You are on page 1of 7

TVBI-Q4, Ep5/Wk5 Araling Panlipunan 7

Teacher’s Copy

Name: _______________________________Section: ___________________Score:


Address: _____________________________

Learning Competency: Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng kababaihan tungo


sa pagkakapantay-pantay sa pagtataguyod at pagpapanatili ng mga pagpapahalagang
Asyano.
Quantfied Competency: Naipapaliwanag ang bahaging ginagampanan ng kababaihan
tungo sa pagkakapantay-pantay sa pagtataguyod at pagpapanatili ng mga
pagpapahalagang Asyano.
I. Lesson Preliminaries:
A. Learning Competency: Sa araw na ito ay ating pag-aaralan ang mga
bahaging ginagampanan ng kababaihan tungo sa pagkakapantay-
pantay sa pagtataguyod at pagpapanatili ng mga pagpapahalagang
Asyano.
B. Importance: Mahalagang pag-aralin natin ito upang malalaman natin
ang bahagi ng pagsasalaysay ng kontekstong panlipunan at
pagpupunyagi at mabigyang pugay ang mga pakikibaka ng mga
kababaihan sa Asya na maipaglaban ang kanilang mga karapatan
tungo sa pagkakapantay-pantay.
C. Evaluation: Naipapaliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga
kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay sa pagtataguyod at
pagpapanatili ng mga pagpapahalagang Asyano.

II. Lesson Proper

Ang papaunlad na kalagayan ng kababaihang Asyano sa larangan ng


edukasyon, sining, kultura at politika ay lumikha ng mga kababaihang may
talino at kakayahan. Sa bawat rehiyon ng Asya ay may namumukod tanging
kababaihan sa iba’t-ibang larangan.
Karanasan at Bahaging Ginagampanan ng mga Kababaihan sa Silangang Asya
China Siya ay mula sa Wuhung Hubei, China. Pinakapopular na babaing
maninisid (diver) sa buong daigdig. Marami siyang napanalunan na
gintong medalya sa Olympics. Isa siya sa pinakamahuhusay na maninisid
sa buong daigdig. Sa edad na 12, itinuturing
siyang pinakabatang kampeon sa buong mundo
sa ano mang laro. Siya rin ang pinakabatang
Tsino na nanalo ng gintong medalya sa Olympics
sa edad na 13.
Fu Mingxia
https://www.google.com/search?q=fu+mingxia&tbm
Japan Siya ay ang peminista at politikong namuno sa
Kilusang Suffragist sa Japan. Nahalal siya nang
limang ulit sa Parlamento habang nangangampanya
para sa pagkakapantay-pantay. Siya ang nanguna
at nagtatag ng Fusen Kakutoku Domei o Women’s
Suffrage League.

Ichikawa Fusae https://www.google.com/search?


q=sino+si+ichikawa+fusae&hl
Korea Siya ang unang babaeng pangulo ng South Korea
(2013–17) at lider ng conservative Saenuri (New
Frontier)

