You are on page 1of 78

MAPEH

3 Unang Markahan

LEARNER’S MATERIAL
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,


ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang


maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at


gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies
(MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga
kasanayan ay maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at
iba pang karagdagang kagamitan tulad ng worksheets/activity sheets na
ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran ng
Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid
kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

CLMD CALABARZON

PIVOT 4A CALABARZON
Music
Ikatlong Baitang

Regional Office Management and Development Team: Job S. Zape Jr., Elaine T. Balaogan,
Romyr L. Lazo, Lhovie A. Cauilan at Ephraim Gibas

Schools Division Office Development Team: Imelda C. Reymundo, Generosa F. Zubieta,


Ryan Chester Manzanares, Sherwin C. Quesea, Jeewel L. Cabriga, Leslie G. Cabrera

Music Ikatlong Baitang


PIVOT IV-A Learner’s Material
Unang Markahan
Unang Edisyon, 2020

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes
Gabay sa Paggamit ng PIVOT Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy

Ang Modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga


mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
MAPEH. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naayon sa
mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa ng
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa mga sumusunod na aralin.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
3. Maging tapat at may integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o
sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi
ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka


ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi sa MELC. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON
Mga Bahagi ng PIVOT Modyul

Bahagi ng LM Nilalaman
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
outcome ng pagkatuto para sa araw o lingo, layunin ng
Panimula

Alamin aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan
Suriin para sa aralin.
Ang bahaging ito ay naghahanap ng mga aktibidad,
gawain, nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
Pagpapaunlad

Subukin
mag-aaral, karamihan sa mga gawain ay umiinog
lamang sa mga konseptong magpapaunlad at
Tuklasin
magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC lalo na ang
bahaging ito ay nagbibigay ng oras para makita ng
Pagyamanin mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa
ang gusto niyang malaman at matutuhan.
Ang bahaging ito ay may iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kailangang Knowledge
Skills and Attitude (KSA). Pinahihintulutan ng guro ang mga
Isagawa mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at
Pakikipagpalihan

oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga KSA upang


makahulugang mapag-ugnay-ugnay ang kanilang mga
natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa D. Inilalantad
ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/
Linangin gawain ng buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes
upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya
Iangkop ang kanilang pagganap o lumikha ng isang produkto o
gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga

Ang bahaging ito ay nagtuturo sa mag-aaral ng proseso


na maipakikita nila ang mga ideya, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga at makalikha ng mga
Paglalapat

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kanilang


kaalaman sa pagbibigay ng repleksiyon, pag-uugnay o
paggamit nang epektibong nito sa alinmang sitwasyon o
konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mga
Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal
na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong pagsamahin
ang mga bago at lumang natutuhan.

PIVOT 4A CALABARZON
WEEKS
Ritmo: Ang Pulso ng Musika
Aralin
1-2
I
Ano ang mga pamamaraan upang madama mo ang pulso
ng iyong puso? Subukang damhin ang iyong pulso sa pamamagitan
ng paghawak sa leeg o sa kaliwang parte ng dibdib.
Nagbabago-bago ba ang bilis at bagal ng iyong pulso?
Ano kaya ang mangyayari kung pabago-bago ang bilis o
bagal ng inyong pulso?
Ang beat sa musika ay ang pulso na nadarama natin sa
musika. Ang tawag sa beat na hindi nagbabago-bago ng bilis at
bagal ay steady beat.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tingnan at unawain ang dalawang


larawan. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.

1. Ano ang nakikita mo sa larawan A? __________


2. Ano ang nakikita mo sa larawan B? __________
3. Gamit ang analog na orasan, pakiramdaman ang pulso o tunog
ng bawat galaw ng kamay pang-segundo.
4. Humawak sa dibdib o sa pulso ng iyong kamay, pakiramdaman
ang pulso o tibok ng iyong puso.

PIVOT 4A CALABARZON

6
D
Ang Musika ay binubuo ng mga elemento. Isa sa mga
elementong ito ay ang rhythm o ritmo. Ang ritmo ay tumutukoy sa
haba o tagal ng tunog o pahinga na may sinusunod na sukat o
kumpas.

Ang simbolo na quarter note ( ) ay nagpapahiwatig ng pulso ng


tunog. Maari itong iparamdam o maramdaman sa pamamagitan ng
iba’t-ibang kilos tulad ng pagpalakpak, pagtapik, pagpadyak, at
marami pa.
Ang simbolo na quarter rest ( ) ay nagpapakita ng pahinga o
katahimikan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawain ang mga ta-


nong. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at isulat ang sagot
sa sagutang papel.

ritmo pagpalakpak orasan

________1. Ito ang simbolo para sa quarter note.


________2. Ito ang simbolo para sa quarter rest.
________3. Pinakasimpleng pamamaraan upang maipadama
ang pulso at ritmo.
________4. Tumutukoy sa haba o tagal ng tunog o pahinga
na may sinusunod na sukat o kumpas.
________5. Ito ay isang kagamitan na may regular
na pulso.

PIVOT 4A CALABARZON

7
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Kumilos ayon sa rhythmic pattern
na nakalagay sa ibaba. Pumalakpak o pumadyak kapag nakita
ang simbolong ito ( ) quarter note, at katahimikan o walang
pagsasagawa at pagkilos kung makikita ang simbolong ito ( )
quarter rest.

PIVOT 4A CALABARZON

8
A Isaisip
Gawain Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang mga tanong.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno o papel.

1. Alin sa mga sumusunod na simbolo ang nagpapahiwatig ng


pulso ng tunog?
a. b. c. d.
2. Alin sa mga sumusunod na simbolo ang nagpapahiwatig ng
pahinga o katahimikan?
a. b. c. d.
3. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang hindi
nagpapahiwatig o nagpaparamdam ng pulso ng tunog.
a. pagpalakpak
b. pagpadyak
c. pagtapik
d. pagtitig

4. Alin sa mga sumusunod na bagay ang may


regular na pulso ng tunog?
a. ugong ng tricycle
b. sigawan ng mga bata sa labas
c. tunog ng analog na orasan
d. ugong ng jeep

5. Ito ay ang elemento ng musika na tumutukoy sa haba o tagal ng


tunog o pahinga na may sinusunod na sukat o kumpas.
a. melodiy b. ritmo c. harmony d. dynamics

PIVOT 4A CALABARZON

9
Ang Sukat na Dalawahan, Tatluhan, at Apatan WEEKS
Aralin 3-4
I
Ang pag-awit, pagkilos, at pagtugtog ay magkakaugnay na
gawain. Maaari tayong magsagawa ng simpleng pagkilos sa saliw
ng awitin batay sa bilang ng beats na napapaloob sa isang sukat
ng awit.
Maaaring magmartsa, mag-balse, o regular na paglakad ang
isagawa sa saliw ng isang awit.
Sa araling ito, pagtutuunan ng pansin ang mga awit at
rhythmic patterns na may dalawahan, tatluhan, at apatang sukat.
Paano mo malalaman na ang isang awit o isang rhythmic
pattern ay nasa dalawahan, tatluhan, at apatang sukat?

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Suriin ang mga nasa larawan. Sagutin


ang mga tanong sa iyong kuwaderno.

1. Anu-ano ang mga uri ng hayop ang makikita sa mga larawan?


__________
2. Sa paanong paraan ipinangkat ang mga hayop? __________
3. Anu-anong mga hayop ang ipinangkat sa dalawahan?
Tatluhan? Apatan? ___________
PIVOT 4A CALABARZON

10
D Tuklasin

Paano malalaman na ang sukat ay dalawahan, tatluhan, o


apatan?

 Masasabi natin na ang sukat ay dalawahan kung may


dalawang kumpas sa isang sukat o measure.

1 2 1 2

 Masasabi natin na ang sukat ay tatluhan kung may tatlong


kumpas sa isang sukat o measure.

1 2 3 1 2 3

 Masasabi natin na ang sukat ay apatan kung may apat na


kumpas sa isang sukat o measure.

1 2 3 4 1 2 3 4

 Ang isang stick sa stick notation ay katumbas ng isang


bilang sa sukat na dalawahan, tatluhan, at apatan.
 Ang isang stick ( ) sa stick notation ay katumbas ng isang
quarter note ( ) o isang quarter rest ( ) na
pare-parehong tumatanggap ng isang sukat.

PIVOT 4A CALABARZON

11
D
Gawain Pagkatuto Bilang 2: Igrupo ang labing-dalawang quarter
notes na nasa kahon ayon sa bilang na ibinigay. Igrupo ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng bilog. Gawin ito sa inyong
kwarderno o sa isang buong papel.

DALAWAHAN

TATLUHAN

APATAN

PIVOT 4A CALABARZON

12
E
Dagdagan ng quarter note
Gawain Pagkatuto Bilang 3:
( ) o quarter rest ( ) sa ilalim ang ang bawat
sukat ayon sa bilang na hinihingi. Gawin ito sa
kuwaderno o sa isang buong papel.

A
Gawain Pagkatuto Bilang 4: Bumuo ng rhythmic pattern gamit ang quar-
ter note at rest ayon sa sukat na ibinigay gamit ang quarter note at
eighth note. Gawin ito sa kwaderno o sa isang buong papel.

A. Dalawahan

B. Tatluhan

C. Apatan

PIVOT 4A CALABARZON

13
WEEKS
Rhythmic Ostinato
5-6
Aralin
I Alamin
Tumingin at magmatyag sa inyong paligid. Gamit ang mga
kagamitan na nasa paligid, makakalikha tayo ng mga tunog at
makakabuo ng mga pansaliw sa isang awit.
Sa araling ito, ikaw ay magbubuo ng simpleng rhythmic ostinato
na gagamitin mong pangsaliw sa isang awitin.
Isang kawili-wiling gawain ang paglikha ng payak na ostinato
patterns. Sa araling ito ay magkakaroon ka ng higit na kaalaman at
bagong karanasan sa musika sa paglikha ng mga rhythmic patterns
gamit ang mga kagamitan na maaring gamitin na instrumenting
pang-ritmo at pagpapatunog ng iba’t ibang bahagi ng katawan.

