You are on page 1of 7

ASUNTO:

Dulang May Isang Yugto

Disyembre 14, 2013. Unang Itinanghal sa Virgin Lab Fest 2 2008:

Ikatlong Gantimpala, Don Carlos Palanca

Memorial Awards for Literature DulangMay IsangYugto

Dibisyon sa Filipino 2009

Karlo Antonio David

Awtor\May akda
Karlo Antonio David

Lumaki sa mumunting dakbayan ng Kidapawan sa North Cotabato si Karlo Antonio Galay-David, ngunit

siya’y isinilang at kasalukyang naninirahan sa lungsod ng Davao, kung saan kumukuha siya ng AB English

sa Ateneo de Davao University. Ilang beses nang nailathala sa Dagmay, ang pahayagan ng Davao

Writers Guild, ang kanyang mga kwento, tula at sanaysay sa wikang Ingles at Filipino. Kalahok rin siya

para sa dula sa Panlabin-Isang Iyas Creative Writing Workshop na idinaos sa St. La Salle University,

banwa ng Bacolod. Kinagisnan niyang inang wika, at kasalukuyan nga niyang pinagyayaman sa

pagsusulat, ang katangi-tanging barayti ng wikang Filipinong ginagamit ng mga taga-Mindanao, ngunit

dahil mabuti siyang estudyante nagawa rin niyang malinang ang barayting pamantayan.
Dulang May Isang Yugto

Ni Karlo Antonio David

TAUHAN:

GEORGIE, straight pero effimanate.

SAMSON, openly gay pero straight-acting.

RONALD, brusko kung kumilos; garapal kung magsalita.

ROLAND, lampa; halatang sobra kung kabahan.

SARHENTO, bundat.

BUOD:

TAGPUAN: Sa simula, sa isang kalsada, tapos sa isang presinto

PANAHON: Hatinggabi hanggang madaling-araw, kasalukuyan.

Sa “Asunto”, napasubo sa isang gulo sina GEORGIE at SAMSOM. Dahil alam nilang tama sila at kakampi

nila ang batas, hindi sila nagpadaig. Pero sa huli, nawindang sila. Nakalimutan kasi nilang ang

“assumption” ay ang “mother of all fuck ups”. Halaw sa totoong karanasan, sinisilip ng “Asunto” ang

kakatwang pagpapatupad ng batas sa Pilipinas at kung ang paanong ang mga Pinoy ay nagtatangkang

gamitin ang batas para isulong ang sariling kapakanan.

Susunod na lalabas ang isang video footage. Sa point-of-view ng camera, mahihinuha natin na nasa isang

umaandar na sasakyan ang kumukuha noon at minamalas ang ganda ng gabi. May matatayog na gusali.

May mga ilaw sa bar. May mga taong nagmamadali sa pag-uwi. Tapos, mapapalitan ang video footage

ng mga larawan. Iba’t ibang kuha ng taxi habang bumabaybay sa kalsada. Unti-unting hihina ang musika.
Maririnig natin ang tawanan at ang tinig nila GEORGIE at SAMSON. GEORGIE O, pa’no, Guys, ingat na

lang kayo. D’yan na lang kami sa tabi. Bababa na lang kami bago mag-EDSA. Bye, ha. Maririnig natin

ang biglang paghinto ng taxi. SAMSON See you next week. (May bubukas na pintuan.) Text-text na lang

tayo. (Biglang may kakalabog. Malakas.) Oh, my God! Magliliwanag (o magbabago) ang ilaw. Nasa gitna

ng tanghalan sila GEORGIE at SAMSON. Kapwa naka-T-shirt, maong, at rubber shoes. May celphone

sila. May wedding ring naman si GEORGIE. GEORGIE (Tensyonado.) Ano ka ba, SAMSON? ‘Wag mo

na lang silang tingnan. Dedma na lang. Pumara na lang tayo ng taxi agad. Panay na ang text ng misis ko.

SAMSON (Ingunguso sa may kanan pero hindi titingnan.) I know that. Pero, GEORGIE, ayun sila, o.

Itinatabi na ‘yong motorsiklo. Pakiramdam ko, nakatingin sila sa ‘tin at parang pupunta rito. GEORGIE

(Sarcastically.) Me super powers ka ba, SAMSON? Parang ang lakas naman ng pakiramdam mo. (May

ituturo.) Ayun, may taxi. Parahin mo. Dali! Dali! SAMSON Taxi! Taxi! (Maririnig ang paghinto ng isang

sasakyan. Aastang lalapit sa taxi.) Mama, sa Cainta, ho. Ang daan ho natin sa --- (Maririnig ang pag-

andar ng sasakyan. Inis at gigil.) Ay, bastos! Umalis bigla. GEORGIE Sinabi mo kasing Cainta, e.

