You are on page 1of 1

Metodolohiya

Nina Mark Christian C. De Jesus at Himerio Justin G. Garcia VII

Ang pangunahing paraan na isasagawa ng grupo ay pagpapanayam. Isang uri ng


panayam na gagawin ng grupo ay ang biglaang panayam. Dito, kukuha ang grupo ng mga
taong magtatapon ng basura sa kampus ng Mataas na Paaralan ng Ateneo De Manila.
Susuriin ng grupo ang sumusunod: 1. Kung sinusunod nila ang patakaran ng patapon ng
basura sa tamang lagayan, 2. Kung alam nila ang mga patakaran ng pagtatapon ng basura
sa tamang lagayan, at 3. Kung ano ang masasabi nila sa kalinisan ng kampus.

Isa pang uri ng panayam na gagawin ng grupo ay sa mga lehitimong awtoridad.


Sila ay sina G. Gregorio na isang tagapagpayo ng organisasyong SWAK at Gng.
Dimalanta ng FMSO (Facilities Management and Security Office). Pinili ng grupo ang
dalawa dahil sa kanilang kalaman sa mga usaping pangkalikasan at pangkalinisan. Sa
mga panayam, ang mga tanong na binigay ng grupo ay “Ano ang masasabi mo sa kalidad
ng kalinisan sa Ateneo?” at “Ano ang magagawa ng mga Atenista para masolusyonan
ang problema sa kalinisan?”

Ang pangalawang paraan na isasagawa ng grupo ay ang paggamit ng aklat bilang


sanggunian. Gagamitin namin ang sumusunod na libro: a.) Our Earth, Ourselves b.)
Controlling Pollution c.) Earth Right d.) Environmental Pollution at e.) Our Threatened
Heritage. Mula sa mga ito, hanapin ng grupo ang mga paraan sa pag-alaga ng kalikasan
at pagkukumpara ng mga ito sa mga pamamaraan ng Ateneo. Isa pa ang depinisyon ng
polusyon, mga epekto, mga bagay na nagdudulot nito, at mga solusyon. Sasaliksikin rin
ang konteskto ng mga problema ng kalikasan. Ang mga batas at solusyon ng Kongreso
ng Pilipinas sa problema ng kalikasan ay isa pang hahanpin sa mga sanggunian.

Ang mga taong tutugon sa pananaliksik ay ang grupo mismo, ang mga
papanayaman, at mga mag-aaral. Ang grupo ay nagdanas ng kahirapan sa paghahanap ng
sagot dahil may kalawakan ang piniling paksa. Isa pa ay ang hamon ng pag-iiskedyul ng
mga panayam na hindi nakakasagabal sa mga kinakapanayam.

You might also like