You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS


(USLeM)

ARALING PANLIPUNAN 7
Aralin 5A: Karapatang Pang-Ekonomiya ng mga Kababaihan
sa Silangan at Timog-Silangang Asya

DEVELOPMENT & EDITORIAL TEAM


Management Team : Dr. Malcom S. Garma, Regional Director - NCR
Dr. Genia V. Santos, CLMD Chief - NCR
Andrew E. Tan, EPS Araling Panlipunan - NCR
Dennis M. Mendoza, EPS Learning Resource - NCR
Nancy C. Mabunga, Librarian - NCR
Content Editors : Dr. Gregorio T. Capiral, EPS Araling Panlipunan - Parañaque City
May Ann B. Dalauidao
Peter Christopher B. Santillan
Language Editor : Daisielyn B. Ladines
Writer : Cyrish M. Castillo
Layout Artist : Justin J. Esmaña

Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Pinagbibili

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL NA ITO pen
Bago mo simulan ang pagsagot sa modyul na ito, nais ko na pansamantala mong
itigil ang mga gawain na maaaring makasagabal habang ikaw ay nag-aaral. Basahin ang
mga panuto sa ibaba para matagumpay mong maisakatupan ang mga layunin ng ating
aralin.

1. Sundin nang Mabuti ang lahat ng nilalaman at panuto na nakapaloob sa bawat


pahina ng modyul na ito.
2. Isulat sa iyong kwaderno o malinis na papel ang mga konsepto o kaisipan tungkol sa
mga aralin. Ang pagsusulat ay nagpapayaman ng pagkatuto na mahalagang linangin
at laging isaisip.
3. Isakatuparan ang lahat ng inilaang gawain dito sa modyul.
4. Huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapag daloy sa iyong mga
sagot.
5. Suriin nang mabuti ang pangwakas na pagsusulit at isagawa ang mga iyong
natutunan.
6. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Kaya mo ito!

PP Mga Bahagi ng Modyul


● Inaasahan – Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga kailangan mong matutuhan
sa modyul.
● Unang Pagsubok – Sa pagsusulit na ito, susukatin ang mga kaalaman mo at mga
konspetong aalamin sa aralin.
● Balik-Tanaw – Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
● Maikling Pagpapakilala ng Aralin – Sa bahaging ito, ipakikita ang kabuoang
kaisipan ng aralin.
● Mga Gawain – Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
● Tandaan – Sa bahaging ito, nilalagom ang mga konsepto at paglalapat ng mga
aralin.
● Pag-alam sa Natutuhan – Dito matutukoy ang iyong mga natutuhan sa aralin.
● Pangwakas na Pagsusulit – Ito ay gawain nanaglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi mula sa buong modyul.

ARALIN 5A: KARAPATANG PANG-EKONOMIYA NG MGA KABABAIHAN


SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA

INAASAHAN
Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng kababaihan tungo sa
pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampolitika.

Tiyak na Layunin:
1. Nasusuri ang mga karanasan ng kababaihang Asyano upang makamit ang
karapatang pang-ekonomiya;
2. Natataya ang kaalaman ukol sa karanasan ng kababaihan sa pakikibaka at
pagsulong ng karapatang pang-ekonomiya

