You are on page 1of 15

IKATLONG MARKAHAN (MODYUL 5)

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto
at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Gabay para sa Magulang / Tagapag-alaga
Sa bahaging ito matutunghayan po ninyo ang inaasahang matututunan ng inyong
Alamin Natin
anak sa gamiti ang modyul na ito.

Inyo pong ipaunawa sa inyong anak na mahagalaga ang paunang pagsusulit


Subukin Natin upang lubusang masukat ang taglay nilang paunang kakayahan o kaalaman
(kompetensi) na nakalaan sa modyul na ito.

Mangyaring hikayatin pong mabuti ang inyong anak na alalahanin ang


Balikan Natin makabuluhang nagdaang leksiyon upang maihanda siya sa bagong paksang
tatalakayin.

Ang inyong mahalagang gampanin sa pagpapakilala sa bagong aralin ay


Tuklasin Natin kailangan upang maitawid sa panibagong leksiyon sa pamamagitan ng tuwirang
pakikilahok sa mga mapamukaw na gawain. Subaybayan tuwina ang inyong anak
l habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Maaari pong subaybayan, tunghayan at itala ang pag-unlad ng inyong anak sa


Suriin Natin paglalahad ng leksiyon nila habang patuloy pa ring hinahayaan silang sagutan ang
mga gawain sa kanilang sariling pamamaraan.

Samahan at subaybayan ang inyong anak sa pagsagot sa mga magkakaugnay na


Pagyamanin gawain na titiyak ng kanyang lumalalim na pagkatuto’t pag-unawa sa leksiyon.
Natin

Hayaan malayang maikapagpahayag ng inyong anak anak kaniyang saloobin at


Isaisip Natin pagkaunawa sa leksiyon.

Hikayating lubos ang inyong anak na isabuhay ang mga natutunan sa kanyang
Isabuhay Natin munting kakayanan.

Hayaang sagutan ng inyong anak ang pagsusulit. Itoý pinakamahalagang bahagi


Tayahin Natin ng pag-aaral upang matukoy kung ang inaasahang pagkatuto ay matagumpay na
natamo.

Hinihikayat na inyong samahang isagawa ang mga iminumungkahing gawain


Gawin Natin upang higit pang mapayaman at kawiliwiling malinang ang bagong kaalaman.

Gamitin po ito upang iwasto ang pagsusulit na nakatakda upang matukoy ang mga
Susi sa
aytem na naging kalakasan/kahinaan na inyong anak.
Pagwawasto
Alamin Natin

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga


kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampolitika (AP7TKA –IIIf1.15)
PAKSA: Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan
LAYUNIN:
1. Natatalakay ang mga samahan at kalagayang panlipunan ng mga kababaihan sa Timog at
Kanlurang Asya.
2. Nasusuri ang mga epekto ng mga samahang pangkababaihan at ang mga kalagayang
panlipunan sa buhay ng mga kababaihantungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong
pang-ekonomiya at karapatang pampolitika.
3. Napapahalagahan ang papel na ginampanan ng mga kababaihan sa kalagayang
panlipunan sa Timog at Kanlurang Asya.