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Suriing mabuti ang music score na Twinkle,


Twinkle, Little Star. Kung mapapansin mo mayroon itong dalawang
staff ang unang staff ay may nakasulat na AWITIN at ang ikalawang
staff at may nakasulat na ITAPIK.

PIVOT 4A CALABARZON

14
D
Ang rhythmic ostinato ay paulit-ulit na rhythmic pattern na
ginagamit na pansaliw sa awit. Maaari itong tugtugin gamit ang
instrumentong pangritmo at iba pang maaaring panggalingan
ng mga tunog.

Gawain Pagkatuto Bilang 2: Magmasid sa inyong paligid at kumuha


ng kagamitan na maaring gawing instrumentong pang-ritmiko.
Halimbawa ng mga ito ay: kutsara’t tinidor, dalawang piraso ng
stick, mga lumang bote, lumang lata, at iba pa. Gamitin ang
improvised musical instruments na pangsaliw sa awit na Twinkle,
Twinkle, Little Star gamit ang rhythmic ostinato pattern na ito.

4’s

Uulitin mo ang rhythmic pattern hanggang hindi natatapos


ang awitin na iyong sinasabayan.

PIVOT 4A CALABARZON

15
E
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Isagawa ang mga sumusunod na
rhythmic ostinato sa sukat na dalawahan, tatluhan, at apatan sa
pamamagitan ng pagtapik, pagpalakpak, pagpadyak, o paggamit
ng improvised na instrumentong pang ritmiko. Gawin ito ng
paulit-ulit bilang pagsunod sa isinasaad ng repeat sign.

Dalawahan

Tatluhan

Apatan

A
Gawain Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng rhythmic ostinato sa sukat
na dalawahan, tatluhan, at apatan. Gawin ito sa kuwaderno.

1. Dalawahan

2. Tatluhan

3. Apatan

PIVOT 4A CALABARZON

16
Makasaliw sa Ostinato WEEKS
Aralin
I
7-8

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang malaman ang


kahulugan ng ostinato, makasaliw sa ostinato sa pamamagitan ng
pagpalakpak, magpakita ng sigla sa pagsunod ng palakpak sa
rhythmic pattern.

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang chant patungkol sa tuta.


Sabayan ang pagbasa ng pagtapik sa mesa ng rhythmic pattern nito.

Ang a - king tu - ta ay ma - ta - ba

Bun - tot ay ma - ha - ba ma - a - mo ang muk-ha


Tanong A
1. Ano ang iyong napansin sa rhythmic pattern na tungkol sa tuta?

2. Nauulit ba ang rhythmic pattern?


Pag-aralan ang chant ng awit na “Mang Kiko”.

Mang Ki, Mang Ki Mang Ki - ko

Pu -pun -ta pu - pun - ta sa Quia - po

Bi - bi - li, bi - bi - li ng pa - ko

Ga -ga - wa ga - ga - wa ng bang - ko.


Tanong B
1. Ano naman ang napansin mo sa rhythmic pattern ng “ Mang Kiko”?
2. Nauulit ba ang rhythmic pattern?

PIVOT 4A CALABARZON

17
D

Ang paulit—ulit na rhythmic patterns na ginagamit na pansaliw


sa mga awit ay tinatawag na rhythmic ostinato. Kalimitan ay tinutug-
tog ito gamit ang mga instrumentong panritmo tulad ng drums, wood
blocks, castanets, triangles at rhythmic sticks.
May mga awit na nasasaliwan ng ostinato gaya ng Leron, Leron
Sinta, Mga Alaga Kong Hayop at See Saw.

Awitin ang “ Leron Leron Sinta “. Pansinin ang rhythmic pattern ng


katutubong awit na ito.

“ Leron Leron Sinta “

Le - ron le - ron sin - ta bu - ko ng pa - pa - ya

Da - la da - la’y bus - lo si - sid - lan ng bu - nga

Pag - da - ting sa du - lo’y Na - ba - li ang sa - nga

Ka - pus ka - pa - la - ran Hu - ma-nap ng i - ba

Mapapansin na may pag - uulit ng rhythmic pattern ang awiting


Leron Leron sinta.

PIVOT 4A CALABARZON

18
Ito ang rhythmic pattern o hulwaran na nagpaulit—ulit sa awit
na “ Leron Leron Sinta “.

Le - ron le - ron sin - ta

Bu - ko ng pa - pa - ya

Pumalakpak ayon sa hulwarang nasa ibaba.

: :
Ano ang iyong napansin sa hulwaran ng Leron Leron Sinta at ng nasa
itaas?

Mayroong ganitong simbolo sa simula at pagkatapos ng


hulwaran. Ang tawag dito ay repeat mark na nangangahulugang
uulitin ang hulwaran. Ginaaamit ang simbolo na ito upang ipahi-
watig ang pag - uulit ng saliw sa awit.

Ang ostinato ay paulit—ulit na rhythmic patterns na ginagamit


na pansaliw sa awit kaya nararapat na lagyan ng repeat mark ang
hulwaran.

PIVOT 4A CALABARZON

19
Gawain Pagkatuto Bilang 2: Awitin ang kantang “ Tong, Tong, Tong”.
Saliwan ng ostinato sa pamamagitan ng pagpadyak.

Tong Tong Tong

: :
Tong, tong, tong, tong,
Pakitong - kitong sa dagat
Malaki at masarap
Mahirap hulihin
Sapagkat nangangagat.

Magaling! Ang sayang pumadyak habang umaawit.

Gawain Pagkatuto Bilang 3: Maari ring saliwan ang awit na “ Tong


Tong Tong ‘ sa hulwarang nasa ibaba. Gawin mo naman ito sa
pamamagitan ng pagtapik sa mesa.

Gawin mo
: :

PIVOT 4A CALABARZON

20
E

Gawain Pagkatuto Bilang 4: Awitin ang “ Bahay Kubo “.

Gawain Pagkatuto Bilang 5: Sundin ang hulwarang nasa ibaba sa


pamamagitan ng paggamit ng dalawang kutsara.

: :

Gawain Pagkatuto Bilang 6: Awitin ang Bahay Kubo na may saliw


ng ostinato pattern na nasa Gawain 2 gamit ang dalawang
kutsara.

Gawain Pagkatuto Bilang 7: Awitin ang “ Bahay Kubo” sa saliw ng


hulwarang nasa ibaba sa pamamagitan naman ng pagtambol sa
palanggana.

: :

PIVOT 4A CALABARZON

21
A
Gawain Pagkatuto Bilang 8: Isagawa ang mga rhythmic pattern o
hulwaran sa pamamagitan ng pagpadyak. Isulat ang O kung may
ostinato at WO kung Walang Ostinato.

______1. : :

______ 2. : :

______ 3.

______ 4. : :

______ 5. :

PIVOT 4A CALABARZON

22
Sanggunian

MAPEH in Action – 3 pahina 1-6


Hornilla, Violeta E. et al. (2009). Musika, Sining, at
Edukasyong Pangkatawan 3.

MAPEH in Action – 3 pahina 1-6


Hornilla, Violeta E. et al (2009). Musika, Sining, at
Edukasyong Pangkatawan 3.

MAPEH in Action – 3 pahina 25-35


Hornilla, Violeta E. et al (2009). Musika, Sining, at Edu-
kasyong Pangkatawan 3.
Music, Art, Physical Education and Health 3, Kagamitan
ng Mag - aaral sa Tagalog, Unang Edisyon( 2014 ).

PIVOT 4A CALABARZON

23
Arts
Ikatlong Baitang

Regional Office Management and Development Team: Job S. Zape Jr., Elaine T. Balaogan,
Romyr L. Lazo, Lhovie A. Cauilan at Ephraim Gibas

Schools Division Office Development Team: Sacoro R. Comia, Generiego O. Javier, Ma.
Cristina G. Capio, Jocelyn C. Garcia, Ma. Cristina G. Capio, Elena R. Magnaye, Rhea M.
Villaganas, Julieta C. Cueto, Aurea P. Ocon, Irene T. Gasco, Margelen F. Fampulme, Mary
Rose G. Herrera, Annalyn M. Flores,Benelyn C. Delos Reyes, Jael Faith S. Ledesma , May L.
Borjal, Jim Boy Anonuevo,April Claire Manlangit, Belinda C. Jarquio, Patrick James Peli-
cano , Wilfredo R. Fragata Jr. , April Claire P. Manlangit, Maylen N. Alzona

Arts Ikatlong Baitang


PIVOT IV-A Learner’s Material
Unang Markahan
Unang Edisyon, 2020

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes
Laki ng Tao sa Larawan WEEK
I Aralin
1

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang makaguguhit ka iba’t


ibang laki ng tao sa larawan, makaguhit ng larawan ng tao nang
malaki kung malapit at maliit kung malayo at makita at natutukoy
ang pagkakaiba-iba ng laki ng tao ayon sa distansiya ng tumitingin.

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Tumingin sa kapaligiran. Iguhit ito.


Dagdagan ng larawan ng mga tao na may iba’t ibang laki. Gawin
ito sa kuwaderno.

D
Sa pagguhit ng tao sa larawan nararapat na tandaan lamang
ang layo o lapit ng taong tumitingin.

Iginuguhit nang malaki ang larawan ng tao kapag ito ay


malapit sa tumitingin.

Iginuguhit nang maliit ang larawan ng tao ka pag ito ay ma-


layo sa sa tumitingin.

