You are on page 1of 1

J: Maraming Salamat Charcel at Kian.

Ngayon naman ay ibabahagi naming


Ang Unang Modelo: Ang Sambahayan at ang Bahay-Kalakal.
M: Sa unang modelo ipinakita ang ugnayan ng sambahayan at bahay kalakal sa
pagpapaikot na daloy ng ekonomiya. May dalawang bahagi ang unang
modelo, ang inner circle at outer circle.
J: Sa inner circle, makikita ang daloy ng mga produkto at serbisyo mula at
papunta sa sambahayan at bahay-kalakal. Sa sambahayan nanggaling ang
mga yaman o pangangailangan para sa produksiyon gaya ng paggawa,
capital, at entreprenyur. Ito ang nagsisilbing pamilihan ng mga salik ng
produksiyon na kinakailangan ng bahay-kalakal sa paglikha ng mga
produkto at serbisyo.
Samantala, ang bahay-kalakal naman ang gumawa o ang nagproseso ng
mga salik ng produksiyon upang maging ganap na produkto o serbisyo na
nakalaan para sa pagkonsumo ng sambahayan. Ito ay nagsisilbing pamilihan
ng tapos na produkto at serbisyo na kailangan ng sambahayan.
M: Sa outer circle naman makikita ang daloy ng kita para sa sambahayan at
bahay-kalakal. Sa pamamagitan ng, pagkonsumo ng mga produkto at
serbisyo ang sambahayan, kumikita ang bahay-kalakal. Ang natanggap
nilang kabayaran sa pagkonsumo, ay nagsisilbing kita o income para sa
sambahayan at bahay-kalakal. Magbibigay ng suweldo o kita ang bahay-
kalakal sa sambayanan at ang natitira ay gagamitin o ilalaan para sa
produksiyon o para sa hinaharap.
J: Ang sambahayan at bahay-kalakal ay ang mga pangunahing sektor sa ng
pambansang ekonomiya. Nakikipag-ugnayan ang sambahayan at bahay-
kalakal sa mga pamilihan ng kalakal at paglilingkod dahil dito bibili ang
sambahayan ng produkto sa pantugon sa mga pangangailangan o
kagustuhan nito.
M: At ngayon ay tinatawag namin sina Khaliel Fortich at Nina Maambong,
upang ipaliwanag at ibahagi ang ikalawang modelo

You might also like