You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING LINANGAN
KIT SA ARALING
PANLIPUNAN
7
PAMAGAT NG ARALIN:
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan

PAMANAHUNAN BILANG 3
GABAY NG MAG-AARAL
5
SA PAGKATUTO BILANG

MELC:
Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo
sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampolitika. AP7TKA-IIIg-21

Pangalan ng Guro: JEFERNALYN B. GABU


Paaralan: KALUMSING INTEGRATED SCHOOL

TUNGKOL SA GABAY NG MAG-AARAL SA PAGKATUTO

Ang Gabay ng Mag-aaral sa Pagkatuto ay isang makabagong pandagdag na


kagamitan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon na tinatawag na “new
normal”. Ito ay orihinal na ginawa at binago ng guro para makamit ang pamantayan
ng K-12 Kurikulum.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Malinang ang kaalaman hinggil sa mga samahang
pangkababaihan at mga kalagayang panlipunan sa
Timog at Kanlurang Asya.=AP7TKA-IIIg-21
2. Maisapuso ang kahalagahan ng mga kababaihan.
3. Makaguhit ng isang babaeng superhero na nagpapakita
ng mga katangian ng babaeng Asyano.

PAGTALAKAY SA ARALIN

PAGGANYAK

Magandang buhay mga minamahal kong mag-aaral!


Narito ako upang gabayan ka sa ating aralin para sa Ikatlong
Markahan ngunit bago natin umpisahan ang talakayan, tayo muna
ay magkaroon ng munting gawain na magbibigay ng kaunting
kaalaman tugkol sa ating paksa.

JUMBLED LETTERS
PANUTO: Ayusin ang mga ginulong letra sa puzzle upang maibigay ang hinihinging
kasagutan sa mga bansang sakop ng Timog Asya at Kanlurang asya.

1. A K N A L I R S
2. D I N A I
3. H S E D A L G N A B
4. P N A A K T I S
5. A L P E N
6. N B I A A H R
7. A N O M
8. T Q R A A
9. Y T U K R E
10. N E Y E M
Kung nasagutan mo ang lahat ng ito, binabati kita! Ngunit kapag kakaunti ang iyong
nasagutan sa gawain, narito ang saliring linangin kit na ito upang tulungan kang palawakin ang
iyong kaalaman.

MAIKLING PAGTALAKAY

Handa ka na bang matuto?


Tara mag-aral tayo!
Gaya ng sabi ko narito ako upang gabayan ka sa ating aralin para sa Ikatlong
Markahan. Sa bahaging ito ay lilinangin mo ang mga kaalaman hinggil sa mga
samahang pangkababaihan at mga kalagayang panlipunan sa Timog at Kanlurang
Asya. At upang maisakatuparan ito, malaki ang maitutulong ng mga gawain at mga
nakalakip na teksto.
Gagabayan ka ngayon ng ating aralin kaya’t tara na!

“Kung kaya ng iba kaya ko rin”, ang


2 ang nagbunsod sa mga
kasabihang ito
kababaihan ng Asya upang makapag-
organisa ng mga samahan at maisulong ang
Timog Asya
1. India
-mababa ang katayuan ng mga kababaihan
-ika-19 na siglo naging aktibo ang mga kababaihan sa paglahok sa mga
kilusang nagtataguyod ng repormang panlipunan.
-naitatag ang mga sumusunod na kilusan gaya ng:
-Bharat Aslam ni Keshab Chunder Sen ng Bramo Samaj (1870)
-Arya Mahila Samaj ni Pandita Ramabai at Justice Ranade (1880)
-Barat Mahila Parishad (1905)
-Anjuman-e-Khawatin-e-Islam ni Amir-un-Nisa
-ang Women’s Indian Association(1917) at ang National Council of Indian
Women (1925) ay nangampanya sa mga mambabatas upang makapagdulot ng mga
pagbabago sa pamumuhay ng karaniwang kababaihang Indian.
- Tinalakay din ng All India Women’s Conference ang mga isyu sa paggawa,
rekonstruksyon ng mga kanayunan, opyo, at batas ukol sa bata o maagang
pagpapakasal.
-Noong 1851, ang mga union sa industriya ng tela ay nangampanya laban sa
child labor.
- ang Indian Factory Act (1891) naman ay ang hindi makatuwirang bilang ng
oras ng pagtatrabaho
-Ang All Indian Coordination Committee naman ay sa mga isyu tulad ng
benepisyo sa pagbubuntis, pantay na sahod, at mga pasilidad ng daycare.
Sarojini Naidu- nanguna sa paghimok sa kababaihang gumagawa at bumibili
ng asin na huwag bayaran ang buwis bilang protesta sa pamahalaang Ingles
-pinamunuan din niya ang Women’s India Association na
mangampanya upang ang kababaihan ay mabigyan ng karapatang bumoto taong
1919.