2
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa konsepto na tumutukoy sa pinagkukunang yaman ng isang bansa na
may kinalaman sa produksyon at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo?
A. Ekonomiya B. Kultura C. Politika D. Tradisyon
2. Ayon sa United Nations Women’s Organization, anong bansa sa Silangang Asya na kahit
mayaman at industriyalisado ay may pinakamababang bilang ng kababaihang
mananaliksik?
A. China B. Japan C. South Korea D. Taiwan
3. Saang bansa naitatag ang samahang General Assembly Binding Women for Reforms,
Integrity, Equality, Leadership, and Action o mas kilala sa tawag na GABRIELA?
A. Indonesia B. Malaysia C. Pilipinas D. Singapore
4. Anong yunit o organisasyon ng United Nations ang nakatuon sa pagsulong ng
pagkakapantay-pantay sa kasarian at karapatan ng kababaihan?
A. World Health Organization
B. International Labour Organization
C. United Nations Women’s Organization
D. United Nations Department of Economic and Social Affairs
5. Anong samahan ang itinatag sa pangunguna nina Hiratsuka Raicho, Nogami Yaeko, at
Iwasaki Chichiro na nagsusulong sa pagwawakas ng paggamit ng sandatahang nukleyar,
karapatan ng bata, at pagkakaisa ng kababaihan para sa kapayapaang pandaigdig?
A. GABRIELA
B. United Nations Women’s Organization
C. New Japan Women’s Association (NJWA) o Shin Fujin
D. Committee on the Elimination of Discrimination against Women
6. Alin sa sumusunod ang naging panawagan ng New Japan Women’s Association sa
pagsulong ng karapatan ng kababaihan sa aspektong pang-ekonomiya?
a. Regulate non-regular employment.
b. Itaas ang sahod ng kababaihan.
c. Makamit ang tunay na kalayaang pambansa, demokrasya at paglaya ng
kababaihan.
d. Masiguro na ang kalalakihan at kababaihan ay magkaroon ng pantay na
pananagutan sa pamilya at makapagtrabaho sa makataong kondisyon.
A. a, b, at c B. b, c, at d C. a, b, at d D. a, c, at d
7. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng pagsulong ng karapatan ng
kababaihan sa ekonomiya?
a. Kapag mas maraming kababaihan ang nagtatrabaho, ang ekonomiya ay
lumalago.
b. Sa taong 2020, ang kababaihan ay may kalayaan nang makilahok sa gawaing
pampolitika sa lahat ng bansa sa daigdig.
c. Ang bansang Thailand ay may 56% ng kababaihang mananaliksik sa buong
mundo.
d. Ayon sa World Economic Forum, pampito ang Pilipinas pagdating sa
pagkakapantay-pantay sa kasarian o gender equality index.
A. a, b, at c B. b, c, at d C. a, b, at d D. a, c, at d
8. Alin sa sumusunod ang kabilang sa ulat ng GABRIELA sa United Nations Commission on
Human Rights noong 2017?
a. Nanatiling mas mataas ang sahod ng kalalakihan sa agrikultura.
b. Mas pinipili sa trabaho sa pabrika ang kababaihang walang asawa kaysa
mayroon.

3
c. Mas mataas ang pensyon na natatanggap ng kalalakihan kaysa kababaihan.
d. Napananatili ng kababaihan ang pagiging produktibo sa ekonomiya hanggang sa
kanilang pagtanda.
A. a, b, at c B. b, c, at d C. a, b, at d D. a, c, at d
9. Bagaman mayaman na bansa ang Japan, ang agwat ng pasahod sa pagitan ng
kalalakihan at kababaihan ay nananatili pa rin. Alin sa sumusunod na ulat ng NJWA ang
kaugnay ng pahayag?
a. Ang natatanggap na pensyon ng kababaihan sa Japan ay 60% lamang ng
pensyon ng kalalakihan.
b. Ang pasahod sa kababaihan sa larangan ng agrikultura ay mas mababa ng 14%
kaysa kalalakihan.
c. Sa part time job, ang sahod na natatanggap ng kababaihan ay katumbas lamang
ng 51% na kita ng kalalakihan.
d. Sa regular na manggagawa, ang sahod na natatanggap ng kababaihan ay
katumbas lamang ng 69.3 % na kita ng kalalakihan.
A. a, b, at c B. b, c, at d C. a, b, at d D. a, c, at d
10. Mahalaga na mabigyan at magkaroon ng pagkakataon sa larangan ng kabuhayan ang
kababaihan. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay rito?
a. Ang partisipasyon sa lakas paggawa ng kababaihan ay 19% lamang kaysa
kalalakihan na 77%.
b. Kailangang masiguro na ang kalalakihan at kababaihan ay magkaroon ng pantay
na pananagutan sa pamilya.
c. Ang bansang Thailand na may 56% ng kababaihang mananaliksik ang may
pinakamataas na bahagdan sa buong mundo.
d. Ayon sa World Economic Forum, pampito ang Pilipinas pagdating sa sukatan ng
pagkakapantay sa kasarian o gender equality index .
A. a, b, at c B. b, c, at d C. a, b, at d D. a, c, at d

