You are on page 1of 14

Modyul 9:

Ang Maingat Na
Paghuhusga
“Pag-isipan mo
muna nang
maraming beses
bago ka gumawa
ng anumang
pasiya. ”
• Sa bawat araw ng ating buhay, nasusubok
ang ating kakayahan sa pagpapasiya.

Halimbawa:
• Mauupo ka nang sandali upang magpahinga pagkatapos ng buong
araw na pagtulong sa iyong ama na nagsaka sa bukid nang
maabutan ka ng iyong ina at pinagsabihan na hindi ka maasahan sa
bahay. Magpapaliwanag ka ba o palalalgpasin na lamang ito?
• May isa kang kaklase na panay ang utang sayo kahit na hindi ka niya
binabayaran. Alam mo naman na mahirap ang kanilang
pamumuhay dahil walang trabaho ang kaniyang tatay at
naglalabada lang ang kaniyang nanay. Isang araw, nangungutang
siya sayo. Nag-dadalawang isip ka na bigyan siya dahil baka hindi na
naman niya bayaran, ngunit naaawa ka sa kaniyang kalagayan. Ano
ang gagawin mo?
• KARUWAGAN AT TAKOT

Ano ba ang ibig sabihin ng


karuwagan at takot?
- Ang takot ay isang emosyon na tugon sa mga banta at
panganib. Ang karuwagan naman ay tumutukoy sa
kalagayan ng isang tao upang hindi magawa o makamit
ang isang gawain o bagay dahil sa pakiramdam ng
pagkatakot.
- Iba ang karuwagan sa takot. Ang pagiging duwag ay
ang pagsuko sa hamon dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili o
sa iba.
• KAHINAHUNAN BILANG ANGKOP

Ano nga ba ang angkop?

- Sa oras ng problema o sakuna, ang angkop gawin ay


tumugon ng tama. Wala ng iba. Hindi ang mataranta o
magdrama o panghinaan ng loob o sumabog sa galit.
Maging mahinahon at saka tingnan ang sitwasyon. Sa
kahinahunan matitimbang nang may linaw at
obhetibong pagtingin ang iba-ibang salik ng sitwasyon:
ang pansariling kakayahan at limitasyon, ang
kalagayan ng kapaligiran, at ang lakas at kahinaan ng
• KAHINAHUNAN BILANG ANGKOP

- Ang unang hakbang ay ang tumugon. Angkop ang


tumugon
- Ang pangalawang hakbang ay ang pagsusuri sa kalidad
ng itutugon:hindi labis, hindi kulang.
- Angkop ang magmadali, hindi angkop ang mataranta.
Ang angkop ang mag-ingat, hindi angkop ang maduwag.
Angkop ang maging matapang, hindi angkop ang maging
mapangahas.
- Pag-aangkop ang tawag sa paglalapat ng mga
kakailanganin ng labas at ng maibibigay ng loob. Ang
• ANG ANGKOP BILANG
MAKATARUNGAN

Maging makatarungan!
- Ang paggawa nang hindi ayon sa angkop ay nagbubunga
ng pagkasira. Sinisira nito ang kaayusan ng sarili, kapuwa, at
kapaligiran gawa ng pagmamalabis. Kawalan ng katarungan
ang tawag sa pagkasirang ito.
- Angkop lagi ang maging makatarungan at kapag pinipili ang
katarungan, nagiging angkop ang lahat. Ang 'angkop' ay
nauunawan bilang parehong 'dapat' at 'wasto', sakto, o tama.
- Kung ginagawa ang dapat, nangyayari ang sakto. Sa
ganyang paraan nagaganap ang katarungan. Ang paggawa
• ANG KILOS NG PAMIMILI

- Ang kilos ng pamimili ay ang sitwasyon kung paano


makapili ng angkop at wasto. Sa pamimili, may mga birtud
na dapat isaalang-alang at ito ay ang mga birtud ng
katapangan, kahinahunan, at katarungan.
- Ang pamimili at pagkilos ng angkop ay tinatawag na
prudentia o sa Ingles ay prudence at isa sa mga
importanteng sangkap sa pamimili.
- Tinatawag na 'ina' ng mga birtud ng katapangan,
kahinahunan, at karunungan ang prudentia sapagkat
nilalagay nito sa konteksto ng panahon at kasaysayan ang
• KARUNUNGANG PRAKTIKAL

- Tintawag ng pilosopong si Aristotle ang kinikilala nating


birtud ng prudentia bilang phronesis o karungang
praktikal(praktikal wisdom).
- Aniya, ang phronesis ay isinasagawang karunungan. Ibig
sabihin, inaangkop ang natutuhan ng isip sa mga pang-
araw-araw na gawain.
- Ang pinakamahalagang sangkap ng phronesis ay ang
aspekto ng pagiging mabunga. Masasabing mabunga
ang paghusga kung nakalilikha ito ng magagandang
• PAGHUSGA AT PAGPAPASIYA

- Ang maingat na paghuhusga ay paninimbang sa mga


nakalatag na kondisyon ng sitwasyon at pag angkop ng
mga prinsipyo ng kabutihan sa mga ito. Hindi hinuhusgahan
ang pagiging tama o mali ng isang bagay batay sa mga
prinsipyo ng mabuti at masama. Ang maingat na
paghuhusga ay kilos ng pagpapalitaw sa mabuting
nakatago sa sitwasyon at mga pinagpipilian.
- Ang pagpapasiya ay hindi simpleng pamimili sa pagitan ng
mabuti at masama - laging mabuti ang dapat at kailangang
piliin sa kahit anong kalagayan.
• PAGHUSGA AT PAGPAPASIYA

- Hindi kailangang makulong sa dalawang


pagpipilian. Hindi iyan o iyon ang pipiliin. Hindi isa
sa kanilang dalawa.
- Ang 'mata ng pag-ibig' ayon kay Bernard Haring
ay ang kakayahang makita ang kalagayan hindi
lamang sa perspektibo ng mga pagpipilian kundi
sa perspektibo ng makabubuti.

You might also like