You are on page 1of 5

Modyul 9: Ang

Maingat na Paghuhusga
 Hamon hindi problema
 Karuwagan at Takot
Takot – babala ng utak upang ingatan ang
sarili
Karuwagan – pagsuko sa hamon dahil sa
kawalan ng tiwala sa sarili o sa iba. Pagpikit
ng mata sa mga tawag ng halaga.

 Kahinahunan bilang angkop

2 hakbang:
1. Tumugon
2. Pagsusuri sa kalidad ng itutugon: hindi
labis, hindi kulang. Angkop!
Angkop – ang pinakamahusay na magagawa
sa isang sitwasyon
Ang Angkop bilang Makatarungan

Katarungan – “tarong” o “tarung” sa Bisaya.


Ang “tarong” o “magtarung gyud ka” ay
nangangahulugang “umayos”, “magmatino”,
“magpakabuti”

*Ang pagiging makatarungan (makatarung-


an) ay pagpanig sa kabutihan, paglagay sa
ayos, at pagiging matino sa pag-iisip at
pakikiugnay.
* Ang “angkop” ay nauunawaan bilang
parehong “dapat” at “wasto”, “sakto” o
“tama”. Kung ginagawa ang dapat,
nangyayari ang sakto. Sa ganyang paraan
nagaganap ang katarungan. Ang paggawa ng
makatarungan ay ang angkop.
Ang Kilos ng Pamimili

Kaya’t kung malalagay sa sitwasyon na


kailangang mamili, ang dapat piliin ay ang
tatlong birtud na nauna nating tinalakay:
katapangan, kahinahunan at katarungan. Ang
angkop gawin ay ang tamang timbang ng
karuwagan at angas, ang tapat na pagtingin sa
kalagayan, at ang wastong pagkilos ayon sa
kaayusan, katinuan at kabutihan. Sa ibabaw
ng lahat ng ito ay ang tawag ng pag-aangkop.
Ang bawat pagkilos ay kailangan laging
angkop. Itong kilos ng pag-aangkop sa
pamimili ay tinatawag na prudentia, hiniram
sa wikang Latin at prudence sa wikang Ingles.

Tinuturo sa ating ng prudentia ang pag-


aangkop bilag sumasapanahon. Nauunawaan
ang prudent isa Latin bilang isang uri ng
pagtingin sa hinaharap (foresight). Sa maagap
na pagtingin sa hinaharap, inuugnay ang
kahapon, ngayon at bukas sa isa’t isa. Ang
prudentia ay hindi lamang upang pangunahan
ang mga posibleng epekto ng pagpili, kundi
isang paag-uunawa na may isang kuwento ang
mga pangyayari sa kahapon at ngayon na
siyang magiging bukas. Ang mga pamimili
ay hindi reaksiyon lamang sa mga hinihingi
ng kasalukuyan. Tugon ito sa hamon nag
awing makabuluhan ang serye ng kahapon,
ngayon at bukas-ang kuwento ng ating
pagkatao.
Kaya’t tinatawag na “ina” ng mga birtud ng
katapangan, kahinahunan, at katarungan ang
prudentia sapagkat nilalagay nito sa konteksto
ng panahon at kasaysayan ang pamimili.

*Karunungang Praktikal
Tinatawag ng pilosopong si Aristoteles ang
kinikilala nating birtud ng prudentia bilang
phronesis – karunungang praktikal (practical
wisdom). Aniya, ang phronesis ay
isinasagawang karunungan. Ibig sabihin,
iniaangkop ang natutuhan ng isip sa mga
pang-araw-araw na gawain.

You might also like