1. SIMILE o PAGTUTULAD Ang kanyang ngiti ay kawangis ng bulkang- liwayway. Parang bulkang sumabog ang tinitimping galit ni Tomas. 2. METAPORAN o PAGWAWANGIS Ang tinig mo’y musika sa aking pandinig. Isang basag na salamin ang dalaga ni Aling Tonyang. 3. PERSONIPIKASYON o PAGTATAO Niyakap ako ng malamig na simoy ng hangin. Ang mga bulaklak ay sumasayaw sap ag- ihip ng hangin. 4. APOSTROPE o PAGTAWAG Kamatayan, bakit di pa wakasan yaring buhay? O araw, sumikat ka at bigyangn liwanag aking daraanan. 5. HAYPERBOL o PAGMAMALABIS Handa kong kunin ang buwan at mga bituin mapasagot lang kita. Namuti na ang mgta mata ni Shiella kahihintay kay Noreen. 6. ALITERASYON o PAG-UULIT Ang bawat balakid ay binabagabag ako. Makikita mo sa mga mata ni Arnel ang marubdob na pagnanais na mawakasan ang mahirap nilang pamumuhay. 7. ANAPORA Ang Pilipinas ay para sa iyo, para sa akin, at para sa lahat ng mga Pilipino. Kung makikikta mo si mama, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap. 8. ONOMATOPEYA o PANGHIHIMIG Angt twit-twit ng ibon ay kaysarap pakinggan. Napalingon ako sa lakas ng pot-pot ng trak. 9. IRONIA o PAG-UYAM Ikaw ang pinakamaganda sa lahat kapag nakatalikod. Sa sobrang talino ni Estrella ay wala nang nakakaintindi sa pinagsasabi niya. 10. SENEKDOKE o PAGPAPALIT-SAKLAW Dalawampung kamay ang nagtutulong- tulong sa pagbuhat sa isang mabigat na makinirya. Ayoko nang Makita ang pagmumukha mo kahit kalian. 11. METONYMY o PAGPAPALIT-TAWAG Ang bunga ng kanilang pag-iibigan ay isang malusog na babae. Mabigat na krus ang pinasan ng lalaking iyan. 12. PASUKDOL Ang malamig na simoy na simoy ng hangin kasabay ng mga batang nangangaroling ay nagsasabing ang pasko ay malapit na. Nakita ko ang pagdilim ng paligid at paglakas ng ihip ng hangin na tila nagbabadya nng isang malakas na bagyong paparating. 13. LITOTESN o PAGTATANGI Hindi naman siya nhangongopya, tinitingnan niya lang ang sagot ng katabi niya. Hindi ka talaga masarap magluto, napadami tuloy ako ng kain. 14. TANONG RETORIKAL Saan ako nagkulang sa pagpapalaki sa’yo? Saan matatagpuan ang pag-asa? 15. EUPEMISMO o PAGLUMANAY Sumakabilang na ang aso ni Jose. Angt pamilya ni Rosie ay kapos sa buhay.