You are on page 1of 4

UNANG MODELO: SIMPLENG EKONOMIYA

IKALAWANG MODELO: PAMILIHAN


IKATLONG MODELO: PANANALAPI
IKAAPAT NA MODELO : PAMAHALAAN
IKALIMANG MODELO: PANLABAS NA SEKTOR

-Ito ay nagpapakita ng isang payak na ekonomiya na kung saan ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa.
- Ang gumagawa ng produkto ay siya ring kumukonsumo.

-Sa modelong ito, ang ekonomiya ay nahahati sa dalawang sektor: ang sambahayan at bahay kalakal. -Mayroong
itong dalawang pamilihan: ang pamilihan ng salik ng produksiyon (resource market) at pamilihan ng mga tapos na
produkto at serbisyo. (product market).

-Sa ikatlong modelo, ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal.
Kasama na rito ang gastusin sa pamumuhunan ng bahay-kalakal at ang kita ng sambahayan sa pag-iimpok.

-upang maging matatag ang ekonomiya kailangang may sapat na ipon ang sambahayan .kailangan din n may sapat na dami ang bahy-
kalakal na handang mamumuhunan.

-Sa ganitong modelo ng ekonomiya, mahalagang balanse ang pag-iimpok at ang pamumuhunan.

-Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
-Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ang pagbabayad ng buwis ay nagiging karagdagang gawain sa ekonomiya.
-Ang pagbabayad ng buwis ay takdang gawain ng sambahayan at bahay-kalakal sa isang pamilihan.
-Ang panlabas na sektor o kalakalang panlabas ay may kinalaman sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto at
serbisyo sa ibang bansa.
-Ang pag-aangkat (import) ay pagbili ng mga produkto at serbisyo mula sa ibang bansa, samantalang ang pagluluwas
(export) ay pagbebenta ng mga produkto at serbisyong gawa sa ating bansa.

You might also like