BALIK-TANAW
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang bansang pinagmulan ng bawat pinuno na nasa
Hanay A. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
1. Mao Zedong A. Hilagang Korea
2. Syngman Rhee B. Pilipinas
3. Kim Il Sung C. Vietnam
4. Ton Duc Thang D. Timog Korea
5. Manuel A. Roxas E. China

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ayon sa matandang kasabihan ng mga Tsino, “Women hold up half of the sky” o
saklaw ng kababaihan ang kalahati ng kalangitan. Ito ay isang pahayag na kumikilala sa
bahagi at gampanin ng kababaihan tungo sa kaunlarang panlipunan.
Sa modyul na ito ay susuriin ang karanasan ng kababaihan tungo sa pagkakapantay-
pantay sa kasarian at ang bahagi na kanilang ginampanan sa pagsulong ng ekonomiya sa
Silangan at Timog-Silangang Asya.

4
PAKIKIBAKA NG KABABAIHAN SA ASYA
Ang sumusunod na samahan mula sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang
tumulong sa kababaihan na maitaguyod ang kanilang karapatang pang-ekonomiya tungo
sa pagkakapantay-pantay sa kasarian:

New Japan Women’s Association (NJWA) o Shin Fujin


Ang NJWA ay nakilahok sa mga pagpupulong ng United Nations Committee on the
Status of Women at sa Committee on the Elimination of Discrimination against Women
(CEDAW Committee). Kasama rin sa nasabing gawain ang pagpasa ng mga talang pahayag
at ulat ng samahan sa nasabing pulong.

KARAPATAN NG KABABAIHAN SA PAGTATRABAHO


Ang sumusunod na pahayag ay ilan lamang sa mga ulat sa Japan ng NJWA sa ika-
14 na pagpupulong ukol sa Kalagayan ng Karapatang Pantao noong 2012:
1. Walang regular na trabaho – 20.1 % kumakatawan sa kalalakihan samantalang 54.6 %
naman ay kababaihan.
2. Wage gap o agwat ng kita sa mga regular na manggagawa - ang sahod na
natatanggap
ng kababaihan ay katumbas lamang ng 69.3 % na kita ng kalalakihan.
3. Part-time job – ang sahod na natatanggap ng kababaihan ay katumbas lamang ng 51%
na kita ng kalalakihan.
4. Sahod - ang mababang pasahod sa kababaihan ay nagiging hadlang sa kanila upang
magkaroon ng economic independence. Ito ay nagdudulot sa kanila ng pagkabalisa o
anxiety sa kanilang kabuhayan sa pagtanda. Sa ilalim ng kanilang sistema ng pagbibigay
ng pensyon, ang kalalakihan ay nakatatanggap ng ¥176,000 kada buwan samantalang
ang kababaihan naman ay ¥103,000 lamang.

Ang ilan sa mga rekomendasyon ng samahan sa pamahalaan sa usapin na ito ay ang


sumusunod:
1. Regulate non-regular employment at magsagawa ng mga hakbang kasama na ang
pagpapasa ng batas at pagsusog na taasan ang sahod ng mga regular na manggagawa.
2. Masiguro na ang kalalakihan at kababaihan ay magkaroon ng pantay na pananagutan sa
pamilya, makapagtrabaho sa makataong kondisyon, mapaikli ang oras sa pagtatrabaho,
pantay na pagtrato at matugunan ang agwat sa pasahod ng kababaihan sa kalalakihan sa
kanilang bansa.

GABRIELA
Ang mga panawagan at ulat ng GABRIELA sa United Nations Commission on
Human Rights noong 2017 sa aspektong pang-ekonomiya ay ang sumusunod:

