You are on page 1of 4

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7

Pamantayan sa Pagkatuto:

Napapahalagahan ang yamang tao ng Asya. (AP7HAS-Ih1.8)

I. Layunin

1. Nasusuri ang antas ng populasyon ng mga bansang Asyano sa pamamagitan ng mga datos.

2. Nakabubuo ng mga polisiya na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng yamang tao sa bansa.

3. Naipapahayag ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng yamang tao sa paglago ng Asya sa


kabuuan.

II. Nilalaman

a. Paksa: Yamang Tao ng Asya (Populasyon)


b. Sanggunian: Asya, Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pg. 70-80;
c. Kagamitan: Projector/TV, laptop, speaker, pentel pen, manila paper, video, visual aids

III.Pamamaraan

a.Panimulang Gawain

1. Pagbati

2.Pagtatala ng Liban

b.Pagganyak

Ipapanood sa mga mag-aaral ang isang balita ukol sa paglaki ng populasyon sa bansa.

(2) POPCOM: Populasyon sa Pilipinas inaasahang tataas muli kumpara noong kasagsagan ng Pandemya -
YouTube

Pamprosesong Tanong:

Anong paksa ang tinatalakay sa video na iyong napanood?

Gaano na kadami ang tinatayang populasyon ng Pilipinas sa susunod na taon?

Sa tingin mo, nakakapaekto kaya ang paglaki ng populasyon ng ating bansa sa pag-unlad nito?

c.Paglinang ng Aralin

1.Aktibiti - Data Analysis

a. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.


b. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang kopya ng ulat ukol sa populasyon ng mga bansang Asyano
mula sa United Nations Department of Economic and Social Affairs.

c. Ang bawat grupo ay kinakailangang suriin ang ulat upang makabuo ng listahan ukol sa 10 bansang may
pinakamataas at 10 may pinakamababang bilang ng populasyon sa buong Asya.

Una at Ikalawang Pangkat- 10 Bansa na may pinakamataas na bilang ng Populasyon sa Asya

Ikatlo at Ika-apat na Pangkat- 10 Bansa na may pinakamababang bilang ng Populasyon sa Asya

d.Isusulat sa isang manila paper ang ulat na ginawa at pipili ng 1-2 miyembro na mag-uulat ng nasabing
gawain sa harap ng klase.

2. Analisis

Gagamitin ang mga sumusunod na katanungan bilang pag-aanalisa sa naunang Gawain?

Ano-ano ang mga bansa sa Asya ang may pinakamaliit na populasyon? pinakamalaking populasyon?

Bakit kaya malaki ang populasyon ng mga bansang ito? Bakit maliit?

May kaugnayan ba ang populasyon sa kaunlaran ng isang bansa? Bakit?

3. Abstraksyon

Tatalakayin ang paksa sa pamamagitan ng mga sumusunod na katanungan.

Ano ang yamang-tao?

Ano ang kinalaman ng populasyon sa pag-aaral ng yamang tao?

Mahalaga ba ang papel na ginagampanan ng mga tao sa pagpapalago ng isang bansa?

Sa paanong paraan maaaring makatulong ang yamang tao?

Sa kaso ng Pilipinas, nakakatulong ba o nakakasama sa ating bansa ang patuloy na paglaking


populasyon?

Sa kabuuan, bakit mahalaga ang yamang tao sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnangAsyano?

4. Aplikasyon

Paggawa ng Isang Polisiya ukol sa Populasyon

a. Ang bawat grupo ay susubukang sagutin ang sumusunod na katanungan.

Kung bibigyan kayo ng pagkakataong gumawa ng isang polisiya ukol sa ating populasyon, ano ang
inyong gagawin? Paano niyo ito isasagawa? Ano ang mgamaaaring maging epekto o resulta ng polisiyang
nais ninyong ipatupad?
b. Pipili ng 1-2 miyembro kada grupo na maaaring magpaliwanag ng polisiyang nais isagawasa
harap ng klase.
Rubrics para sa pagtataya ng gawain.

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang


Puntos
Detalye at Mahusay na 8
Pagpapaliwanag inilahad ang mga
detalye sa plano o
polisiyang nais
ipatupad.
Pagsusuri Nasuri ang mga 7
maaring maging
epekto ng
polisyang
inirekomenda.
Orihinalidad Nakabuo ng isang 5
orihinal na plano
na walang
kawangis sa ibang
pangkat.

IV. Pagtataya

Suriin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa patlang ang titik T kung katotohanan ang isinasaad
ng pangungusap at M naman kung hindi.

M 1. Sa buong Asya, ang Indonesia ay ang bansang may pinakamalaking bilang ng populasyon.

T 2. Halos kalahati ng kabuuang populasyon sa mundo ay matatagpuan sa Asya.

T 3. Ang populasyon ay ang kabuuang bilang ng mga taong naninirahan sa isang particularna lugar,
rehiyon, o bansa.

M 4. Ayon sa ulat ng United Nations, ang Japan ay ang ikalimang may pinakamataas na populasyon sa
Asya.

M 5. Hindi nakakaapekto ang yamang tao sa kaunlaran ng isang bansa.

T 6. Ang India ay ang ikalawang may pinakamalaking populasyon hindi lamang sa Asya kundi sa buong
mundo.

M 7. Pitong bansa mula sa Asya ang kabilang sa sampung bansa sa buong mundo na may pinakamataas
na bilang ng populasyon.

T 8. Sa buong Asya, ang Brunei Darrusalam ang may pinakamababang bilang ng populasyon.

M 9. Ang Pilipinas ay kabilang sa sampung bansa sa buong mundo na may pinakamataas na bilang ng
populasyon.
M 10. Karaniwang walang epekto sa paglago ng isang bansa ang bilang ng mga taongnaninirahan sa
kanila.

V. Takdang Aralin

Magsaliksik ukol sa mga sumusunod na terminolohiya. Isulat sa inyong kwaderno anginyong mga
kasagutan.

1. life expectancy

2. migrasyon

3. unemployment rate

4. gross domestic product

5. literacy

You might also like