Subukin Natin

PANUTO: MARAMIHANG PAGPILI: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Kasama ang National Council of Indian Women, ito ay naglayong makapagdulot ng mga
pagbabago sa pamumuhay ng karaniwang kababaihang Indian.
A. Bharat Aslam C. Bharat Mahila Parishad
B. Arya Mahila Samaj D. Women’s Indian Association
2. Binigyang-pansin ang HINDI makatuwirang bilang ng oras ng pagtatrabaho ng mga
kababaihan.
A. Indian Factory Act C. Women’s Indian Association
B. All Indian Coordination Committee D. National Council of Indian Women
3.Ginawang ligal ito ng Hindu Marriage Act ng 1955.
A. Aborsyon C. Legal Separation
B. Diborsyo D. Same-Sex Marriage
4. Pinamunuan niya ang Women’s India Association na nangampanya upang ang mga
kababaihan ay mabigyan ng karapatang bumoto.
A. Keshab Chunder Sen C. Sarojini Naidu
B. Pandita Romabai D. Amir-un-Nisa
5.Noong __________, ay iginawad sa mga kababaihang Indian ang karapatang bumoto.
A. 1949 C. 1951
B. 1950 D. 1952
6. Sa aspektong ito naging aktibo sa paghingi ng pagbabago ang mga kababaihang Muslim.
A. Diskriminasyon C. Edukasyon
B. Pagkakapantay-pantay D. Eleksyon
7. Sa pamumuno niya nagkaroon ng pagbabago sa pagtingin sa kababaihan sa Pakistan.
A. Zulfiqar Ali Bhutto C. Pandita Ramabai
B. Sarojini Naidu D. Keshab Chunder-Sen
8. Ang pagsalakay ng mga militanteng gerilya na nakilala sa tawag na Liberation Tigers of
Tamil Eelam(LTTE) noong 1983 ay nagdulot ng _________________.
A. Kapayapaan C. Opresyon
B. Kaguluhan D. Giyera Sibil
9. Itinatag noong Oktubre 1984, nagsilbi itong bantay sa militarisayon ng Sri Lanka.
A. Women’s Action Forum C. Sri Lanka’s Women’s NGO Forum
B. Women for Peace D. Liberation Tigers of Tamil Eelam
10. Itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa Bangladesh.
A. Mahila Parishad C. Women’s Action Force
B. Women’s Action Forum D. National Council on Women
11. Isa sa mga kahilingan ng mga kababaihan sa Bangladesh ay ang ratipikasyon ng CEDAW.
Ano ang kahulugan ng akronim na CEDAW?
A. Committee on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women
B. Conference on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women
C. Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women
D. Council on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women
12. Pinamunuan niya ang National Council on Women na naglalayong baguhin ang batas-
pampamilya at ang pagbabawal sa pagkapon sa mga kababaihan sa Egypt.
A. Zulfiqar Ali Bhutto C. Fatima Bint Mubarak
B. Rania Al-Abdullah D. Susan Mubarak
13. Sa mahabang panahon, ang pakikilahok dito ay ipinagbawal sa mga kababaihan sa
Kanlurang Asya dahil sa kasarian.
A. Edukasyon C. Relihiyon
B. Militarisasyon D. Eleksyon
14. Inilunsad noong 2000, ito ay isang pangrehiyong network upang maisulong ang kamalayan
ng kababaihan tungkol sa kanilang dapat taglaying mga karapatan.
. A. Arab Women Connect C. Collective Women’s Platform
C. National Council on Women D. Women’s Coalition for a Just Peace
15. Si Rania Al-Abdullah ay reyna ng bansang ito sa Kanlurang Asya.
A. Israel C. Saudi Arabia
B. Jordan D. United Arab Emirates

Aralin Mga Pagbabago sa Timog at


3 Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon

Balikan Natin

Basahin at unawain ang mga katanungan na nasa kahon pagkatapos ay ayusin ang mga
jumbled letters upang mabuo ang kasagutan na may kaugnayan sa balangkas o uri ng
pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya.
1.Uri ng pamahalaan na hawak ng 2. Ang mga mamamayan ang pumipili
mamamayan ang kapangyarihan. Ang ng kinatawan o representative sa
mga tao ay may pantay-pantay na pamahalaan. Halimbawa nito ay ang
karapatan at pribilehiyo. Pilipinas.
ASYAEMOKRD PUBAKILER

3. Sa pamahalaang ito, hawak ng 4. Uri ng pamahalaan na hawak ng


mga lokal na pamahalaan ang estado o ng pamunuang namamahala
kapangyarihan na hindi maaring nito ang ganap na awtoridad.
pakialaman ng pamahalaang
nasyonal.
RATOMSINYALITATO
DEPRELA