1. Ayon sa gender equality index sa World Economic Forum noong 2015, ang ating
bansa ay nasa pampitong puwesto sa usapin ng pagkakapantay-pantay sa kasarian. Ang
bilang na ito ay kumakatawan lamang sa maliit na bilang ng kababaihan sa Pilipinas. Ang
napakalaking bilang nito ay mula sa kababaihang katutubo, at mga kababaihan na nasa
mahirap na kalagayan.
2. Ayon sa Philippine Statistics Authority, noong 2012 kasama ang kababaihan sa bilang
ng pinakamahirap na sektor na may 25.9%. Mas mababa ang pasahod sa kanila at mas
mahaba ang oras ng paggawa. Kanilang napananatili ang pagiging produktibo sa
ekonomiya hanggang sa edad 65 o pagtanda samantalang sa kalalakihan, kanilang
nakakamit ang rurok nito sa panahon ng kanilang kabataan hanggang sa gitnang edad
lamang.
Ayon naman sa GABRIELA, ang isa sa seven deadly sins ay ang pagsasamantala
(exploitation) sa kababaihan na patuloy na nagaganap sa lipunan. Ang pasahod sa
kababaihan sa larangan ng agrikultura ay mas mababa ng 14% kaysa kalalakihan. Sa mga

5
pagkakataon naman sa pagtatrabaho na kasama ang buong pamilya, ang kababaihan at
bata ay hindi pinasasahuran. Ilang pabrika rin ang nagpapatupad na ang mga kababaihang
walang asawa ay kinakailangang kumuha ng pregnancy test. Mas tinatanggap sa trabaho
ang kababaihang walang asawa kaysa mayroon.

KABABAIHAN SA EKONOMIYA

Suriin ang datos


ukol sa agwat ng
partisipasyon ng
kababaihan at kalalakihan
sa lakas paggawa.

Sinasabi ng datos
na mas mataas pa rin ang
antas ng pakikilahok ng
kalalakihan sa Silangan
at Timog-Silangang Asya
sa aspekto ng lakas
paggawa.
Mula sa : https://www.ilo.org/global/about-the-ilo/multimedia/maps-and-charts/enhanced/WCMS_650041/lang--en/index.htm

Sa usapin naman ng industriya, inobasyon, at imprastraktura – kinakatawan ng


kababaihan ang 28.8% na mananaliksik sa buong mundo. Halos 1 sa 5 mga bansa ang may
pagkakapantay-pantay sa kasarian. Nangunguna ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa
aspektong ito. Ang kababaihan ang kumakatawan sa 33% na mananaliksik dito. Ang
bansang Thailand ang may pinakamataas na bahagdan ng babaeng mananaliksik sa
buong mundo na may 56% samantalang ang bansang Japan naman ang may
pinakamababang bahagdan sa Silangang Asya na may 15% lamang.
Ayon sa United Nations Women’s Organization, ang pagtaas ng bilang ng
kababaihan na nagkamit ng edukasyon ay nakaaambag sa paglakas at paglago ng
ekonomiya. Ibig sabihin, mahalaga na mabigyan at magkaroon ng pagkakataong
pangkabuhayan ang kababaihan. Malaki ang pakinabang ng bansa sa kanila na
makatutulong sa pagkakaroon ng pambansang kaunlaran.

MGA GAWAIN
Gawain 1
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tumutukoy sa karapatang pang-ekonomiya
ng kababaihan at MALI naman kung hindi.
1. Ayon sa World Economic Forum noong 2015, pampito ang Pilipinas sa usapin ng
may pagkakapantay-pantay sa kasarian.
2. Ang NJWA ay nagbibigay ng ulat sa United Nations ukol sa kalagayang
panlipunan ng kababaihan sa Japan.
3. Isa sa mga panawagan ng NJWA ay pigilan ang rebisyon ng konstitusyon at
muling pagbalik ng militarismo sa Japan.
4. Ang bansang Thailand ang may pinakamataas na porsiyento ng babaeng
mananaliksik sa buong mundo na may 56%.
5. Ang mababang pasahod sa kababaihan ay nagiging hadlang upang sila’y
magkaroon ng economic independence.

6
Gawain 2
Panuto: Punan ang talahanayan ng hinihinging sagot ang nasa bawat hanay ukol sa mga
kilusang nagsulong at nanawagan sa karapatan ng kababaihan sa Asya.
Samahan Kahulugan Bansang Ulat ukol sa Kalagayang
Pinagmulan Pang-ekonomiya
NJWA
GABRIELA

