan at
pagpupunyagi.Ipaliwanag kung bakit nagtataglay ito ng mga nabanggit na katangian.
Halimbawa:

Ang larawan ay pag-aari ni: LEONY S. AGUILAR, Ph.D.

Ang larawan ay kinuha ng magkaroon ng gawain ang Edukasyon sa


Pagpapakatao. Ang gawain ay pagbigay ng donasyon sa Home for the Aged.
Ipinapakita dito na ang guro at mga mag-aaral ay masipag na nag-iimbak ng mga
dadalhin nila sa at sinisigurado nila na maayos ang kanilang mga dadalhin.
Nagpapakita din ng pagpupunyagi dahil sa kabila ng hirap sa buhay ay determinado
pa rin sila na makapagbigay ng donasyon sa mga nangangailangan gaya ng mga
matatanda sa Home for the Aged.

Ikaw Naman:

You might also like