Gawain Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawain ang mga


pangungusap. Gawin ito sa kaderno.
1. Umisip at gumuhit ng isang lugar na malapit sa dagat na
pangisdaan.
2. Dagdagan ito ng larawan ng mga mangingisda at kanilang
mga bangka na may iba’t ibang laki ayon sa layo o distansiya
ng tumitingin.
3. Kulayan ang iyong iginuhit.

PIVOT 4A CALABARZON

25
E
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Punan nang wastong sagot ang
patlang. Piliin at isulat ang letra nang tamang sagot. Gawin ito sa
kuwaderno.

1. Ang larawan ng tao na malapit sa tumitingin ay iginuguhit


nang ______.
A. malaki B. maliit C. katamtaman
2. Iginuguhit nang maliit ang larawan ng tao kung ito ay ______.
A. malapit B. malayo C. katamtaman
3. Ang laki at liit ng larawan ng tao ay naayon sa __________ ng
tumitingin.
A. distansiya B. ideya C. kaalaman
4. Sa isang larawan, ang laki ng mga tao ay__________.
A. maliliit B. magkakapareho C. magkakaiba
5. Dapat na isaalang-alang ang _______ at _______
ng tao sa pagguhit ng larawan ayon sa distansiya.
A. Laki at liit B. lapad at nipis C. ganda at hugis

A
Gawain Pagkatuto Bilang 4: Humanap ng isang paborito mong lugar
malapit sa iyong tahanan. Iguhit ang mga bagay na makikita rito.
Iguhit nang malaki ang mga bagay na makikita sa harapan,
katamtaman ang laki ng nasa gitna, at iguhit ng maliit ang nasa
likurang bahagi upang maipakita ang balance sa larawan.

PIVOT 4A CALABARZON

26
Ilusyon ng Espasyo WEEK
Aralin 2
I
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maipakita ang
ilusyon ng espasyo sa pagguhit ng mga bagay at mga tao na
may iba’t ibang laki sukat, at posisyon.

Ang mga bagay sa isang dibuho ay nagiging mas


makatotohanan sa pamamagitan ng ilusyon ng espasyo.Ito ay
maaaring ipakita sa pamamagitan ng laki at posisyon ng mga
bagay.Ang kulay ng mga bagay na malapit sa tumitingin ng
larawan ay mas matingkad habang ang malalayo ay
mapusyaw.Mas kita ang detalye ng mga bagay na malapit sa
tumitingin kaysa sa mga malayo.
Tingnan ang larawan sa ibaba.

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Gumuhit ng isang pang-araw-araw na


gawain ng mga Pilipino. Ipakita ang ilusyon ng espasyo sa iyong
larawan. Iguhit ito sa loob ng kahon.

PIVOT 4A CALABARZON

27
D
Ang mga bagay sa iisang dibuho ay nagiging mas
makatotohanan sa pamamagitan ng ilusyon sa espasyo. Ito ay
maaaring ipakita sa pamamagitan ng laki at posisyon ng mga
bagay.
Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan upang
maging makahulugan ang isang likhang-sining. Sa pagguhit,
kailangang maiguhit nang malaki ang mga bagay na malapit sa
tumitingin at maliit naman kung ang mga ito ay malayo sa
tumitingin.

Gawain Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang tama kung wasto ang


isinasaad ng pangungusap at mali kung di-wasto. Gawin ito sa
kuwaderno.
_____1. Nagiging kaakit-akit ang isang disenyo sa pamamagitan ng
paggamit ng ilusyon ng espasyo.
_____2. Ang kulay ng mga bagay na malapit sa tumitingin ay
mapusyaw.
_____3. Ang kulay ng mga bagay na malayo sa tumitingin ay
matingkad.
_____4. Ang mga bagay sa dibuho na malapit sa tumitingin ay
malalaki at mas detalyado.
_____5. Ang mga maliliit ay nagmimistulang malayo sa tumitingin at
mas kaunti ang detalye.

PIVOT 4A CALABARZON

28
E
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Iguhit ang masayang mukha kung
wasto ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha
kung di wasto.
1. Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay paraan upang maging
makahulugan ang isang likhaing sining.
2. Sa pagguhit gamit ang ilusyon ng espasyo,kailangang maiguhit ng
malaki ang mga bagay na malapit sa tumitingin at maliit naman
kung ito ay malayo sa tumitingin.
3. Naipapakita ng ilusyon ng espasyo sa pagguhit ang ibat-ibang laki
o sukat ng mga bagay at tao.
4. Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan o teknik
upang ipakita ang layo o distansya,lalim at lawak ng isang likhang
sining.
5. Ang kulay ng mga bagay na malapit sa tumitingin ay mapusyaw
habang ang malayo ay matingkad.

A
Gawain Pagkatuto Bilang 4: Gumuhit ng isang dibuho o disenyo na
nagpapakita ng ilusyon ng espasyo ang pokus ay sa laki ng mga
bagay. Gamitin ang kahon sa ibaba. Gawin ito sa kuwaderno.

Malapit sa tumitingin Malayo sa tumitingin

PIVOT 4A CALABARZON

29
Teksturang Biswal WEEK
Aralin
I
3

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makaguguhit


ng isang likhang sining na ginamitan ng teksturang biswal at
makalilikha ng teksturang biswal gamit ang mga linya, tuldok at
kulay.

D
Ang still life drawing ay isang pamamaraan ng pagpapakita ng
pagiging malikhain sa pagguhit ng mga bagay na walang buhay.
Nakalilikha ang isang pintor ng teksturang biswal gamit ang cross
hatch lines at pointillism upang maging makatotohanan ang tekstura
ng kaniyang likhang sining.

Ang cross hatch lines ay tanda ng dalawa at higit pang


intersecting parallel lines. Ang pointillism naman ay ang paglalagay
ng maliliit na tuldok upang makabuo ng larawan.

Ang tekstura ay panlabas na katangian na isang bagay na


nahihipo o nadarama.Maaaring matigas,malambot, makinis o ma-
gaspang ang tekstura ng isang bagay.

Ang teksturang biswal ay mapapansin lamang sa


pamamagitan ng masusing pagtingin sa isang bagay. Hindi ito
nahihipo o nararamdaman.

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Iguhit ang teksturang biswal ng mga


sumsusunod na mga bagay.
1. papel de liha
2. langka
3. balahibo ng ibon
4. bulak
5. buhok

PIVOT 4A CALABARZON

30
E
Gawain Pagkatuto Bilang 2: Punan nang wastong sagot ang
patlang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Ang __________ay isang paraan ng pagpapakita ng pagiging
malikhain sa pagguhit ng mga bagay na walang buhay.
A. pointillism
B. Still life drawing
C.cross hatch lines

2. Ang _____________ ay tanda ng dalawa o higit pang


intersecting at parallel lines.
A. Pointillism
B. Drawing
C. Cross hatch lines

3. Ang paglalagay ng maliliit na tuldok upang makabuo ng


larawan ay tinatawag na ____________.
A. Tekstura
B. Pointillism
C. Cross hatch lines

A
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang unawain ang mga
pangungusap. Gawin ito sa kuwaderno.
Mga Kagamitan: lapis, colored pencil, bond paper
1. Ihanda ang mga kagamitan sa pagguhit.
2. Ayusin ang mga bagay na iguguhit (hal. Iba’t-ibang uri ng
prutas, mga bote, atbp.) sa tamang pagkakahanay upang
gawing modelo.
3. Gumamit ng lapis sa pagguhit.
4. Pumili kung ano ang teknik o pamamaraang gagamitin, cross
hatch lines o pointillism, para makita ang tekstura ng mga
bagay na iguguhit. Gumamit ng isang teknik lamang.
PIVOT 4A CALABARZON

31
Pagguhit ng Tanawin na Nagpapakita ng Balance WEEK
Aralin
I
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang makaguhit ka ng
harapang bahagi, gitnang bahagi, at likurang bahagi ng larawan,
maiguhit ang harapang bahagi ng larawan ng pinakamalaki,
katamtaman ang nasa gitna, at pinakamaliit ang nasa likurang
bahagi at matukoy ang mga bagay na makikita sa harapan, gitna
at hulihang bahagi ng larawan.

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Pagmasdang mabuti ang larawan.


Suriin kung ano-ano mga bagay na makikita sa harapan, gitna at
likurang bahagi ng larawan. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

PIVOT 4A CALABARZON

32
D
Ang balance ay naipakikita sa larawan sa pagkakaroon ng
harapan, gitnang bahagi, at likuran ng larawan.

Iginuguhit nang malaki ang larawan kapag ito ay makikita sa


unahan.
Iginuguhit nang maliit ang larawan kapag ito ay makikita sa
hulihan.

Gawain Pagkatuto Bilang 2: Punan nang wastong sagot ang


patlang . Piliin at isulat ang letra nang tamang sagot.

1. Ang mga bagay na nasa unahan at malapit sa tumitingin ay


iginuguhit ng ______.
A. Malaki B. Maliit C. Katamtaman
2. Ang mga bagay na nasa likuran at malayo sa tumitingin ay igi-
nuguhit ng ______.

A. Malaki B. Maliit C. Katamtaman

3. Ang ______ ay naipakikita sa larawan sa pagkakaroon ng hara-


pan, gitnang bahagi, at likuran ng larawan.

A. balance B. teksturang biswal C. pointillism


4. Iginuguhit nang maliit ang larawan kapag ito ay makikita sa
_______ bahagi ng larawan.

A. gitna B. likuran C. unahan


5. Ginuguhit nang malaki ang larawan kapag ito ay makikita sa
_______ bahagi ng larawan.
A. gitna B. likuran C. unahan

PIVOT 4A CALABARZON

33
E
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang mga
pangungusap. Gawin ito sa kuwaderno.
1. Isipin ang magandang tanawin sa inyong lugar na nais mong
iguhit.
2. Pag-isipan kung ano-ano ang mga bagay na dapat mong
isama sa iyong iguguhit.
3. Iguhit ang tanawin na nagpapakita ng harapan, gitna, at
likuran.
4. Iaayos ang mga bagay sa larawan upang maipakita ang
balance sa kaayusan ng larawan.

