You are on page 1of 4

Father Urios High School –Prosperidad-ADS- Inc.

Poblacion, ProsperidadAgusandel Sur


Government Recognition no. 53, series of 1972
Cell. No. 09485277101, E-mail Add: 2019urios1961@gmail.com
ACS-RGSTR-001/01AUG2013
Carmelian Education: “Wisdom in the Light of Faith lived in Love.”

Subject FILIPINO 10 Quarter No. 2

Grade Level GRADE 10 Section

Module No. 2 Chapter No. 2

Lesson No. 9 Date

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga


PANGNILALAMAN akdang pampanitikan ng mga bansang kanluranin

PAMANTAYAN Ang mag-aaral aynakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla


SA PAGGANAP (social media).

PAMANTAYAN 1) Code(s)
SA PAGKATUTO

Specific 1)
Learning
Outcomes
Introduction

Pre-Activity

Analysis
1.
Discussion
ROMEO AT JULIETA
Ni William Shakespeare
Bersyon ni Jerome D. Ignacio
YUGTO II
PROLOGO
Koro: Nakaratay na ngayon ang dating pagnanasa,
At nag-aabang humalili ang bagong paghanga;
Kariktang noo’y handang ialay ang buong buhay,
Nang kay Julieta’y itapat ngayo’y walang saysay.
Ngayon si Romeo ay muling minahal at nagmahal,
Nagayuma wari ng maalindog na kagandahan,
Gayunpama’y sa kanyang kaaway dapat mamanhikan,
Si Julieta’y dumagit ng pain sa biwas ng kapahamakan.
Sapagkat magkaaway, hindi maaaring magtagpo,
Ang bagong ikinasasaya ng kanilang puso;
Ngunit pinalakas ng pag-ibig, panaho’y nagbukas,
Nang matuloy ang suyuang nalilingid sa pahamak.
Tagpo 1 – ISANG PASILYO SA HALAMANAN NI CAPULET
(darating si Romeo, mag-isa)
Romeo:

Ang DULA ay isang sangay ng panitikan na isinulat upang itanghal at hindi para
basahin lamang. Nahahati sa mga yugto at tagpuan ang kabuuang daloy ng dula.
Nagkakaroon ng buhay ang isang dula kung ito ay makikitang ginagampanan ng mga
karakter sa entablado at hindi nananatiling akdang nakasulat lamang. Sa paggamit ng kilos
at diyalogo ng mga artista sa kanilang entablado, naipababatid, at naipauunawa sa
manonood ang tiyak na mensahe.
Ayon kay Shakespeare, ang mundo ay isang teatro. Ang buhay ay maituturing na
isang malaking pagtatanghal. Itunuturing na isang sining ng panggagaya o mimicry sa
buhay ng tao ang dula. Ayon naman kay Aristotle, samakatuwid, ang pagkatha at
pagtatanghal sa dula ay may layuning sumalamin sa buhay at realidad ng lipunang
ginagalawan. Dagdag pa rito, ang pagbibigay aliw, impormassyon, magturo, at pumukaw
ng damdamin ng isang manonood.
Sa tuwing nagbabasa ng akdang dula, bumubuo tayo sa ating mga imahinasyon ng
mga posibleng nangyayari sa tauhan at tagpuan na nakapaloob sa iskrip ng dula.
Pinakikilos at pinakikinggan n gating imahinasyon ang mga kilos, tinig, tagpuan ng mga
karakter na nababasa.

Mga Kahingian sa Dula


Upang magtagumpay ang pagtatanghal ng isang dula, mahalagang isaalang-alang
ang mga kakailangainin upang makabuo ng isang palabas.
a) Teatro o Tanghalan – lugar kung saan pinaglalabasan o ipinakikita sa manonood ang
isang dula. Maaaring mula sa pinakasimpleng lugar tulad ng bakuran, lansangan, at
loob ng tahanan hanggang sa mga malalaki at magagandahang bulwagan ang lugar ng
pagtatanghal.
b) Tauhan – ito ang nagbibigay buhay sa isang pagtatanghal. Mga taong gumaganap sa
mga kontrabida at bida. Masasabing sila ang nagpapadaloy sa kabuuan ng
pagtatanghal.
c) Iskrip – gabay ng mga tauhan mula sa simula, gitna, at wakas ng pagtatanghal.
Nakasaad dito ang kabuuang daloy ng diyalogo ng mga karakter at pangyayarihan ng
bawat eksena.
d) Director – nagbibigay direksiyon, utos, at konsepto sa dapat gawin ng isang
tauhanayon sa kaniyang ginagampanang papel. Ang director din ang maituturing na ulo
ng buong produksiyon.
Mga Bahagi ng Dula
Tulad sa maikling kuwento at nobela ang mga bahagi ng isang dula.
a) Simula – matatapuan ang tauhan, tagpuan, at sulyap sa suliranin.
b) Gitna – matatagpuan ang saglit na kasiglahan, paglalatag ng tunggalian at
kasukdulan ng kuwento.
c) Wakas – matatagpuan ang kakalasan at kalutasan sa suliranin.
Mga Uri ng Dula
a) komedya
Application

Summary

Post-Activity

You might also like