You are on page 1of 128

1

UNANG YUGTO
(Daan sa probinsiya. Isang puno.
Gabi.
Nakaupo sa ibabaw ng isang mababang punso, sinusubukan ni
ESTRAGON na hubarin ang kanyang sapatos na de bursigi.
Hinihila niya ito nang dalawang kamay, hingal na hingal. Susuko
siya, pagod na pagod, magpapahinga, muling magsisimula. Gaya
kanina.
Papasok si VLADIMIR.)
ESTRAGON (muling susuko). Walang magagawa.
VLADIMIR (lalapit, maliliit at naninigas ang mga hakbang,
magkahiwalay na magkahiwalay ang mga binti). Malapit na
`kong umabot sa ganyang palagay. Habang buhay kong
pinipilit iwaksi ang ideyang ganyan sabi ko sa sarili ko
Vladimir, maghunus-dili ka, hindi mo pa napupurbahan lahat
ng posibilidad.
At magpatuloy ako sa pagsusumikap.
(Maninimdim, pagdidili-dilihan niya ang tunggalian ng
buhay. Haharap kay ESTRAGON.) O, nandiyan ka na naman
pala.
ESTRAGON. Ganon ba?
VLADIMIR. Ikinalulugod kong makitang nagbalik ka.
nawala ka nang tuluyan.

Akala ko,

ESTRAGON. Akala ko rin.


VLADIMIR. Magkasama tayong muli sa wakas! (Kailangang
ipagdiwang ito. Pero pa`no? (Mag-iisip.) Tumindig ka para
mayakap kita.
ESTRAGON (inis). Huwag ngayon, huwag ngayon.

VLADIMIR (nagdaramdam, malamig). Puede bang itanong kung


saan nagpalipas ng gabi ang kanyang Kamahalan?
ESTRAGON. Sa isang kanal.
VLADIMIR (napapalatak). Kanal? Saan?
ESTRAGON (walang ituturo). Sa banda ron.
VLADIMIR. At hindi ka nila binugbog?
ESTRAGON. Hindi binugbog? Siyempre, binugbog nila `ko.
VLADIMIR. Sila rin yung dati?
ESTRAGON. Dati? Ewan.
VLADIMIR. Kung pag-iisipan ko sa buong panahong ito kung
hindi sa `kin ano nang nangyari sa `yo?
(Bubuuin ang kanyang isip.) Walang natira sa `yo maliban
sa isang tumpok ng buto walang duda.
ESTRAGON. E `no ngayon?
VLADIMIR (maninimdim). Sobra na `yon para sa isang tao.
(Sandaling katahimikan.
Masigla.)
Sa kabilang dako,
anong mangyayari kung ngayon pa mawawalan ng loob?
ganon ang sabi ko. Noon pa natin dapat naisipan `yon,
nung isang milyong taong nakaraan, nung mga mil otso
siyentos nobenta.
ESTRAGON. Naku, tigilan mo nga ang bunganga mo at tulungan
mo `kong hubarin ang demonyong ito.
VLADIMIR. Magkakapit tayo mula sa tuktok ng Toreng Diffol,
kahanay ng mga nauuna sa `tin. Presentable tayo nung
mga panahon `yon. Huli na ngayon. Ni ayaw nila tayong
lubayan. (Hihilahin ni ESTRAGON ang kanyang sapatos.)
Anong ginagawa mo?

