You are on page 1of 3

Ang Aking Karanasan Na Hindi Ko Malilimutan

By: Joshua Camarillo

Ang aking karanasan na hindi ko malilimutan ay yung unang beses kong


makipag usap sa dalawang artsita (Sef Cadayona at Andre Paras). Silang dalawa ang
pinakaunang artista kong nakausap, nakakuwentuhan at nakipagkulitan sa akin,
nangyari ito dahil sa Kapuso Brigade. Nakita ko ang post ng isang tao na kung sino daw
gusto makipagzoom kay Alden Richards ay magmessage lang daw sa kanya.
Nagmessage ako kasi gusto ko talagang makausap kahit via zoom lang ang aking
hinahangaang personalidad sa larangan ng showbiz ngunit hindi pala ganoon kadali.
May mga proseo akong pinagdaanan bago maging opisyal na membro ng Kapuso
Brigade, Indio Battalion, Platoon Magayon. Ang Kapuso Brigade ay opisyal na taga
supporta ng GMA Network, lahat ng artista at mga teleserye mapa bago man o luma
sinusupurtahan yan ng Kapuso Brigade. Parang military based din kami dahil mayroon
kaming Squad Leader, Platoon Leader, mga Battalion (Amaya, Indio, Mulawin, at Enca)
ang mga Battalion na ito ay hango sa apat na malaking telefantasya ng kapuso
network. Mayroon din kaming General at Founder. Ang mga battalion namn ay may
sariling commanders. Lahat ng mga event ng Kapuso Brigade ay supurtado ng GMA
Network bilang pasasalamat sa mga nagawa namin.

December 2020 ako nagging parte ng Kapuso Brigade, dahil dumaan


ako sa proseso bago makapasok alam kona ang aking gagawin para makausap ang
isang artista at yun ay: magrecruit at magtweet sa twitter. Ginawa ko ang lahat ng aking
makakaya para makuha ko ang gusto ko at nakuha ko nga ito noong February 6, 2021
ng maka zoom ko si Sef Cadayona at Andre Paras. Dahil sa pinakita kong galing
nagging Squad Leader ako ng hukbo naming ( Platoon Magayon Squad Leader GC1).
Ginawa ko ang lahat bilang isang leader kaya noong June 2021 na promote ako as
Task Force Population Assistant ng aming Battalion at yun ay ang Indio Battalion. Sa
posisisyon nato ako’y nahirapan sapagkat gagawa ako ng population report ng aming
Battalion kada linggo at buwan. Ako ang nag-uupdate ng mga bagong miyembro na
pumamasok at umaalis, yan ang gawain ko bilang Task Force Population Assistant ng
Indio Battalion. Noong malapit na ako mag isang taon sa Kapuso Brigade, nagmessage
sa akin ang General ng Kapuso Brigade na si tita Jhen Digal, pangalawa sa
pinakamataas na position ng Kapuso Brigade dahil ang pinakamataas na position ay
ang Founder namin na si sir Elmo Benguan na 17 years ng nagtatrabaho sa GMA
Network. Siya ang aming koneksyon sa nasabing network. Nagmessage sa akin si tita
Jhen Digal kung gusto ko daw maging head ng populasyon sa buong Kapuso Brigade
sabi ko pag-iisipan kong mabuti ang gagawin kong desisyon sapagkat alam kong hindi
madali maging Head ng buong Kapuso Brigade. Isang battalion pa nga lang parang
suko na ako ano pa kaya kung apat na battalion na hahawakan ko. Ilang linggo ang
nakalipas ay nakapagdesisyon na ako na tanggapin ako alok ng aming General sa
kadahilanan na gusto kong kilalanin rin ang aking sarili sa mga bagay gaya nito ngunit
hindi madali ang pagtanggap ko sa posisyon na iyon sapagkat kailangan kong
humanap ng papalit sa akin bilang Task Force Population Asssitant ng Indio battalion.
Maraming tao ang pumigil sa akin lalo na ang mga taong sakop ko bilang assistant.
Nawiwili sila kung sino daw ang papalit sa akin, saan na daw sila magpapasa ng report.
Dahil gusto ko na talagang tanggapin ang alok na maging Head para namn maranasan
ko rin, pinagsabay ko ang pagiging Task Force Population Head ng buong Kapuso
Brigade at pagiging Task Force Assistant ng Indio Battalion. Isang araw napatanong
ako sa sarili ko na “Kailan pa nagging assistant ang isang head. Bilang Task Force
Population Head ako ang gumagawa ng kabuuang report ng apat na battalion sa
populasyon. Ang taas ng posisyon ko pero walang sahod ngunit may allowance na
2500 kada tatlong buwan at exclusive talk sa mga artista gaya ng zoom at iba pa. Dahil
nasa Cebu ako online event muna ang aking nadaluhan mula noong nagjoin ako at
sapat na iyon bilang isang fan ng mga artista. Nagkakaroon rin sila ng mga face to face
event kung saan personal mong maka bonding ang artista at makasabay pang kumain.
Nabibigyan rin ng mga rewards ang mga taong active isa na rito ang libo libong load,
zoom with artist at VIP sa mga mallshow ng kani kanilang probinsya.
Dahil sa mga post ko na nakausap ko ang mga artista at nakabonding ko sila
maraming nagtatanong sa akin kung artista ba daw ako, empleyado bad aw ako ng
GMA Network. Sa totoo lang hindi ko ma imagine ang mga nangyayari sa buhay ko
ngayon simula noong nagjoin ako sa Kapuso Brigade. Bilang Head may mga style rin
akong nagagamit sa pag-aaral bilang isang estudyante na nag-aaral pa. Marami ngang
napahanga sa galing ko sapagkat nasasabay ko ang aking pag-aaral at pagiging Head
ng kapuso Brigade. Sa mahigit tatlong taon na nananatili ako sa Kapuso Brigade
marami rin akong natutunan mula sa aking kapwa Kapuso Brigade lalo na ang pagiging
leader, hindi porket leader ka ay ikaw na ang masusunod dapat maruno karing making
sa mga miyembro at kapwa mo. Marami akong na achieve sa buhay simula noong
pumasok ako sa Kapuso Brigade. Naramdaman ko rin dito na parang pamilya ang
turungan namin sa isa’t isa yung walang posisyon na pinipiling tulungan, wala rin sa
edad. Dahil dito mas nakilala ko ang aking sarili hindi bilang isang Head kundi bilang
isang tao. Para sa akin ito ang karanasang diko malilimutan hanggang ngayon patuloy
parin akong nagseserbisyo bilang Kapuso Brigade Task Force Population Head for
almost tatlong taon sa Kapuso Brigade.

You might also like