You are on page 1of 3

ARPAN IKALAWANG MODELO

PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

Precious: Ang ating paguusapan sa araw na ito ay tungkol sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Ngunit bago namin ito simulant, mayroon lamang akong katanungan para sa iyo. Paano ng aba
gumagana ang pambansang ekonomiya ng isang bansa? Ngunit bago mo ito sagutan, alamin
muna natin ang apat na salita na madalas nating gagamitin sa ating bagong aralin. Ating alamin
ang kahulugan ng salitang sambahayan, pamahalaan, bahay-kalakal, at bangko.

Sulat: Sambahayan- May demand sa Produkto ngunit walang kakayahan na gawin ang mga ito.
Nasa sakanila ang mga salik ng produksiyon.
Jhuriel: Tandaan, kapag sinabi nating sambahayan, dito madalas mataas ang demand, lalong
lalo na pagdating sa mga produkto o serbisyo. Subalit sila ay walang kakayahan na gawin ang
mga ito. Kahit pa nasa sakanila ang mga salik ng produksiyon, katulad ng lupa, paggawa,
entrepreneur, at iba pa.

Sulat: Bahay-kalakal - Taga gawa ng mga produkto at serbisyo na kailangan at gusto ng mga
taga sambahayan.
Alyssa: Kung kaya naman, palaging to the rescue ang ating bahay kalakal. Sila kasi ang madalas
na taga gawa ng mga produkto at serbisyo na kailangan at gusto ng mga taga sambahayan.
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagkakasundo ang mga taga sambahayan at bahay
kalakal. Kaya nangangailangan na mang himasok ng Pamahalaan.

Sulat: Pamahalaan- Bumubuo ng mga patakaran upang maisaayos ang ekonomiya.


Elloren: Ang pamahalaan ang bumubuo ng mga patakaran upang maisaayos ang ekonomiya ng
isang bansa. At syempre, hindi rin naman mag papahuli ang Bangko.

Sulat: Bangko- Tumatanggap ng ipon at nagpapautang ng mga pondo.


Pierre: Ang bangko ang tumatanggap ng mga ipon at ito rin ang nagpapautang ng mga pondo.
Ngunit ano kaya ang koneksyon nito sa ating talakayan? Para malaman ito, kinakilangan natin
alamin ang mga modelo na bumubuo dito. Pero ano ba ang modelo na aking tinutukoy sa
pambansang kita?
Sulat: Economic Models- representasyon ng isang konsepto o kaganapan. Ito ay nagbibigay ng
konstekto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya.
Heleina: Kapag sinabi nating modelo o economic models, ito ay isang representasyon ng isang
konsepto o kaganapan. Ito ay nagbibigay ng konstekto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya.
Bukod pa riyan, Ito rin ay nagpapakita na simple ang realidad. Ipinapaliwanag nito ang mga
koneksyon at pagkakaugnay ng mga datos. Laging tandaan na tayo ay may five economic
models, at aming tatalakayin sa araw na ito ang ikalawang modelo sa paikot na daloy ng
ekonomiya.

Elloren: Para sa ating ikalawang modelo, ang sambahayan at bahay-kalakal ang pangunahing
sector. Sila ay binubuo ng iba’t ibang aktor. Pero sa puntong ito, masasabi nating magkaiba ang
sambahayan at bahay-kalakal.

Jhuriel: Ang nasa larawan ay isang halimbawa ng ikalawang modelo. Ano ang iyong
napapansin? Tandaan, ang ikalawang modelo ng pambansang ekonomiya ay mayroon ding
dalawang uri ng pamilihan. Napansin mo ba kung anu ano ang dalawang ito? Ang unang
pamilihan ay tinatawag nating pamilihan ng salik ng produksiyon o sa ingles ay mga factor
markets. Ito ay binubuo ng lupa, paggawa, at capital. Sa kabilang banda, tayo rin naman ay may
tinatawag na pamilihan ng kalakal at paglilingkod. Sa ingles, ito ay tinatawag bilang commodity
market. Ngayon, para saan nga ba ang dalawang pamilihang ito?
Pierre: base sa ating nakaraang diskusyon, ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit
wala itong kakayahan lumikha ng mga ito.
Alyssa: Sa kabilang dako naman, kinakailangan natin ang bahay-kalakal sapagkat sila lamang
ang mayroong kakayahan upang lumikha ng mga ito.
Heleina: Subalit ano ang paliwanag ng ikalawang modelo? Bakit mayroon tayong mga linya na
konektado ang lahat?
Precious: Balikan natin ang modelo, Ang sambahayan at bahay-kalakal ay magkaiba, ngunit
paano nga ba sila gumagalaw para sa isa’t isa? Tandaan, Malaki ang gampanin ng bawat linya.
Ating simulang talakayin ang linya na nasa loob ng modelo. Mula sa sambahayan, na siyang may
hawak ng lupa, paggawa, at capital, ito ay kanilang binebenta sa pamilihan ng salik ng
produksiyon. Kinakailangan bumili naman ng bahay kalakal sa pamilihang ito bilang kanyang
input o raw materials sa paggawa ng mga produkto. Sa oras na mabili, makolekta ng bahay-
kalakal ang raw materials o salik ng produksiyon na kaniyang kailangan, pagkakataon na niya
para mabawi ang kaniyang gastusin para rito. Kinakailangan niya itong ibenta sa pamilihan ng
kalakal at paglilingkod o ang pamilihan ng tapos na produkto. Sa pagbebenta ng bahay kalakal
sa pamilihang ito, bibili naman ang sambahayan ng produkto para sa kanilang pangangailangan
at kagustuhan.
Precious: Ngayon naman ay ating pagaralan ang mga linya na nasa labas ng modelo. Umpisahan
nating muli sa sambahayan. Dahil ang sambahayan ay mataas ang demand at walang
hangganan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan, handang gumastos ang mga ito.
Syempre, saan pa nga ba sila bibili kundi sa pamilihan ng kalakal at paglilingkod. Sa pagbili
naman ngayon ng sambahayan sa pamilihang ito, kikita ang bahay kalakal, at dahil kumita ang
bahay-kalakal sa pagbebenta niya ng kaniyang produkto para sa sambahayan, ito naman ang
gagamitin ng bahay kalakal bilang pambayad sa kanyang pa sueldo, lalong lalo na sa kaniyang
mga manggagawa, upa sa lupa ng kaniyang mga establishimento, industriya at iba pa, at tubo o
interes. Dahil ito ay kaniyang ipinamili, o ginamit sa salik ng produksiyon. Kagaya ng sinabi ko
kanina, ang salik ng produksyon ay binubuo ng lupa, paggawa, at capital, na siya namang kikita
ang sambahayan sa pagbayad ng bahay-kalakal. Hanggang paulit ulit na lamang itong
mangyayari

You might also like