You are on page 1of 18

PAG-IBIG NA KAYA

SCRIPT DR 5

Episode 1

1 INT. DRESSING ROOM - DAY 1

Nakatingin si PIA sa gwapong mukha ni JAMESON. May malambing


na tinginan ang dalawa.

JAMESON
May gusto sana ‘kong sabihin sa’yo.
Kinakabahan lang ako. Baka magalit
ka.

PIA
(mauutal)
Bakit naman ako magagalit? Just say
it.

JAMESON
Kasi… sa totoo lang… Matagal na
kitang gusto.

Mapatulala lang si PIA. Hindi alam ang isasagot.

JAMESON (CONT’D)
Pero wala kang kailangan sabihin.
Gusto ko lang malaman mo ano
nararamdaman ko para sa’yo.

Tulala pa rin si PIA. JAMESON is waiting for her to say


something back.

JAMESON (CONT’D)
Hey.

Mahihimasmasan si PIA. As if suddenly, she remembers


something.

PIA
A—ano… um… Wait. Ano na nga ba
‘yung susunod na line?

Mapapakamot ng ulo si JAMESON. Mapapatingin si PIA sa printed


script na nasa harap niya.

She is only helping JAMESON rehearse his dialogues.


2.

JAMESON
Basahin mo lang ‘yung script para
hindi ka nauutal.

PIA
Sorry, sorry.

JAMESON
It’s okay.

Babasahin na sana ni PIA ‘yung line sa script pero may


kakatok sa pintuan ng dressing room, ang Production
Assistant.

PRODUCTION ASSISTANT
Sir Jameson, change sequence po
tayo. Palit po tayo ng damit.

JAMESON
All right.

Magkakatinginan muna sina PIA at JAMESON. Then aalis sandali


si PIA para kumuha ng bagong damit.

Pagbalik ni PIA, maabutan niyang naghuhubad ng pantaas si


JAMESON. Mapapatitig ng bahagya si PIA.

Mahuhuli siya ni JAMESON. PIA immediately looks away kahit


nahuli na siya. PIA hands JAMESON the shirt habang nakatingin
sa kisame, she’s blushing.

PIA
Ahh, ito na yung for next scene.

Kaharap si PIA, masungit pa rin ang appearance ni JAMESON but


secretly, manngingiti ito.

CUT TO:

2 INT. CLASSROOM - DAY 2

FLASHBACK.

It’s after class, naiwan si YOUNG PIA at YOUNG JAMESON sa


loob, seatmates sila.

Tatayo si PIA at makikitang may bear sa ilalim ng upuan niya.

YOUNG PIA
Bear naman ngayon.

YOUNG JAMESON
Sino ba nagiiwan niyan, diyan?
3.

YOUNG PIA
Feeling ko si Gerald. Tagal na nun
nanliligaw sa’kin eh.

Matatahimik si YOUNG JAMESON.

YOUNG JAMESON
Sasagutin mo ba siya?

YOUNG PIA
Hindi.

YOUNG JAMESON
Bakit? Eh pogi yun tsaka sikat pa.

YOUNG PIA
Hindi ko naman siya gusto.

YOUNG JAMESON
Pano mo na sabi?

YOUNG PIA
(shrugs)
Hindi naman ako nauutal pag kausap
siya eh.
(beat)
Osiya, bye!

Tatayo si YOUNG PIA, itatago niya ang bear at aalis.


Mapapangiti si YOUNG JAMESON thinking na may pag-asa siya kay
YOUNG PIA.

CUT TO:

3 INT. COUCH AREA - DAY 3

Nakatayo si PIA sa isang corner of the room watching JAMESON


habang ini-interview ng isang Reporter.

Interview ito para sa upcoming romance series na shinu-shoot


ngayon ni JAMESON.

REPORTER
How’s working with your new love
team?

JAMESON
Mahusay na artista si Rachel. I’m
grateful to be working with her.

REPORTER
Magaling na, maganda pa! Kayo na
ba?
4.

Sandaling mapapaisip si JAMESON, kung sasagutin ang tanong.


And then…

JAMESON
Hindi po.

REPORTER
Pero are you dating anyone? You are
this generation’s leading man, for
sure maraming girls ang pumipila
sa’yo.

JAMESON
Sa ngayon, wala. Pero kung may
makilala ako...