TANDAAN

 Ang New Japan Women’s Association (NJWA) o Shin Fujin ay itinatag noong
Oktubre 19, 1962 sa pangunguna nina Hiratsuka Raicho, Nogami Yaeko at Iwasaki
Chichiro. Isinusulong ng samahan ang pagwawakas sa paggamit ng sandatahang
nukleyar, karapatan ng bata at pagkakaisa ng kababaihan para sa kapayapaang
pandaigdig.
 General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership,
and Action o mas kilala sa katawagang GABRIELA ay samahan na naglalayon na
tulungan ang kababaihang Pilipino na magkaroon ng kaalaman upang makatulong
sa pagsulong ng kanilang karapatan at interes sa pamamagitan nang sama-samang
pagkilos.
 Nangunguna ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa pagkakaroon ng
kababaihang mananaliksik sa buong daigdig.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Panuto: Basahin ang mga pahayag at piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Anong tawag sa karapatan na nagsusulong ng disenteng pamumuhay at kabuhayan?
A. Kultural B. Pang-ekonomiya C. Pang-indibidwal D. Politikal
2. Anong tawag sa pagtingin nang mababa sa isang indibidwal o pangkat batay sa kaniyang
lahi, kasarian, relihiyon o katayuang panlipunan?
A. discrimination B. exploitation C. gender gap D. racism
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagbuti ng kalagayan ng kababaihan
sa paglago ng ekonomiya?
a. Tataas ang antas ng kababaihang nakapag-aral.
b. Bababa ang antas ng karahasan laban sa kababaihan.
c. Tataas ang bilang ng kababaihang mananaliksik sa Silangang Asya.
d. Tataas ang antas ng kababaihan sa lakas paggawa na makatutulong sa
pagsulong ng ekonomiya.
A. a, b at c B. a, c, at d C. a, b, at d D. a, c, at d
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumatalakay sa kalagayan ng karapatang pang-
ekonomiya ng kababaihan sa Pilipinas?
a. Mas mababa ang pensyon na ibinibigay sa kalalakihan kaysa kababaihan.
b. Mas tinatanggap sa trabaho ang kababaihang walang asawa kaysa mayroon.
c. Ayon sa Philippine Statistics Authority, kasama ang kababaihan sa bilang ng
pinakamahirap na sektor.
d. Ang Magna Carta ay nakatuon sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay sa
kasarian at pagwawakas ng lahat ng porma ng diskriminasyon sa kababaihan.
A. a, b, at c B. b, c, at d C. a, b, at d D. a, c, at d

7
5. Ano ang ibig sabihin ng isang African adage o kasabihan na, “If you educate a boy, you
train a man. If you educate a girl, you train a village”?
a. Mahalaga ang gampanin ng kababaihan sa lipunan.
b. Malaki ang epekto ng edukasyon sa paglago ng bansa.
c. Mas malaki ang pakinabang ng bansa sa kababaihan kaysa kalalakihan.
d. Malaki ang pakinabang ng isang bansa sa kababaihan kung sila’y makapag-aaral
dahil sa potensyal na maaring itulong nila sa ekonomiya.
A. a, b, at c B. b, c, at d C. a, b, at d D. a, c, at d
Para sa bilang 6-10, suriin ang graph upang masagutan ang bawat tanong.

