C2R Filipino 3 WK1 - Q1

You might also like

You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ANTIPOLO
DISTRICT I-D
MAMBUGAN 1 ELEMENTARY SCHOOL

C2R (CREATING a CITY of READERS) PROGRAM

WEEKLY PLAN FOR READING ENRICHMENT ACTIVITIES IN FILIPINO


SY 2020-2021
GRADE LEVEL: Grade 3
WEEK: 1 (October 5-9, 2020)

Name:____________________________________Grade/Section:_____________
Teacher:__________________________________

Paalala sa mga Magulang,


Ito po ay para sa isang Linggong Pagsasanay sa Pagbasa para sa inyong
mga anak o tinatawag natin sa English na Enrichment/Remediation. Pakigabayan
po ang inyong mga anak. Salamat po !!

*Pagsasanay l: Bago simulan o gawin ang pinagagawa ay basahin muna ang Part 1 at
2 ng Batayang Talasalitaan araw-araw.

Lunes : Unang Gawain sa Pagbasa:

Basahin at Pag-aralan :
Pagpapalawak ng Talasalitaan :

*Basahin ang mga sumusunod na mga salita :

entablado ningas

masigabo lampara

palatuntunan ipinamalas

binalanse

*Pag-aralan ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.

Salita Kahulugan
1. entablado Ito ay tumutukoy sa pisikal na lugar kung saan
idinadaos ang isang pagtatanghal sa teatro ng mga
actor at aktres o ng mga mang-aawit o mananayaw.
2. masigabo Malakas na maingay
3. palatuntunan Isang programa
4. balanse Pantay ang katangian ng magkabilang panig
5. ningas Alab ng apoy
6. lampara Isang sisidlang ginagamit upang makagawa ng artipisyal
na liwanag
7. ipinamalas Tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan ang isang tao
ay ipinakita at ipinasaksi sa maraming mga tao
Martes na Gawain sa Pagbasa:

Mag-isp at Maghanap :

*Hanapin sa kanan ang kahulugan ng mga salitang nasa kaliwa .

Kolum A : Salita Kolum B : Kahulugan


1. entablado A. Malakas na maingay
2. masigabo B. Isang programa
3. palatuntunan C. Pantay ang katangian ng magkabilang panig
4. balanse D. Ito ay tumutukoy sa pisikal na lugar kung saan
idinadaos ang isang pagtatanghal sa teatro ng mga actor
at aktres o ng mga mang-aawit o mananayaw.
5. ningas E. Tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan ang isang tao
ay ipinakita at ipinasaksi sa maraming mga tao
6. lampara F. Alab ng apoy
7. ipinamalas G. Isang sisidlang ginagamit upang makagawa ng
artipisyal na liwanag

Miyerkules Gawain sa Pagbasa :

Tayo ng Magbasa!
*Hayaang magbasa ang mag-aaral sa tulong at gabay ng kanilang magulang o
tagapag-alaga .

Dagliang Tanong: Sagutin ang mga sumusunod na tanong .

Pagganyak: Nasubukan niyo na bang magpakita ng kakayahan ? Saan


at kailan ito naganap ?
Pangganyak na Tanong : Ayon sa kuwento, bakit nila binabalanse ang baso na may
ningas sa kanilang ulo ?

Babasahin ng Magulang ang pamagat ng Kuwento :

SAYAW SA PALATUNTUNAN

Oras ng Magbasa ng malakas:

Nanlalamig ang kamay ni Cita dahil sa kaba. Malapit na kasi silang sumayaw ng kanyang
kaibigang sina Rina at Ditas ng pandango sa ilaw.

Nilapitan sila ng kanilang guro na si Gng. Ramos bago sila umakyat sa entablado,
‘’Handa na ba kayong tatlo?’’ Huwag ninyong kalimutang ngumiti habang sumasayaw,’’ ang
mahipit na bilin ng kanilang guro.

‘’Bigyan ng masigabong palakpakan ang mga mag-aaral mula sa ikatlong baitang sa


pamamahala ni Gng. Rosa Ramos’’, Ani ng guro ng palatuntunan.

Habang sumasayaw, binabalanse nila ang mga ilaw na may ningas sa kanilang ulo at
pinaikot nila sa kanilang dalawang kamay ang sinding lampara, Bilib na bilib sa kanila ang lahat
ang mga nanonood.

Matapos ang sayaw, niyakap sila ng mahigpit nang guro dahil sa ipinamalas nilang galing.

Level: Grade 3 Bilang ng mga salita:

Huwebes na Gawain sa Pagbasa:

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pamagat ng kwento?
a. Awit sa Palatuntunan
b. Tula sa Palatuntunan
c. Sayaw sa Palantuntunan
d. Balagtasan sa Palantuntunan

2. Sino ang Gurong Tagapamahala ng kuwento?


a. Gng. Cruz
b. Gng. Garcia
c. Gng. Santos
d. Gng. Ramos

3. Ano ang kanilang sinayaw?


a. Rabong
b. Singkil
c. Tinikling
d. Pandanngo sa ilaw

4. Ano kaya ang pakiramdam ng guro habang sila ay sumasayaw?


a. Natatakot
b. Nagagalit
c. Nasisiyahan
d. Nalilito

5. Bakit nila binabalanse ang baso na may ningas sa kanilang ulo?


a. Dahil mabigat
b. Dahil magaan
c. Para hindi mahulog
d. Para magandang tingnan

6. Magaling kang sumayaw kaya isinali ka ng guro sa palatuntunan. Ano

sasabihin mo sa kanya?
a. Gagalingan ko po.
b. Di po ako sasali.
c. Nahihiya po ako.
d. Nalulungkot po ako.

7. Kung ikaw ay nagkamali habang nag sasayaw sa entablado ano gagawin

mo?
a. Titigil sa pagsasayaw.
b. Itutuloy sa pagsasayaw.
c. Ipapaulit muli ang sayaw.
d. Lahat dito ay tama.

Biyernes na Gawain sa Pagbasa:

Repleksyon!

Mga natutunan ko sa loob ng isang Linggo .


Para sa akin ang pagsali sa pagsayaw sa palatuntunanan ay
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Mahalaga ba ang pagbalanse sa ilaw na may ningas sa kanilang ulo? Ipaliwanag ang
iyong sagot .
_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Anong bahagi ng kwento ang nagustuhan mo? Bakit ? Ibahagi ang iyong naging
karanasan sa pagsayaw o kakayahan sa pagsayaw.
_____________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Mahusay ! Natapos mo na ng Unang Linggo ng C2R ! Binabati Kita !


Mila20

You might also like