You are on page 1of 12

NAIS PO NATIN MAGKAROON NG MAS KOMPREHENSIBONG WEBSITE ANG MANILA CITY

COUNCIL KUNG SAAN ANG LAHAT NG MGA ORDINANSA AT RESOLUSYONG NAIPASA NG


KONSEHO AY ABOT KAMAY NA AT MAKIKITA RITO, SA KASALUKUYAN PO AY NAKAPAGPASA NA
TAYO NG LABING SIYAM (19) NA ORDINANSA, PITONG PU’T ANIM (76) NA PINAGTIBAY NA
RESOLUSYON, ISANG DAAN ISANG (101) DRAFTED ORDINANCES, ISANG DAAN AT LABING-ISANG
(111) DRAFTED AND REFERRED RESOLUTIONS.

ISA NA RITO ANG ORDINANCE NO. 8884 “ESTABLISHING A MENTAL HEALTH PROGRAM &
DELIVERY SYSTEM IN THE CITY OF MANILA” MULA KAY KONSEHALA APPLE NIETO NG IKATLONG
DISTRITO AT MAGKAKAROON NG CRISIS CENTER PARA SA MGA PHYSICALLY AND MENTALLY
ABUSED INDIVIDUALS, CREATING OUR CHILDREN’S WELFARE CODE, ENVIRONMENTAL CODE AT
IBA PA.
KASALUKUYAN PONG PINAGAARALAN SA KUMITE ANG PAGBABA NG PARKING FEES PARA SA
MGA MOTORCYCLE VEHICLES MULA 50 PESOS AY 30 PESOS NALANG.

PINAGTITIBAY DIN PO NATIN ANG MGA PATAW NA PARUSA PARA SA MGA LALABAG NG
PAMBABASTOS SA KALSADA SA MGA KABABAIHAN.

INAAYOS AT PATULOY DIN PO NATING SINUSURI ANG ZONING ORDINANCE NG BAWAT


BARANGAY, PAGPAPATAYO NG JOB PLACEMENT OFFICE SA BAWAT SENIOR HIGH SCHOOL PARA
SA GRADUATING STUDENTS.

AT NGAYONG OKTUBRE NAMAN PO AY NAGPASA PO TAYO NG RESOLUSYONG NAG-E-


ENCOURAGE SA MGA BUSINESNESS ESTABLISHMENTS NA I-CELEBRATE ANG “ARAW NG MGA
GURO” SA PAGBIBIGAY NG AT LEAST 10% DISCOUNT PARA SA LAHAT ATING MGA MAHAL NA
GURO NG LUNGSOD NG MAYNILA MULA OCTOBER 23, HANGGANG 31.
PAGKAKAROON NG PET REGISTRATION FOR RESPONSIBLE PET OWNERSHIP AT MAHIGIT
DALAWANG DAAN (200) PANG IBA.

MAGBUBUKAS NA RIN PO ANG ATING MANILA CITY CLOCK TOWER AT MANILA ZOO SA MGA
SUSUNOD NA ARAW.

MAY MGA RESOLUSYON PO TAYONG IPINASA PARA MAPAGPATIBAY ANG ATING RELASYON SA
IBA’T IBANG LUNGSOD SA ATING BANSA, AT MGA SIYUDAD MULA CHINA, HANGGANG EUROPA
AT COLOMBIA.

DAHIL MAS LUMAWAK PO ANG ATING MGA NASASAKUPAN AT NAKAKASALAMUHANG MGA


STAFF MULA SA OFFICE OF THE VICE MAYOR AT PRESIDING OFFICER, KATUWANG ANG CITY
COUNCIL, MINABUTI PO NATING MAGKAROON NG ORIENTATION AT SEMINAR PARA SA 280 NA
MAGIGING KASAMA NATIN HANGGANG MATAPOS ANG ATING UNANG TERMINO.

HIGIT SA LAHAT, BILANG BISE ALKALDE, NANATILING TOTOO PO TAYO SA ATING PANGAKO NA
MAGLILINGKOD ANUMANG PANAHON.

