You are on page 1of 1

"Ang Ama" Salin ni Mauro R.

Avena
Magkahalo lagi ang takot at pananabik ng mga bata kapag hinihintay nila ang kanilang ama. Ang takot ay
alaalang isang suntokna nagpapamaga at nagpapatulo ng dugo sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na
paminsan-minsay iniuuwi ng kanilang ama- malaking supot ng pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang pansit
ay para lang talaga sa kanilang ama ngunit dahil marami ito, may pinaghahatian na lang din pati ng kanyang
mga anak.
Anim lahat ang mga bata. Ang 2 pinakamatanda ay lalaki (12 anyos) at babae ( 11 anyos). May kambal na
pawang mga lalaki (9 anyos), maliit na babae (8 anyos) at isang paslit pa (2 anyos).
Natatandaan niula ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng kanilang ama dahjil nagdala ito ng
pansit na pinagsaluhan nilang lahat. Ngunit hindi na naulit pa ang pangyayaring iyon dahil kapag umuuwi
ng lasing ang kanilang ama, pasigaw-sigaw, at padabug-dabog, ay siguradong walang pagkain at sila ay
magsisiksikan dahil sa takot. Madalas na masapok ang kanilang ina at ang mga mata at pisngi nito ay
mamamaga kung kaya naman nhindi ito nakakalabada sa malaking bahay
May mga pagkakataon naman na ilalayo ng mga bata si Mui Mui dahil bukod sa ito ay sakitin, ito rinay
palahalinghing na madalas kainisan ng kanilang ama. Mahaba at matinis iyon at tumatagal ng ilang oras,
habang siya ay nakaupop sa bangko sa isang sulok ng bahay o namamaluktot ng paghiga sa banig kasama
ang ibang mga bata, na di makatulog.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa trabahoat si Mui Mui
ay nasa gitna ang mahabang halinghing at di mapatahan ng kanyang mga kapatid. Nang walang anu-ano ay
tumama ang kamao ng ama sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kwarti kung saan ito
nanatiling walamng kagal;aw-galaw
Pagkaraan ng 2 araw ay namatay si Mui Mui at tanging ang ina lang nito ang umiyak habang ang bangkay
ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon at ang ama ay nagmumukmok na nakaupo sa buong araw.
Ang balitang tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay nakarating sa kanyang amo at dahilsa
kagandahang loob ay pinabalik siya sa trabaho at nagbigay ng tulong na salapi.
Ngayo'y naging napakalawak ng kanyang awa sa sarili bilang isang malupit nqa inulilang ama at
madalamhati siyang nagtatawag, "kaawa-awang Mui Mui, kaawa-awa kong anak."
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Naisip niya na magiging mabuti
siyang ama. Matibay ang pasya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata at nagtataka sila
kung saan siya pupunta. Nang nakita nilang papunta ito sa bayan ay nalungkot sila dahil akala nila na iinom
na naman ito ng alak.
Pagkatapos ng isang oras, ay bumalik ang kanilang ama dala ang isang malaking supot na may maliit na
supot sa loob. Nagatlo ang mga bata kung ano ba talaga ang laman ng supot. Di nagtagal ay lumabas ito,
nakabihis at lumabas ng bahay. Sinundan nila ito at nakita nila na pumunta ito sa libingan sa tabing-gulod.
Lumakad ito at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahangf inilapag sa puntod, habangpahikbing
nagsalita, "pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kudi ang mga ito. sana'y
tanggapin mo. Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak. Madilim na ang ang langit ng umalis ito. Sa isang
iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Pinagsaluhan nila ang dala ng
kanilang ama na tulad ng isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli."

You might also like