5. Pamahalaan na pinamumunuan ng 6. Sa pamahalaang ito ang mga lider ng


isang diktador na hindi nalilimitahan relihiyon ang namumuno bilang
ng anumang batas ang kanyang mga kinatawan ng kanilang Diyos. Ang Tibet
desisyon. ay halimbawa nito.
RUDYAKIDTA ASYAOKTER

7. Sa pamahalaang ito ay nag-iisa ang


partidong awtoritaryan na may
kapangyarihan sa ekonomiya ng bansa

UMOKSINMO

Tuklasin Natin

Gawain 1: PAGSUSURI SA TEKSTO: Basahin ang teksto na naglalahad hinggil sa epekto ng


mga samahang kababaihan at ang mga kalagayang panlipunan sa buhay ng kababaihan tungo sa
pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampolitika.
MGA KILUSANG PANGKABABAIHAN

A. TIMOG ASYA:

INDIA
Mababa ang katayuan sa lipunan ng kababaihan sa India.Subalit pagsapit ng ika-19 na siglo,
naging aktibo ang mga kababaihan sa bansa sa paglahok sa mga kilusang nagtataguyod ng
repormang panlipunan. Ang Women’s Indian Association (1917) at ang National Council of
Indian Women (1925) ay nangampanya sa mga mambabatas upang makapagdulot ng mga
pagbabago sa pamumuhay ng karaniwang kababaihang Indian. Tinalakay ng All India Women’s
Conference ang mga isyu sa paggawa, rekonstruksyon ng mga kanayunan, opyo, at batas ukol
sa bata o maagang pagpapakasal. Binigyang pansin naman ng Indian Factory Act (1891) ang
hindi makatuwirang bilang ng oras ng pagtatrabaho ng kababaihan. Binigyang pansin naman ng
All Indian Coordination Committee ang mga isyu tulad ng benepisyo sa pagbubuntis, pantay na
sahod at mga pasilidad ng day care. Nanguna si Sarojini Naidu sa paghimok sa mga
kababaihang gumagawa at bumibili ng asin na huwag bayaran ang buwis bilang protesta sa
pamahalaang English. Pinamunuan din niya ang Women’s India Association na mangampanya
upang ang kababaihan ay mabigyan ng karapatang bomoto noong 1919. Noong 1950, ang
karapatang bomoto ay iginawad sa kababaihan. Ipinagbawal naman ng Factories Act ng 1948
ang pagtatrabaho ng kababaihan sa mga delikadong makinarya habang umaandar ang mga ito.
Nagbigay rin ito ng wastong pasilidad na pangkalinisan, daycare, kompulsaryong maternity
leave. Nagtalaga naman ang Mine’s Act of 1952 ng hiwalay na palikuran para sa lalaki at babae.
Ginawang legal ng Hindu Marriage Act of 1955 ang diborsyo. Noong 1970, itinatag ang mga
kilusan tulad ng Kilusang Shahada, Shramik Sangatana(1972), Self-Employed Women’s
Association(1972), ang United Women’s Anti-Price Rise Front(1973) at ang Nav Nirman(1974).
Tinutulan ng mga kilusang nabanggit ang mga isyu gaya ng karahasan sa tahanan at di-
makatarungang pagtaas ng presyo ng bilihin.

