You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE
TUBAY DISTICT II
DOŇA TELESFORA ELEMENTARY SCHOOL

Budget of Works for the Most Essential Learning Competencies

SUBJECT : ESP
GRADE :4
TIME ALLOTMENT : 30 MINUTES FOR FOUR (5) DAYS

Most Essential Learning Competencies


OBJECTIVES
Ang mga bata ay inaasahang… WEEK DAY

2
1
3
4

4
2

2
3
3

2
4 3

1
2

3
5 4

2
6
3

3
7
4

1
8
2
8
3

2
9 3

4
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE
TUBAY DISTICT II
DOŇA TELESFORA ELEMENTARY SCHOOL

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP IV

Item Placement

No. of Days Sessions


Difficult
Easy (60%) Average (30%)

No. Of items
(10%)

Weight%
Taught

Understanding
Remembering
Objectives

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
Nakapagsasabi ng katotohanan 24.2 26,
10 22% 9 1,2 3,4,5
anuman ang maging bunga nito 7 29
Nasusuri ang katotohanan bago
gumawa ng anumang
6,7, 28,3
hakbangin batay sa mga 10 22% 9 13 33 40
14,15 0
nakalap na impormasyon sa
patalastas na nabasa/narinig
Nasusuri ang katotohanan
8,9,
batay sa mga nakalap na
10 22% 9 16 10,17 31 32 39
impormasyon: patalastas na ,18
nabasa o narinig
Nasusuri ang katotohanan
batay sa mga nakalap na
11,12
impormasyon: nababasa sa 5 12% 4 38
,19
internet at mga social
networking sites
Natutukoy nang may
mapanuring pag-iisip ng 20,21 34,
tamang 10 22% 9 ,22, 35, 37
pamamaraan/pamantayan sa 23,24 36
pagtuklas ng katotohanan
Total 45 100% 40 4 20 5 7 4 0
Total Number of Items 24 12 4

Prepared by: Verified by:

ANITA A. LORONO LEZIEL B. SANTOS, Ph.D.


Adviser School Head

KEY ANSWER
1. A 11. C 21. B 31. B
2. D 12. D 22. A 32. D
3. C 13. A 23. B 33. B
4. C 14. A 24. D 34. C
5. D 15. C 25. D 35. B
6. A 16. A 26. B 36. C
7. C 17. A 27. C 37. A
8. B 18. C 28. A 38. D
9. A 19. C 29. B 39. A
10. B 20. C 30. C 40. D
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE
TUBAY DISTICT II
DOŇA TELESFORA ELEMENTARY SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP IV

