You are on page 1of 7

SABAYANG

PAGBIGKAS
Sabayang pagbigkas ang tawag sa sabay-sabay
na pagbigkas sa tanghalan ng isang pangkat ng
anumang akdang pampanitikan.

Maaaring ang bigkasin ng pangkat ay isang tula,


sanaysay, talumpati, o alamat. Tulad ng dula at
talumpati, ito ay may galaw o aksyon ng mga
bumibigkas upang maliwanag na mailarawan ang
nais na ipahiwatig ng binigkas. Ang galaw o
aksyon ay maaaring sa anyo ng sayaw at awit.
Mga Mungkahing Paraan sa
Paghahanda ng Sabayang Pagbigkas
1. Piliin ang akda (maaaring tula,
sanaysay, talumpati, o alamat) na angkop
sa pampanitikang pagpapahalaga ng bata:
sa damdamin, kaisipan, kaugalian.
2. Pagpangkat-pangkatin ang klase ayon
sa tinig: babae-soprano, kontra-alto, alto;
lalaki-tenor, baho (bass).
3. Basahin nang malakas at pabigkas ang
akda. Bigyan ng pansin ang mga kamalian
sa pagbigkas at iwasto ang mga ito.
4. Unawain ang nilalaman ng akda.
5. Isaayos ito para sa panabayang
pagbigkas sa tulong ng pangkat.
6. Bigyang-laya ang bawat nagnanais na
magpasok ng mga mungkahi sa
pagsasaayos ng akda.
7. Kung kailangan ng mga soloista, pumili
sa pamamagitan ng pagsubok.
8. Gawing magaan at natural ang
tinig. Maaaring palakasin ang tinig ngunit
hindi pahiyaw; hindi dapat pilit ang
pagpapalabas nito.

9. Ang akda ay kusang naisasaulo kapag


itoy binabasa, lalo na kung panabayan.

You might also like