NAGSIMULA PO TAYO SA PAMAMAGITAN NG PAGSASAGAWA NG DALAWANG PROYEKTO SA


ISANG ARAW: CLEAN UP DRIVE SA BARANGAY 20 AT MALAWAKANG BINYAGAN SA TAG-ARAW:
OPERATION TULI SA SONA 96, 9 AT 98 NG DISTRITO 6 KUNG SAAN 180 NA MGA BATANG
MAYNILA ANG BENEPISARYO.

NASUNDAN ITO NG OPLAN IWAS DENGUE MISTING SA BARANGAY 312 NG DISTRITO 3 PARA
MAIWASAN ANG PAGTAAS NG DENGUE CASES SA ATING LUNGSOD, PATULOY PA RIN PO NATIN
ITONG ISASAGAWA HANGGANG MAIKOT ANG LUNGSOD NG MAYNILA.
NANG DUMAMI PO ANG KASO NG MGA NASUNUGAN SA ATING LUNGSOD, AGARAN PO
TAYONG UMAKSYON AT NAKIPAGUGNAYAN SA DSWD PARA MAKALIKOM NG SLEEPING KIT,
HYGIENE KIT AT KITCHEN KITS NA NAIPAMIGAY SA 1,223 NA PAMILYANG NAWALAN NG
TIRAHAN MULA DISTRITO 1 HANGGANG DISTRITO 6, NANINIWALA PO AKO NA SA PANAHON NG
SAKUNA AY MAS KAILANGAN NG PAGKAKAISA AT SAMA-SAMANG TULUNGAN PARA SA
IKABUBUTI NG LAHAT.

PATULOY DIN PO ANG PAG-IIKOT NG ATING KUSINA MANILEÑO AT LUSOG BUSOG SITDOWN
MEAL NATIN PARA SA MGA BATANG MAYNILA AT MGA NASALANTA NG SAKUNA AT NAKAPAG-
PAMAHAGI NA PO TAYO SA 777 NA MANILENYO.

ANG PROYEKTONG ITO PO AY MULA KONSEHAL PA LANG TAYO HANGGANG SA MAGING BISE
ALKALDE AY PATULOY PO NATING GINAGAWA.
NAGSAGAWA NA RIN PO TAYO NG MALAWAKANG MEDICAL MISSION AT NAKAPAGBIGAY
TULONG TAYO SA 2,074 NA BENEPISARYO.

MAYROON PO TAYONG IBA’T IBANG SERBISYONG NAIBIGAY KATULAD NG CYST REMOVAL


SURGERY, EYE CHECK-UP, DENTAL CLEANING, GENERAL, SENIOR AT PEDIA CHECK-UP NA MAY
KASAMANG BOTIKA SA ILALIM NG JUAN PINOY.PATULOY LANG PO TAYO SA PAGSASAGAWA NG
MEDICAL MISSION HANGGA’T MAIKOT PO NATIN ANG LAHAT NG SONA SA LUNGSOD NG
MAYNILA.

PATULOY DIN PO TAYONG NAMAMAHAGI NG MGA MEDICAL EQUIPMENT SA ILALIM NG


NIETO’S DAY, KATUWANG ANG JUAN PINOY (PARA SA ORDINARYONG MAMAMAYAN).NAMIGAY
NA PO TAYO NG 138 WHEELCHAIRS, 119 BLOOD PRESSURE MONITORS, 124 NEBULIZERS, 19
HEARING AIDS, 9 QUAD CANES, 3 SINGLE CANES, 6 WALKERS, 3 SAKLAY, 11 OXYGEN TANK, 1
COMMODE, 451 IN TOTAL PO AT MADADAGDAGAN PA, KUNG KINAKAILANGAN PO NINYO NG
MGA NASABI NAMING MGA ITEM, MAGTUNGO NA LAMANG SA ATING OPISINA SA 1721
QUIRICADA ST., COR. SULU ST. STA. CRUZ MANILA O MAGMESSAGE LAMANG SA ATING
OFFICIAL FACEBOOK PAGE.

