You are on page 1of 11

ISTANDARDISASYON AT

INTELEKTWALISASYON
NG WIKA

Verenize Mae Recilla


SA WAKAS, AT ITO'Y HINDI NA MARAHIL
DAPAT BIGYAN NG MARAMING PALIWANAG,
ANG
INTELEKTWALISASYON NG ISANG WIKA AY
SIYANG DAPAT BIGYANG-TUON NG MGA
AKADEMISYAN PAGKATAPOS NILANG
MAGDAAN SA DAIGDIG NG PANULAAN AT
IBA PANG MALIKHAING ASPEKTO NG WIKA.
AT SA KASO NG PILIPINAS NA MAYROON
NANG MAAYOS NA SISTEMA NG
EDUKASYON, ANG NABANGGIT NA MGA
AKADEMISYAN AY MATATAGPUAN SA UBOD
NG AKADEMYA O SA MGA KOLEHIYO AT
UNIBERSIDAD.
KAYA NGA'T ANG MGA
AKADEMISYANG ITO AY DAPAT
LAMANG BIGYAN NG KARAMPATANG
TANGKILIK AT SAPAT NA PONDONG
KAILANGAN NILA UPANG
MAKAPAGSAGAWA NG MGA RISERT
NA KAILANGAN. KARAMIHAN NG
ATING MGA PROYEKTONG PANGWIKA
AY HINDI NAIPAGPAPATULOY DAHIL
SA KAKULANGAN NG PONDO.
 

SA SIMULA, ANG NASYONALISMO AT ANG


REAKSYON LABAN SA PATULOY NA PANINIKIL
NG DAYUHANG DOMINANTENG WIKA AY
MAAARING MAGING INSENTIBO SA
INTELEKTWALISASYON NG ISANG
KATUTUBONG WIKA. ANG KAMPANYA AY
MAAARING ILUNSAD SA NGALAN NG
PAGPAPALAYA SA MGA MAMAMAYAN SA
LINGGWISTIKA AT MANGYARI PA'Y SA
KULTURAL NA IMPERYALISMO NG NAKALIPAS
NA PANAHON.
GAYUMPAMAN, NAGING KARANASAN NG
MARAMING BANSA NA ANG NEGATIBONG
KAMPANYA UPANGKAMUHIAN ANG
ISANG DAYUHANG WIKA AY HINDI
NAPANANATILI O NASUSUSTINE NANG
MAHABANG PANAHON. AT ITO'Y
KARANASAN NG PILIPINAS. KAYA NGA'T
DAPAT NA TAYONG HUMANAP NG IBA
PANG MOTIBASYON NA MAY KAUGNAYAN
MARAHIL SA EKONOMYA.
PARA SA PILIPINAS, TINATANGKILIK NATIN ANG
FILIPINO SAPAGKAT NAPAPATUNAYAN NATIN SA
MGA PAGAARAL NA ANG WIKANG INGLES AY
HINDI TUGMANGWIKA SA
INTELEKTWALISASYON NG NAKARARAMING
MGA PILIPINO. PAULIT-ULIT NANG
NAPATUNAYAN SA MGA PAG-AARAL NA MAS
MATAAS ANG NATATAMONG KARUNUNGAN NG
MAG-AARAL NA GINAGAMITAN NG FILIPINO
BILANG WIKANG PANTURO. DAPAT TAYONG
HUMANAP NG ALTERNATIBONG SOLUSYON
PARA SA IKABUBUTI NG
MASA.
 
4. KONKLUSYON
ADYENDA SA SALIKSIK

MAY DOKUMENTO O REKORD ANG


PROSESO NG INTELEKTWALISASYON
NG MGAPRINSIPAL NA WIKA NG
DAIGDIG NA GINAGAMIT NGAYONG
MGA WIKA NG TINATAWAG NATING
"SCHOLARLYDISCOURSE," LALO NA
SA AGHAM AT TEKNOLOHYA.
SUBALIT KARAMIHAN SA MGA TALANG
ITO AY PRODUKTO LAMANG NG MGA
HINUHA O "HINDSIGHT", BATAY SA
ISINAGAWANG PAGSUSURI SA MGA
DOKUMENTO NG NAKARAANG PANAHON.
SAMAKATWID AY NANGHAWAKAN
LAMANG ANG MGA MANANALIKSIK SA
MGA PAMARAANG SINUSUNOD SA
"HISTORICAL RESEARCH."
SAMANTALA, SA KASO NG ATING WIKA AY
MASASABING MAAARI NATING MAITALA ANG
NAGAGANAPNA PROSESO; SA IBANG SALITA,
ANG DOKUMENTASYON AY MAAARING
MAISAGAWA IN FIERI O KAALINSABAY NG
MGA PANGYAYARI. HINDI NA KAILANGANG
HINTAYIN PA ANG KATAPUSAN NG PROSESO.
SA GANITONG
PARAAN, KAKAUNTI LAMANG ANG
MAWAWALANG MGA DETALYE NG PROSESO.
 
ANUPA'T HINDI LAMANG ANG
PRODUKTO KUNDI NA ANG PROSESO
ANG MAGIGING DOKUMENTASYON.
ITO'Y ISANG NAPAKAHALAGANG
OPORTUNIDAD SA PAGSISIYASAT.

You might also like