You are on page 1of 3

A. Tukuyin kugng sino ang superhero na inilalarawan sa bawat bilang. Isulat sa linya ang iyong sagot.

__________1. Nag-aalaga at nagtatrabaho para sa mga anak.

__________2. Nagbibigay-kaalaman sa mga bata.

__________3. Nag-aayos ng mga sirang kalye, tulay, at gusali.

__________4. Nagbabantay sa kalusugan ng mga tao.

__________5. Nagtatanggol sa mga tao laban sa krimen.

Hanapin ang salitang naglalarawan sa loob ng pangungusap at bilugan ito.

1. Maamo ang alaga kong aso.

2. Puti ang kanyang balahibo.

3. Maliit na tuta pa lang nang ibinigay siya sa akin ni Tiya Belle.

4. Smarty ang pangalan ng matalino kong alaga.

5. Kapag dumarating ako galling sa paaralan ay agad siyang sumasalubong at pinagagalaw ang kulot
niyang buntot.

Piliin sa loob ng kahon ang anyo ng pang-uring may salungguhit. Isulat ang titik lamang sa tapat ng
bawat bilang.

a. payak b. maylapi c. inuulit d. tambalan


__________1. Dapat maging matapang ang isang superhero.

__________2. Dapat din siyang mahing maka-Diyos.

__________3. Kusang-loob ang dapat na pagtulong sa kapwa.

__________4. Kasindami na ng bituin sa langit ang mga batang naturuan ng guro.

__________5. Masayang-masaya ang buhay dahil sa pagtulong ng mga superhero.

Kulayan ang mga puso na may mga salitang magkasingkahulugan.

1.

paligid siyudad tanawin

2.

banayad katamtaman simple


3.

Iba-iba Ilang-ilang sari-sari

4.

amoy haplos samyo

5.

bango halimuyak tamis

Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong tanawin ang madalas na nakikita sa lungsod?

a) Mataas na bundok
b) Malalim na dagat
c) Matataas na gusali
d) Malawak na hardin

2. Alin sa sumusunod ang tanawin na malapit sa kalikasan?

a) Matataas na gusali
b) Mabibilis na sasakyan sa daan
c) Mausok ang paligid
d) Malawak na hardin

3. Ano-ano raw ang matatagpuan sa hardin?

a) Maraming insekto
b) Makulay na bulaklak
c) Tanim na gulay
d) Matataas na puno

4. Ano ang mangyayari kapag malinis ang paligid?


a) Magiging sariwa ang hangin
b) Magiging makulay ang mga bulaklak
c) Dadami ang mga halaman
d) Tataas at lalago ang mga puno

5. Ano ang epekto sa tao kapag malinis ang paligid at sariwa ang hangin?

a) Nakakasawa
b) Nakawawala ng pagod
c) Nagkakasakit
d) Walang epekto

You might also like