SAMSON Alam mo, GEORGIE, dapat magkaroon ng public announcement ang DOTC at ipaliwanag na

ang Cainta ay hindi probins’ya at sobrang accessible ‘to if people take Ortigas Avenue Extension.

GEORGIE (May tina-type sa celphone.) Don’t worry, SAMSON. Nakuha ko ang plate number. I-re-report

natin. Dapat sa mga gan’yan tinuturuan ng leksyon para magtanda. Nobody is above the law. Dapat

sinusunod ang batas. Period. SAMSON Well, sana nga. (Mapapalingon tapos magpa-panic. Ingunguso

ulit pero hindi titingnan.) Naku, ayan na sila. Naitabi na ang motor at mukhang papunta na rito. (Sa sarili.)

Dapat, mag-relax. Inhale, exhale. Inhale, exhale. (Dahil parang walang epekto ang ginagawa, biglang

babaling sa kalsada.) Bakit kasi biglang dumalang ang daan ng mga taxi. GEORGIE ‘Wag mo silang

pansinin, ha. Saglit pa, darating sila RONALD at ROLAND. Iika-ika si ROLAND na sumunusod kay

RONALD. Kapwa sila naka-puting T-shirt, itim na slacks, at itim na leather shoes. RONALD Mga pare,

sandali lang. Titingnan nila GEORGIE at SAMSON ang dalawa. RONALD Nakita n’yo ba ‘tong nangyari

sa kasama ko? (Iiwas nang tingin ang dalawa.) Tingnan n’yo naman. May mga gasgas s’ya at namamaga

pa ang tuhod. (Kay ROLAND.) Ipakita mo. (Itataas ni RONALD ang laylayan ng pantalon at ipapakita ang

tuhod. Titingnan si ROLAND.) Mukhang napuruhan s’ya. ROLAND (Delayed ang reaction. Makukuha lang
nang pandilatan siya ni RONALD.) A-arrray! SAMSON (Bothered.) Ay, naku. Pasens’ya na, ha. Kasi

gumilid naman ang taxi nang huminto. Hindi naman namin inaasahan na --- RONALD (Malakas.) At kami

pa pala ngayon ang may kasalanan? Kami na ‘tong nasaktan. GEORGIE Excuse me, ha, Mamang Ano.

I don’t think you understand what you are saying. Can you please tone down your voice? We are not deaf,

you know. RONALD Hoy, ‘wag ka ngang nag-i-inglis. ‘Yan ang hirap sa inyong mga bakla, e.

Magkakatinginan sila GEORGIE at SAMSON. Pigil na matatawa si SAMSON. SAMSON (Kay GEORGIE.

Pabulong.) Don’t blame me. Straight-acting ako, ‘no. GEORGIE (Kay RONALD.) Hoy, Mamang Ano.

(Mamamaywang.) I am not geeey! (Ipapakita ang wedding ring. Gigil na gigil.) Look at thiiiis. For your

information, I am happily married for seven years now. RONALD Kunwari ka pa. Tigilan mo ‘ko, ha. Si Jun

Encarnacion nga may asawa’t anak. SAMSON (Hindi mapipigilan ang matawa.) Unbelievable. He is well-

informed. Aambahan ni GEORGIE si SAMSON. RONALD O, ano na ang gagawin n’yo sa kaibigan ko?

SAMSON (Kay ROLAND.) Nasaktan ka ba? ROLAND (Delayed reaction ulit.) A, e, oo. A-arrray! RONALD

O, kita n’yo na. Sobrang sakit ng tuhod n’ya. ROLAND (Delayed reaction ulit.) Oo nga. Sobrang sakit ng

tuhod ko. A-arrray! “Asunto” Dulang May Isang Yugto/Filipino 6 of 39 GEORGIE (Pabulong. Kay

SAMSON.) Isn’t it obvious? He is just faking it. SAMSON (Hindi papansinin si GEORGIE.) Sige, para

walang hasel, pumunta na lang tayo sa drug store. Bibili ako ng gamot sa pamamaga. (Sesenyasan siya

ni GEORGIE, parang sinasabing mali ang sinabi niya. Kay GEORGIE. Pabulong.) I just want to get out of

this. Isa pa, magkano lang ba ang gamot sa maga. (Kila RONALD at ROLAND.) Halika na kayo. May

drugstore doon. Tumawid lang tayo. Titingnan ni RONALD si ROLAND. ROLAND (Delayed reaction ulit.)