SAROJINI NAIDU - Pinamunuan niya ang Women’s


India Association na mangampanya upang ang
kababaihan ay mabigyan ng karapatang bomoto
noong 1919.
PAKISTAN
Ang partisipasyon ng mga kababaihan sa Pakistan ay bunga ng pakikipaglaban sa mga
mananakop bago ang 1947. Ang kababaihang Muslim ay naging aktibo sa paghingi ng
pagbabago sa edukasyon. Ang kababaihang Muslim ay naging aktibo sa paghingi ng pagbabago
sa edukasyon. Pinamunuan sila ni Syed Ahmed Khan. Aktibo rin sila sa Kilusang Khilafat bilang
pagsuporta kay Turkish Khilafat, na naging simbolo ng pagkakaisa ng mga Muslim. Gayundin,
naging aktibo sila sa paghingi ng isang malayang Pakistan. Ang Pakistan ay may malakas na
kilusan ng mga kababaihan na nakatulong upang ipagtanggol ang proseso ng demokrasya sa
bansa. Sa panahon ng pamumuno ni ZulfiqarAli Bhutto (1971-1977), nagkaroon ng mga
pagbabago sa pagtingin sa kababaihan. Sa pamamagitan ng 1973 Saligang- Batas, may mga
probisyon ito na nagbigay ng pantay na karapatan sa kababaihan, kasama na rin ang paglalaan
ng sampung posisyon para sa mga kababaihan sa National Assembly at sampung
bahagdan(10%) sa Asembleang Panlalawigan. Ang kababaihan ay nahirang sa matataas na
posisyon sa pamahalaan. Ang ilan sa mga samahang itinatag ng kababaihan sa gitnang bahagi
ng 1970 na pinamunuan ng mga may pinag-aralan ay ang sumusunod:United Front for Women’s
Rights(UFWR), ang Women’s Front, Aurat at Shirkat Gah na sa kalaunan ay naging instrumento
sa pagkakaroon ng Women’s Action Forum. Sa paglipas ng mga taon, pinangalagaan nila ang
mga karapatan ng mga kababaihan Dahil sa impluwensiya ng WAF, ang Sindhian Tehrik, isang
partido pulitikal sa Sindh ay nagtagumpay sa kanilang kampanya laban sa maagang pag-aasawa
(child marriage) at poligamya, gayundin ang karapatan ng kababaihan sa pagpili at pagpayag sa
mapapangasawa.

ZULFIQAR ALI BHUTTO – Sa pamumuno niya nagkaroon


ng mga pagbabago sa pagtingin sa kababaihan sa Pakistan.
SRI LANKA
Ang kababaihan sa Sri Lanka ay hindi gaanong nakalalahok sa politika. Kaalinsabay ng patuloy
na digmaang sibil ay ang patuloy na paglabag sa mga karapatan ng kababaihan.
Pumapangalawa lamang sila sa mga kalalakihan pagdating sa papel na ginagampanan sa
sistemang politikal. Noong 1994 eleksyon, nagkaroon ng pagkakataon ang kababaihan na
ipahayag ang mga isyu tungkol sa kanila. Ang mga isyung ito ay may kinalaman sa mga
karahasang nagaganap laban sa kanila. Hiniling nila ang mga partidong pulitikal na magnomina
sa mas maraming kababaihan na tatakbo sa eleksyon at isama sa kanilang plataporma ang mga
isyung kinakaharap ng mga ito. Dahil dito, pinalakas ng nahalal na People’s Alliance ang
probisyon ng Kodigo Penal na may kinalaman sa pang-aabuso sa kababaihan at mga
pagbabago sa batas na may kinalaman sa panggagahasa at sexual harassment at iba pa.
Hinirang din ng bagong pamahalaan ang tatlong kababaihang ministro at apat na deputy
ministers sa gabinete. Ang isa sa mahalagang samahan na naitatag noong 1984 sa bansa ay
ang Mother’s Front bilang protesta sa pagkawala ng miyembro ng isang pamilya na inaresto at
ikinulong ng mga sundalo.Samantala, ang Sri-Lanka Women’s NGO Forum na binuo ng iba’t
ibang samahan ay naging aktibo sa pagtataguyod ng partisipasyon ng mga kababaihan sa
politika.Taong 1983, sumalakay ang mga militanteng gerilya,na nakilala sa tawag na LTTE
(Liberation Tigers of Tamil Eelam). Ang pagsalakay na ito ay nagdulot ng giyera sibil. Itinatag
ang LTTE noong 1976 upang maitatag ang isang malayang estado ng Tamil sa Sri-Lanka. Ang
mga kaguluhan ay tumagal hanggang 2009. Noong1983, itinatag ng LTTE ang Women’s Front
of the Liberation Tigers. Maraming kababaihan ang sumapi rito na sa simula ay aktibo lamang
sa pagkalat ng mga propaganda, panggagamot at maghanap ng pondong pinansyal. Sa
kalaunan, sila ay naging aktibo na rin sa pakikipagdigma tulad ng kalalakihan. Para sa
kababaihan, ang naging implikasyon ng digmaang sibil ay ang pagkakaroon ng panibagong
direksyon sa isyu ng kababaihan. Ang Women for Peace na itinatag noong Oktubre, 1984 ay
nagsilbing bantay sa militarisasyon ng Sri-Lanka. Naging aktibo rin sila sa iba’t iba pang mga
samahang nagtatanggol ng mga karapatang pantao at karapatang sibil