1950- ang karapatang bumoto ay iginawad sa kababaihan


Factories Act ng 1948- ipinagbawal ang pagtatrabaho sa mga delikadong
makinarya habang umaandar ang mga ito.
- Nagbigay rin ito ng wastong pasilidad na
pangkalinisan, daycare, at kompulsaryong maternity leave.
Mine’s Act ng 1952- naitalaga ang hiwalay na palikuran para sa mga lalaki at
babae.

3
Hindu Marriage Act ng 1955- ginawang legal ang diborsyo.
1970- itinatag ang mga kilusan upang tutulan ang mga isyu gaya ng
karahasan sa tahanan at hindi makatarungang pagtaas ng presyo
- Kilusang Shahada Shramik Sangatana (1972)
-Self-Employed Women’s Association (1972)
-United Women’s Anti Price Rise Front (1973)
-Nav Niman (1974)
2. Pakistan
-Ang partisipasyon ng kababaihan sa Pakistan ay bunga ng pakikipaglaban
sa mga mananakop bago pa ang 1947, dahil sa pamumuno ni Syed Ahmed Khan
ang mga kababaihang Muslim ay naging aktibo sa paghingi ng pagbabago sa
edukasyon.
Kilusang Khilafat- ang naging simbolo ng pagkakaisa ng mga Muslim bilang
pagsuporta kay Turkish Khilafat.
Zulfiqar Ali Bhutto (1971-1977)
- dahil sa kanyang pamumuno malakas ang kilusan ng kababaihan na
nakatulong upang ipagtanggol ang proseso ng demokrasya sa bansa.
-Nagkaroon din ng mga pagbabago sa pagtingin sa mga kababaihan.
-Sa pamamagitan ng 1973 Saligang-Batas may mga probisyon na
nagbigay ng pantay na karapatan sa kababaihan, kasama na rin ang
paglalaan ng sampung posisyon para sa kababaihan sa National assembly at
sampung bahagdan (10%) sa assembleang Panlalawigan
-Ang kababaihan ay nahirang sa mataas na posisyon sa pamahalaan.
Ilan sa mga samahang itinatag ng kababaihan sa gitnang bahagi ng 1970 na
pinamunuan ng mga may pinag-aralan:
1. United Front for Women’s Rights (UFWR)
2. Women’s Front
3. Aurat at Shirkat Gah
4. Women’s Action Forum (WAF)
- Pagkatapos ng 1988 eleksyon isinilang ng WAF ang kanilang charter
demands inilahad nila ang komprehensibong programang political
para sa kababaihan.
- Dahil sa kanilang impluwensya ang Sindhian Tehrik isang partido
politikal sa Sindh ay nagtagumpay sa kanilang kampanya laban sa
maagang pag-aasawa (child marriage) at poligamya, gayundin sa
pagpili at pagpayag mapapangasawa.
*dahil sa kahinaanng civil society at mga partidong politikal, gayundin ang mapaniil
na kapasidad ng estado; ang mga kilusang kababaihan sa bansa ay kritikal sa
patuloy na pagtatanggol sa mga karapatang pantao at mga karapatan ng mga
minorya sa Pakistan.