KAAGAPAY NAMAN NATIN ANG FIGHT FOR SIGHT OPTICAL CLINIC PARA SA LIBRENG EYE
CHECK-UP AT MANILA EYE AND SURGICAL CENTER INC. NAKATULONG NA PO TAYO SA 181 NA
MANILENYO PARA MAGKAROON NG SALAMIN AT 42 NA MGA SENIOR ANG NATULUNGAN DIN
NATIN SA OPERASYON SA CATARATA.

NAKIKIPAGUGNAYAN DIN PO TAYO SA TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT


AUTHORITY O TESDA , PARA MAMAHAGI NG TOOLKIT AND EQUIPMENT PARA SA 50 STUDENTS
NG PASTRY MAKING AT 50 STUDENTS NG BREADMAKING CLASS SA ILALIM NG UNIBERSIDAD DE
MANILA AT NG BLUERIGDE PACIFIC INSTITUTE KASAMA RIN ANG KANILANG CERTIFICATE OF
COMPLETION NA (NATIONAL CERTIFICATE LEVEL II O NC II). APAT NA PU’T PITONG (47)
ESTUDYANTE NAMAN NAKATANGGAP NG WELDING MACHINE KASAMA RIN ANG KANILANG
CERTIFICATE OF COMPLETION (SHIELDED METAL ARC WELDING O SMAW NC I) SA ILALIM NG
FILJAP NA MAGAGAMIT DIN NILA SA PAG HAHANAP NG TRABAHO DITO AT SA IBANG BANSA.
HUWAG PO KAYONG MAG-ALALA AT SISIKAPIN PO NATING MAGKAROON PA NG MGA
GANITONG KLASE PARA MAGBIGAY OPORTUNIDAD SA MGA NANGANGAILANGAN NG MAS
MAPALAWAK PA ANG KANILANG KAALAMAN , MAKIPAG-UGNAYAN NA LAMANG SA TESDA
MANILA O SA AMING TANGGAPAN.

BILANG TULONG SA MULING PAGBABALIK ESKWELA NG MGA BATANG MAYNILA, NAMAHAGI


PO TAYO NG MAHIGIT DALAWANG LIBONG (2000) PARES NG MGA SAPATOS SA UDM, PLM AT
MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN MULA DISTRITO 1 HANGGANG DISTRITO 6.

NAMAHAGI RIN PO TAYO NG SPAGHETTI PACK SA 437,770 PAMILYA SA BUONG MAYNILA.

AT DAHIL PO MALAPIT SA PUSO NATIN ANG BAWAT MANILENYO,KATUWANG ANG ATING MGA
LINGKOD BAYAN AY NAKIKIRAMAY AT NAG AABOT PO TAYO NG TULONG SA BAWAT
PAMILYANG NAWALAN NG MAHAL SA BUHAY.
BAGO PO MATAPOS ANG ATING IKALAWANG TERMINO BILANG REPRESENTANTE NG IKATLONG
DISTRITO NG MAYNILA AY MAY MGA NAIWAN PO TAYONG TUPAD BENEFICIARY SLOTS AT
PINAYAGAN TAYO NG DOLE NA IPAMAHAGI NATIN NGAYON BILANG BISE ALKALDE ANG MGA
ITO, KAYA PO NAGKAROON TAYO NG 6,972 BENEFICIARIES SA BUONG MAYNILA PARA DITO.

NAMAHAGI PO TAYO NG ANIM NA RAANG (600) ALCOHOL SA UNIBERSIDAD DE MANILA BILANG


PAGBIGAY TULONG SA PAGPASOK NG BAGONG ACADEMIC YEAR.