A
Gawain Pagkatuto Bilang 4: Sa iyong iginuhit na tanawin sa inyong
lugar, itala ang mga bagay na makikita sa sumusunod:

A. Harapan—

B. Gitna—

C. Likuran -

PIVOT 4A CALABARZON

34
Paglalarawan ng Pamumuhay ng mga Tao sa
WEEK
Isang Pamayanan
I Aralin
5

Pagkatapos ng araling ito ay inaasahang masabi ang mga


iba’t ibang hanapbuhay sa kanyang rehiyon o lugar at
mailarawan ang pamumuhay ng mga tao sa isang pamayanan

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Suriin ang mga larawan sa ibaba.


Mapapansin na ito ay ilan lamang sa hanapbuhay sa ating bansa.

PIVOT 4A CALABARZON

35
Paglililok

Pag-aanluwage/Pagka-karpentero

PIVOT 4A CALABARZON

36
D
Ang pagsasaka, pangingisda,paglililok, pagpipinta at
pag-aanluwage ay mga karaniwang hanapbuhay sa ating bansa
na dapat nating kilalanin at ipagmalaki.

Mailalarawan natin ang pamumuhay ng mga tao base sa uri


ng pamayanang kinabibilangan nila.Ang pamumuhay sa
komunidad ay nakasalalay sa uri ng kapaligiran. Iniuugnay ng mga
naninirahan ang uri ng hanapbuhay sa kanilang kapaligiran.Ito ang
pangunahing pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay.

Gawain Pagkatuto Bilang 2: Basahin nang mabuti ang mga


pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI
kung hindi wasto.

_____1. Naaangkop sa uri ng klima,kapaligiran at kultura ng isang


lugar ang hanapbuhay ng mga tao.

_____2.Ang pagsasaka, pangingisda,pagpipinta at paglililok ay ilan


lamang sa karaniwang hanapbuhay ng mga mamamayan
sa ating bansa.

_____3.Dapat kilalanin at ipagmalaki ang hanapbuhay ng isang


tao sapagkat ito ay malaking bahagi ng ikinabubuhay niya.

_____4.Magkakatulad ang hanapbuhay ng mga tao sa isang


pamayanan.

_____5.May kaugnayan ang paraan ng pamumuhay ng isang tao


sa kanyang uri ng hanapbuhay.

PIVOT 4A CALABARZON

37
E
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Paano namumuhay ang isang
pamilyang nakatira malapit sa dagat o kapatagan? Iguhit mo sa
kahon ang iyong sagot at ilarawan ito sa pamamagitan ng
pagsulat ng tatlong pangungusap tungkol dito. Gawin ito sa
kuwaderno.

______________________________________________________
______________________________________________________

A
Gawain Pagkatuto Bilang 4: Anong uri ng hanapbuhay ang iyong
gusto sa paglaki? Iguhit ito sa kahon at ilarawan ang iyong uri ng
pamumuhay ayon sa uri ng iyong hanapbuhay.

______________________________________________________
______________________________________________________

PIVOT 4A CALABARZON

38
WEEK
Uri ng Linya at ang Katangian Nito 6
Aralin

I
Pagkatapos ng araling, inaasahang matukoy mo ang
dalawang uri ng linya at katangian nito at makalikha ng disenyong
geometric sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang uri ng linya
ayon sa katangian nito.

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Suriin ang larawan sa ibaba.Mapapansin


na ito ay binubuo ng iba’t ibang uri ng linya. Mula sa simpleng hugis
na parihaba, tatsulok, bilog tuwid at pakurbang linya ay
makakabuo ng disenyong geometric.

PIVOT 4A CALABARZON

39
D
Ang linya ay isa sa pinakamahalagang sangkap ng isang
likhang sining. Ito ay nabubuo mula sa dalawang tuldok na
pinagkabit o pinag-ugnay. May dalawang uri ng linya: tuwid at
pakurba.Ang tuwid na linya ay maaaring pahiga, pataas, pahilis,
pa-zigzag at putol-putol.Ang pakurbang linya ay maaaring paalon-
alon at paikot. Ang isang linya ay maaaring makapal, manipis,
malawak at makitid.

Mga Tuwid na Linya

Pahiga Patayo

Putol- putol Pahilis

_____________

_____________

Pa-zigzag

Mga Linyang Pakurba

Paalon -alon Paikot

PIVOT 4A CALABARZON

40
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Gamit ang iba’t-ibang uri ng linya.
Lagyan ng dekorasyon ang mga bagay sa ibaba.

E
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang mga
pangungusap. Gawin ito sa kuwaderno.
Kagamitan: oslo paper, lapis, krayola,ruler, pang- kulay

Pamamaraan:

1. Ihanda ang mga gamit na kailangan para sa gawaing ito.

2. Umiisip ng disenyo na maaaring gawaing pambalot ng re-


galo.

3. Pagsama -samahin ang iba’t-ibang uri ng mga linya para sa


iyong disenyo.

4. Kulayan ang iyong ginawa para ito’y maging kaakit- akit.

5. Sikaping maging malinis at maayos ang iyong likhang sining.

PIVOT 4A CALABARZON

41
A
Gawain Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang mga
pangungusap. Gawin ito sa kuwaderno.
Mga Kagamitan: papel na may kulay, glue, pambalot ng regalo,
glitters, pangkulay, mga pananda
Pamamaraan:
1. Gumupit ng isang papel na may kulay na may sukat na 9.5 x 15
pulgada.
2. Pagdikitin ang dalawang dulong bahagi. (Humingi ng tulong sa
guro kung kinakailangan.)
3. Siguraduhing madikitan o malagyan ng glue ang gilid pababa.
4. Itupi ang ilalim na bahagi ng papel na may sukat na 2 pulgada
at muli itong itupi nang patusok.
5. Ituping muli ang dalawang gilid paloob upang l
lumikha ng isang akordiyon.
6. Dikitan ang ilalim na bahagi ng bag upang tumayo ito.
7. Gawin ang magkabilang hawakan.
8. Idikit ang ginawang pambalot ng regalo sa papel na bag.
9. Ayusin ang paggamit ng glue upang hindi masayang.
10. Lagyan ng dekorasyon ang bag na papel gamit ang glitters,
pangkulay at iba pang pananda.

PIVOT 4A CALABARZON

42
WEEK
Tekstura at Hugis
7
Aralin

I
Nilalayon ng araling ito na makaguhit ng halaman, bulaklak o
puno na nagpapakita ng iba’t ibang tekstura at hugis ng bawat
bahagi gamit ang lapis o itim na krayola o bolpen.

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Suriing mabuti ang sketch ng isang


bulaklak. Kulang ito sa detalye at kulay. Ang isang sketch ay
kadalasang simple ngunit maganda. Kung iyong pagmamasdang
mabuti, ang tekstura nito ay cross hatch lines.

PIVOT 4A CALABARZON

43
D
Ang mga linya at hugis ay ginagamit sa paggawa ng mga
sketches. Ang sketch ay hindi kongkretong likhang sining. Kulang ito
sa detalye at kulay. Ito ay nagsisilbing gabay ng isang pintor para
makabuo ng isang kongkretong likhang-sining.

Gawain Pagkatuto Bilang 2: Basahin nang mabuti ang mga


pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI
kung hindi wasto.
1. Ang mga linya at hugis ay ginagamit sa paggawa ng mga
sketches.
2. Ang sketching ay mabilis na pagtatalang mga bagay na iyong
nakikita sa paligid.
3. Ang sketch ay kongkretong likhang sining.

E
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Iguhit mo ang paboritong bulaklak ng
iyong nanay sa isang malinis na papel. Gamitin ang teksturang
pointillism. Ibigay mo ito sa kanya bilang pasasalamat.

A
Gawain Pagkatuto Bilang 4: Kasama ang iyong kapatid o kasama sa
bahay gumawa ng sketch ng bagay na makikita sa loob ng inyong
bahay.

PIVOT 4A CALABARZON

44
Pagguhit ng mga Makasaysayang WEEK
Bahay at Gusali 8

I Aralin

Ang araling ito ay naglalayon na mahubog ang kakayahang


makaguhit ng larawan ng makasaysayang bahay o gusali gamit
ang foreground, middle ground at background.

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Pagmasdang mabuti ang larawan.


Suriin at tukuyin kung ang larawan ay ginamitan ng foreground,
background o middle ground na pagguhit.

PIVOT 4A CALABARZON

45
D
Sa pagguhit, mahalaga ang ibat ibang uri ng linya at hugis
sa pagbuo ng makabuluhang larawan. Kailangan ding tandaan
ang paggamit ng foreground, middle ground, at background.
Ang foreground ay ang unahang bahagi ng larawan.
Malapit ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay dito
ay mukhang malaki. Ang background naman ay ang bahaging li-
kuran ng isang larawan. Ang middle ground ay makikita sa pagitan
ng foreground at background ng tanawin.

Gawain Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin kung foreground, middle


ground back ground ang ipinapakita sa larawan. Isulat ang sagot
sa isang papel.

PIVOT 4A CALABARZON

46
E
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Basahing mabuti ang bawat katanungan.
Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Saan ang makikita ang pagitan ng foreground
at background ng tanawin?
a. foreground b. background c. middle ground

2. Paano mo masasabi na nasa background ang


isang larawan?
a. Sapagkat ito ay nasa bahaging likuran ng isang larawan
b. Sapagkat ito ay ang unahang bahagi ng larawan.
c. Sapagkat ito ay makikita sa pagitan ng foreground
at background ng tanawin.
3. Kung ang nais mo ay malapit ito sa tumitingin at ang mga
bagay na nakalagay dito ay mukhang malaki anong pagguhit
ang iyong gagamitin?
a. middle ground b. foreground c. background
4. Bakit mahalaga ang paggamit ng foreground,
middleground at background sa pagguhit?
a. Upang makabuo ng makabuluhang larawan
b. Upang makita ang bahaging likuran ng larawan
c. Upang makita ang bahaging unahan ng larawan
5. Paano mo maipakikita na makabuluhan ang iyong iginuhit na
larawan?
a. Dapat ay gumamit ng iba’t- ibang hugis.
b. Dapat ay gumamit ng iba’t- ibang linya.
c. Dapat ay kailangang tandaan ang paggamit ng foreground,
middle ground at background.