3. Sri Lanka
Ang kababaihan dito ay hindi gaanong nakalalahok sa politika.
Pumapangalawa lamang sila sa mga kalalakihan pagdating sa papel na
ginagampanan sa sistemang politikal.
Noong 1994 eleksyon nagkaroon ang mga kababaihan na ipahayag ang mga
isyu tungkol sa kanila.
Pinalakas ng People’s Alliance ang probisyon ng Kodigo Penal na may
kinalaman sa pang-aabuso sa kababaihan at mga pagbabago sa batas na may
kinalaman sa panggagahasa at sekswal na panliligalig. Hinirang din ng bagong

4
pamahalaan ang tatlong kababaihang ministro at apat na deputy ministers sa
gabinete.
Mother’s Front ang isa sa mahalagang samahan na naitatag noong 1984 ito
ay bilang protesta sa pagkawala ng miyembro ng isang pamilya na inaresto at
ikinulong ng mga sundalo. Samantalang, ang Sri Lanka’s Womens NGO Forum na
binuo ng iba’t-ibang samahan ay naging aktibo sa pagtaguyod ng partisipasyon ng
kababaihan sa politika.
Taong 1983, sumalakay ang mga militanteng gerilya o LTTE (Liberations Tiger
of Tamil Eelam)na naitatag noong 1976 at nagtagal ang kaguluhan hanggang 2009.
Noong 1983, itinatag ng LTTE ang Women’s Front of the Liberation Tigers kung saan
maraming kababaihan ang sumapi dito na sa simula ay aktibo lamang sa pagkalat
ng propaganda, panggamot, at paghahanap ng pondong pinansyal pero sa kalaunan
ay sila ay naging aktibo na rin sa pakikidigma tulad ng kalalakihan. Marso 8,2004,
ayon sa LTTE habang ang kababaihan Tamil ay nakikidigma upang palayain ang
kanilang teritoryo, nangangahulugan din ng pagpapalaya ng kanilang mga sarili sa
anumang uri ng operasyon makatarungang pagkilos na dulot ng lipunan dahil ito ay
nararapat para sa pagbabago sa lipunan at wasakin ang mapaniil na istrukturang
sosyal.
Ang Women for Peace na itinatag noong Oktubre 1984, ay nagsilbing bantay
sa militarisasyon ng Sri Lanka. Naging aktibo rin sila sa iba’t-ibang samahang
nagtanggol sa mga karapatang pantao at karapatang sibil.

4.Bangladesh
Ang kilusang kababaihan sa Bangladesh ay isinilang bunga ng kilusang
nasyonalista.
Naitatag ang Mahila Parishad taong 1970 ang itinuturing na malaking
samahan ng mga kababaihan sa bansa kung saan naimpluwensyahan nito ang
pagpapatupad ng mga polisiya sa pamahalaan kabilang dito ang kampanya na
sumuporta sa batas na ipinagbabawal ang pagbibigay ng dote, at ratipikasyon ng
Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Againts Women o
CEDAW.
Ang samahan ng mga kababaihan ay naging instrumento sa pagpapatalsik
kay Hussain Ershad dahil sa pamomolitika gamit ang relihiyong Islam at ang pagpigil
niya sa demokrasya.
Sa pamamagitan ng United Women’s Forum, hiniling ng mga kababaihan ang
ratipikasyon ng CEDAW, ang magkaparehong Kodigo Sibil at dagdag na kota ng
kababaihan sa serbisyo sibil. Maliban din sa samahang ito, naitatag din ang
Collective Women’s Platform na pumipigil sa anumang uri ng karahasan sa
kababaihan. Isinilang din ang Platform Againts Sexual Harassment.

Kanlurang Asya
Sa kasalukuyan, ang hamon na kinakaharap ng mga kababaihan ay ang higit
na paigtingin ang kanilang ginagawa upang matiyak ang pagkakaroon ng pantay na
karapatan ang kalalakihan at kababaihan. Sa kontekstong ito kumikilos sila sa
tatlong paraan;
-imulat ang mga kababaihan sa kani-kanilang bansa tungkol sa hindi
pagbibigay ng pantay na karapatan ng kanilang pamahalaan.
-hilingin sa pamahalaang nasyonal ang implementasyon ng internasyonal na
pagpapatupad sa pagbibigay proteksyon sa kababaihan sa lahat ng larangan;

5
-ipaunawa sa mga bansa sa daigdig na ang kababaihan sa Kanlurang Asya
ay hindi lamang naghihintay sa mga Kanluraning bansa upang sila ay sagipin sa
halip ipaunawa na sila ay kababaihang nakikipaglaban para sa kanilang karapatan
kagaya rin ng ibang kababaihan.
Sila rin ay kumikilos laban sa hindi makatarungang patakaran dulot ng
sistemang patriyarkal at ng kanilang kasaysayan.

