You are on page 1of 4

I.

LAYUNIN

a. Nakikilala ang isa sa bahagi ng pananalita na pandiwa


b. Natutukoy ang mga halimbawa ng pandiwa
c. Nakabubuo ng pangungusap na may salitang pandiwa

II. PAKSANG-ARALIN
PAKSA: Pagpapakilala at Paggamit ng Pandiwa sa pangungusap.
a. Pandiwa
b. Halimbawa ng Pandiwa
SANGGUNIAN: Filipino Sa Wika 3, p. 38-40
KAGAMITAN: pentel pen, manila paper, colored paper, speaker, illustration
board, kahoy, bond paper, glue, tape

III. PANIMULANG GAWAIN


a. Pagdarasal
b. Pagtatala ng liban
c. Pagsasaayos ng silid
d. Pagbabalik Tanaw

IV. PAMAMARAAN

A. PAGGANYAK

PAMPASIGLANG GAWAIN
I. Pampasiglang awit at sayaw
1. Papatayuin ang buong klase para sa gagawing pampasiglang awit at
sayaw.
2. Pamumunuan ng guro ang pagkanta at pagsayaw.
3. Gagayahin ito ng buong klase.
4. Pagkatapos ng tugtog ay magtatanong sa klase kung ano ano ang
ginawa nilang kilos o galaw sa saliw ng musika.

B. AKTIBITI/SORPRESANG AKTIBI

“Sulat Mo, Kilos Mo”

PARAAN NG PAGGAWA:
1. Ang buong klase ay susulat ng isang gawain ng nais nilang ipagawa
sa kanilang kaklase sa loob ng silid-aralan. (Bibigyan lamang ng
dalawang minuto sa pagsusulat)
Hal: Gusto kong kumanta si Janine
2. Ipapasa ng mga mga mag-aaral sa guro ang kanilang ginawa.
3. Bubunot ng limang papel ang guro, tatawagin sa unahan ang may ari
ng papel at siya mismo ang gagawa ang kanyang sinulat.

C. ANALISIS
Magtatanong ang guro tungkol sa ginawang aktibiti.
a) Ano ang napansin ninyo sa ginawa ng inyong mga kaklase sa unahan?
b) Ano-ano ang kanilang ginawa?
c) Alam ba ninyo kung anong tawag sa aksyon o kilos na kanilang ginawa?

D. ABSTRAKSYON

Ipapaliwanag ng guro ang kahulugan ng Pandiwa at mga halimbawa nito sa


pangungusap.

Ang Pandiwa ay
isang bahagi ng
pananalita na
nagsasaad ng kilos o
galaw

E. APLIKASYON

a) Muling bubunot ng limang mag-aaral ang guro sa


ipinasang papel.

b) Isa isang tatawagin ng guro ang mag aaral na


nabunot ang papel para magpaikot ng roleta na
nasa unahan

c) Tutukuyin ng mag-aaral kung pandiwa ba o hindi


pandiwa ang natapatan ng “arrow”

F. EBALWASYON
PANUTO PANUTO: Isulat sa patlang ang letrang P kung ang salitang may
salungguhit ay Pandiwa at HP naman kung Hindi Pandiwa.

______1. Nakakita ako ng manok na pula.


______2. Si Linda ay umaawit ng kantang Buwan sa paligsahan.
______3. Nagsumbong ang mga biktima ng scam kay Raffy Tulfo.
______4. Masarap manirahan sa bukid.
______5. Si Janine ay kumakain ng masusustansyang pagkain.
______6. Naliligo si Mary Joy bago pumasok sa paaralan.
______7. Ang buong pamilya ni Lisa ay sama samang nagdarasal tuwing
Linggo.
______8. Ang tatak ng cellphone ni Reallene at Rose Jean ay Huawei.
______9. Nagluluto si nanay ng Adobo sa kusina.
______10. Sampung piso ang baon ni Clarisse pagpasok sa paaralan.
TAMANG SAGOT:
1. HP 6. P
2. P 7. P
3. P 8. HP
4. HP 9. P
5. P 10. HP

TAKDANG ARALIN:
Basahin ang kwentong “Ang Alamat ng Pakwan” sa pahina 45 ng Hiyas sa Wika
3 at itala ang mga pandiwang nabanggit sa kwento.

Inihanda nina:
Irish Cheska Espinosa
Mae Beñegas

Iwinasto ni:
G. Vince Marasigan
Nakakita
Scam
Nakakita
Scam
Nakakita
Scam

You might also like