Magsasalubong ang mga mata ni JAMESON at PIA.

JAMESON (CONT’D)
Bakit hindi?

JAMESON looks back at the REPORTER. Haharap ang REPORTER sa


camera.

REPORTER
Oh, sa mga girls diyan, ano pang
hinihintay niyo? Invite him on a
date!

Mawawala sa isip ni PIA that she’s on the set. She raises her
hand.

PIA
Ako po!

Magugulantang ang mga tao sa set, all eyes on PIA. Isip agad
si PIA ng excuse.

PIA (CONT’D)
Na-nako po...

Lapit si PIA kay JAMESON. Aayusin niya ang collar nito.


Magkakatinginan ang dalawa.

PIA (CONT’D)
Ayan okay na. Sorry po. Go, proceed
na po kayo.

Babalik si PIA sa pwesto niya, secretly wishing na sana


kainin na siya ng lupa.

JAMESON proceeds with the interview.


5.

JAMESON
Invite ko na lang po sila to
support my upcoming film.

Matatawa ang reporter. Mapapatingin si JAMESON kay PIA.

CUT TO:

4 INT. BENCH SA PARK - DAY 4

FLASHBACK.

Nakaupo sa bench, one-meter apart sina YOUNG PIA at YOUNG


JAMESON. Naka-school uniform ang dalawa.

Kumakain ng CHOCO MUCHO chocolate bar si YOUNG PIA.


Tinitignan ni YOUNG PIA ang exam score niya, bagsak ito.

YOUNG PIA
Babawi talaga 'ko sa next exam.
Aminado naman ako e. Hindi ako
matalino. Maganda lang.

YOUNG JAMESON
Huwag mong sabihin 'yan.

YOUNG PIA
(sad face)
Na maganda ako?

YOUNG JAMESON
Na hindi ka matalino. Pumasa ka
naman sa math last quarter diba?

YOUNG PIA
Eh tinuruan mo kasi ako nun... I-
tutor mo kaya ulit ako?

YOUNG JAMESON
May curfew na ko eh...

YOUNG PIA
Sige na, please! Bibigyan kita ng
maraming chocolate.

Mapapaisip si YOUNG JAMESON.

Titigan sina YOUNG JAMESON at YOUNG PIA. Negotiating ang


dalawa.

YOUNG JAMESON
Ten.
6.

YOUNG PIA
Three

YOUNG JAMESON
Seven.

YOUNG PIA
Five. Final offer.

YOUNG JAMESON
Okay, fine.

Kukuha ng limang CHOCO MUCHO CHOCOLATE si YOUNG PIA mula sa


bag niya. Excited na kukunin ito ni YOUNG JAMESON, si YOUNG
PIA naman may panghihinayang.

YOUNG PIA
Ayan inubos mo na snacks ko, i-
tutor mo ko ulit ha. Bawi na ko
sa’yo.

Masayang kakain ng Chocolates ang dalawa.

CUT TO:

5 INT. DRESSING ROOM. DAY 5

Tahimik si JAMESON sa loob ng dressing room. Darating si PIA


na excited ang aura.

PIA
(mutters to self)
Babawi ako sa’yo, Jameson.

May ilalabas na food container si PIA. Lalapit si Pia kay


Jameson.

PIA (CONT’D)
Hi, Jameson. Thank you nga pala
kasi kinuha mo kong stylist dito sa
big project mo kahit na ang tagal
na nung kasunduan natin.

JAMESON
Lagi naman akong tumutupad sa
pangako, alam mo yan.

Beat.

PIA
Kumain ka na?
7.

JAMESON (COLDLY)
Hindi pa.

PIA
May dala nga pala ‘kong pagkain.
Favorite mo.

JAMESON
Busog pa ‘ko.

Mag-iisip si PIA, she decides to make a joke to break the


ice.

PIA
May bago akong joke. Gusto mo
marinig?

JAMESON
Wala ako sa mood.

PIA delivers the joke anyway.

PIA
Anong hayop ang gusto maging
director?

JAMESON
Ano?

Full effort si PIA to deliver the punchline.

PIA
CAT!

Hindi tatawa si JAMESON.

PIA (CONT’D)
Hindi nag-land ‘yung joke?

Tatango lang si JAMESON.

Beat.

JAMESON
May gusto ka pa bang sabihin?