LIBERATION TIGERS OF TAMIL EELAM –


Naglayong maitatag ang isang malayang estado ng
Tamil sa Sri Lanka. Maraming kababaihan ang sumapi
at naging aktibo rito.
BANGLADESH
Ang kilusan ng kababaihan sa Bangladesh ay isinilang bunga ng kilusang nasyonalista. Noong
1970 ang maka-kaliwang Mahila Parishad ay itinatag. Ito ang itinuturing na pinakamalaking
samahan ng kababaihan sa bansa. Naimpluwensiyahan nito ang pagpapatupad ng mga polisiya
sa pamahalaan kabilang ang kampanya na sumuporta sa pagsasabatas ng pagbabawal ng
pagbibigay ng dote at ratipikasyon ng CEDAW (Convention on the Elimination of all Forms of
Discrimination Against Women).
Ang pagdami ng mga samahang kababaihan sa Bangladesh ay tugon ng mga ito sa mga
kaganapan sa bansa simula noong 1980. Ang mga samahan ng mga kababaihan ay instrument
sa pagpapatalsik kay Hussain Ershad dahil sa pamumulitika gamit ang relihiyong Islam at ang
pagpigil sa demokrasya.
Sa pamamagitan ng United Women’s Forum, hiniling nila ang ratipikasyon ng CEDAW,
magkakaparehong Kodigo Sibil at dagdag sa kota ng kababaihan sa Serbisyo Sibil. Maliban sa
samahang ito, naitatag din ang Collective Women’s Platform na pumipigil sa anumang uri ng
karahasan sa kababaihan. Isinilang din ang Platform Against Sexual Harassment.

MAHILA PARISHAD – Itinuturing na pinakamalaking samahan ng


kababaihan sa Bangladesh.