ESTRAGON. Maghuhubad ng sapatos. Hindi mo pa ba nagagawa


`yon?
VLADIMIR.
Kailangang naghuhubad ng sapatos araw-araw
pagod na `ko sa kapapaalala sa `yo.
Bakit hindi ka
nakikinig sa `kin?
ESTRAGON (mahina). Tulungan mo `ko!
VLADIMIR. Masakit?
ESTRAGON. Masakit? Gusto niyang malaman kung masakit.
VLADIMIR (galit). Walang taong pinahihirapan kundi ikaw. Bale
wala ako sa `yo. Gusto kong marinig kung anong sasabihin
mo kung meron ka nung ano ko.
ESTRAGON. Kumikirot?
VLADIMIR. Kumikirot? Gusto niyang malaman kung kumikirot.
ESTRAGON (ituturo). Dapat mo pa ring ibinubutones `yan.
VLADIMIR (yuyuko). Totoo. (Ibubutones ang sarahan ng pantalon
niya.) Hindi dapat kinaliligtaan kailanman ang maliliit na
bagay at buhay na ito.
ESTRAGON.
Ano nga ang maaasahan mo palagi mong
ipinagpapaliban hanggang sa ultimong sandali.
VLADIMIR (mag-iisip). Ang ultimong sandali (Magdidili-dili.) Sa
ginhawang ipinagpaliban, sakit at pagkatapos ng k`wan
sinong nagsabi non?
ESTRAGON. Bat hindi mo `ko tulungan?
VLADIMIR. Nung minsan, nararamdaman ko pa ring andiyan na.
Nagiging kakatwa ang pakiramdam ko. (Huhubarin ang
kanyang sumbrero, at muling isusuot.) Pano ko nga ba
sasabihin?
Nagiginhawahan ako, pero kasabay non
(Hahanapin ang tumpak na salita) nagigimbal din.

(Ididiin.)
MA-GI-GIM-BAL.
(Muling maghuhubad ng
sumbrero at sisilip sa loob nito.) Nakakatawa. (Kakatukin
ang ibabaw ng sumbrero, parang may ibig matanggal sa
loob; muli itong isusuot.) Walang magagawa. (Sa tindi ng
pagbubuhos-lakas, magtatagumpay si ESTRAGON sa
paghuhubad ng sapatos. Sisilipin ang loob nito, kakapain
ito, babaligtarin ang sapatos, aalugin, titingnan sa lupa
kung may anumang nahulog, walang makikita, kakapaing
muli ang loob, samantalang nakatitig sa harap niya nang
walang nakikita.) Ano?
ESTRAGON. Wala.
VLADIMIR. Ipakita mo.
ESTRAGON. Wala akong ipapakita.
VLADIMIR. Purbahan mong isuot uli.
ESTRAGON (susuriin ang kanyang paa). Pahahanginan ko muna.
VLADIMIR. Hayan ang pinakadiwa ng tao sinisisi ang sapatos sa
kiperensiya ng sariling paa. (Muling huhubarin ang kanyang
sumbrero, sisilipin ang loob nito, kakapain, kakatukin ang
ibabaw ng sumbrero, hihipan ito, at muling isusuot ang
sumbrero.) Makakabahala ito. (Katahimikan: Malalim ang
iniisip ni VLADIMIR; hinihila ni ESTRAGON ang mga daliri ng
kanyang paa.) Naligtas ang isa sa dalawang magnanakaw.
(Sandaling
katahimikan.)
Risonableng
porsiyento.
(Sandaling katahimikan.) Gogo.
ESTRAGON. Ano `yon?
VLADIMIR. Ano kaya kung pagsisihan natin?
ESTRAGON. Pagsisihan ang alin?
VLADIMIR. Kwan (Mag-iisip.) Hindi na kailangang uriratin ang
mga detalye.
ESTRAGON. Ang pagkakasilang sa `tin sa mundo?