Arab Region
Ang rehiyong ito ay binubuo ng mga bansang Bahrain,Egypt,
Iraq,Jordan,Kuwait,Lebanon,Oman,Palestinian Territories,Qatar,Saudi
Arabia,Syria,United Arab Emirates at Yemen. Sa Kuwait at Saudi Arabia, illegal para
sa kababaihan ang makilahok sa eleksyon dahil sa kanilang kasarian. Sa taong
1982 unti-unting tinaggap ng mga pamahalaang lokal at rehiyonal ang mga
adbokasiya ng mga nangangalaga sa karapatang pantao, kabilang dito ang mga
samahang kababaihan sa Israel. Sa pamamagitan ng Isha L’isha-Haifa Feminist
Center, pinangunahan nila ang implementasyon ng Security Council Resolution 1325
para ipamulat sa mga kababaihan at kung paano nila maipagtanggol ang kanilang
karapatan.
Maraming NGO ang bumuo ng mga samahang pangkababaihan, samahang
pangkapayapaan, at Women’s Coalition for a Just Peace ang aktibo sa Israel at
karamihan sa kanila ay nakikipagdayalogo sa kababaihang Palestinian upang
magkaroon ng solusyon sa mga problema na maaaring maging instrumento sa
pagkakaroon ng kapayapaan sa kanilang bansa. Bagaman ang mga samahan sa
karapatang pantao sa Kanluran ay napangingibabawan ng mga kalalakihan, ang
mga samahang kababaihan ay unti-unti namang kinikilala. May malakas na
koalisyon ng mga NGO na nagsusulong ng karapatang pantao at karapatan ng
kababaihan sa Bahrain, Egypt, Jordan at Yemen.
Sa loob ng sampung taong pakikibaka, ang kababaihan sa Bahrain, Oman, at
Qatar ay nagtagumpay na magkaroon ng karapatang bomoto. Samantala, ang
kababaihan naman sa Egypt at Jordan ay nabigyan ng karapatan sa diborsyo, at
ang karapatan bilang mamamayan ng kababaihan ay naibigay din sa taga-Bahrain,
Egypt, at Lebanon.
Sa Jordan, nanguna si Reyna Rania Al-Abdulla sa kampanya laban sa pang-
aabuso sa kababaihan. Sa Egypt, pinamunuan naman ni Susan Muburak ang
National Council on Women sa kampanya na baguhin ang batas pampamilya at ang
pagbabawal sa pagkapon sa kababaihan, samantala sa UAE, ang namuno ay si
Sheikha Fatima Bint Muburak. Siya ang nanguna na nagbigay ng karapatang
ekonomiko sa kababaihan at ito ay nagbunga ng positibong solusyon.
Noong 2000, inilunsad ang Arab Women Connect, isang panrehiyong
istasyon ng telebisiyong panghimpapawid upang maisulong ang kamalayan ng
kababaihan tungkol sa kanilang dapat na taglaying mga karapatan.
Ito ay sa pamamagitan ng pagkilos ng kababihan sa Egypt, Jordan, Lebanon,
Palestine, Qatar, UAE at Yemen.
Ang kapasidad ng mga samahang kababaihan upang maimulat ang publiko
sa mga kontrobersyal na isyu ay nagkaroon ng pagbabago lalo na sa mga isyu
tungkol sa diskriminasyon sa kababaihan at pambubugbog at pananakot ng mga
asawang lalaki.
Ang kababaihan sa Kanlurang Asya ay patuloy sa aktibong pakikilahok sa
politika, gayundin sa isyu ng pagkakaroon ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

6
MGA GAWAIN

Gawain 1: MGA SALITA, IANGKOP KO

Panuto: Ihanay kung saan nabibilang ang salita o tao


na mababasa sa parihaba na nasa ibaba. Kopyahin
ang tsart sa iyong kwaderno para sa iyong mga sagot.