Bubuka na sana ang bibig ni Pia para sumagot pero biglang


tutunog ang phone ni Jameson. He picks it up.

After the phone call, haharap si Jameson kay Pia.

JAMESON (CONT’D)
I need to go.
8.

Tatayo si JAMESON. Saka lalabas ng dressing room.

Maiiwan si PIA na nakabuka pa rin ang bibig.

CUT TO:

6 INT. SET - DAY 6

Nakatingin si PIA kay JAMESON habang nagrerehearse ito on the


set. Lalapit ang PRODUCTION ASSISTANT kay PIA.

PRODUCTION ASSISTANT
Baka matunaw yan girl ah, wag
ngayon may mga shu-shoot pa kaming
eksena.

PIA
Tingin mo may chance ako kay
Jameson?

PRODUCTION ASSISTANT
Kung random person ka, wala. Pero
since magkakilala naman kayo nung
High School... Girl, wala pa din.

PIA
Grabe siya.

PRODUCTION ASSISTANT
Pina-pranka lang kita. Puro artista
tsaka model lang pinapatulan ni
Jameson no.

PIA
Malay mo naman... Close kaya kami
dati.

PRODUCTION ASSISTANT
Edi mag time travel ka girl tsaka
mo siya ligawan.
(beat)
Past is past. Malayo na kayo sa
kung ano kayo dati.

PIA
Feeling ko naman siya pa din yung
Jameson na nakilala ko noon.

PRODUCTION ASSISTANT
Balakajan, basta ang masasabi ko
lang, pag na-fall ka, hindi siya
ang sasalo sa’yo.
9.

Aalis ang PRODUCTION ASSISTANT. Mapapaisip si PIA sa sinabi


nito.

CUT TO:

7 INT. BUILDING CORRIDOR. DAY 7

Sa kasalukuyan, ‘yung hindi nagawa noon ni Pia na paghabol


kay Jameson, gagawin niya ngayon.

As Jameson’s stylist, bitbit ang mga damit ay hahabulin ni


Pia si Jameson sa corridor ng studio.

Kaso, di makasingit si Pia.

Pinagkakaguluhan si Jameson ng fans.

Maya-maya may isang fan ang makakabunggo kay Pia.

Dahan-dahang mabubuwal si Pia.

But before she hits the ground, may biglang sasalo sa kanya—
si Jameson.

END OF EPISODE 1

EPISODE 2

8 INT. DRESSING ROOM. DAY 8

Nakatingin si JAMESON sa magandang mukha ni PIA.

May malambing na tinginan ang dalawa.

PIA
Matagal ko na ring gustong sabihin
sa'yo. Sana mapatawad mo ko sa mga
nagawa ko sa’yo. I'm sorry.

JAMESON
Sorry? Paulit-ulit mo yan sinasabi.
May meaning pa ba sa’yo yang
salitang yan?

Isasandal siya ni Jameson sa pader.

Unti-unting maglalapit ang mukha nila.


10.

Matutuloy na sana ito in a kiss pero itutulak ni Pia si


Jameson palayo.

PIA
Teka, teka. Wala naman sa script
‘yung kiss ah?

JAMESON thinks of an excuse.

JAMESON
Iba atang version yung nabasa ko.

Lalayo si JAMESON. E-exit si PIA, kikiligin sa mga nangyari.

CUT TO:

9 INT. GIRL’S CR - DAY 9

Nagpa-practice si PIA sa salamin ng sasabihin kay JAMESON.

PIA
Gusto mo mag-dinner, Jameson?
(beat)
Hindi eh...

Magiisip si PIA.

PIA (CONT’D)
Mahilig ka mag-samgyup?
(beat)
Wag, baka lumobo yung tiyan ko.

Tititigan ni PIA ang sarili sa salamin. Hihingang-malalim.

PIA (CONT’D)
Sinong shunga kasi nagpa-practice
ng pag-ask out sa salamin.

May maririnig si PIA na boses mula sa stalls.

WOMAN’S VOICE
(offscreen)
Wala, ikaw lang!

Magugulat si PIA, mahihiya. Agad na lalabas ng CR.

CUT TO:

10 INT. ROOM, SCHOOL - DAY 10

FLASHBACK.
11.