(Bubulalas ng tawa si VLADIMIR, na bigla niyang pipigilin,


nakadiin ang kamay sa puson, napapangiwi ang mukha.)
VLADIMIR. Ni hindi mo mapangahasang tumawa.
ESTRAGON. Ang lagim na pagkakait sa sarili.
VLADIMIR. Hanggang ngiti na lang. (Biglang ngingiti hanggang
sa magkabilang taynga, mananatiling nakangiti nang ilang
saglit, saka bigla itong papawiin.) Hindi pareho. Walang
magagawa. (Sandaling katahimikan.) Gogo.
ESTRAGON (inis na). Ano ba?
VLADIMIR. Nabasa mo na ba ang Bibliya?
ESTRAGON. Ang Bibliya (Mag-iisip.) Natingnan ko na siguro.
VLADIMIR. Natatandaan mo ang mga Ebanghelyo?
ESTRAGON. Natatandaan ko ang mga mapa ng Palestina. De
kolor pa. Ang ganda. Murang-mura ang pagkaasul ng Patay
na Dagat. Nauhaw ako sa itsura lang. Don kami dapat
nagpunta, sabi ko non, don kami dapat nagpulot-gata.
Lalangoy kami sa tubig. Magpapasarap.
VLADIMIR. Dapat kang nagging makata.
ESTRAGON. Makata nga ako noon. (Ituturo ang kasuutan niyang
malabasahan.) Hindi ba halata?
(Katahimikan.)
VLADIMIR. Ano nang sinasabi ko?... Kumustang paa mo?
ESTRAGON. Namamaga na.
VLADIMIR. A, oo, yung mga magnanakaw. Natatandaan mong
tungkol sa kanila?

ESTRAGON. Hindi.
VLADIMIR. Ikuwento ko ba?
ESTRAGON. Huwag na.
VLADIMIR. Pampalipas ng oras. (Sandaling katahimikan.) May
dalawang magnanakaw, nakasabit sa krus kasabay n gating
Mananakop. Kung isa
ESTRAGON. Kasabay n gating ano?
VLADIMIR. Ng ating Mananakop. Dalawang magnanakaw. Yung
isa, naligtas at yung isa (Hahanapin ang kabaligtaran ng
`naligtas.) napahamak.
ESTRAGON. Naligtas sa ano?
VLADIMIR. Sa impiyerno.
ESTRAGON. Aalis na `ko.
(Hindi siya titinag.)
VLADIMIR. Ganunpaman (Sandaling katahimikan.) panong
nangyari hindi ka naman sana nababagot sa iniistorya ko
panong nangyari na sa apat ng mga Ebanghelista, iisa ang
bumanggit sa naligtas na magnanakaw? Nandon silang
apat o malapit sa lugar na `yon pero iisa ang bumanggit
sa magnanakaw na naligtas. (Sandaling katahimikan.) Sige
naman, Gogo, makipaghuntahan ka naman puede ba,
kahit paminsan-minsan lang?
ESTRAGON (eksaherado ang sigla).
lahat na `yan.

Sadyang kaaliw-aliw ang

VLADIMIR. Iisa sa kanilang apat. Sa natitirang tatlo, walang


nabanggit na anumang magnanakaw ang dalawa, at sabi
nung ikatlo, parehong lumapastangan sa kanya yung
dalawa.

ESTRAGON. Sino?
VLADIMIR. Ano `ka mo?
ESTRAGON.
Ano
nilapastangan?

bang

ikinukuwento

mo?

Sino

ang

VLADIMIR. An gating Mananakop.


ESTRAGON. Bakit?
VLADIMIR. Dahil ayaw silang iligtas.
ESTRAGON. Sa impiyerno?
VLADIMIR. Tanga! Sa kamatayan.
ESTRAGON. Akala ko, sa impiyernong sabi mo.
VLADIMIR. Sa kamatayan, sa kamatayan.
ESTRAGON. O, e `no ngayon?
VLADIMIR. Samakatuwid, pareho silang napahamak.
ESTRAGON. Bakit hindi?
VLADIMIR. Pero sabi nung isa sa apat, naligtas ang isa sa dalawa.
ESTRAGON. Pues, hindi sila nagkatugma-tugma ganon lang.
VLADIMIR. Pero nandon silang apat. At isa lang ang bumanggit
sa magnanakaw na naligtas. Bakit siya ang pinaniniwalaan
imbes na yung iba?
ESTRAGON. Sinong naniniwala sa kanya?
VLADIMIR. Lahat. `Yon ang bersiyong alam ng lahat.
ESTRAGON. Puro ignorante kasing mga tao.

