You are on page 1of 2

ANG PAGDATING

ni Alexa A. Oplida

Taong 2022, ika-24 ng Mayo


Isang munting tinig, biglang pumaibayo;
Sa iyong pagdating, ‘di alam kung saan tutungo
Walang katumbas na tuwa, punong puno ang puso.
.

Bawat araw na paparating, inaabangan iyong ngiti


Sa iyong munting iyak, lahat hindi mapakali;
Sa sobrang pag aalala, nag uunahan sa paglapit
Ngunit pagkabahala’y mapapalitan ng hagikhik.

Puso ay puno sa paglipas ng mga araw


Nagsisilbing inspirasyon, nagpapasaya ay ikaw;
Sentro ng pamilya, kayamanang walang kapantay
Sa paglipas ng panahon, ika’y mananatiling mahal.

“Mama”, “Papa’, iyo nang naiuusal


Sa unti-unting paghakbang, kami ang iyong gabay;
Lalagi sa tabi mo, umulan man o umaraw
Mark Lhiam E. Oplida, pagdating mo’y biyayang walang kapantay.

You might also like