Bharat Aslam
Security Council Resolution 1325 Kilusang Khilafat Isha L’isha-Haifa
Womens Indian Association Zulfiqar Ali Bhutto Women’s Front
1973 Saligang Batas Women’s Coalition for a Just Peace
Factories Act ng 1948 Reyna Rania Al-Abdulla
Sarojini Naidu
Mine’s Act ng 1955 Susan Muburak
Arab Women Coonect

TIMOG ASYA KANLURANG ASYA

Gawain 2: SWAKTO o SWAK

Panuto: Isulat ang SWAKTO kung tunay at SWAK kapag hindi tunay ang mga
pahayag sa ibaba kaugnay sa isyung pangkababaihan.

7
_____ 1. Ika-19 na siglo ng naging aktibo ang mga kababaihan sa paglahok sa mga
kilusang nagtataguyod ng repormang panlipunan.
_____ 2. Sa Pakistan ang mga kababaihan ay nahirang sa mataas na posisyon sa
pamahalaan.
_____ 3. Noon 1995 eleksyon nagkaroon ang mga kababaihan na ipahayag ang
mga isyu tungkol sa kanila.
_____ 4. Ang kilusang kababaihan sa Bangladesh ay isinilang bunga ng kilusang
nasyonalista.
_____ 5. Father;s Front ang isa sa mahalagang samahan na naitatag noong 1984.
_____ 6. Sa Kanlurang Asya ang hamon na kinakaharap ng mga kababaihan ay ang
higit na paigtingin ang kanilang ginagawa upang mas may karapatan ang mga
kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.
_____ 7. Sa loob ng sampung taong pakikibaka ang kababaihan sa Bahrain, Oman,
at Qatar ay nagtagumpay na magkaroon ng karapatang bumoto.
_____ 8. Taong 1950 ng igawad ang karapatang bumoto sa mga kababaihan.
_____ 9. Ang Mine’s Act ng 1952 ay nagtatalaga sa hiwalay na palikuran ng mga
babae at lalaki.
_____ 10. Ang samahan ng kababaihan ay naging instrumento sa pagpapatalsik kay
Hussain Ershad dahil sa pambabae gamit ang relihiyong Islam at ang pagpigil niya
ng demokrasya.

Gawain 3: Super Binibining Asyano


Panuto: Gumuhit ng isang babaeng super hero na ang pangalan ay Super
Binibining Asyano. Ang kanyang kasuotan ay dapat nagpapakita ng
natatanging superpower o mga kapangyarihang taglay ng isang babaeng
Asyano. Gawin ito sa malinis na papel.

Pamantayan sa Pagguhit

Kraytirya Napakahusay Mahusay Katamtamang Hindi Hindi


Husay Gaanong Mahusay
Mahusay
2
5 4 1
3
Kalinisan
Malinis ang
pagkakaguhit
at walang
mga bura
Simbolong
naiguhit
Angkop
ang bagay
na iginuhit sa
katangian ng
tauhan
Kaangkupa
n ng
Konsepto

8
Angkop
ang
paglalahad
ng nilalaman

PAGLALAGOM

A. Timog Asya
1. India- Bharat Aslam na itinatag ni Kheshab Chunder Sen ng Bramo
Samaj; Arya Mahila Samaj na pinamunuan ni Pandita Ramabai at
Justice Ranade; Bharat Mahila Parishad at Anjuman e Khawatin e
Islam sa pangnguna ni Amir un Nisa. Ang ilan sa mga ito ang siyang
nagbigay daan sa pagtaguyod ng kanilang karapatan sa pantay na
edukasyon. Ito ang nagsilbing susi upang maitaguyod din ng mga
kababaihan ang kanilang karapatan sa edukasyon.
2. Pakistan- sila ang isa sa mga nanguna sa pagtatguyod ng
pagkakaroon ng demokrasya sa bansa. Bukod ditto, itinatag din ang
United Front for Women’s Right o UFWR na mayroong tungkulin na
pangalagaan ang mga karapatan ng kababaihan.
3. Sri Lanka- nabigyan ng pagkakataon na makapagsalita ang mga
kababaihan noong naganap ang 1994 election. Nagkaroon din ng
Mother’s Front na siyang lumaban sa illegal na pagkakakulong ng mga
mamamayan. Itinatag din ang Women for Peace para sa paglaban
naman sa pagkakaroon ng pantay na karapatang sibil.
4. Bangladesh- ang mga kababaihan ang nanguna sa pagpapaalis sa
pwesto sa mga lider na abusado. Nagkaroon ng Collective Women’s
Platform bilang paglaban sa mga karahasan na nararanasan ng mga
kababaihan.

