You are on page 1of 1

Ay!

Ito'y ang Inang Bayang tinubuan,


Siya'y  ina'ttangi na kinalimutan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbibigay-init sa lunong katawan.

Sa kaniya'y utang ang unang pagtanggap


Ng simoy ng hanging nagbibigay-lunan 
Sa inis na puso na sisinghap-singhap
Sa balong malalim ng siphayo't hirap.

Sa unang taludtod ng unang saknong, ang tono ng tula ay mataas na masaya dahil
ipinagmamalaki niya dito ang ating bayan sinilangan na kung saan tayo ay minulat ng iba na
ang bayan ay ating dapat pahalagahan at ingatan. Sa ikalawang taludtod ng unang saknong
naman ang tono ay malumanay na malungkot dahil ipinahihiwatig dito na ang bayan na
iningatan ng iba ay siya naman binabalewala ng iba. Sa pangatlong taludtod ng unang
saknong ang tono ay mataas na masaya dahil inilarawan niya ang araw na isang bayan na kay
gandang tingnan kung ito ay maayos at kawili-wili sa paningin ng iba, dahil ang isang araw ay
napakagandang tingnan sa tuwing ito ay lulubog at umaangat. Sa pang apat na taludtod sa
unang saknong ang tono ay mataas na masaya dahil ipinahihiwatig dito na nakakapagbigay ng
lakas sa napapagod na katawan ang sinag ng isang araw, ipinahihiwatig din dito na hanggat
may araw o liwanag ay may pag asa pang darating.

Sa unang taludtod ng ikalawang saknong ang tono ay malumanay dahil sa unang


bigkas pa lamang ng salita ay dahan dahan at dahil din sa salitang tago at malalalim. Sa
ikalawang taludtod ng ikalawang saknong ang tono ay masaya dahil inilalarawan dito na kay
sarap lumanghap ng sariwang hangin na nakakapagpawala ng pagod o hirap ng isang tao. Sa
ikatlong taludtod ng ikalawang saknong ang tono ay malungkot dahil ipinahihiwatig dito na
parang nawawalan na ng buhay ng isang tao dahil ang sisinghap singhap ay pagkawala ng
hininga. Sa pang apat ng taludtod sa ikalawang saknong ang tono ay malungkot dahil parang
nadidismaya kung ano na nga ba ang mga nangyayari na parang lumubog na ang isang bayan
na kailanma’y hindi na muli lumutang.

You might also like