A
Gawain Pagkatuto Bilang 4: Mag-isip ng isang makasaysayang
bahay o gusali sa inyong probinsiya o lugar. Gamitin ang napiling
makasaysayang bahay o gusali gamit ang iba’t – ibang uri ng linya
at hugis. Dagdagan ng kakaibang istraktura ang iyong disenyo.
Gumuhit ng mga bagay na gusto mong ilagay sa foreground,
middle ground at background.

PIVOT 4A CALABARZON

47
PE
Ikatlong Baitang

Regional Office Management and Development Team: Job S. Zape Jr., Elaine T. Balaogan,
Romyr L. Lazo, Lhovie A. Cauilan at Ephraim Gibas

Schools Division Office Development Team: Imelda C. Raymundo, Generosa F. Zubieta,


May Ester Rubio, Blanca C. Castillo, Maria Concepcion R. Cuadra, Sherwin C. Quesea,
Jeewel L. Cabriga, Elizalde L. Piol

PE Ikatlong Baitang
PIVOT IV-A Learner’s Material
Unang Markahan
Unang Edisyon, 2020

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes
Hugis at Kilos ng Katawan WEEKS
Aralin
I
1-2

Sa araling ito malalaman at matutukoy mo ang iba’t ibang


hugis, linya at kilos o galaw ng katawan. Gayundin, makagagawa
rin kayo ng iba’t ibang kilos at galaw.

Ang ating katawan ay makagagawa ng iba’t ibang hugis,


katulad ng tuwid, baluktot, at pilipit.
Makagagawa rin ito ng iba’t ibang kilos o galaw.
Sa ibaba ay makikita natin ang iba’t ibang larawan na
nagpapakita ng iba’t ibang kilos at hugis.

1 2 6 7

3 4

Ang unang larawan ay tinatawag na head twist o ang pagpihit


ng ulo. Nagagawa natin ang hugis na pilipit kapag isinasagawa natin
ang eherisyong ito.
Ang ikalawang larawan ay tinatawag na trunk twist. Nagagawa
natin ang hugis na pilipit at tuwid kapag isinasagawa natin ito.
Ang ikatlong larawan ay head bend. Nagagawa natin ang
hugis na pagbaluktot kapag isinasagawa natin ito.
Ang ikaapat na larawan ay tinatawag na shoulder circle. Nagagawa
natin ang hugis na tuwid, pilipit at pabilog kapag isinasagawa natin ito.
Ang ikalimang larawan ay pagpapaikot ng bukong-bukong ng paa.
Nagagawa natin ang hugis na pilipit at pabilog kapag isinasagawa natin
ito.

PIVOT 4A CALABARZON

49
Ang ikaanim na larawan ay ang pag-unat ng tuhod. Nagagawa natin
ang hugis na baluktot kapag isinasagawa natin ito.
Kapag nakagagawa tayo ng hugis gamit ang ating katawan,
nakagagawa din tayo ng iba’t ibang kilos.
Tinatawag na kilos lokomotor ang isang kilos kapag ito ay umaalis
sa lugar.
Tinatawag namang kilos di-lokomotor ang isang kilos kapag ito ay
hindi umaalis sa lugar.

D
Gawain Pagkatuto Bilang 1: Umawit nang may kasabay na galaw.
Gawin ang nakasaad sa awitin.
Simulan ang gawain ng buong sigla. Kung kaya’t ang katawan
ay ihanda na. Tayo’y mag-ehersisyo, ulo hanggang paa, isa, dalawa,
tatlo, tayo’y magumpisa. Dahan-dahang ang ulo ay iikot, Iikot da-
han dahan ang ulo mong bilog. Ang balikat iikot sa iyong harap bu-
milang ng hanggang walo ulit-ulitin nyo. Ang ating beywang iikot at
hawakan,iikot ng iikot nang ang katawan ay lumusog. Maglakad ka
gamit ang iyong paa, lumakad ng marahan kaliwa, at kanan. Tu-
makbo, tumakbo, tayo ay tumakbo. Tumalon, tumalon, tayo ay tu-
malon. Maglakad ka, gamit ang iyong paa, lumakad ng marahan
kaliwa at kanan. Ang kamay sa beywang ilagay, huminga tayo ng
sabay-sabay.

Isulat ang iyong mga kasagutan sa bawat tanong. Gawin ito sa


kuwaderno.
1. Ano-anong kilos ang ginawa mo habang umaawit? _________
2. Anong uri ng kilos ang umaalis sa tayo? _________
3. Anong uri ng kilos ang hindi umaalis sa tayo? ___________
4. Batay sa iyong ginawa, anu-anong hugis ang iyong nabuo gamit
ang iyong katawan? _____________

PIVOT 4A CALABARZON

50
E
Gawain Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang tamang sagot sa patlang.
Gawin ito sa kuwaderno.
1. Ang ____________________ ay isang uri ng ehersisyo kung saan ibi-
nabaling ang ulo pakanan, at bumabalik sa dating posisyon at
ibinabaling ang ulo pakaliwa at bumabalik uli sa posisyon.

2. Ito ay isang uri ng ehersisyo na ginagamit ang suporta ng kamay


sa pagtungo, pagtingala at pagpaling sa kanan at sa kaliwa. Ip-
inakikita nito ang hugis na pabaluktot. Anong ehersisyo ito?
___________________

3. Ipinakikita ng ehersisyong ito ang hugis na pabilog, habang na-


kababa ang mga kamay sa tagiliran iginagalaw ang mga
balikat pauna at iginagalaw din ito palikod. Ito ay
______________________________

4. Ito ay isang uri ng ehersisyo kung saan iniaangat ang isang paa,
pinapaikot ito papunta sa kanan at pinapaikot din papunta sa
kaliwa. Nagpapakita ito ng hugis na pabaluktot at pabilog.
Anong ehersisyo ito? -__________________________________________

5. Ang _________________________ ay isang uri ng ehersisyo na


iniaangat ang kamay kapantay ng dibdib habang kaharap ang
palad sa sahig. Ibinabaling ang katawan pakanan at bumabalik
sa orihinal na posisyon. Pagkatapos ay ibinabaling naman ang
katawan pakaliwa at bumabalik muli sa posisyon. Nagpapakita
ito ng hugis na pilipit at tuwid.

PIVOT 4A CALABARZON

51
A
Gawain Pagkatuto Bilang 4: Lagyan ng tsek (√) ang angkop na sagot
sa kahon.

Naisasagawa ko ba Oo Hindi
1. nang wasto ang
a. magkalapit at magkapantay ang
mga paa
b. pagpihit ng ulo
c. pag-unat ng tuhod
2. nang wasto ang pagbuo ng mga hugis
mula sa aking katawan nang nag-iisa.
a. tuwid (straight)
b. baluktot (curled)
c. pilipit (twisted)
3. ang kooperasyon sa iba’t ibang gawain

4. nang may kasiyahan ang iba’t ibang ga-


wain

PIVOT 4A CALABARZON

52
Igalaw ang Katawan WEEKS
Aralin 3-4
I
Ang pagbaluktot at pag-unat ay mga kilos na
makapag-aayos ng baluktot na katawan. Maiiwasan nating
masaktan kung tama ang pagsasagawa sa mga kilos. Ang
taong naibabaluktot ang katawan ay magkakaroon ng
tamang tikas ng katawan. Sa araling ito , matutunan mo ang
tamang pagbaluktot at pag-unat ng katawan na
nakakapagpahusay sa kalambutan ng katawan.

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Tingnan ang larawan sa itaas. Ano


ang ginagawa ng magsasaka ? Tama ! Siya ay nagtatanim ng
palay. Anong kilos ang kailangan sa pagtatanim ng palay
katulad ng nasa larawan ? Tama kakung sasabihin mong
pagbaluktot at pag-unat. Subukin mong gayahin ang
magsasaka sa pagtatanim ng palay. Naisagawa mo ba nang
wasto ang kilos ng magsasaka ? Naisagawa mo ba ang
wastong pagbaluktot ? Paano mo naibalik sa dati ang iyong
katawan mula sa pagkakabaluktot ?

PIVOT 4A CALABARZON

53
D
Gawain Pagkatuto Bilang 2: Gawin natin ang isang laro. Ang
larong ito ay tinatawag na “Ready Get Set Go !”Makinig nang
mabuti sa ipapagawa sa iyo. Gawin ang kilos kapag sinabing
“Go”. Kapag naisawaga ito nang wasto humakbang pasulong
hanggang makarating sa finish line.
1) Pulutin ang bola.
2) I-shoot ang bola sa basket.
3) Pulutin ang patpat.
4) Gamitin ang patpat sa pag-abot ng bagay na nasa itaas.
5) Damputin ang nahulog na bagay na nasa itaas.
Lagyan ng puntos ang isinagawang gawain. Gamitin ang
rubric sa ibaba.

