You are on page 1of 2

MODYUL 9 - ANG MAINGAT NA PAGHUHUSGA

• Iba ang karuwagan sa takot. Ang pagiging duwag ay pagsuko sa hamon dahil sa kawalan
ng tiwala sa sarili o sa iba. • Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa mga tawag ng halaga. •
Unang pagpili na gagawin: Magpadaig sa karuwagan o aminin ang takot at kumilos nang
angkop? • Kahinahunan bilang Angkop Unang hakbang: Tumugon Ikalawang hakbang
Pagsusuri sa kalidad ng itutugon • Makatarungan bilang Angkop Kung ginagawa ang
dapat, nangyayari ang sakto. Sa ganyang paraan nagaganap ang katarungan. Ang paggawa
ng makatarungan ay ang angkop. Angkop - dapat, wasto, sakto at tama. • Tatlong Birtud:
Katapangan, Kahinahunan, Katarungan. • Prudentia (latin) - prudence • Prudentia - uri ng
pagtingin sa hinaharap. • Ang mga pamimili ay hindi reaksiyon lamang sa mga hinihingi ng
kasalukuyan. Tugon ito sa hamon na gawing makabuluhan ang serye ng kahapon, ngayon at
bukas - ang kwento ng ating pagkatao. • Ina ng mga birtud ang prudentia sapagkat nilalagay
nito sa konteksto ng panahon at kasaysayan ang pamimili. • Hindi namimili sa dalawang
dulo; hinahanap ang gitna. • Aristostle - prudentia bilang 'phronesis' o karunungang
praktikal. • (Aristotle) Pinakamahalagang sangkap ng phronesis ay ang aspekto ng pagiging
mabunga. • Masasabing mabunga ang paghusga kung nakalikha ito ng magandang
oportunidad upang magtagumpay at umunlad ang tao. • Hindi hinuhusgahan ang pagiging
tama o mali ng isang bagay batay sa mga prinsipyo ng mabuti at masama. • Ang maingat na
paghuhusga ay kilos na pagpapalitaw sa mabuting nakatago sa sitwasyon at mga
pagpipilian. • Dahilan ng maingat na paghusga: upang hindi agad mabulag ng mga
nakasanayang ideya ng tama at mali at makita ang binubuong kuwento ng mga tauhan. •
Ang pagpapasiya ay ginagawa sa pagitan ng parehong mabuti. • Hindi kailangang makulong
sa dalawang pagpipilian. Hindi iyan o iyon ang pipiliin. Hindi isa sa kanilang dalawa. • Mata
ng Pag-ibig - kakayahang makita ang kalagayan hindi lamang sa perspektibo ng mga
pagpipilian kundi sa perspektibo ng makabubuti. • Ang matinong paghuhusga: nagdudulot
ng pasiyang makabubuti. MODYUL 10 – PAGMAMAHAL SA BAYAN • Pagmamahal sa
bayan - pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito.’
Tinatawag na patriotismo. • Patriotismo - mula sa salitang pater (ama na karaniwang
inuugnay sa salitang pinanggalingan) - Pagmamahal sa bayang sinilangan. - Isinasaalang
alaang ang kalikasan ng tao. • Nasyonalismo – mga ideolohiyang pagkamakabayan at
damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakapareho ng wika, kultura, at
mga kaugalian o tradisyon. • Ang pagmamahal sa bayan ay nangangahulugang tayo
bilang tao ay umiiral sa mundo kasama an gating kapwa. •Ang pagmamahal sa bayan ay
nagiging daan upang makamit ang layunin. •Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang
mga tao sa lipunan. •Ang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan ay pagsasabuhay ng
pagkamamamayan. •Lipunan – binubuo ng mga indibidwal na may iisang tunguhin o mithiin.
“MODYUL 10: PAGMAMAHAL SA BAYAN”

Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat


mamamayan rito.

You might also like