NGAYONG BRIGADA ESKWELA 2022 NAMAN PO, SA ILALIM NG TEMANG “SULONG SA HAMON
LIGTAS NA BALIK ARAL” NAMAHAGI PO TAYO NG MGA WHEELCHAIR, NEBULIZER, BLOOD
PRESSURE MONITOR, PAYONG AT MGA BOLA SA 106 NA PAMPUBLIKONG PAARALANG
ELEMENTARY AT HIGH SCHOOL SA ATING LUNGSOD, PINAGSAMA-SAMA PO NATIN ANG MGA
REPRESENTANTE NG BAWAT PAARALAN SA BAWAT DISTRITO.
PINAGPATULOY NATIN ANG MGA INFRASTRUCTURE PROJECTS SA PAMAMAGITAN NG
GROUNDBREAKING CEREMONY PARA SA APAT NA MULTI-PURPOSE BARANGAY HALL PARA SA
BARANGAY 330, 314, 385, AT 390 NG DISTRITO 3.
MAGKAKAROON NA RIN PO NG SARILING MULTI-PURPOSE BUILDING PARA SA MGA
ALTERNATIVE LEARNING STUDENTS SA JOSE ABAD SANTOS HIGH SCHOOL.

ITATAYO PO NATIN MULI NG MAS MAGANDA AT MAS PINAGTIBAY ANG SAN NICOLAS PUBLIC
LIBRARY SA BARANGAY 285 ZONE 26 NG DISTRITO 3.

NAGKAROON DIN PO TAYO NG PASINAYAN SA BAGONG PUBLIC COMFORT ROOM NG


BARANGAY 311 ZONE 31 NG PAREHONG DISTRITO.

AT BILANG RECREATIONAL ACTIVITY PARA SA MGA BATANG MAYNILA, NAGSAGAWA PO TAYO


NG FREE CHESS TRAINING SA PARAISO NG KABATAAN SA DISTRITO TRES, KATUWANG PO NATIN
ANG KNIGHTS BUILD ORGANIZATION.
ITATAYO NA DIN ANG FRANCISCO BALAGTAS CONVENTION HALL NA TALAGA NAMAN
MAKAKATULONG SA MGA MAG AARAL AT GURO.

SA LOOB NG UNANG ISANG DAANG ARAW NATIN SA PAGLILINGKOD, MARAMI PO TAYONG


PINAGDAANAN, NGUNIT IBANG KLASENG TATAG AT SERBISYO PO ANG NAIBIGAY AT PATULOY
NA IBIBIGAY SA MAYNILA, HINDING-HINDI PO KAMING MAGSASAWA NA ISULONG ANG MGA
PROYEKTO AT LEHISLATURANG MAKAKAPAGPABUTI PARA SA LAHAT, ANG COC NA AKING
IPINANGAKO AY PATULOY KONG IFAFILE, DAHIL HINDI PA PO RITO NATATAPOS ANG AMING
PAGLILINGKOD. SA LIKOD NG BAWAT SELFIE AT NGITI, AY ANG ATING PROJECTS AND SERVICES
TEAM, LEGISLATIVE TEAM, ADMINISTRATIVE TEAM, PRODUCTION TEAM, AT BUONG CITY
COUNCIL NA PATULOY NA NAGSUSUMIKAP NA PAGLINGKURAN ANG BAWAT MANILENYO.
MAKAKAASA PO KAYO NA SA ILALIM NG LIDERATO NI MAYOR HONEY LACUNA-PANGAN, WALA
PO KAMING MAGIGING IBANG HANGARIN KUNDI ANG IANGAT ANG ATING LUNGSOD.
AKO PO SI JOHN MARVIN C. “YUL SERVO” NIETO, ISANG LINGKOD BAYAN, BISE ALKALDE AT
PRESIDING OFFICER NG SANGGUNIANG LUNGSOD NG MAYNILA, HINDI NAGPAPATINAG AT
PATULOY NA NAGLILINGKOD AT MAGLILINGKOD ANUMANG PANAHON, NA MAY SERBISYONG
WALANG KATULAD.

MARAMING SALAMAT PO SA TIWALA AT SUPORTANG PATULOY NINYONG BINIBIGAY SA AMING


OPISINA, MAKAKAASA PO KAYO NA ANG AMING COMPASSION, OBLIGATION AT COMMITMENT
AY PATULOY NINYONG MATATAMASA, AMING MAHAL NA MAYNILA.

MARAMING MARAMING SALAMAT PO. LAGI NINYONG TATANDAAN, STAY SAFE, STAY HEALTHY
AND STAY HAPPY ALWAYS, MAGANDANG GABI PO SA LAHAT!

You might also like