Party Park Geun-Hye


https://www.google.com/=kilalang+mga+babae+sa+SOUTH+KOREA&tbm

Karanasan at Bahaging Ginagampanan ng mga Kababaihan sa Timog


Silangang Asya
Indonesia Si Megawati Sukarnoputri ay kilala sa
katawagang Sukarnoputri na ang ibig sabihin
ay anak na babae ni Sukarno. Si Megawati
Sukarnoputri ay madalas ding tinatawag
bilang Megawati o Mega, na nagmula sa
Sanskrit na nangangahulugang 'cloud
goddess'. Siya ay isang Indonesian na
pulitiko na nagsilbi bilang Pangulo ng
Indonesia mula Hulyo 23, 2001 hanggang
Oktubre 20, 2004.
Megawati
Sukarnoputri https://brainly.ph/question/2135260#readmore
Myanmar Si Aung San Suu Kyi ay kinikilala sa mundo bilang simbolo ng
demokrasya dahil sa kaniyang pagtataguyod sa
demokratikong pamamahala sa Myanmar. Mula
1989 hanggang 2010, paulit-ulit na ikinulong si
Suu Kyi dahil sa kaniyang pakikipaglaban para
sa karapatang pantao ng mamamayan at sa
pagbabalik ng demokrasya sa Myanmar. Sa
kasalukuyan, siya ang state counsellor ng
Myanmar na may tungkulin tulad ng Aung San
Suu Kyi isang punong ministro.
Aung San Suu Kyi
https://www.google.com/search?q=aung+san+suu+kyi&hl
Pilipinas Kauna-unahang babaing pangulo ng Pilipinas (1986-1992)
Tinagurian siyang Ina ng Demokrasyang Pilipino. Matapos
mapatay ang kanyang asawa na si senador
Benigno S. Aquino Jr. noong 1983, napili si
Gng. Aquino na lumaban sa isang snap
election kay President Ferdinand Marcos.
Nagkaroon ng malawakang dayaan sa
eleksyon na nagresulta sa Rebolusyon sa
EDSA noong 1986.

Corazon C. Aquino
https://www.google.com/search?
q=cory+aquino&hl=en&source

III. Modeling
Sa ngayon, hindi pare-pareho ang kalagayan ng kababaihan sa Asya. May higit na
maganda ang kalagayan at mayroon ding kakaunti lamang ang karapatan. Hindi basta-
basta narating ng kababaihang Asyano ang kasalukuyang kalagayan nila.
Nagpupunyagi ang kababaihang Asyano upang mapabuti ang kanilang kalagayan.

Ang pagtatrabaho at pagboto tuwing halalan ay ilan lamang sa karapatan at


pagkakataong ipinaglaban nang matagal na panahon ng mga kababaihan bago nila ito
nakamtan. Sa pakikipaglaban nila para rito, marami silang hirap na pinagdaanan. Ito
ang mga ipinaglaban ng mga kababaihan para sa kanilang karapatan.
NASAAN ANG BABAE SA KASAYSAYAN?
Mapapansing sa pangkalahatan, kulang tayo sa literature hinggil sa papel ng
kababaihan sa kasaysayan. Sa Pilipinas halimabawa, patuloy paring binubuo ng mga
historyador at peminista (feminist) ang kasaysayan ng kababaihan. Ang mga
peminista ay mga tagapagtaguyod ng pantay na karapatan sa pagitan ng lalaki at
babae. Ito ay dahil karamihan sa akdang pangkasaysayan ay isinulat ng kalalakihan,
kundi man mula sa pananaw ng lalaki. Kadalasan ding itinuturing na ang kasaysayan
ng kababaihan at kasaysayan ng kalalakihan ay pareho lamang kung kaya hindi na
kailangan pang bigyan ng hiwalay na pagtalakay.
Bilang mga Asyano, mahalagang malaman natin ang mga pakikibakang isinagawa ng
kababaihan sa Asya upang makamtan ang pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa
lipunan.

KILUSANG SUFFRAGIST
Ang Suffragist ay mula sa salitang suffrage na nangangahulugang karapatang bumoto
sa halalan o reperendum at mahalal sa pamahalaan. Ang mga kilusang
pangkababaihan, kilala rin bilang Kilusang Suffragist, ay nabuo sa iba’t ibang bahagi
ng Asya sa unang bahagi ng ika-20 siglo. Maipagmamalaki ng mga Pilipino na ang
Pilipinas ang isa sa mga unang bansa sa Asya na nagbigay ng karapatang bumoto sa
kababaihan noong 1937.