B. KANLURANG ASYA:

ARAB REGION
Ang rehiyong ito ay binubuo ng mga bansang Bahrain, Egypt, Iraq, Jordan, Kuwait,
Lebanon,Oman, Palestinian Territories, Qatar, Saudi Arabia, Syria, United Arab Emirates at
Yemen. Sa rehiyong ito, ang partisipasyon sa pulitika at paghahanapbuhay ng kababaihan ay
hindi halos nagbago. Milyong kababaihan ang nangangailangan pang ipaglaban ang kanilang
mga karapatan
Sa Kuwait at Saudi Arabia, illegal para sa kababaihan ang makilahok sa eleksyon dahil sa
kanilang kasarian. Bagaman, ang mga pamahalaan sa rehiyong Arab, ay hindi pa rin tanggap
ang ideya ng pagpapalaganap sa mga karapatang pantao; noong 1982 pagkatapos ng
pagpupulong ng mga grupo ng civil society sa karapatang pantao na ginanap sa Cyprus, unti-
unting tinanggap ng mga pamahalaang lokal at rehiyonal ang mga adbokasiya ng mga
nangangalaga sa karapatang pantao, kabilang dito ang mga samahang kababaihan sa Israel.
Maraming NGO na samahang kababaihan, samahang pangkapayapaan at Women’s Coalition
for a Just Peace ang aktibo sa Israel. Sa loob ng sampung taong pakikibaka, ang kababaihan
sa Bahrain, Omar at Qatar ay nagtagumpay na magkaroon ng karapatang bomoto. Samantala,
ang kababaihan naman sa Egypt at Jordan ay nabigyan ng karapatan sa diborsyo, at ang
karapatan bilang mamamayan ng kababaihan ay naibigay rin sa taga-Bahrain, Egypt at
Lebanon. Sa Jordan, nanguna si Reyna Rania Al- Abdulla sa kampanya laban sa pang-aabuso
sa kababaihan. Sa Egypt, pinamunuan naman ni Susan Mubarak ang National Council on
Women sa kampanya na baguhin ang batas pampamilya at pagbabawal sa pagkapon sa mga
kababaihan. Samantala sa UAE, ang namuno ay si Sheikha Fatima Bint Mubarak ang nanguna
sa pagbibigay ng karapatan na makapag-aral sa kolehiyo at magkaroon ng karapatang
ekonomiko ang kababaihan. Noong 2000, inilunsad ang Arab Women Connect, isang
pangrehiyong network upang maisulong ang kamalayan ng kababaihan tungkol sa kanilang
dapat na taglaying mga karapatan. Ito ay sa pamamagitan ng pagkilos ng kababaihan sa Egypt,
Jordan, Lebanon, Palestine, Qatar, UAE at Yemen. Ang kapasidad ng mga samahang
kababaihan upang maimulat ang publiko sa mga kontrobersyal na isyu ay nagkaroon ng
pagbabago lalo na sa mga isyu tungkol sa diskriminasyon sa kababaihan at pambubugbog at
pananakot sa asawa maliban na lamang sa mga bansang Kuwait, Oman, Saudi Arabia at Syria.
Ang kababaihan sa Kanlurang Asya ay patuloy na aktibong nakikilahok sa pulitika, gayundin sa
isyu ng pagkakaroon ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon

QUEEN RANIA – Pinangunahan niya ang


kampanya laban sa pang-aabuso sa mga
kababaihan sa Jordan.
Suriin Natin

Gawain 2: Matapos basahin ang teksto, punan ang hinihingi ng sumusunod na tsart.

Kalagayang Samahang Tagapagtatag/


Panlipunan Kababaihan Pinuno Layunin

1. Timog Asya

2. Kanlurang Asya

Pagyamanin Natin
Gawain 3:

Panoorin ang video bilang pangsuportang makapagkukunan ng impormasyon tungkol sa


paksa. Kopyahin ang link na nasa ibaba at ilagay sa address bar ng web browser.

https://youtu.be/gGIodTe6hto
Sagutin ang mga pamprosesong tanong:
1. Kilalanin ang mga kababaihan na nakilala sa larangan ng pulitika at lipunan sa Asya.
2. Anong mga karapatan ang natatamasa na ng mga kababaihan sa kasalukuyan ayon sa
Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women (CEDAW)
3. Ilarawan ang ilan sa mga kaugalian/tradisyon hinggil sa mga kababaihan sa Asya.

Isaisip Natin

• Nakita ng kababaihan sa Asya ang kahalagahan ng pag-oorganisa upang


maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses

• Mahalaga ang pagkakaroon ng mga kilusang pangkababaihan sapagkat sila


ang pangunahing tagapagtaguyod ng mga karapatan ng kababaihan.

Isagawa Natin

Gawain 4: Sa iyong palagay, anong katangian ng mga kababaihan ang iyong taglay o
dapat pamarisan. Magbigay ng sitwasyon o kalagayan kung paano mo ito naipapakita.

Ang katangian ng mga kababaihan na aking taglay o dapat pamarisan ay _____________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Tayahin Natin

Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung ito ay di-wasto. Isulat ang
sagot sa patlang.

__________1. Layunin ng Women’s Indian Association na makapagdulot ng mga


pagbabago sa pamumuhay ng karaniwang kababaihang Indian

__________2. Binigyang-pansin ng Factories Act ng 1948 ang hindi makatuwirang bilang


ng oras sa pagtatrabaho.

__________3. Pinamunuan ni Sarojini Naidu ang Women’s India Association na


mangampanya upang ang mga kababaihan ay mabigyan ng karapatang
bumoto.
__________4. Noong 1950 ay iginawad sa mga kababaihan sa Pakistan ang karapatang
bumoto.

