You are on page 1of 1

A.

Bumuo ng isang makabuluhang photo essay na maglalabas ng inyong damdamin at natutuhan buhat
sa araling ating pinag-aralan.

Sa aking natutuhan tungkol sa naging


kontrobersyal na pagpapatupad ng bagong
General Education Currriculum (GEC) alinsunod
sa programang K to 12, ako ay nagtaka at
naguluhan dahil hindi ko lubos na maunawaan
ang kanilang dahilan kung bakit nila tinangkang
alisin o burahin ang espasyo ng Wika at
Panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo,
bagama’t malaking tulong ito para sa mga mag-
aaral. Dahil hindi naman lahat ng dapat
malaman sa asignaturang Filipino ay naituro na
sa Elementarya at High School, mayroon pa ring
ibang bagay na kailangan pang ituro sa mga estudyante na maituturo lamang sa kolehiyo.

“Ang paggamit ng mga wikang dayuhan, lalo na ng Ingles, ay nagbunsod ng mabagal na pag-unlad
(underdevelopment) hindi lamang ng mga wika sa Pilipinas kundi pati mabagal na pag-unlad ng
pambansang kultura at identidad.” Sinasang-ayunan ko itong pahayag na ito na mula sa modyul, dahil
totoo na kaya’t ang ating bansa ay mabagal ang pag-unlad dahil ang mga mamamayang Pilipino ay mas
tinatangkilik pa ang mga bagay-bagay
na mula sa ibang bansa. Tulad sa mga
produkto, kapag ikaw ay may gamit na
mula sa ibang bansa ikaw ay pupurihin
ng maraming tao o kaya nama’y
kakainggitan ka, ‘di tulad kapag ikaw ay
bumili ng gamit na dito lamang sa
Pilipinas o gawa ng mg Pilipino, ang
papuri na matatanggap mo ay hindi
katulad ng papuri na binibigay nila sa
taong mayroong gamit na mula sa
ibang bansa. Minsan nga ay wala ka
pang matatanggap na papuri kundi ang matatanggap mo lang ay pangungutya. Kaya naman maraming
Pilipino ang mas gusto pa ang banyagang gamit dahil ang tingin ng karamihan ay nakakaangat ka sa
buhay kung mayroon kang gamit na mula sa ibang bansa. At isa yan sa dahilan ng mabagal na pag-unlad
ng bansang Pilipinas dahil imbis na gastusin ang kanilang pera dito sa ating bansa (sa mga lokal na artist
o mga mangagagwa) mas gusto pa nila sa ibang bansa i-gastos ang kanilang pera. Kaya’t ang pag-unlad
ay puro nasa ibang bansa at wala sa ating sariling bansa.

You might also like