(Titindig nang hirap na hirap, iika patungong pinakadulo sa


kaliwa, hihinto, tatanaw sa malayo nang tinatabingan ng
kamay ang mga mata, pipihit, tutungo sa pinakadulo sa
kanan, tatanaw sa malayo.
Pagmamasdan siya ni
VLADIMIR, saka ito lalapit sa sapatos ni Estragon, pupulutin
ito, sisilipin, biglang bibitiwan.)
VLADIMIR. Pak!
(Duduro. Magtutungo si ESTRAGON sa gitna, hihinto nang
nakatalikod sa oditoryum.)
ESTRAGON. Kawili-wiling tanawin. (Pipihit, lalapit sa harapan,
hihinto nang nakaharap sa oditoryum.)
May pag-asa.
(Haharap kay VLADIMIR.) Tayo na.
VLADIMIR. Hindi puede.
ESTRAGON. Bat hindi?
VLADIMIR. Hinihintay natin si Godo.
ESTRAGON.
(mawawalan ng loob).
Ay, naku!
katahimikan.) Sigurado kang dito?

(Sandaling

VLADIMIR. Alin?
ESTRAGON. Ang usapan.
VLADIMIR. Sa me puno raw. (Titingin sila sa puno.) Me ibang
puno ka bang nakikita?
ESTRAGON. Ano `yan?
VLADIMIR. Ewan. Dito.
ESTRAGON. Bat walang dahon?
VLADIMIR. Patay na siguro.
ESTRAGON. Hindi na umiiyak.

VLADIMIR. O baka wala sa panahon.


ESTRAGON. Sa tingin ko, mas mukhang palumpong.
VLADIMIR. Puno.
ESTRAGON. Palumpong.
VLADIMIR. Anong `pinahihiwatig mo? Na mali ang pinuntahan
natin?
ESTRAGON. Bat wala siya?
VLADIMIR. Hindi niya sinabing darating siya nang sigurado.
ESTRAGON. At kung hindi siya dumating?
VLADIMIR. Babalik tayo bukas.
ESTRAGON. At sa makalawa.
VLADIMIR. Siguro.
ESTRAGON. Ganun na lang nang ganon.
VLADIMIR. Ang importante
ESTRAGON. Hanggang sa dumating nga.
VLADIMIR. Wala kang patawad.
ESTRAGON. Nagpunta tayo rito kahapon.
VLADIMIR. Oy, hindi, nagkakamali ka.
ESTRAGON. Anong ginawa natin kahapon?
VLADIMIR. Anong ginawa natin kahapon?
ESTRAGON. Oo.

10

VLADIMIR. Aba (Galit.) Walang kahit anong sigurado bastat


kasama ka.
ESTRAGON. Sa palagay ko, nandito tayo.
VLADIMIR (lilinga sa paligid). Natatandaan mo bang lugar na ito?
ESTRAGON. Hindi ko sinasabi `yon.
VLADIMIR. Pues!
ESTRAGON. Hindi kaso `yon.
VLADIMIR.
Ganunpaman ang punong `yan (Haharap sa
oditoryum.) Ang putikang `yan.
ESTRAGON. Sigurado kang ngayong gabi?
VLADIMIR. Ang ano?
ESTRAGON. Ang sabing maghintay tayo.
VLADIMIR. Sabado raw. (Sandaling katahimikan.) Yata.
ESTRAGON. Yata.
VLADIMIR. Pihadong isinulat ko kung saan.
(Maghahagilap sa mga bulsa niyang nagpuputok sa dami ng
lamang sari-saring basura.)
ESTRAGON (sadyang naninikis).
Pero aling Sabado?
Saka,
Sabado ba ngayon? Baka Linggo. (Sandaling katahimikan.)
O Lunes. (Sandaling katahimikan.) Biyernes.
VLADIMIR (masidhing lilinga sa paligid, wariy nakaukit ang petsa
sa tanawin). Imposible!
ESTRAGON. O Huwebes.

11

VLADIMIR. Anong gagawin natin?