__________5. Sa pamumuno ni Zulfiqar Ali Bhutto ay nagkaroon ng mga pagbabago sa


pagtingin sa kababaihan sa Pakistan

__________6. Ang pagsalakay ng mga militanteng gerilya na Liberation Tigers of Tamil


Eelam ay nagdulot ng rebolusyon sa Sri Lanka.

__________7. Ang Women for Peace ay nagsilbing bantay sa militarisayon ng Sri Lanka.

__________8. Ang ratipikasyon ng Convention on the Elimination of all Forms of


Discrimination Against Women (CEDAW) ay kahilingan ng mga kababaihan
sa Pakistan.

__________9. Pinamunuan ni Susan Mubarak ang National Council on Women na


naglalayong baguhin ang batas-pampamilya at pagbabawal sa pagkapon sa
mga kababaihan sa Egypt.

_________10. Ang Collective Women Platform ay isang pangrehiyong network upang


maisulong ang kamalayan ng kababaihan tungkol sa kanilang dapat na
taglaying mga karapatan.

_________11. Ang diborsyo ay ginawang ligal ng Hindu Marriage Act ng 1955.

_________12. Sa aspektong panrelihiyon nagging aktibo sa paghingi ng pagbabago ang


mga kababaihang Muslim

_________13. Ang Mahila Parishad ay itinuturing na pinakamalaking samahan ng mga


kababaihan sa Bangladesh.

_________14. Ang pakikilahok sa edukasyon ay ipinagbawal sa mga kababaihan sa


Kanlurang Asya dahil sa kanilang kasarian.

_________15. Si Rania Al-Abdullah ang reyna ng Jordan.

Karagdagang Gawain

Gawain 5: Mga Kababaihan…..Ating Itanghal!

Magsagawa ng isang pananaliksik hinggil sa mga kilalang kababaihan na kilala o


nakagawa ng mahalagang kontribusyon sa aspetong pang-ekonomiya, pampolitika at
pagkakapantay-pantay sa iyong kinabibilangang lungsod o munisipalidad. Pumili ng isa, idikit and
larawan at ang mga mahalagang nagawa nito.sa isang short bond paper. Ibahagi ito sa klase.
Sanggunian:
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul Para sa Mag-aaral) pp. 258-266
YouTube - https://youtu.be/gGIodTe6hto
www.google.com/images:
1. https://www.google.com/search?q=image+of+sarojini+naidu&tbm=isch&source=iu&i
ctx=1&fir=rlSighE3-Y_lbM%252C4NNWDbQ6dlh1vM%252C_&vet=1&usg=AI
2. https://www.google.com/search?q=image+of+zulfiqar+ali+bhutto&tbm=isch&ved=2a
hUKEwjx3YXKq7vuAhUfyosBHU4mBrEQ2
3. https://www.google.com/search?q=images+of+liberation+tigers+of+tamil+eelam&tb
m=isch&source=iu&ictx=1&fir=Iq7De-
4. https://www.google.com/search?q=images+of+mahila+parishad&tbm=isch&ved=2ah
UKEwj16KvxhLzuAhUx-WEKHR9RBlYQ2-
5. https://www.google.com/search?q=images+of+queen+rania+of+jordan&tbm=isch&so
urce=iu&ictx=1&fir=cJaio0VrAZ6XwM%252Cj9-

MGA BUMUO NG MODYUL PARA SA MAG-AARAL


Manunulat: ROMMEL P. GRAMAJE
Tagasuri:
Content Evaluator: MARIETTA F. VALIDA, ROWEL GALURA
Language Evaluator: MARY JOY DIAZ, MARGIE ANARETA
Naglayout: ROBERT VALERA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, OIC-SDS
DR. GEORGE P. TIZON, Chief, SGOD
DR. ELLERY QUINTIA, Chief, CID
DR. DAISY MATAAC, EPS, LRMDS
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS, ARALING PANLIPUNAN

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 834251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like