You are on page 1of 62

•Pabilis nang pabilis ang

takbo ng kotse.
•Away nang away ang
magkapatid.
Katumbas ng salitang “Noong”
Halimbawa:

•Nang siya ay nakapasa, lubos ang


galak ng kaniyang mga magulang.
•Nang dumating ang mga kaaway,
natakot sila.
Sumasagot sa tanong na “Paano”
Halimbawa:
•Nagmaneho nang maingat sa baha
si Gabby.
•Nagluto nang masarap na ulam si
nanay.
Katumbas ng salitang “Upang at Para”

Halimbawa:
•Mag - ensayo ka nang manalo ka sa
paligsahan.
•Maligo ka nang maigi nang
bumango bango ka naman.
Halimbawa:

•Pumunta ng paaralan ang guro.

•Kinuha ng bombero ang balde sa kusina.


Ginagamit ang “ng” kasunod ng mga pang-
uring pamilang.

• Mga Halimbawa:
• Bumili si Rex ng apat na tinapay para sa anak
niya.
• Naglabas ang nanay ng walong baso ng tubig
para sa mga bata.
Kapag tungkol sa oras at petsa

•HALIMBAWA
•Gumigising ako tuwing ikapito ng
umaga.
•Sa ikalima ng Enero ang aking
kaarawan.
Pagsasanay:

•Siya ay napatigil (ng, nang)


nakita niya ang kaniyang
hinahangaan.
Nang
Pagsasanay:

•Darating ako bukas (nang,


ng) maaga.

Ng
Pagsasanay:

•Ang pilnili niyang laruan


(nang, ng) hapong iyon ay
hindi ko mawari.
Nang
Pagsasanay:

•May isasagawang pulong sa


oras na alas-7 (nang, ng)
umaga.
Ng
Pagsasanay:

•Kaakibat (Nang, ng) sipag ang


tiyaga.

Ng
Pagsasanay:

•Hindi (rin, din) siya


makakadalo sa kasal.

rin
Pagsasanay:

•Aalis (daw, raw) sina Aileen


at Bernice papuntang France.

daw
Walisan at Walisin
Walisin
Tumutukoy sa isang bagay na
maaaring tangayin ng walis.
Walisan
Tumutukoy sa pook o lugar.
HALIMBAWA:

Walisin mo ang mga tuyong


dahon sa bakuran.
Walisan mo ang ating bakuran.
Kung at Kong
KONG
 ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan
lamang ng ng.

Halimbawa:
• Gusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo munang tulungan ang
iyong sarili.
• Maaasahan sa mga Gawain ang matalik kong kaibigan.
Kung
Ang kung ay pangatnig na panubali at ito’y
karaniwang ginagamit sa hugnayang
pangungusap.
Halimbawa:
• Malulutas ang mga problema ng bayan natin
kung isasantabi ng mga pulitiko ang kanilang
pamumulitika.
Matutulog na ako (kong,
kung) papatayin mo ang ilaw.
Nabasa ang binili
(kung,kong) aklat.
Taga at tiga:
•Taga
unlapi na nagsasaad kung saan ang
pinagmulan ng isang tao.
Halimbawa:
Maraming pasaherong taga -Pangasinan
ang na strand sa terminal ng bus.
Tiga
•Walang unlaping tiga. Ang
mayroon lamang ay unlaping tig –
na ginagamit kasama ng mga
salitang pambilang.
•Hal: tig –isa, tigadalawa
1. Ikaw (raw, daw) ang pangunahing tagapag-ulat sa klase.
2. Hindi ko mawari (kung, kong) tunay bang kaakibat ng sipag ang
tiyaga.
3-4. Matutulog (raw, daw) siya (kung, kong) papatayin mo ang ilaw.
5. Walang simunan ang maaaring magmahal sa kanya (kung di,
kundi) ako lamang.
6. Nagkaroon (raw, daw) ng kumpulan dahil sa naganap na laro ng
basketball.
7. Lumakad siya (ng, nang) dahan-dahan.
8. (Ng, nang) dumating ang guro, tumahimik ang buong klase.
9. Makikita ka (ng, nang) tarsier sa Bohol.
10. Ang palad (ng, nang) buhay niya ay maikukumpara sa gulong.
11. Takbo (ng, nang) takbo ang mga masugid na manlalaro.
12. Maaari bang (subukin, subukan) mo ang kanilang ginagawa sa
paaralan?
13-14. Masarap ang nilutong ulam. (Subukin, subukan) mo ito (ng,
nang) mapatunayam mo.
15. (Taga, Tiga)-Negros ang napangasawa ni Norma.
16. Huwag mong sipain ang (pinto, pintuan).
17. Masyadong mataas ang (pinto, pintuan) para ating akyatin.
18. Huwag mo sanang (bitiwan, bitawan) ang pangako mong
magtagumpay sa buhay.
19. Napagtanto kong magandang mabuhay (ng, nang) makita kita.
20. (May, mayroong) kumakatok sa (pinto, pintuan).
Tukuyin ang denotasyon at konotasyon sa
pangungusap.
1. Mainam na linisin ang kalat sa paligid.
2. Kaakibat ng bukangliwayway ang hinagpis.
3. Salamin ka sa lahat ng tao.
4. Masusunod ang layunin mo kung magsusumikap sa
buhay.
5. Papayag akong manatiling buhay kung kaligayahan
ang mananaig.
Tukuyin ang uri ng panlapi ang ginamit sa
pangungusap.
1. Mapalad
2. Guluhin
3. Sumisikat
4. Kabayanihan
5. Lasapin
6. Ninuno
7. Punuhin
8. Magmalasakitan
9. Pabayaan
10. Tungkulin

You might also like