Labor force participation rate by


sex and gender gap, 2017

6. Anong nais ipabatid ng graph? Mula sa : https://www.ilo.org/global/about-the-ilo/multimedia/maps-and-


charts/enhanced/WCMS_650041/lang--en/index.htm
A. Bahagdan ng paglago ng ekonomiya sa Asya
B. Partisipasyong politikal ng kababaihan sa Asya
C. Bilang ng kababaihang may trabaho sa Silangang Asya
D. Antas ng partisipasyon sa lakas paggawa ng kababaihan at kalalakihan sa Asya
7. Ilang porsiyento ang partisipasyon ng kababaihan mula sa Silangang Asya?
A. 56.6 % B. 60.2 % C. 75.5 % D. 79.6 %
8. Ilang porsiyento ang agwat ng partisipasyon ng kalalakihan sa kababaihan sa Timog-
Silangang Asya at Pasipiko?
A. 15.3 % B. 23% C. 27.9% D. 51.2%
9. Batay sa graph, anong nais ipabatid ng agwat ng partisipasyon ng kababaihan sa
kalalakihan (gender gap) sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
A. Pareho lamang ang agwat sa partisipasyon ng dalawang kasarian sa Silangang
Asya kaysa Timog-Silangang Asya.
B. Mas mataas ang porsiyento ng agwat sa partisipasyon ng dalawang kasarian sa
Silangang Asya kaysa Timog-Silangang Asya.
C. Mas mababa ang porsiyento ng agwat sa partisipasyon ng dalawang kasarian sa
Timog-Silangang Asya kaysa Silangang Asya.
D. Mas mataas ang porsiyento ng agwat sa partisipasyon ng dalawang kasarian sa
Timog-Silangang Asya kaysa Silangang Asya.
10. Anong pangkalahatang mensahe ang nakapaloob sa graph ukol sa partisipasyon sa
lakas paggawa ng dalawang kasarian sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
A. Mas mataas ang bahagdan ng partisipasyon ng kalalakihan kaysa kababaihan.
B. Mas mababa ang bahagdan ng partisipasyon ng kalalakihan kaysa kababaihan.
C. Mas mataas ang bahagdan ng partisipasyon ng kababaihan kaysa kalalakihan.
D. Magkapareho ang antas ng partisipasyon ng dalawang kasarian sa Silangan at
Timog-Silangang Asya.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Saang bansa naitatag ang samahang General Assembly Binding Women for Reforms,
Integrity, Equality, Leadership, and Action o mas kilala sa tawag na GABRIELA?
A. Indonesia B. Malaysia C. Pilipinas D. Singapore

8
2. Ayon sa United Nations Women’s Organization, anong bansa sa Silangang Asya na kahit
mayaman at industriyalisado ay may pinakamababang bilang ng kababaihang
mananaliksik?
A. China B. Japan C. South Korea D. Taiwan
3. Ano ang tawag sa konsepto na tumutukoy sa pinagkukunang yaman ng isang bansa na
may kinalaman sa produksyon at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo?
A. Ekonomiya B. Kultura C. Politika D. Tradisyon
4. Anong samahan ang itinatag sa pangunguna nina Hiratsuka Raicho, Nogami Yaeko, at
Iwasaki Chichiro na nagsusulong sa pagwawakas ng paggamit ng sandatahang nukleyar,
karapatan ng bata, at pagkakaisa ng kababaihan para sa kapayapaang pandaigdig?
A. GABRIELA
B. United Nations Women’s Organization
C. New Japan Women’s Association (NJWA) o Shin Fujin
D. Committee on the Elimination of Discrimination against Women
5. Anong yunit o organisasyon ng United Nations ang nakatuon sa pagsulong ng
pagkakapantay sa kasarian at karapatan ng kababaihan?
A. World Health Organization
B. International Labour Organization
C. United Nations Women’s Organization
D. United Nations Department of Economic and Social Affairs
6. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng pagsulong ng karapatan ng
kababaihan sa ekonomiya?
a. Ang ekonomiya ay lumalago kapag mas maraming kababaihan ang
nagtatrabaho.
b. Sa taong 2020, ang kababaihan ay may kalayaan nang makilahok sa gawaing
pampolitika sa lahat ng bansa sa daigdig.
c. Ang bansang Thailand ay may 56% ng kababaihang mananaliksik sa buong
mundo.
d. Ayon sa World Economic Forum, pampito ang Pilipinas pagdating sa
pagkakapantay-pantay sa kasarian o gender equality index .
A. a, b, at c B. b, c, at d C. a, b, at d D. a, c, at d
7. Alin sa sumusunod ang naging panawagan ng New Japan Women’s Association sa
pagsulong ng karapatan ng kababaihan sa aspektong pang-ekonomiya?
a. Regulate non-regular employment
b. Itaas ang sahod ng kababaihan.
c. Makamit ang tunay na kalayaang pambansa, demokrasya at paglaya ng
kababaihan.
d. Masiguro na ang kalalakihan at kababaihan ay magkaroon ng pantay na
pananagutan sa pamilya at makapagtrabaho sa makataong kondisyon.
A. a, b, at c B. b, c, at d C. a, b, at d D. a, c, at d
8. Bagaman mayaman na bansa ang Japan, ang agwat ng pasahod sa pagitan ng
kalalakihan at kababaihan ay nananatili pa rin na mas higit kaysa kababaihan. Alin sa
sumusunod na ulat ng NJWA ang kaugnay ng pahayag?
a. Ang natatanggap na pensyon ng kababaihan sa Japan ay 60% lamang ng
pensiyon ng kalalakihan.
b. Ang pasahod sa kababaihan sa larangan ng agrikultura ay mas mababa ng 14%
kaysa kalalakihan.
c. Sa part time job, ang sahod na natatanggap ng kababaihan ay katumbas lamang
ng 51% na kita ng kalalakihan.
d. Sa regular na manggagawa, ang sahod na natatanggap ng kababaihan ay
katumbas lamang ng 69.3 % na kita ng kalalakihan.
A. a, b, at c B. a, c, at d C. a, b at d D. a, c, at d

