You are on page 1of 2

TEENAGE PREGNANCY

Sa kasalukuyan, parami na nang parami ang mga isyu tungkol sa teenage pregnancy o maagang
pagbubuntis. Lumalaganap na ito sa iba’t ibang parte ng bansa. Maraming mga posibleng rason o
kadahilanan ng paglaganap nito sa buong mundo. Isa na rito ang kahirapan o kawalan ng panustos Kaya
marami ang nagpapasyang ibenta ang kanilang sarili. Madalas natin silang nakikita sa mga bar na
sumasayaw na halos wala ng saplot at nagpapagamit sa sarili sa mga kustomers kapalit ng pera. Sa
madaling salita, sila ay mga pokpok. Maliban dito, ang temptasyon ay isa ring napakahirap labanan na
dahilan. Hindi mapigil ang mga mapupusok na damdamin lalo na sa magkarelasyon na labis-labis ang
pagmamahal sa isat isa. Madalas inaakala ng karamihan na sila na talaga ang makakatuluyan habang
buhay kung kaya’t inisip nilang ibigay na lang ang kanilang sarili, ngunit hindi nila alam na maraming
mapagsamantalang lalaki at ito lang ang habol sa kanila. Kailangang mag-ingat din sa pagpili ng mga
kinakasamang barkada sila ang nagdudulot minsan ng ating ikapapahamak. Marahil ay sila pa mismo ang
mag-uudyok at magtuturo sa’yo na gawin ang hindi nararapat. Halimbawa nito ay pag-iinom ng alak,
paglalakwatsa, paninigarilyo at iba pa kahit na dati’y hindi mo Ito ginagawa. Ang iba nama’y sadyang
agresibo lng talaga, walang pinag-aralan, naku-curious, gustong maranasan at nakikisabay sa uso. Alam
namn nating lahat na likas sa mga kabataan ang pagiging curious sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid
at gustong maranasan ang mga nararanasan ng iba. Madali rin silang naiimpluwensyahan ng kanilang
madalas na nakikita dahil hindi pa sila mature at hindi pa nila alam ang kanilang ginagawa. Problema rin
ang kulang sa disiplina ng mga magulang. Adik, walang respeto sa sarili sa sarili at nasa lahi na talaga
nila na nagagaya lamang dahil sa kung anong pinagmulan ay maaaring siya ring bunga. Ang kawalan ng
gabay ng magulang ay may malaking epekto sa bagkatao ng mga kabataan dahil sila ang humuhubog ng
pag-uugali, paniniwala at pagkatao ng kanilang anak. Sila rin ang responsable sa pagtutuwid ng mga
kamalian ng kanilang anak habang sila’y bata pa dahil mahirap na itong ituwid kapag may sarili ng isip
ang bata. Ang paggahasa rin ay nagdudulot ng dahilan ng pagbubuntis ng batang babae. Madalas itong
nangyayari sa mga liblib na lugar kung saan lumalabas ang kababaihan upang bumili ng ipinag-utos ng
magulang at hindi nila namamalayang may nakaabang na pala sa kanila. Sa kanila ng mga sanhing ito,
mayroon din itong maidudulot na mga epekto o bunga. Paghihirap ang pinakasentrong epekto nito sa
karamihan. Mararanasan nila ang hirap ng pagdala ng bata sa sinapupunan sa murang edad sa loob ng
siyam na buwan, ang hirap ng panganganak, pagpapalaki sa bata, pagbigay ng sapat na nutrisyon,
disiplina at maging sa edukasyon nito. Mas lalala ang paghihirap na ito kapag walang pinag-aralan dahil
walang mahanap na matinong trabaho. Posible ring maging epekto nito ang pagiging “single mom” dahil
karamihan ngayon, ang mga lalaki ay di marunong managot sa kanilang responsibilidad. Sila rin ay
mamomroblema sa kanilang katawan dahil sila ay nalolosyang at pumapangit dahil sa kawalan ng oras sa
sarili dahil ito’y nahahati at kailangang unahin ang kapakanan ng anak.

You might also like