Krayterya 5-4 pts 3-2 pts 1-0 pt pts


1) Pagkaka- Napaka- Katamta- Kaunti o hindi
gawa ng mga husay ng mang ang nagawa ang

kilos. pagkaka- galing ng kilos.


gawa ng ki- pagkaka-
los gawa ng kilos
2) Nagawa ng Nagawa Nagawa ang Hindi na-
nasa oras ang kilos sa kilos sa loob gawa ang
loob ng 10 ng 1 minuto kilos
segundo

Kabuuan : ______

Base sa iyong nakuhang puntos, tingnan sa ibaba ang iyong


kasunod na gagawin.
10 puntos – Napakahusay mo. Handa ka na sa kasunod na gawain.
8-9 puntos – Mahusay ka ! Handa ka na sa kasunod na gawain.
5 – 7 puntos – Katamtaman ang iyong galing. Maaari ka pang
mag- ensayo upang mas maging mainam ang iyong kilos.
0 – 4 puntos – Nangangailangan ka pa ng ibayong pag-eensayo
upang magawa mo ng husto ang kilos.
Muling isagawa ang gawain hanggang sa makakuha
ng 7 – 10 puntos bago pumunta sa kasunod na gawain.

PIVOT 4A CALABARZON

54
E
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Gawin ang kilos upang masubok ang
iyong kakahayan.
1) Abutin ang paa ng iyong dalawang

kamay nang hindi ibinabaluktot

ang tuhod. Gawin ito sa loob

ng 10 bilang.

2.Ilagay ang dalawang kamay

sa bewang at iliyad ang katawan

nang patalikod.

Gawin ito sa loob ng 10 bilang.

3. Gayahin ang nasa larawan.

Gawin ito sa loob ng 10 bilang .

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa kuwaderno.

1. Aling kilos ang madaling gawin ?

2. Aling kilos ang mahirap gawin ?

3. Ano ang madedebelop sa iyong katawan kapag isinasagawa ang


ganitong mga kilos ?

PIVOT 4A CALABARZON

55
A
Gawin natin ang sumusunod na ehersisyo.
1. Pagpapaikot ng braso palikod ( Backward Arm Circle )
A. Tumayo nang tuwid na ang ayos ng mga paa ay katapat ng
balikat at nakataas ang mga braso sa tagiliran.
B. Dahan-dahang iikot ang braso palikod.

Tayahin ang ginawang kilos sa pamamagitan ng paglagay ng tsek


( / ) sa kahon sa ibaba kaugnay ng iyong ginawa. Gawin sa sagu-
tang papel.
Pagmamarka: 3 – Pinakamahusay
2 - Mahusay
1 – Nangangailangan pa ng pagsasanay

Pagtataya sa Sarili Pagtataya ng Guro/


Magulang
Gawain 1 2 3 1 2 3
1. Backward Arm
Circle
2. Lateral Trunk
Flexion
3. Pagbaluktot
pauna at
patalikod
Total _______

Batay sa nakuhang puntos , ito naman ang interpretasyon.

9 pts – Ikaw ay napakagaling. Naisakatuparan mo ang layunin


ng leksyon. Maaari ka ng pumunta sa kasunod na leksyon.

6 pts – 8 pts – Mahusay ! Naisagawa mo ang hinihiling na


maabot na pagkatuto. Maaari ka ng pumunta sa kasunod na
leksyon.

0 – 5 pts- Ikinalulungkot ko ngunit kailangan mong bumalik sa


unang bahagi ng modyul. Ulitin muli ang mga Gawain at pagsa-

PIVOT 4A CALABARZON

56
Paggalaw sa Saliw ang Musika WEEK S

A Aralin 5-8

Ang paglakad ay magdadala sa iyo sa iba’t ibang lugar.


Ang tamang paggalaw ng katawan sa paglakad ay nakatutulong
sa wastong gawain ng sistema ng katawan gayundin sa pag-iwas sa
sakuna. Sa araling ito, matutuhan mo ang paggalaw saliw ang
musika.

D
Gawain Pagkatuto Bilang 1: Tingnan ang mga larawan sa ibaba.
Masusundan mo ba ito?

1. Tumayong naka-stride
2. Ibaluktot ang katawan pakanan , ang kaliwang braso ay nasa
itaas ng ulo ( huminto) …………….. 6 na bilang
3. Bumalik sa panimulang posisyon …………(bilang 7-8)
4. Ibaluktot ang katawan pakaliwa , ang kanang braso ay nasa
itaas ng ulo (huminto) ………………. 6 na bilang
5. Bumalik sa panimulang posisyon. Hinto ………bilang 7-8

PIVOT 4A CALABARZON

57
1. Tumayong naka –stride. 1. Tumayong naka-stride.
2. Itaas ang sakong , itaas ang 2. Ilagay ang kamay sa
braso. Huminto …………… baywang
bilang 6 Huminto ……. 6 bilang
3. Balik sa panimulang posisyon 3. Balik sa posisyon …… bilang 7
( bilang 7 – 8 ). –8
4. Ulitin mula A-D

E
Gawain Pagkatuto Bilang 4:
Gawin ang “Wring the Dishrag”. Kumuha ng kapareha. Humarap sa
kapareha ang maghawak – kamay.

Itaas ang isang kamay na magkahawak at ang isa ay sa


ibaba. Umikot sa ilalim ng nakataas ang mga kamay hanggang ang
magkapareha ay magkatalikuran.

A
Umawit at sumayaw habang
Gawain Pagkatuto Bilang 4:
iginagalaw ang iyong katawan.
Gumamit ng iyong nais na tugtog.

PIVOT 4A CALABARZON

58
Health
Ikatlong Baitang

Regional Office Management and Development Team: Job S. Zape Jr., Elaine T. Balaogan,
Romyr L. Lazo, Lhovie A. Cauilan at Ephraim Gibas

Schools Division Office Development Team: Imelda C. Raymundo, Generosa F. Zubieta,


Maria Roselle Javin, Abegail O. Zagala, Nicolas A. Asi , Maria Roselle Javin, Mary Rose G.
Herrera, Abegail O. Zagala, Sherwin C. Quesea, Remedios Placino, Jeewel L. Cabriga,
Elizalde L. Piol, Ricky P. Torrenueva, Loida R. Decal, at Rencie T. Ocampo-Majillo

Health Ikatlong Baitang


PIVOT IV-A Learner’s Material
Unang Markahan
Unang Edisyon, 2020

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes
Malusog na Katawan WEEKS
Aralin 1-2
I
Ang araling ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang
mag-aaral. Ito ay makatutulong upang maunawaan ang
kahalagahan ng pagkain ng tama at matutuhan ang tamang
pagpili ng kakainin at mapanatili ang malusog na pamumuhay.

D
Ang malnutrisyon ay isang palansak na kataga sa kondisyong
medical na sanhi ng mali o kakulangan sa pagkain. Madalas nating
isipin na ang taong may di-wastong nutrisyon ay yaong payat,
mahina at sakitin. Subalit, kahit ang isang taong mataba o mukhang
malusog ay maaari ring may di-wastog nutrisyon. Ang di-wastong
nutrisyon ay tinatawag na malnutrisyon.
Ito ay kadalasang sanhi:
a. pagkain nang kakaunti;
b. i-balanseng pagkain; at
c. kakulangan ng nutrisyon sa katawan.
Ang mga epekto ng malnutrisyon ay:
pagbaba ng timbang;
paging iritable
mahinang resistensiya sa mga impeksiyon at sakit
Mahalagang sundin mo ang sumusunod na mga tagubilin para
sa pagkakaroon ng wastong nutrisyon:
1. Iwasang kumain ng mga junk foods tulad ng kendi, chips, soft
drinks, at iba pa. Ang mga ganitong uri ng pagkain ay karaniwang
napakatamis o napakaalat. Nagtataglay ang mga ito ng maram-
ing artipisyal na sangkap na hindi kailangan ng iyong katawan.
2. Kumain ng iba’t ibang uri ng prutas at gulay. Ang mga ito ay ma-
yaman sa mga bitamina at mineral na kailangan ng katawan
upang magkaroon ng resistensiya laban sa mga sakit.
3. Sikaping masunod ang regular na oras ng pagkain. Ito ay makatu-
tulong sa iyo upang maiwasan ang labis na pagmemeryenda o
pagkain ng junk food.
PIVOT 4A CALABARZON

60
Gawain Pagkatuto Bilang 1: Ano ang kadalasang sanhi at epekto ng
malnutrisyon? Kopyahin at kompletuhin ang mapang konsepto sa
ibibigay na sagutang papel .

E
Gawain Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap. Iguhit ang masayang mukha kung totoo ang
pahayag at malungkot naman kung ito ay hindi totoo. Isulat ang
iyong sagot sa ibibigay na sagutang papel.
____________1. Ang pagkain ng sobra ay nakakatulong sa ating
katawan na tayo ang magiging malusog.
____________ 2. Ang regular na oras ng pagkain ay mahalaga
upang mapanatiling malusog ang katawan.
____________ 3. Ang malnutrisyon ay dulot ng pagkain nang kaunti
Di -masustansiyang pagkain, at kakulangan ng sustansiya sa katawan.
____________ 4. Ang pagbaba ng timbang ay epekto ng malnutrisyon.
_____________5. Ang batang may malusog na pangangatawan ay
hindi kayang gumawa ng aktibong mga gawain.

PIVOT 4A CALABARZON

61
A
Kakulangan sa Nutrisyon Ano ang kakainin?
Kakulangan sa Iron- Anemia tofu
soya
spinach
red meat
peas
itlog
Kakulanagan sa Iodine-Goiter pagkaing-dagat
iodized salt
Kakulangan sa Calcium-Rickets/ gatas
Osteoporosis keso
yogurt
sardinas
matingkad na madahong gulay
shellfish

Gawain Pagkatuto Bilang 3: Gumuhit ng limang larawan ng mga


masustansiyang pagkain upang sagayon ay makaiwas sa
malnutrisyon. Kabaligtaran nito ay gumuhit din ng 5 di
masusustansyang pagkain at ilagay kung ano ang maaring maidulot
nito sa katawan ng tao. Lagyan ng pangalan ang bawat larawang
iginuhit. Iguhit ito sa sagutang papel.