Pangalan:_______________________________________________
Baitang:_____________________________
Guro:___________________________________________________ Kuha:_______________________________
I. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Ang pagsasabi ng ________ ay nagpapakita ng iyong pagiging matapat.
A. katotohanan B. kasayahan C. kalungkotan D. kagiliwan
2. Kabaliktaran naman ng katotohanan ang _____
A. totoo B. naaayon C. tunay D. kasinungalingan
3. Napili ka ng iyong guro maging kalahok sa isang patimpalak sa pag-awit bukas ngunit hindi
ka handa dahil masama ang iyong pakiramdam, ano ang iyong gagawin?
A. Pipilitin ko ang aking kamag-aral na palitan ako.
B. Papayag ako kahit masama ang aking pakiramdam.
C. Lalakasan ko ang aking loob at sasabihin ang totoo sa guro.
D. Magdadahilan ako na masakit ang aking lalamunan at hirap kumanta.
4. Ang sumusunod ay kasingkahulugan ng katotohanan, MALIBAN sa ____
A. tama B. tumpak C. peke D. wasto
5. Nakita mo ang iyong kapatid na sinuntok ng kayang kaklase sa labas ng paaralan at narinig
mong sinabihan ito na kapag magsusumbong sa kanilang guro ay gagawin niya ito ulit. Ano ang
gagawin mo?
A. Hindi ko sila papansinin dahil away bata lang naman
B. Papaluin ko ng kahoy ang batang sumuntok sa kapatid ko
C. Sasabihin ko sa guro ang totoong nangyari para hindi na maulit
D. Pagsasabihan ko sila na masama ang kanilang ginawa
6. Nais mong malaman ang posibilidad ng pag-ulan. Sabi kasi ng kaibigan mo ay uulan dahil
walang bituin kagabi.
A. Makinig ng balita sa radyo
B. Manood ng programa sa telebisyon
C. Magbasa ng mga anunsiyo o patalastas
D. Magtanong sa kalaro o kaibigan
7. Saan karaniwang nagmumula ang impormasyong nakakalap sa ating paligid?
A. Mula sa usap-usapan ng mga kapitbahay
B. Sa mga pang-araw-araw na nangyayari sa ating paligid
C. Sa balita, patalastas na nabasa o narinig, at sa telebisyon
D. Mula sa sinasabi ng matalik na kaibigan
8. Dapat bang paniwalaan kaagad ang mga palatastas na nabasa o narinig?
A. Oo, dahil ito ay maganda.
B. Hindi, sapagkat dapat muna itong suriin.
C. Hindi, dahil lahat ng narinig o nabasa ay kasinungalingan.
D. Lahat ng nabanggit.
9. Sabi sa isang patalastas, kapag iinom ka ng kanilang produkto, puputi ka. Bibilhin mo ba
kaagad ang nasabing produkto kung gusto mong pumuti?
A. Hindi B. Oo C. Siguro D. Walang pakialam
10. Lahat ng patalastas ay totoo kaya tatangkilikin ko ang mga produktong tinutukoy nito.
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Wala sa nabanggit
11. Narinig mo sa iyong kaklase na ibinibida ang patalastas na nabasa niya sa internet tungkol
sa paraan upang maging artista. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong hakbang para
masigurado mo na totoo ang nabasang patalastas?
A. Tatanungin ko ang aming guro tungkol dito.
B. Makikipag-away ako sa kaniya dahil hindi ito totoo.
C. Bubuksan ko ang pahina ng aming aklat para tingnan at masuri ang patalastas.
D. Bibili ng maraming klase ng pahayagan at titingnan kung naroon nga ang patalastas.
12. Masasabing ang mga impormasyong nagmumula sa internet at social networking sites ay
_____
A. tama, sapagkat masusing sinuri ang mga ito
B. mali, sapagkat hindi kapani-paniwala
C. tama, sapagkat madali lang makakuha ng impormasyon dito
D. maaaring tama o mali, kailangan mong pagnilayan muna
13. Ang malalimang pag-unawa sa mga impormasyon sa pamamagitan ng pag-iisip kung tama
ang mga ito ay tinatawag na _____
A. pagninilay C. pagsang-ayon
B. paniniwala D. pagtatanong
14. Nagpabili agad si Roy sa kaniyang ama ng laruang nakita niya sa isang patalastas.
A. Mali B. Siguro C. Tama D. Wala sa nabanggit
15. Laganap ang fake news ngayon. Ipinaaalam ni Lina sa kaniyang magulang ang anumang
impormasyon na kaniyang nalalaman.
A. Mali B. Siguro C. Tama D. Wala sa nabanggit
