You are on page 1of 5

Pumunta sa nilalaman

Ipakita/itago ang sidebar


窗体顶端

窗体底端
 Gumawa ng account
Mga pansariling kagamitan


Photograph your local culture, help Wikipedia and win!

Mga nilalaman
 itago

Simula


Kahulugan


Layunin


Katangian

Elemento


Uri


Tingnan din


Mga sanggunian

Nobela
143 (na) wika
 Artikulo
 Usapan
 Basahin
 Baguhin
 Baguhin ang wikitext
 Tingnan ang kasaysayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Itago
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito
upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng
Wikipedia. (Hulyo 2008)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito.

Binigay na dahilan: wala

Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay[1] ay isang
mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon
itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging
istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga
pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may
istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
Kahulugan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kahulugan ng nobela ay mahabang makathang pampanitikan na


naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas
ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling
ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na
siyang pinakabuod ng nobela.

Layunin[baguhin | baguhin ang wikitext]


1. gumising sa diwa at damdamin
2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
6. nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
7. nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela

Katangian[baguhin | baguhin ang wikitext]


1. pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
2. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
3. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
4. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
5. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
6. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig
mangyari
7. malinis at maayos ang pagkakasulat
8. maganda
9. maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang
mga tauhan

Elemento[baguhin | baguhin ang wikitext]


1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali
ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-
usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayarihan

Uri[baguhin | baguhin ang wikitext]


1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring
nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga
pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod
ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng
tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng
pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at
pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago
ng ating buhay o sistema.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]


 Kasaysayan ng nobela sa Pilipinas

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]


1. ↑ English, Leo James (1977). "Kathambuhay, nobela". Tagalog-English Dictionary (sa wikang
Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.

 Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong.


Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Kategorya: 
 Nobela
 Genre ng panitikan
 Huling pagbabago: 08:26, 18 Nobyembre 2022.
 Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-Alike; maaaring mailapat ang
karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa mga detalye.
 Patakaran sa Pagkapribado
 Patungkol sa Wikipedia
 Pagtatanggi
 Mobile view
 Mga Developer
 Estadistika
 Tungkol sa Cookie

You might also like