PIVOT 4A CALABARZON

62
Nutrisyon WEEK
Aralin
I 3-4

Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang


isang mag-aaral. Ito ay makatutulong upang maunawaan ang
kahalagahan ng pagkain ng tama at matutuhan ang tamang
pagpili ng kakainin at mapanatili ang malusog na pamumuhay.

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang unawain ang kuwento.


Sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa kuwaderno.

Malnutrition: Mabuti o Masama

Si Aling Iska ay may apat na anak. Sila ay sina Inday, Nene,


Otoy at Tisoy. Hindi mahilig kumain ng mga prutas at gulay ang anak
ni Aling Iska. Madalas ay may sakit mga sakit ang kanyang mga
anak. Si Inday ay nakakaramdam madalas ng panlalabo ng pan-
ingin. Si Nene naman ay nakakaramdam ng pananakit ng paa at
pagkabagabag. Si Otoy naman ay madalas dinudugo ang gilagid
at si Tisoy naman ay nakakaramdam ng panghihina ng kalamanan
at pananakit ng buto sa katawan. Hindi alam ni Aling Iska ang ga-
gawin sa kanyang mga anak. Hindi niya alam kung anong kulang
sa kanyang mga anak lalo na sa mga pagkain na kanila dapat
kainin at sa bitamina na kailangan nila.
Alamin natin kung anong nararapat na bitamina ang para sa mga
anak ni Aling Iska. Isulat ang sagot sa ibibigay na sagutang papel.

1. Ano ang mga hindi kinakain ng mga anak ni Aling Iska? ______
2. Anong nararamdamang sakit ni Inday? ______
3. Anong nararamdamang sakit ni Nene? ______
4. Anong nararamdamang sakit ni Otoy? ______
5. Anong nararamdamang sakit ni Tisoy? ______
6. Anong mga bitamina ang kailangan ng magkakapatid na Inday,
Nene, Otoy, at Tisoy? ______

PIVOT 4A CALABARZON

63
D
Ang bitamina ay mahalagang sustansiya. Ito ay tumutulong sa
atingpaglaki at mapanatili ang ating buhay. Makukuha natin ang
mga ito mula saiba’t ibang uri ng pagkain, sapagkat hindi kaya ng
ating katawan na gumawanito o hindi kayang gumawa ng marami
nito. Ang kakulangan sa kahit isang uri lamang ng bitamina ay
maaring maging sanhi ng sakit o kamatayan.Gayundin naman, ang
pagkakaroon ng labis na bitamina ay maaaringmakasama sa ating
katawan kung kaya’t ito ay mapanganib din.
Hindi kinakailangang bumili ka ng mamahaling klase ng
bitamina paramagkaroon ng bitaminang iyong kailangan. Ang
pinakamabuti mong gawinay kumain lamang ng iba’t ibang uri ng
pagkaing mayaman sa bitaminaaraw-araw. Ito ay para masigurong
mayroon tayong sapat na bitaminangn kailangan ng ating ka
Ang batang lumalaki ay kailangan ng iba’t ibang Bitamina na
tama at balance.
Ang Bitamina A, B, C at D ay apat na bitamina na nakilala
sa 13 tatlong bitamina. Makakakuha tau ng bitamina sa mga
masusustansiyang pagkain.
Kung ang bata ay kulang sa bitamina siya ay makakaranas sa
mga sumusunod na kakulangan sa nutrisyon.

D
Gawain Pagkatuto Bilang 2: Iguhit sa loob ng kahon ang mga
halimbawa ng Bitamina A. Gawin ito sa kuwaderno.

PIVOT 4A CALABARZON

64
A
Mga Bitamina Katangian Simbolo at Sintomas

Bitamina A – Panla- Mahinang paningin Mahirap makakita sa


labo Ng paningin kapag gabi lalo na dilim o kahirap
kung may makakita tuwing gabi
paparating na
maliwanag na ilaw

Bitamina B- Pagkawala ng gana *Pagbaba ng timbang


Beri-beri sa pagkain at
pakiramdam ng *Emosyunal na
kakulangan sa pagkabagabag
ginhawa naiuugnay
sa bigat at pang *Pananakit ng paa
hihina ng mga binti
at pamamanhin ng
paa

Bitamina C- Maigsing paghinga, *pagdurugo ng gilagid


Scurvy madaling pagdurugo
ng gilagid at *mabagal ng
pananakit ng m buto paggaling ng sugat
at mga kasukasuan
*pagdurugo ng ilong

*pagkapagod

Bitamina D- Rickets Skeletal deformities at *panghihina ng


pananakit ng buto kalamanan

*nakakaramdam ng
pananakit ng mga
buto sa katawan

PIVOT 4A CALABARZON

65
DAPAT GAWIN UPANG MAPIGILAN
SAKIT
ANG SAKIT
Panlalabo nga mata *Pag-inom ng gatas
*Pagkain ng madidilaw na prutas
at gulay gaya ng karot at kala-
basa
*Pagkain ng mabeberdeng at
madadahong gulay gaya ng pet-
say at kangkong
*Pagkain ng itlog,
Beri- beri *Pagkain ng gulay
*Pagkain ng karne at atay
*Pagkain ng mani
Scurvy *Pagkain ng prutas (melon, straw-
berries)
*Pagkain ngmabeberdeng gulay
Rikets *Pagkain ng tuna at salmon
*Pagkain ng atay at pula ng itlog

PIVOT 4A CALABARZON

66
Paraan sa Pag-iwas ng Malnutrisyon WEEK

I Aralin 5

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang malaman ang mga


paraan sa pag-iwas ng malnutrisyon.

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Magbigay ng 5 masusustansyang pagkain


na napagaralan sa mga gawain. Ilagay sa katapat nito kung anung
kabutihan ang naidudulot nito sa ating katawan.

Mga Larawan ng Kabutihang naidudulot sa


masusustansyang pagkain katawan
1.
2.
3.
4.
5.

D
May mga paraan upang makaiwas sa malnutrisyon. Kumain ng
masustansiyang pagkain dahil ito ay nagbibigay sa ating katawan ng
kinakailangang nutrisyon upang tayo ay lumaking malusog at malakas.
Magehersisyo dahil
Nutrisyon ay ang pagpili ng tama/wastong uri ng pagkain.
Pangunahining sa pagkakaroon ng maayos na kalusugan ay ang
pagkain ng tamang dami at uri ng pagkain. Ang kaalaman sa elemento
ng pagkain na magpapalusog sa atin ay ang hakbang sa tamang
nutrisyon. Ito ang tutulong sa ating pumili nang maayos na pagkain na
kailangan ng ating katawan upang mapanatiling malusog at
makapaglaro ng balanseng pagkain.

PIVOT 4A CALABARZON

67
Ang mga Pangunahing Sustansiya:

a. Carbohydrates ay pangunahing pinanggagalingan ng lakas


ng katawan. Mahalaga ang lakas na nakukuha natin mula sa
carbohydrates upang magawa natin ang maraming bagay.
Ang kanin, tinapay, noodles, arina, mais, patatas at lamang
ugat ay mga pagkain mayaman sa carbohydrates.

b. Protina ang tinatawag na building blocks ng ating katawan.


Ito ay kailangan sa paglaki at pagsasaayos ng mga sirang tisyu
ng katawan. Sila ay bahagi ng bawat cell sa ating katawan
tulad ng ating balat, buhok, kuko at buto. Ito ay mahalagang
raw material kung saan ang ating katawan ay lumilikha ng
sustansiya para tayo ay makapagtunaw ng pagkain makakilos.
Ang karne isda, manokat iba pang dairy products ay
pangunahing pinanggagalingan ng protina. Ang wastong
pagkunsumo ng naturang produkto sa araw-araw ay
makapagbibigay ng sapat na protina.

c. Fats at oil ay pinanggagalingan ng lakas. Kailangan ang mga


ito upang maging malusog.
Ang fats ay kailanagan natin para maayos na kalusugan.
Bukod sa inihahanda nito ang bitamina para sa katawan, binibi-
gyang proteksyon din nila ang mhalagang organs at tumutu-
long sila sa cell ng katawan. Tumutulong din silang mapanatili
ang init ng katawan.

d. Bitamina ay mahalagang sustansya. Ito ay tumutulong sa at-


ing paglaki at mapanatili ang ating buhay. Makukuha natin ang
mga ito mula sa iba’t ibang uri ng pagkain, sapagkat hindi kaya
ng ating katawan ng gumawa nito o hindi kayang gumawa ng
marami nito. Gayundin naman, ang pagkakaroon ng labis na
bitamina ay maaaring makasama sa ating katawan kung kayat
ito ay mapanganib.

PIVOT 4A CALABARZON

68
Sanhi ng Malnutrisyon
Ang malnutisyon ay sanhi ng kakulanangan ng sustansiyang
sangkap na pumapasok sa mga selula ng katawan, at ito ay
karaniwan nang bunga ng kombinasyon ng dalawang salik:
1. hindi sapat na pagkain ng protina, kalori, bitamina, at mineral
2. malimit na pagkakaroon ng impeksiyon

Epekto ng Malnutrisyon

Sinisira ng malnutrisyon ang katawan, partikular na ang kata-


wan ng isang bata. Ang bawat sangkap at sistema ng katawan-
kasali na ang puso, mga bato, sikmura, bituka, baga, at utak ay
maapektuhan.
Ipinakikita ng iba’t ibang pag-aaral na ang mabagal na
paglaki ng isang bata ay nauugnay mabagal na pag-unlad ng isip
t pagiging mahina sa pag-aaral at kakayahang mg-isip. Ang epek-
tong ito na pinakamalubha at nagtatagal na mga epekto ng
malnutrisyon.

Protein-energy malnutrition ay nailalarawan sa pamamagitan ng


kakulangan sa enerhiya at protina. Ito ay dala ng mahinang pag-
kain na mayamaman sa enerhiya at protina at hindi tamang gawi
ng pagkain.