II. Suriin ang patalastas at sagutin ang mga katanungan.
Gusto mo bang maging matalino? Huwag nang mag-alala, nandito na ang
“Magic Capsule” na tutulong saiyo. Kaya magpabili ka na sa nanay o tatay mo.
16. Tungkol saan ang patalastas? Ito ay tungkol sa ___________.
A. produkto B. pagbili C. magulang D. katalinuhan
17. Ano ang epekto ng patalastas na ito?
A. Nakapagpapatalino sa tao C. Nagiging mapanuri sa pagbili
B. Nakapagpapaganda sa magulang D. Natututo ng maraming kaalaman
18. Makatotohanan ba ang impormasyong hatid ng patalastas? Bakit?
A. Opo, dahil puwede ito sa mga bata.
B. Opo, dahil may magandang epekto ito.
C. Hindi po, dahil kailangan pa rin ang pag-aaral nang mabuti upang maging
matalino.
D. Hindi po, dahil para lamang ito sa mga matatanda.
19. Kailangang maging mapanuri sa mga binabasa o pinupuntahang sites dahil marami ring
sites ang naglalahad ng kalaswaan at karahasan.
A. Siguro B. Mali C. Tama D. Wala sa nabanggit
20. Ang mga bata ay wala pang kakayahang tumuklas ng katotohanan sa paligid.
A. Mali B. Siguro C. Tama D. Wala sa nabanggit
21. Kailangang suriin ang detalye ng mga impormasyon upang matukoy kung ito ay may
katotohanan.
A. Mali B. Tama C. Siguro D. Wala sa nabanggit
22. Ang pagbabasa ay nakatutulong sa pagtuklas ng katotohanan.
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Wala sa nabanggit
23. May natanggap na text message si Pina tungkol sa pagkapanalo niya sa isang online game.
Ano ang Mabuti niyang gawin?
A. Agad pumunta sa opisina na nakasaad sa mensahe
B. Suriin mo na kung saan galing ang text para malaman kong totoo ba ito
C. Isama si nanay sa pagkuha ng premyo
D. Huwag pansinin ang text message.
24. Ang mga sumusunod ay kilos na nagpapakita ng pagtutukoy ng katotohanan, MALIBAN sa _
A. pag-iisip kung tama ang impormasyong ibinigay
B. paghahanap ng iba pang ulat upang paghambingin
C. agarang pagsang-ayon sa unang marinig o mabasa
D. pagtatanong sa mga kinauukulan o eksperto
25. Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang pera ng inyong guro. Alin sa mga sumusunod ang
maaari mong gawin?
A. Hihingi ako ng pera sa kanya.
B. Pababayaan ko na lamang siya.
C. Pagsasabihan ko siya na ulitin niya pa ito.
D. Sasabihin ko sa kaniya na mali ang ginawa niya.
26. Alin kaya ang posibleng mangyayari kung ikaw ay nagsasabi ng katoohanan?
A. Hindi ka magiging masaya.
B. Magiging magaan ang loob mo.
C. Magiging marami ang iyong kaaway.
D. Aawayin ka ng iyong mga kaklase.
27. Ano ang maaari mong gagawin kung ang iyong katabi sa upuan ay mabaho ang hininga?
A. Pababayaan ko na lang kasi baka magalit siya.
B. Sasabihin ko ito sa aking mga kaibigan para pagtawanan siya.
C. Kakausapin ko siya ng mahinahon at sabihin ang totoo.
D. Hindi ko na lamang ito papansinin kasi hindi naman kami palaging magkatabi sa
upuan.
28. Bago ka magpasya o kumilos ayon sa katotohanan, mahalagang naipakita mo ang
pagiging__
A. mapagmahal sa katotohonan
B. matiyaga at mapagtiis
C. mahinahon
D. lahat ng nabanggit
29. Inagawan ka ng baon ng iyong kaklase sa loob ng silid-aralan. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ko siya
B. Sasabihin ko po sa aking guro na inagaw ng aking kaklase ang aking baon.
C. Hahayaan ko na lang siya
D. Wala sa nabanggit
30. May paboritong programang pang radyo si Mar na sinusubaybayan araw-araw. Hangang-
hanga siya sa pangunahing tauhan dahil magaling ito sa kaniyang pakikipaglaban sa kaaway.
Hindi siya natatalo, nais niya itong tularan. Bilang isang kaibigan, ano ang sasabihin mo kay
Mar?
A. Itatanong kung anong oras maririnig ang programa.
B. Magiging astig siya kapag tinularan ang pangunahing tauhan.
C. Hindi lahat ng drama sa radio ay totoo at maaaring mangyari sa totoong buhay.
D. Ihinto na ang pakikinig ng drama sa radyo.
31. Bumili ka ng sabong nakita mo sa patalastas at napatunayang hindi totoo ang sinsabi sa
