You are on page 1of 1

Pangalan: Andrew I. Pastoril Guro: Sammuelita V.

Loreto
Baitang: 12 – Landers

Ang hinding hindi ko malilimutan na nangyari sa aking buhay ay noong nag bakasyon ako sa Bulacan
noong labing-apat na taong gulang pa lang ako.

Nasasabik ako na may halong kaba noong sinabe ni kuya na papapuntahin niya ako sa Bulacan sapagkat
unang beses ko pa lang makakapunta doon at mas lalo akong kinabahan dahil ako lang mag isa ang
bumyahe. Ngunit hindi naman ako nagpadala sa takot at ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpunta dahil gusto
ko rin makitang muli ang aking kuya at tiyohin na hindi ko pa nakikita sa personal.

Sa humigit dalawang araw na byahe papuntang Bulacan, may naging kaibigan ako na mga pasahero at
kasama na doon ang katabi ko sa loob ng bus.

Masaya akong nakapunta sa Bulacan dahil nakilala ko na rin ang pamilya ng aking tiyuhin at tiyahin.
Marami din akong nakilala at mga naging kaibigan. Marami din akong napuntahan na magagandang lugar
at hindi ko talaga inaasahan na magiging masaya at kapanabik-nabik ang aking bakasyon.

You might also like