You are on page 1of 12

MAGALANG NA

PANANALITA
Girlie: Mommy, maaari po ba akong lumabas?
Mommy: Maaari pero Madali ka lamang.
Girlie: Mommy, maaari po bang dagdagan ninyo
ang beinte pisos ko ng sampung piso? Baka po
kasi kulangin ang pambili ko ng papel at lapis.
Mommy: O, heto.
Girlie: Salamat po
Cesar: Maaari bang pahiramin mo ako ng lapis?
Noel: Oo , heto.
Cesar: Salamat.
Noel: O, wala ka nang papel , gusto mo?
Cesar: Nakakahiya sa iyo ,pero naubusan ako ng
papel. Maaari bang dalawang papel ang ibigay mo
sakin?
Noel: Oo, narito kunin mo.
Ningning: May kamya pala kayo. Maaari po bang makahingi ng
kamya?
Gng. So: Aba, Oo. Kumuha kana.
Ningning: Naku! Kay ganda ng mga rosas ! Maaari po bang
makahingi rin ng rosas, Gng. So ?
Gng. So: Sige lang, kumuha ka na.
Ningning: Aba, Kay puputi ng…..
Gng. So: Sige, pumitas ka na ng sampagita. Pati orkids bibigyan
kita.
Ningning: Salamat po, Gng. So.
Gng. So: Walang anuman basta kailangan mo.
Floro: Maaari po bang dumaan sa likod ng
inyong bakuran?
Lolo Emeng: Basta sa batang tulad mo na
magalang ay maaari.
Floro: Salamat po Lolo Emeng.
Lolo Emeng: Walang anuman.
Lola Sadeng: Magalang iyang si Floro.
Lolo Emeng: Tinuruan kasi ng magulang.
PANGKAT 1(GROUP 1)
Sumulat ng LIMA(5) halimbawa ng magagalang na
pananalita.
1.
2.
3.
4.
5.
PANGKAT 2(GROUP 2)
Basahin ang mga pangungusap, piliin kung alin ang magalang
na pananalita.Bilugan ang numero na nagpapakita nito.

1. Umupo ka, matanda.


2. Tuloy po kayo.
3. Pssst…. Hoy, anung pangalan mo?
4. Magandang umaga po.
5. Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang aking kapatid.
PANGKAT 3(GROUP 3)
Lagyan ng linya o guhit ang magagalang na pananalita.

1. Umupo ka, matanda.


2. Tuloy po kayo
3. Pssst…. Hoy, anung pangalan mo?
4. Magandang gabi po.
5. Sino po kayo?
Sagutin ang mga sumusunod.
Humingi ng pahintulot upang:

1.makapanood ka ng palabas sa telebisyon


2. makabili ka ng ibang gamit mo sa paaralan
3.makalahok ka sa isang patimpalak-pampaaralan
4. makasama ka sa tatay mo sa tabing dagat
5. makaligo kayo ng kapatid mo sa ulan
Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang Oo
kung ang pangungusap ay nagpapakita ng magalang na
pananalita , isulat ang Hindi kung hindi ito nagpapakita ng
magalang na pananalita.

1. “Bigyan mo ako ng papel”.


2. “Papel nga”.
3. “Maaari po bang makahingi ng papel”
4. “Makikiraan po, teacher.”
5. “Dadaan ako. Tumabi ka”
TAKDANG- ARALIN:
Pakinggan kung paano humingi
ng pahintulot ang mga kapatid mo
o kasamahan sa bahay. Tandaan
ang kanilang mga sinasabi at
isulat sa iyong notebook.

You might also like