patalastas, ano ang maaaring mangyari?
A. Itapon na lamang ito sa basurahan.
B. Hindi na lang gagamitin ang sabong nabili.
C. Isauli ang nabiling sabon sa tindahang nabilihan.
D. Ipost sa social media na hindi totoo ang sinasabi ng sabon sa palatastas.
32. Sa tuwing nakikinig ka ng paborito mong programang panradyo. Palagi mong naririnig ang
patalastas na ito: Gusto mo bang pumuti agad? Huwag nang mag-alala! Nandito na ang sabon
para saiyo “Bida Soap” ang sabong babagay sa iyong balat Pilipina Sa isang linggong gamitan
lamang, tiyak puputi ka na! Sang-ayon ka ba sa inilalahad ng patalastas? Bakit?
A. Opo, dahil kapani-paniwala ito.
B. Opo, dahil maganda ang epekto nito.
C. Hindi po, dahil ang balat ng tunay na Pilipina ay natural na morena.
D. Hindi po, dahil hindi kayang pumuti ang balat sa loob ng isang lingo
33. Ano ang una mong gagawin sa mga patalastas na iyong nabasa? Bakit?
A. Bibilhin ko agad ito upang hindi ako maunahan ng iba.
B. Pagninilay-nilayan ko ito nang mabuti upang malaman ko ang katotohanan.
C. Paniniwalaan ko ang sinasabi nito upang maging masaya ang gumawa nito.
D. Hihikayatin ko ang aking mga kaibigan upang bumili rin nito.
34. Nag-isip muna si Cardo kung anong makabubuting ikilos matapos malaman na sinisiraan
siya ni Carla. Sang-ayon ka bas a hakbang ni Cardo? Bakit?
A. Oo, dahil mas mainam na malaman ang katotohanan bago gumawa ng hakbang
B. Oo, dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Carla
C. Hindi, dahil mas mabuting kausapin agad c Carla tungkol sa kanyang sinabi
D. Hindi, dahil ayokong may kaibigan akong mabait
35. Ang nagpapakita ng may mapanuring pag-iisip sa pagtuklas ng katotohanan ay si _____
A. Monet, ikini-kuwento niya agad sa iba ang nabalitaan
B. Joy, marami siyang sinasangguni o tinatanong
C. Harry, agad siyang kumikilos ayon sa narinig
D. Jumar, wala siyang kahit anong pinaniniwalaan
36. Ang mabuting maidudulot ng pagninilay mo ng katotohanan ay ang ____
A. pagkakaroon ng mga dagdag na kaalaman
B. pagkakatuklas ng katotohanan
C. pagkakaroon ng tamang pasya at kilos
D. lahat ng nabanggit
37. Narinig mo ang balitang may mga masasamang loob na nakasakay sa van na nangunguha
ng mga bata upang ipagbili ang kanilang organs. Ano ang gagawin mo?
A. Kakausapin ang pulisya upang malaman ang katotohanan tungkol dito.
B. Mag ingat kapag nasa labas ng bahay o paaralan.
C. Huwag maniwala sa narinig
D. Wala sa nabanggit
38. Kapag nabasa mo ang unang parte ng patalastas mula sa internet at social networking sites,
maaari mo ng ibahagi ito sa iyong kaibigan o kaklase. Sang-ayon ka ba sa pahayag na ito?
A. Oo, dahil nalaman ko na ang unang parte.
B. Oo, maniniwala naman sila kaagad sa akin.
C. Hindi, sapagkat nabitin ako sa aking nabasa.
D. Hindi, dapat ko munang basahin ang buong parte ng patalastas bago ibahagi sa iba.
39. Narinig ni Aaron na may parating na bagyo at sinuspinde na ang mga klase sa kalapit na
lugar. Ano ang dapat gawin ni Aaron?
A. Makinig sa radio o manood sa telebisyon para sa mahalagang pahayag.
B. Tawagan ang mga kamag-aral at sabihing wala na rin silang pasok.
C. Muling matulog dahil wala na rin sigurong klaseng kanilang paaralan.
D. Magdasal na lalong lumakas ang ulan.
40. Sinabi sa patalastas na iyong narinig na masarap ang juice na binibenta sa isang grocery sa
inyong lugar. Dahil dito, nahikayat ka at nais mo ring bumili nito. Paano ka nakasisiguro na
masarap at ligtas ang produkto?
A. Itanong sa mga kaklase kung masarap ito.
B. Bumili kaagad upang matikman.
C. Kumbinsihin ang nanay na ito ang ipabaon sa iyo.
D. Ikonsulta sa magulang kung maaaring bumili nito.

Prepared by: Verified by:

ANITA A. LORONO LEZIEL B. SANTOS, Ph.D.


Adviser School Head
Prepared by: Verified by:

ANA TERISSA M. FONG LEZIEL B. SANTOS, Ph.D.


Teacher III Teacher In-Charge

You might also like