B. Kanlurang Asya
1. Israel- Isha L’Isha-Haifa Feminist Center; Women’s Coalition for a
Just Peace; hinikayat ang mga kababaihan na makiisa sa mga
negosasyon o pag-uusap sa pagitan ng mga bansa na mayroong
hindi pagkakaunawaan
2. UAE- si Sheika Fatima Bint Mubarak ang nanguna sa pagtataguyod
sa karapatan ng mgaa kababaihan na magkaroon ng pantay na
edukasyon at makilahok sa mga usaping pang ekonomiya.
3. Egypt,Jordan,Lebanon,Palestine,Qatar,UAE,Yemen- Arab Women
Connect

PAGTATAYA

A. TAMA o MALI

9
Panuto: Iguhit ang tatsulok ( ) kung ang pahayag ay tama o totoo at
parisukat ( ) kung ang pangungusap ay mali.
____1. Mababa ang katayuan ng kababaihan sa India.
____2. Ang kababaihang Muslim ay naging aktibo sa paghingi ng pagbabago sa
edukasyon sa pamumuno ni Syed Ahmed Khan.
____3. Ang ibig sabihin ng UFWR ay United Fronliner for Women’s Right.
____4. Dahil sa impluwensiya ng WAF ang Sindhian Tehrik, isang partido politikal sa
Sindh ay nagtagumpay sa kanilang kampanya laban sa maagang pag-aasawa.
____5. Ang kababaihan sa Sri Lanka ay hindi gaanong nakikilahok sa politika.
____6. Taong 1995 eleksyon ng magkaroon ng pagkakataon ang kababaihan na
ipahayag ang mga isyu tungkol sa kanila.
____7. Ang kilusan ng kababaihan sa Bangladesh ay isinilang bunga ng kilusang
nasyonalista.
____8. Sa Arab Region ang partisipasyon sa politika at paghahanapbuhay ng
kalalakihan ay hindi halos nagbago.
____9. Sa Jordan nanguna si Reyna Rania Al-Abdulla sa kampanya laban sa pang-
aabuso sa kababaihan.
____10. Taong 2001, inilunsad ang Arab Women Connect.

B. PAGPIPILI
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba
pagkatapos piliin sa kahon ang tamang sagot.

A. INDIA C. PAKISTAN

B. PAKISTAN D. BANGLADESH

E.ARAB REGION

_____ 1. Mababa ang katayuan ng mga kababaihan


_____ 2. Taong 1983, sumalakay ang mga militanteng gerilya o LTTE (Liberations
Tiger of Tamil Eelam)na naitatag noong 1976 at nagtagal ang kaguluhan hanggang
2009.
_____ 3. Ang kababaihan sa Kanlurang Asya ay patuloy sa aktibong pakikilahok sa
politika, gayundin sa isyu ng pagkakaroon ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
_____ 4. Ang samahan ng mga kababaihan ay naging instrumento sa pagpapatalsik
kay Hussain Ershad dahil sa pamomolitika gamit ang relihiyong Islam at ang pagpigil
niya sa demokrasya.
_____ 5. Kilusang Khilafat- ang naging simbolo ng pagkakaisa ng mga Muslim
bilang pagsuporta kay Turkish Khilafat.
_____ 6. Noong 1994 eleksyon nagkaroon ang mga kababaihan na ipahayag ang
mga isyu tungkol sa kanila.

_____ 7. Sa loob ng sampung taong pakikibaka, ang kababaihan sa Bahrain, Oman,


at Qatar ay nagtagumpay na magkaroon ng karapatang bomoto.
_____ 8. ang Indian Factory act (1891) naman ay ang hindi makatuwirang bilang ng
oras ng pagtatrabaho
_____ 9. Ang kilusang kababaihan sa Bangladesh ay isinilang bunga ng kilusang
nasyonalista.

10
_____ 10. Nagbigay rin ito ng wastong pasilidad na pangkalinisan, daycare, at
kompulsaryong maternity leave.

11

You might also like