You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapakatao

Hannah L. Escabillas 10 – Einstein

1. D, A
2. G
3. C
4. B, F
5. E

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


1. Maraming kabutihan ang dulot ng globalisasyon at ang unang magandang epekto nito ay maraming
pagbabago sa industriya, dahilan ng patuloy na pag-unlad ng bansa. Nagkakaroon ito ng maraming
oportunidad para makahanap ng trabaho. Maraming ding natutuklasan na mga produkto kaya marami ring
pagpipilian ang mga tao.

2. Isa sa mga pagpapahalaga na dapat nating taglayin ay ang kaugnayan at kaalaman natin. Maraming
katangian at pagbabago ang hinihingi ng kasalukuyang panahon kung kaya’t kailangan nating matutong
buksan ang ating isipan para rito.

3. Sa palagay ko, mayroong epekto ang globalisasyon sa moralidad.

MGA PROBLEMA SANG-AYON HINDI SANG-AYON

1. Opo, unang pumasok sa isipan ni Nestor Sulpico ang itago na lamang ang alahas para sa kanyang sarili
sapagkat naisip niya kung paano uunlad at mababago ng kanyang buhay ang mga itim na perlas na
nagkakahalaga ng milyon-milyon.
2. Nagpasiya si Sulpico sa huli na isauli ang mga natagpuang perlas dahil naisip at naniniwala siyang ang
pagiging matapat ang pinakamahalagang birtud na siyang magsisilbing pundasyon ng lahat ng iba pang
birtud.

3. May mga iilang tao talagang nananatiling mabuti at matapat kaya nagagawa nilang isakripisyo ang
pangangailangan sa pera. Sila ay likas na mabubuti ang kalooban at maprinsipyo kung kaya’t inuuna nila
ang kapakanan ng ibang tao kaysa maging makasarili at ganid.

A. Magbigay ng mga dahilan para sa pag-aatang ng mga pananagutan sa kanila.


1) Lalaki (Biktima)
Ayon sa nabasang artikulo, ang lalaking biktima ay isang trabahador sa pabrika na may sakit sa
pag-iisip. Hindi dapat pinabayaan ang biktima sapagkat batid naman pala ng magulang ni Maqsood na siya
ay may kondisyon sa isip. Dapat binibigyan ng kalinga at atensyon ang mga taong tulad ni Maqsood.

2) Mga Tangapangalaga ng Parke ng Mga Hayop:


Kinakailangang mayroong tagabantay na palaging nakaantabay sa mga parke, lalo na sa
mababangis na hayop sapagkat obligasyon nila na siguraduhin ang kaligtasan at kaayusan ng mga turista.

3) Mga Manonood/Nanonood:
Bilang isang panauhin, kailangan tayong sumunod sa mga babala na mga tagapangalaga ng mga
parke upang makaiwas tayo sa mga hindi inaasahang disgrasya. Ang trahedyang nangyari sa New Delhi
Zoo ay isang kalunos-lunos na pangyayari sapagkat maraming turista ang nakasaksi at sumubok na
tumulong sa kaawa-awang biktima.

B. Magbigay ng puna sa mahahalagang pahayag na ginawa kaugnay sa trahedya:


1) Ako’y sumasang-ayon sa sinabi ni Belinda Wright na ang tigre ay nagpaka-tigre lamang sapagkat ito ay
isang normal na “animal instinct” na hindi maiiwasan lalo na sa mga mababangis na hayop. Bagamat
kalunos-lunos ang sinapit ng biktima, wala nang magagawa ang mga tao dahil ito ay isang mabilis na
pangyayari; kung ano man ang nagawa ng tigre ay natural lamang itong reaksyon niyon.

2) Isang malaking pagkakamali ang nagawa ng manedyer na si Riaz Khan. Ang mga tagapangalaga ng
parke ay dapat alerto at laging handa para sa mga ganitong klaseng aksidente. Isa nila iyong kasalanan
pagkat kinulang sila sa paghahanda kung sakaling mayroong trahedyang mangyayari. Obligasyon nilang
bantayan at siguraduhin ang kaligtasan ng kanilang mga panauhin sa lahat ng oras.

You might also like