PILIPINAS
Malinaw na may mahalagang papel na ginampanan ang kababaihan sa lipunan bago
lumaganap ang kolonyalismo. Kababaihan ang karaniwang tumatayo bilang babaylan
at katalonan o mga lider-espiritwal. Marami ring pribilehiyo at karapatan ang
kababaihan na dati-rati ay tinatamasa nila subalit nawala na sa kanila dahil sa 10
kolonyalismo. Kung gayon, ang pakikibaka ng kababaihan para sa pantay na karapatan
ay maaaring tingnan bilang pagbawi ng kanilang dating mataas na katayuan sa lipunan.
Mahaba-haba na rin ang pakikibaka ng kababaihan sa Pilipinas para sa karapatang
bumoto bago ito naipagkaloob sa kanila noong 1905. Itinuturing ang taong 1905 bilang
simula ng feminism sa Pilipinas. Ito ay sa pagkakatatag ng Asociacion Feminista
Filipina na pinangunahan ni Concepcion Felix. Layunin ng nasabing samahan na
maipatupad ang reporma para sa kababaihan gaya ng reporma sa edukasyon, sa
kulungan at sa paggawa. Nagkaroon ng iba’t ibang isyu na kinasangkutan at nilabanan
ng kababaihan gaya ng militarisasyon, karahasang pantahanan o (domestic
violence) at iba pang uri ng diskriminasyon sa kababaihan.
Kilusang Pangkababaihan na nabuo simula dekada 1960 - 1980
Malayang Kilusan ng Bagong Nakipaglaban para sa kalayaan hindi
Kababaihan (MAKIBAKA) lamang sa kababaihan kundi pati na rin
sa bayan
Samahang Progresibo ng mga Binubuo ng kababaihang manggagawa at
Kababaihang Pilipino (SPKP) magsasaka.
Katipunan ng Bagong Pilipina (KBP) Tumulong upang mabigyan ng
National Commission on the Role of pagkakataong pangkabuhayan ang
Filipino Women (NCRFW) kababaihan lalo na sa kabuhayan.
National Organization of Women (NOW) Itinatag ni Eva Estrada Kalaw noong
1965 upang makipaglaban para sa
malinis na halalan
Concerned Women of the Philippines Itinatag upang ipaglaban ang ilang isyung
(CWP) panlipunan na may epekto sa
kababaihan.
Kilusan ng Kababaihang Pilipino Itinatag noong 1981 upang mataguyod
(PILIPINA) ang mga proyektong pangkabuhayan sa
mahihirap na lugar sa Pilipinas.
General Assembly Binding Women for Pinakamahalaga sa kilusang nabuo at
Reforms, Integrity, Equality, Liberty and nagsilbing koalisyon ng iba’t ibang
Action (GABRIELA) grupong pangkababaihan.
Alliance of Women for Action towards Binuo nina Margarita “Tingting”
Reconciliation (AWARE) Cojuangco, Solita Monsod na
nakipagtulungan sa iba’t ibang 11
organisasyon sa pagbibigay ng
impormasyon sa pagsusuri ng mga isyu
at proyekto.
LILA-Pilipina Isang organisasyon ng comfort women na
patuloy na ipinaglalaban ang pagbibigay
ng katarungan ng Japan sa kababaihang
biktima ng karahasan ng mga sundalong
Hapones.

Matapos ang pagkakatatag ng unang kilusang peminista noong 1905, ipinagpatuloy ng


kababaihan ang pag-oorganisa upang maipaglaban ang mga karapatan. Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang kababaihan ay humarap sa iba’t ibang hamon ng
buhay. Nagkaroon ng iba’t ibang isyu na kinasangkutan at nilabanan ng kababaihan
gaya ng militarisasyon, karahasang pantahanan (domestic violence) at iba’t ibang uri ng
diskriminasyon.