Sa isang room na may mirrored wall, nagpa-practice ng


sasabihin kay YOUNG PIA si YOUNG JAMESON sa salamin.
Nakabihis kawal ito.

YOUNG JAMESON
Can I take you to prom... Pwede ba
kitang partner sa JS?

Biglang papasok si YOUNG PIA. May hawak itong head dress ng


IBONG ADARNA.

YOUNG PIA
Nagpa-practice ka?

YOUNG JAMESON
Ah, oo.

YOUNG PIA
Makukuha mo yang audition, bagay
nga yang costume na tinahi ko para
sa’yo oh.

YOUNG JAMESON
Salamat nga pala... Sana nga makuha
ko. Gusto ko talaga mag-artista eh.

YOUNG PIA
Talaga? Akala ko Accountant o
engineering gusto mo, galing mo sa
math eh.
(beat)
Ako, gusto ko maging stylist o
designer.

Isusuot ni YOUNG PIA, ang head dress.

YOUNG PIA (CONT’D)


Tignan mo ‘tong ginawa ko. Ganda
no?

YOUNG JAMESON
Parang ikaw.

YOUNG PIA
Huh?

YOUNG JAMESON
Ikaw... para kang ibon. I mean...

Matatawa si YOUNG PIA. Aayusin Niya ang costume na suot ni


JAMESON.
12.

YOUNG PIA
Basta pag naging sikat na artista
ka, kunin mo ulit akong stylist ha.

YOUNG JAMESON
Deal.

YOUNG PIA
Teka, dapat official para walang
bawian.

Kukunin ni YOUNG PIA ang isang CHOCO MUCHO chocolate bar at


PEN sa bag niya. Pipirmahan niya ito.

YOUNG PIA (CONT’D)


Oh, ikaw naman.

Pipirma si YOUNG JAMESON sa tabi ng pirma ni PIA.

YOUNG PIA (CONT’D)


Ayan, may kasunduan tayo ha.

YOUNG JAMESON
Tutupad ako, promise.

Magngingitian ang dalawa.

CUT TO:

11 INT. DRESSING ROOM - DAY 11

Dinadamitan ni PIA si JAMESON. Suot ni JAMESON ang isang blue


polo.

PIA
Bagay sa’yo.

Haharap si JAMESON sa salamin.

PIA (CONT’D)
Ako nagtahi niyan.

Titingin si JAMESON kay PIA.

JAMESON
Gusto ko yung red shirt ko. Pwede
mong kunin?

PIA
Saan?
13.

JAMESON
Sa car.

PIA
Yung naka-park sa kabilang
building?

Hindi sasagot si JAMESON, he just raises his car keys in


front of PIA.

Ngingiti lang si PIA at aalis.

A few moments later makikita natin si JAMESON suot ang red


shirt. Nandoon si PIA.

JAMESON
Hmmm. I don’t like it. Yung black
ba kinuha mo din?

PIA
Hindi eh.

JAMESON
Yun na lang.

Aalis ulit si PIA.

A few moments later babalik si PIA sa dressing room, hawak


niya na ang black shirt. Pawisan at hinihingal ito. Ang
PRODUCTION ASSISTANT ang madadatnan niya.

PIA
Nasa’n si Jameson?

PRODUCTION ASSISTANT
Nagte-take na.

PIA
Huh? Anong suot niya?

PRODUCTION ASSISTANT
Yung parang blue na polo.

PIA
Ah, okay...

Mapapaupo nalang si PIA sa pagod.

CUT TO:

12 INT. COUCH AREA - DAY 12

Lalapit si PIA kay JAMESON, oofferan niya ito ng tubig.


14.

PIA
Gusto mo?

JAMESON
No, thanks.

Pause.

PIA shows her bracelet to JAMESON.

PIA
Naalala mo nung binigay mo sa’kin
‘to?

Titignan ni JAMESON ang bracelet.

PIA (CONT’D)
Binigay mo ‘to right after kong
makakuha ng 90 sa math exam dahil
sa’yo.

JAMESON
I don’t remember. Ang tagal na nun.

Tatayo na si JAMESON.

PIA
Jameson, wait...

JAMESON
Ano yun?

PIA
Um… Gusto mo mag-dinner mamaya?

JAMESON
You mean, a date?

Tatango si PIA. Punumpuno siya ng pag-asa.