A-arrray! RONALD Hindi na kayang lumakad ng kasama ko. SAMSON OK. Sige, kami na lang ang

pupunta sa drugstore. Hintayin n’yo kami rito. RONALD Teka, teka. Pang-ilang araw ang gamot na bibilhin

n’yo? SAMSON Mga tatlong araw. Hindi naman sobra ang pamamaga, e. RONALD E, pa’no ‘yan, baka

hindi s’ya makapasok bukas. GEORGIE (Condescendingly.) Ask him to call his boss. Ipaliwanag n’ya ang

nangyari. He can file a sick leave. Pag ‘di OK, magpunta s’ya sa Department of Labor and Emploment.

RONALD (Kay SAMSON.) Sabihin mo sa kasama mong bakla na tigilan n’ya ang pagtataray, ha. Baka --

- GEORGIE (Mamamaywang.) Excuse me, I told you, I – am – not - GEEEEEY! SAMSON Sige, pag-

usapan natin ‘to. Bibili ako ng gamot tapos magbibigay ako ng P200 para magamit n’ya. RONALD P200
lang? GEORGIE (Gigil.) I can’t believe this. You want to make money out of this accident. Halika na,

SAMSON. We better leave. Don’t offer them anything. RONALD Tatakbuhan n’yo kami. (Titingin kay

ROLAND.) ROLAND (Delayed reaction ulit.) A-arrray! GEORGIE Wala kaming balak takbuhan kayo. In

the first place, wala naman kaming kasalanan. Kami ang nasa tama. RONALD Biglang binuksan ng

kasama mo ang pintuan ng taxi nang hindi tumitingin kung may dumarating. GEORGIE Huminto ang taxi

sa tamang lugar. Malay ba naming bigla kayong dumating. At isa pa, hindi kami ang dapat n’yong sisihin.

Dapat ‘yong taxi driver ang hinahabol n’yo. RONALD Nasaan ang taxi driver? GEORGIE Umalis na.

RONALD Ayun, umalis na pala, ‘di ba? Dahil kayo na lang ang nandito, kayo ang dapat managot.

GEORGIE Pero s’ya ang huminto. Automatically, binuksan lang naman namin ang pinto. RONALD

Umiiwas lang kayo sa obligasyon. GEORGIE You have the nerve to say that? RONALD Bakit, lahat naman

ng tao may nerve, a? SAMSON (Matatawa.) That makes me neeeeerve-ous. GEORGIE (Kay SAMSON.

Mamamaywang.) It is not funny at all. SAMSON (Kay ROLAND.) Tapusin na natin ‘to kasi hatinggabi na.

Ibibili na lang kita ng gamot tapos bibigyan kita ng P300. Tatango si ROLAND. RONALD (Kay ROLAND.

Pabulong.) ‘Wag kang pumayag sa P300 lang. ROLAND (Delayed reaction ulit.) A-arrray! GEORGIE (Kay

ROLAND.) Ano bang trabaho mo? ROLAND D’yan lang ako pumapasok sa --- RONALD (Kay GEORGIE.)

Nang-iinsulto ka ba? Hindi porke nag-i-inglis ka, p’wede mo na kaming laitin. GEORGIE Really? Am I

insulting him? I am simply asking him a very simple question. RONALD E, bakit bigla mong tinagalog ang

sentence mo nang tanungin mo s’ya? Malinaw na iniisulto mo ang kasama ko. GEORGIE A, ganoon.

Siguro ikaw ang bakla kasi ikaw ang madada. RONALD (Galit na galit.) B’wkananginamopala, e!

GEORGIE Is that French? SAMSON Hindi. Parang tongue twister lang. RONALD (Mas galit.) Anak-ka-

ng-hindot-tang-ina-mo! GEORGIE Wow, that sounds really French. SAMSON I think he is really articulate.

P’wede s’ya sa call center. RONALD (Mas galit.) Pukinginamo-mabahotalaga! GEORGIE (Ngingisi.) Ay,

na-hurt na ang ego ng mama. SAMSON (Pabulong.) GEORGIE, that’s enough. This is not the proper time

to learn French. ROLAND (Kay RONALD.) Kunin na natin ang pera. P’wede na ‘yon. RONALD Hindi.

Gusto ng mga hinayupak na ‘to ng away, e. (Biglang kukunin ang wallet at may ipapakitang ID kay

GEORGIE.) Nakikita mo ba ‘to, ha? GEORGIE Ano ‘yan? SAMSON GEORGIE, pulis ‘ata s’ya.
KONKLUSYON:

Huwag muna tayong manghusga base sa nakikita ng ating mga mata mas mabuting alamin muna ang

lahat bago mo ikalat ang iyong nalalaman.

REAKSYON:

Masaya dahil sa huli nalaman ang totoo at walang silang nahusgahan,nalait o tinatapakang tao at

nalaman din nila kung ano ang kanilang mga pagkakamali.

You might also like