You are on page 1of 1

ACTIVITY 2: TESKTONG DESKRIPTIBO

PANUTO:

Suriin ang awitin na “Lando” ni Gloc9 gamitin bilang gabay ang mga katanungan sa
ibaba.

1. Ano ang gustong ipahiwatig ng awit?


- Ang gustong ipahiwatig ng awitin ay kung gaano ba hindi patas ang
mundo o lipunan sa dalawang nagmamahalan na magkaiba ang antas na ginagalawan.
Ipinapahiwatig dito na hindi lahat ay puro saya lamang ang mararamdaman, Sa bawat
saya ay may katumbas na lungkot.

2. Ano ang nilalaman at layunin ng teksto o awit?


- Ang nilalaman ng awit ay puno ng paghihinagpis at layunin nitong ipaalam sa
atin na kahit gaano pa kalaki ang pagmamahalan nyo mayroon at mayroon pa din na
hahadlang dito.

3. Ano ang istilo na ginamit ng tekstong para ipahiwatig ang nilalaman?


- Ginamitan ito ng istilong may malalalim na salita ngunit maiintindihan
din naman natin dahil sa mensaheng nakapaloob dito.

4. Ano ang iyong pagkakaunawa sa awitin?


- Ang pagkakaunawa ko sa awitin ay lahat ng saya ay napapalitan ng lungkot.
Sa mundong puno ng pagmamahalan mayroong taong hahadlang, Na ang mundo ay
patas ngunit ang mga naninirahan dito ay hindi. Madaling humusga ang mga tao kahit
na hindi naman talaga nila alam ang totoong nangyari, hinushusgahan agad nila ito
dahil sa ganoong kalagayan nila ito unang nakita ngunit ang hindi nila alam ay may
matinding hinanagpis at kalungkutan ang na pala itong nararamdaman.

You might also like