JAMESON (CONT’D)
No.

Tatayo si JAMESON at aalis. Maiiwan si PIA na napahiya.

CUT TO:

13 INT. BENCH, PARK - DAY 13

FLASHBACK.
15.

Suot ni YOUNG PIA ang friendship bracelet na binigay ni


JAMESON. Kasama niya ang dalawang friends na maarte at
popular.

FRIEND 1
Jameson gave that to you?

FRIEND 2
My gosh, ang weird niya talaga. Ano
tayo, elementary?

Magtatawanan ang dalawa. Hindi iimik si YOUNG PIA.

FRIEND 1
OMG what if ayain ka sa prom?

YOUNG PIA
Friends lang kami... Hindi naman
niya siguro ako aayain sa prom.

FRIEND 2
If he does, wag kang pumayag. Baka
maging laughing stock ka girl.

Hindi ulit sasagot si PIA.

Hindi nila makikita si YOUNG JAMESON na naririnig sila from


nearby.

Titignan ni YOUNG JAMESON ang suot niyang friendship


bracelet. He removes it at ibabato palayo.

CUT TO:

14 INT. DRESSING ROOM - DAY 14

Dress fitting. May pinapasuot si Pia kay Jameson na damit.


Medyo masikip, pero pipilitin pa rin ni PIA.

Suddenly, we hear a sound na parang may napunit. Sandaling


mapapahinto at magkakatinginan ang dalawa.

JAMESON
Ano ba ‘yan? Wala ka nang ginawang
tama! Anong klaseng stylist ka?

Mapapahiya si PIA.

PIA
Tatahiin ko lang, saglit.

JAMESON
Wag na, just find me another one.
16.

Mapupuno na si PIA.

PIA
Teka nga, bakit ba ang sungit-
sungit mo sa’kin? Parang wala naman
tayong pinagsamahan niyan.

JAMESON
Wala naman talaga.

PIA
Huh? Friends tayo nun Jameson tapos
ikaw ‘tong biglang lumayo.

JAMESON
Friends? You didn’t value our
friendship.
(beat)
Gusto mo lang may magtutor sa’yo
pero ang totoo kinakahiya mo ko sa
mga kaibigan mo.

Papasok ang PRODUCTION ASSISTANT.

PRODUCTION ASSISTANT
Sir Jameson, take na po.

Lalabas si JAMESON. Maiiwan si PIA na guilty.

CUT TO:

15 INT. DRESSING ROOM - DAY 15

Papasok si JAMESON sa dressing room. Wala si PIA, but may box


sa table addressed to him. Bubuksan niya ito at may lamang
bear, wilted roses, at kung anu-ano pang regalo.

Ito ang mga secret gifts na iniiwan niya noon sa upuan ni


PIA.

JAMESON reads the short letter inside.

PIA
(V.O.)
Alam kong ikaw nagiiwan ng mga ‘to
sa upuan ko noon. This is 12 years
too late but... I like you too.

Mapapangiti si JAMESON sa nabasa.


17.

CUT TO:

16 INT. DRESSING ROOM - DAY 16

Binibihisan ni PIA si JAMESON. Tititigan ni JAMESON si PIA.


Si PIA naman hindi makatingin kay, JAMESON.

JAMESON
I’m sorry.

Matitigilan si PIA.

JAMESON (CONT’D)
I’m sorry kung may mga nasabi ako
na hindi maganda. I’m sorry kung
hindi ako naging mabait bilang
boss.

PIA
It’s okay. Ako nga dapat ang mag-
sorry... Inuna ko yung iisipin ng
friends ko kesa sa’yo...

Katahimikan.

JAMESON
May gusto sana ‘kong sabihin sa’yo.
Kinakabahan lang ako. Baka magalit
ka.

PIA
Bakit naman ako magagalit?
Just say it.

JAMESON
Kasi… sa totoo lang…
Matagal na kitang gusto.

Marerealize ni PIA they’re saying lines from the script.

PIA
Na-shoot na yung eksena na yan ah,
Nagpa-praktis na naman ba tayo?

JAMESON
Hindi.

Tatayo si JAMESON at isasandal sa wall si PIA.

At gaya ng isa sa mga praktis nila noon, maglalapit ang mga


mukha nila.
18.

This time it will end into an actual kiss.

END OF SERIES

You might also like