ESTRAGON. Kung dumating siya kahapon at wala tayo rito,
masisiguro mong hindi `yon babalik ngayon.
VLADIMIR. Pero sabi mo, nandito tayo kahapon.
ESTRAGON. Puedeng magkamali ako. (Sandaling katahimikan.)
Huwag muna tayong mag-usap sandal, puede ba?
VLADIMIR (mahina). Sige. (Mauupo si ESTRAGON sa ibabaw ng
punso. Masisindak na magpaparoot parito si VLADIMIR,
hihinto paminsan-minsan upang magmasid sa malayo.
Makakatulog si ESTRAGON. Hihinto si VLADIMIR sa harap ni
ESTRAGON.) Gogo!... Gogo!... GOGO!
(Mapapabalikwas si ESTRAGON.)
ESTRAGON (mababalik sa lagim ng kanyang kalagayan).
Nakatulog na `ko! (Mawawalan ng pag-asa.) Hindi mo ba
`ko patutulugin minsan man?
VLADIMIR. Malulungkot ako.
ESTRAGON. Mananaginip ako.
VLADIMIR. Huwag mo nang ikuwento sa `kin!
ESTRAGON. Napaniginip kong VLADIMIR. HUWAG MONG IKUWENTO SA `KIN!
ESTRAGON (ituturo ang uniberse).
Tama na `yan sa `yo?
(katahimikan.) Ang sama ng ugali mo, Didi. Kanino ko
maikukuwento ang mga bangungot ko kung hindi ko
maikukuwento sa `yo?
VLADIMIR.
Sarilihin mo na lang.
mabata.

Alam mong hindi ko `yon

12

ESTRAGON (malamig). Mga oras na naiisip kong mas mainam


siguro kung maghiwalay tayo.
VLADIMIR. Wala kang mararating.
ESTRAGON. Ang saklap non, talagang ang saklap! (Sandaling
katahimikan.) Hindi ba, Didi, talagang ang saklap non?
(Sandaling katahimikan.) Kung iisipin ang ganda n gating
paglalakbay.
(Sandaling
katahimikan.)
At
ang
kagandahang-loob ng mga naglalakbay.
(Sandaling
katahimikan. Naglalambing.) Hindi ba napakasaklap, Didi?
VLADIMIR. Kalamayin mo ang loob mo.
ESTRAGON (marubdob). Kalamayin kalamayin Kung sabihin
ng mga Ingles, kalmayen. (Sandaling katahimikan.) Alam
mo ba yung kuwento tungkol sa isang mamang Ingles na
nagpunta sa kasa ng mga puta?
VLADIMIR. Oo.
ESTRAGON. Ikuwento mo sa `kin.
VLADIMIR. Sus, manahimik ka nga!
ESTRAGON. May mamang Ingles na nagpunta sa kasa ng mga
puta nang medyo sobra ang nainom. Itinanong nung bugaw
kung gusto niya ng blondina, morena, o rubya.
VLADIMIR. WIKA PA!
(Nagmamadaling lalabas si VLADIMIR. Titindig si ESTRAGON
at susunod kay VLADIMIR hanggang sa gilid ng entablado.
Aarte si ESTRAGON na wariy umuusog sa isang
boksingerong pinanonood.
Papasok si VLADIMIR.
Lalampasan niya si ESTRAGON, babagtas sa entablado nang
nakatungo. Lalapit si ESTRAGON sa kanya, hihinto.)
ESTRAGON (malambing).
Gusto mo `kong kausapin?
(Katahimikan. Lalapit pa nang lalo.) May sasabihin ka sa
`kin? (Katahimikan. Isa pang hakbang.) Didi

13

VLADIMIR (hindi pipihit). Wala akong gusting sabihin.