Mga Sintomas at Pagiwas at


Epekto
Palatandaan pagkontrol

Mabilis Mahinang ang Kumain ng pagkain


mapagod pangangatawan mayaman sa
Mababang Pagtigil sa paglaki carbohydrayes
timbang at pag-unlad at mayaman sa
Pag-antala ng protina gaya ng
paglaki karne, isda at
mga lamang
Paglaki at
ugat
pamamaga
ng tiyan

PIVOT 4A CALABARZON

69
Gabay sa Wastong Nutrisyon WEEK

I Aralin 6

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matutuhan mo ang


mga wastong gabay sa nutrisyon.

D
Mga Gabay sa Wastong Nutrisyon ng Pilipino

Kumain ng iba’t ibang uri ng Kumain araw –araw ng mga


pagkain araw-araw. pagkaing niluto sa mantika o
edible oil.

Pasusuhin ang sanggol ng Uminom ng gatas araw-araw


gatas ng ina lamang mula at pagkaing mula rito na
pagkasilang hanggang 6 na mayaman sa calcium.
buwan

Panatilihin ang tamang paglaki Gumamit ng iodized salt


ng bata sa pamamagitan ng subalit iwasan ang
pagsubaybay sa kanyang masyadong maalat na
timbang . pagkain.

Kumain ng karne, manok,o Kumaliin ng ligtas at malinis


tuyong na pagkain.
butong gulay.
Kumain ng maraming gulay, Para sa malusog na
prutas at lamang –ugat. pamumuhay at wastong
nutrisyon,
Mag ehersisyo ng palagian.

PIVOT 4A CALABARZON

70
E
Gawain Pagkatuto Bilang 1: Sa anong pamamaraan maiiwasan ang
iba’t ibang uri ng malnutrisyon?

Panuto: Lagyan ng tsek ( √ )ang patlang kung tama ang sagot at


ekis ( X ) kung hindi.

_____ 1. Kumain ng masustansiya at balanseng pagkain.

_____ 2. Balewalain ang programa ng Department of Health hinggil


sa pagpupurga ng bata.

_____ 3. Ang pag-eehersisyo ay hindi binibigyang halaga bilang


bahagi ng gawain sa araw araw.

_____ 4. Naglalaan ng sapat sa oras sa pagtulog , hindi nagpupuyat

______5. Kinagagawian ang pagkain ng masyadong matatamis ng


pagkain.

______6. Umiinom ng walo hanggang 10 basong tubig araw – araw.

______7. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa starch, protina at


bitamina.

______8. Habang nagbubuntis ang ina, kinakailangan na alagaan


ang anak sa pamamagitan ng tamang pagkain.

______9. Ugaliin ang pagkain ng processed , junk at fast foods.

______10. I - breastfeed ang sanggol mula sa pagkasilang


hanggang anim na buwan.

PIVOT 4A CALABARZON

71
A
Gawain Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin kung ginagawa o hindi mo
ginagawa ang mga gabay sa wastong nutrisyon. Gawin ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( /) sa kolum na nakalaan para
sa iyong sagutan.
Ginagawa Hindi
Gabay sa Wastong Nutrisyon Ginagawa
1.Kumain ng iba’t ibang uri ng pagkain
araw-araw.

2. Kumain ng karne, manok,o tuyong


butong gulay.

3.Kumain ng maraming gulay, prutas


at lamang –ugat.

4. Kumain araw –araw ng mga pag


pagkaing niluto sa mantika o edible oil

5. Mag-ehersisyo nang palagian

6. Kumain ng ligtas at malinis na


pagkain.

7. Uminom ng gatas araw-araw


8. Kumakain ng pagkaing mayroong
iodized salt

PIVOT 4A CALABARZON

72
Malusog na Pamumuhay WEEK
Aralin
I 7

Alam mo ba na lahat ng tao ay nagkakasakit?


Ang mga pangkaraniwang sakit kagaya ng sipon, trangkaso at
iba pa ay madalas dumapo sa mga batang katulad mo. Madaling
kapitan ng sakit ang isang bata lalo na kung wala siyang healthy
lifestyle. Maraming mga pamamaraan na kayang-kayang mong
gawin upang magkaroon ka ng healthy lifestyle.

Kailangan ay mayrooon kang healthy lifestyle o malusog na


pamumuhay upang makaiwas ka sa sakit. Kapag malusog ka ay
marami kang magagawa Masayang mag-aral, maglaro, at mabuhay
kapag walang sakit!
Sa araling ito ay malalaman mo ang mga hakbang upang mai-
wasan ang pagkakasakit. Malalaman mo rin kung paano magkaroon
ng malusog na pamumuhay.

D
Ang ibig sabihin ng healthy lifestyle ay malusog na
pamumuhay. Upang magkaroon ng malusog na pamumuhay ay
kailangang gawin ang 5 pamamaraan.
1. Pagiging malinis-Maghugas lagi ng mga kamay at maghlinis ng
bahay at paligid
2. Paggamit ng malinis na tubig-Uminm ng 8 basong tubig araw-
araw. Gumamit ng malinis na tubig sa pagligo
3. Pagkain ng balanseng pagkain-Dalasan ang pagkain ng gulay at
prutas. Kumain ng iba’t ibang pagkain upang magkakuhang iba’t
ibang sustansiya ang katawan
4. Pagkakaroon ng sapat na tulog- Di bababa sa 10 oras ang
kailangan ng isang batang tulad mo kaya iwasang magpuyat
5. Pag-iehersisyo-Mag-ehersisyo ng 30 minuto o kaya ay 1 oras araw-
araw

PIVOT 4A CALABARZON

73
E
Gawain Pagkatuto Bilang 1: Itiman ang bilog ng tamang sagot. Huwag
itiman ang bilg ng maling sagot.
1. Ang mga batang tulad mo ay dapat matulog ng hindi bababa sa
10 oras.
2. Mabuti sa katawan ang pag-inom ng 4 na
basong tubig araw-araw.
3.Lumusong sa tubig-baha at magtampisaw roon.
4. Huwag mag-ehersisyo upang hindi mapagod
5.Iwasan ang pagkain ng mga junk foods.
6.Ang paggawa ng mga gawaing bahay ay uri din ng ehersisyo.
7.Nalakas ang immune system kapag balanseng pagkain ang laging
kinakain
8.Ang sakit na liptospirosis ay mula sa ihi ng tao.
9. Kapag marumi ka sa sarili, bahay at paligid ay madali kang
magkakaroon ng bacteria at virus.
10. Mabuti sa kalusugan ang laging pagpupuyat

A
Gawain Pagkatuto Bilang 2: Basahing mabuti ang mga
pangungusap. Isulat ang Tama kung tama ang ipinapahayag at
mali kung mali ang ipinapahayag.
______1. Ang pagtulong sa mga gawaing-bahay ay mga uri din ng
ehersisyo.
______2. Ang maruming kamay ay maaring may bacteria at virus.
______3. Hindi naaalis ang mikrobyo kapag naghuhugas ng mga
kamay.
______4.Kapag malinis sa katawan at sa kapaligiran ay maiiwasan
ang sakit.
______5. Magiging maayos ang pagdumi kung araw-araw umiinom
ng 8 basong tubig.

PIVOT 4A CALABARZON

74
WEEK
Pagsasabuhay ng Malusog na Pangangatawan 8
Aralin
I
Paglatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahan mapalalim ang
iyong pang-unawa sa malusog na gawi.

Walang sikreto sa pamumuhay ng matagal, malusog at


masayang buhay. Ang isa sa mga kinakailangan upang magkaroon
ng mabuting kalusugan ay dapat magkaroon tayo ng malakas at
malusog na katawan.

Sa araling ito, ipinakita natin ang ilan sa mga pang-araw-araw


na gawain tulad ng pagkain, ehersisyo, pahinga, pag-tulog at
marami pang iba na siyang tumutulong upang mapangalagaan
natin ang ating katawan.

D
Gawain Pagkatuto Bilang 1: Pansinin ang mga salita. Iayos ang mga
ito upang makabuo ng isang pangungusap.

1. sapat na tulog Magkaroon ng

2. araw-araw ng gatas Uminom

3. at gulay ng mas maraming prutas Kumain

4. dieta Tamang ating katawan para sa

5. aktibo bawat araw Maging

PIVOT 4A CALABARZON

75
E
Gawain Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang bawat pangungusap sa
ibaba. Lagyan ng tsek (/) kung sang-ayon ka at ekis (X) kung hindi.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.

______ 1. Upang mapanatili ang kalusugan kailangan kumain ng


wasto at balanse.
______ 2. Ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay nakatutulong
upang mawala ang pagod at tensyon.
______ 3. Ang pagkakaroon ng pisikal na gawain bilang sangkap sa
pang-araw - araw na pamumuhay ay mahalaga upang
makatulong upang pababain ang panganib sa pag-
kakaroon ng suliranin sa kalusugan.
______ 4. Uminom ng 8-10 baso ng tubig.
______ 5. Kumain ng junk food sa meryenda.

A
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Bilang isang mag-aaral, papaano mo
maibabahagi ang iyong natutuhan sa araling ito sa ibang kasapi ng
iyong pamilya? Isulat ang sagot sa loob ng puso.

PIVOT 4A CALABARZON

76
Sanggunian

Health 3 Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng


Edukasyon.
Health 3 Patnubay ng Guro. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon.
Music, Art and Physical Education and health
(Kagamitan ng Mag-aaral) 3.

Music, Art, Physical Education and Health 3, Kagamitan ng


Mag -aaral (Tagalog). Unang Edisyon. Pasig City: Department
of Education, 2014 .

Music, Art Physical Education and Health- Grade 3 Teacher’s Guide.


Pasig City: Department of Education, 2015 p. 361-366

PIVOT 4A CALABARZON

77
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, locals 420/421

Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

You might also like