You are on page 1of 2

BAITANG: 3

PAUNANG PAGTATAYA Filipino

Panuto: Basahin nang tahimik ang seleksyon. Basahin ang mga tanong at isulat sa sagutang
papel ang titik ng tamang sagot.

Sayaw sa Palatuntunan

Nanlalamig ang kamay ni Cita dahil sa kaba. Malapit na kasi silang sumayaw ng kanyang
kaibigang sina Rina at Ditas ng pandango sa ilaw.

Nilapitan sila ng kanilang guro na si Gng. Ramos bago sila umakyat sa entabalo, “Handa
na ba kayong tatlo? Huwag ninyong kalimutang ngumiti habang sumayaw,” ang mahigpit na bilin
ng kanilang guro.

“Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang mga mag-aaral mula sa ikatlong baitang sa
pamamahala ni Gng. Rosa Ramos,” ani ng guro ng palatuntunan.

Habang sumasayaw, binalanse nila ang mga ilaw na may ningas sa kanilang ulo at pinaikot
nila sa kanilang dalawang kamay ang may sinding lampara. Bilib na bilib sa kanila ang lahat ang
mga nanonood.

Matapos ang sayaw, niyakap sila nang mahigpit ng kanilang guro dahil sa ipinamalas
nilang galing.

Mga Tanong:

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


a. Awit sa Palatuntunan
b. Tula sa Palatuntunan
c. Sayaw sa Palatuntunan
d. Balagtasan sa Palatuntunan

2. Sino ang Gurong Tagapamahala sa kuwento?


a. Gng. Cruz
b. Gng. Garcia
c. Gng. Santos
d. Gng. Ramos
3. Ano ang kanilang sinayaw?
a. Rabong
b. Singkil
c. Tinikling
d. Pandango sa Ilaw

4. Ano kaya ang pakiramdam ng guro habang sila ay sumasayaw?


a. Natatakot
b. Nagagalit
c. Nasisiyahan
d. Nalilito

5. Bakit nila binabalanse ang baso na may ningas sa kanilang ulo?


a. Dahil mabigat
b. Dahil magaan
c. Para hindi mahulog
d. Para magandang tingnan

6. Magaling kang sumayaw kaya isinali ka ng guro sa palatuntunan. Ano ang sasabihin mo
sa kanya?
a. Gagalingan ko po.
b. Di po ako sasali.
c. Nahihiya po ako
d. Nalulungkot po ako.

7. Kung ikaw ay nagkamali habang nagsasayaw sa entablado, ano ang gagawin mo?
a. Titigil sa pagsasayaw.
b. Itutuloy ang pagsasayaw.
c. Ipapaulit muli ang sayaw.
d. Lahat ng ito ay tama.

You might also like