9
9. Alin sa sumusunod ang kabilang sa ulat ng GABRIELA sa United Nations Commission on
Human Rights noong 2017?
a. Nanatiling mas mataas ang sahod ng kalalakihan sa agrikultura.
b. Mas pinipili sa trabaho sa pabrika ang kababaihang walang asawa kaysa
mayroon.
c. Mas mataas ang pensyon na natatanggap ng kalalakihan kaysa kababaihan.
d. Napananatili ng kababaihan ang pagiging produktibo sa ekonomiya hanggang sa
kanilang pagtanda.
A. a, b, at c B. b, c, at d C. a, b, at d D. a, c, at d
10. Mahalaga na mabigyan at magkaroon ng pagkakataon sa larangan ng kabuhayan ang
kababaihan. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay rito?
a. Ang partisipasyon sa lakas paggawa ng kababaihan ay 19% lamang kaysa
kalalakihan na 77%.
b. Kailangang masiguro na ang kalalakihan at kababaihan ay magkaroon ng pantay
na pananagutan sa pamilya.
c. Ang bansang Thailand na may 56% ng kababaihang mananaliksik ang may
pinakamataas na bahagdan sa buong mundo.
d. Ayon sa World Economic Forum, pampito ang Pilipinas pagdating sa sukatan ng
pagkakapantay sa kasarian o gender equality index .
A. a, b, at c B. b, c, at d C. a, b, at d D. a, c, at d

MGA SANGGUNIAN:

Lozanta, A. (2014). Araling Panlipunan sa Makabagong Siglo: Araling Asyano 7. Don Bosco Press,
Inc.

Lagarde, C. (2014, May 19). "Daring the Difference: The 3 L’s of Women’s Empowerment" IMF News
https://www.imf.org/en/News/Articles/2015/09/28/04/53/sp012313

SDG 2030: Turning Promises into Action (2018). United Nations Women Organization, Retrieved from
https://www.unwomen.org/-/media/headquarters/attachments/sections/library/publications/2018/sdg-
report-fact-sheet-eastern-and-south-eastern-asia-en.pdf?la=en&vs=3553

UPR Submission on the Human Rights Situation in Japan: Human Rights Council 14th Session of the
Universal Periodic Review (2012) Office of the High Commissioner for Human Rights, Retrieved from
https://lib.ohchr.org/HRBodies/UPR/Documents/Session14/JP/NJWA_UPR_JPN_S14_2012_NewJap
anWomensAssociation_E.pdf

Who are we? What are out aims?. (n.d). Retrieved from http://www.shinfujin.gr.jp/english/

GABRIELA National Alliance of Women in the Philippines Submission for the United Nations
Commission on Human Rights Universal Periodic Review, 2017 (2017). ) Office of the High
Commissioner for Human Rights, Retrieved from
https://uprdoc.ohchr.org/uprweb/downloadfile.aspx?filename=3774&file=EnglishTranslation

GABRIELA (n.d). Retrieved from https://www.onebillionrising.org/41139/gabriela-national-alliance-of-


filipino-women-southeast-asia-philippines-indonesia-thailand-vietnam-singapore-malaysia-cambodia-
laos/

Facts and Figures: Economic Empowerment (n.d). Retireved from https://www.unwomen.org/en/what-


we-do/economic-empowerment/facts-and-figures

Gender gaps in Asia-Pacific: Trends and projections (n.d). Retrieved from


https://www.ilo.org/global/about-the-ilo/multimedia/maps-and-charts/enhanced/WCMS_650041/lang--
en/index.htm

10

You might also like