JAPAN
Ang tradisyunal na papel ng kababaihan sa Japan ay nakasalalay sa sistema kung
saan ang lalaki ang namamayani (tinatawag ding sistemang patriyarkal). Ayon sa
tradisyon, tinuturuan ang babaing sundin ang kanyang ama, asawa, at anak na
lalaki. Maituturing ang mga pananaw na ito sa nakasulat sa paniniwalang Confucian
na nakuha ng Japan mula sa China. Kung kaya ang pagpupunyagi ng kababaihang
Hapones na makamit ang karapatan sa pagboto ay isang napakalaking hakbang para
sa kanila.
Si Ichikawa Fusae naman ang peminista at politikong namuno sa Kilusang Suffragist
sa Japan. Nahalal siya ng limang ulit sa Parlamento habang nangangampanya para sa
pagkakapantay-pantay. Noong 1924, pinangunahan niya ang pagtatag ng Fusen
Kakutoku Domei o Womens Suffrage League. Ito ang naging simula ng pagkakaroon
nila ng karapatang mag-organisa at dumalo sa mga pulong-politikal na dati ay
ipinagbabawal sa kanila.
Subalit sa kabila ng tagumpay na natamo ng kababaihan sa Asya sa usaping pagboto,
may kababaihan parin sa ibang lugar na hindi pa binibigyan ng karapatang bumoto
hanggang ngayon. Sa kasalukuyan, may karapatan ang kababaihan sa kahit 12 saang
bahagi ng daigdig na bumoto maliban sa ilang bansa tulad ng Kuwait, United Arab
Emirates at Brunei.
PAGKAKATAONG PANGKABUHAYAN
Ang kasaysayan ng pakikipagtunggali ng kababaihan sa Asya ay hindi lamang
kasaysayan ng mga babaing nakapagtamo ng mataas na antas ng edukasyon. Ito ay
kasaysayan din ng mga babaing magsasaka at mga mangagawa. Kung tutuusin, ang
economic miracle o nakamtan ng kaunlaran sa ekonomiya ng ilang piling mga bansa sa
Asya ay hindi naisakatuparan kung wala ang partisipasyon ng kababaihan.
MGA KILUSANG PANGKABABAIHAN SA ASYA
Dahil sa iba’t ibang anyo ng pang-aapi at diskriminasyong naranasan sa lipunan at sa
pamilya, nakita ng kababaihan sa Asya ang kahalagahan ng pag-oorganisa upang
maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses. Mahalaga ang
pagkakaroon ng kilusang pangkababaihan sapagkat sila kang pangunahing
tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan. Nagsisilbing simbolo ang mga kilusang
ito ng kamulatan ng kababaihan at kanilang kahandaang labanan ang kaapihang
nararanasan sa lipunan. Bukod sa karapatang bumoto, at makibahagi sa
pangekonomiyang pamumuhay, marami pang karapatang ipinaglalaban ang
kababaihan. Ang mga pagpupunyagi ng kababaihan sa Asya para sa kanilang
karapatang politikal ay dapat pahalagahan upang makamit ang mga pagkakataong
ekonomiko. Ang patuloy na pagpapalawak sa karapatan ng kababaihan lalo na sa
pagkakaroon ng karapatang politikal at pagkakataong pangkabuhayan ay nagpapakita
na ang kababaihan ay kumikilos upang ipaglaban ang karapatan sa lipunan.

IV. Mga Gawain

Gawain 1: Individual
Panuto: Magbigay ng mga pangalan sa mga kababaihan sa Silangang Asya at isulat
ang kanilang bahaging ginagampanan sa pagkakapantay-pantay sa pagtataguyod at
pagpapanatili ng mga pagpapahalagang Asyano.
Silangang Asya
Mga Kababaihan Bahaging Ginagampanan
1.
2.
3.
4.
Gawain 2: Diad
Panuto: Magbigay ng tatlong kilusang Pangkababaihan na nabuo simula sa dekada
1960-1980 at ipaliwanag ang mga ito.
1.
2.
3.
Gawain 3:
Panuto: Magbigay ng mga pangalan sa mga kababaihan sa Timog-Silangang Asya
at isulat ang kanilang bahaging ginagampanan sa pagkakapantay-pantay sa
pagtataguyod at pagpapanatili ng mga pagpapahalagang Asyano.
Timog- Silangang Asya
Mga Kababaihan Bahaging Ginagampanan
1.
2.
3.
4.

ANSWER MAY VARY!

You might also like