VLADIMIR (isa pang hakbang). Galit ka? (Katahimikan. Isa pang
hakbang.) Patawarin mo na `ko. (Katahimikan. Isa pang
hakbang. Ipapatong ni ESTRAGON ang kamay niya sa
balikat ni VLADIMIR.) Sige na, Didi. (Katahimikan.) Akin
nang kamay mo. (Pipihit si VLADIMIR nang bahagya.)
Yakapin mo `ko. (Maninigas si VLADIMIR.) Huwag matigas
ang ulo mo! (Lalambot si VLADIMIR. Magyayakap sila.
Uurong si ESTRAGON.) Amoy bawang ka!
VLADIMIR. Para sa sakit sa bato ko. (Katahimikan. Namasdan ni
ESTRAGON ang puno.) Anong gagawin natin ngayon?
ESTRAGON. Maghihintay.
VLADIMIR. Oo, pero habang naghihintay.
ESTRAGON. Bat hindi tayo magbigti?
VLADIMIR. Naku, baka tigasan lang tayo.
ESTRAGON (masisindak). Tigasan!
VLADIMIR.
Tuluy-tuloy na `yon.
Pagpatak sa lupa,
magsusulputan ang mga mandragola.
Kaya mapapatili
`yon pagbunot mo sa lupa. Alam mo ba `yon?
ESTRAGON. Magbigti tayo, bilis!
VLADIMIR. Sa isang sanga? (Lalapit sila sa puno.) Wala akong
kompiyansa riyan.
ESTRAGON. Puedeng purbahan.
VLADIMIR. Ikaw muna.
ESTRAGON. Ikaw.
VLADIMIR. Hindi, hindi ikaw.

14

ESTRAGON. Bat ako?


VLADIMIR. Mas gagaan ka sa `kin.
ESTRAGON. `Yon pala!
VLADIMIR. Hindi ko maintindihan.
ESTRAGON. Gamitin mong utak mo, puede ba? (Gagamitin ni
VLADIMIR ang utak niya.)
VLADIMIR (sa wakas). Hindi pa rin ako naliliwanagan.
ESTRAGON. Kasi (Mag-iisip.) Yung sanga yung sanga
(Galit.) Gamitin mong ulo mo, puede ba?
VLADIMIR. Ikaw na lang ang pag-asa ko.
ESTRAGON (mahihirapan). Gogo gaan sanga hindi bakli Gogo
patay. Didi bigat sanga bakli Didi iwan. Samantala
VLADIMIR. Hindi ko `yon naisipan.
ESTRAGON. Pag kaya ka, kaya kahit sino.
VLADIMIR. Pero mas mabigat ba `ko sa `yo?
ESTRAGON. Sabi mo. Ewan. Malamang. Siguro.
VLADIMIR. Pues Anong gagawin natin?
ESTRAGON.
tayo.

Huwag tayong gumawa ng kahit ano.

VLADIMIR. Hintayin na lang ang sasabihin.


ESTRAGON. Nino?
VLADIMIR. Ni Godo.

Mas ligtas

15

ESTRAGON. Mainam na ideya.


VLADIMIR. Hintaying makita kung ano talagang lagay natin.
ESTRAGON. Sa kabilang dako, baka mas mabuting isabak ang
plantsa bago lumamig parang bato.
VLADIMIR. Kating-kati akong malaman kung anong isalok niya
sa `tin. `Tapos, puede tayong pumayag o umayaw.
ESTRAGON. Ano ba mismong hinihingi natin sa kanya?
VLADIMIR. Wala ka ba ron?
ESTRAGON. Baka hindi ako nakikinig.
VLADIMIR. Bueno Walang masyadong malinaw.
ESTRAGON. Medyo nakiusap tayo.
VLADIMIR. Ganon nga.
ESTRAGON. Halos magmakaawa.
VLADIMIR. Tama.
ESTRAGON. At anong sagot sa `tin?
VLADIMIR. Titingnan daw niya.
ESTRAGON. Wala siyang maipapangako.
VLADIMIR. Kailangang pag-isipan niya.
ESTRAGON. Sa aliwalas ng kanyang tahanan.
VLADIMIR.

Kukunsulta siya sa kanyang pamilya.

ESTRAGON. Sa kanyang mga kaibigan.


VLADIMIR.

Sa kanyang mga tagapangasiwa.

16

ESTRAGON. Sa kanyang mga kalihim.


VLADIMIR.

Sa kanyang mga libro.

ESTRAGON. Sa kanyang tauhan sa bangko.


VLADIMIR.

Bago siya makapagdesisyon.

ESTRAGON. Ganon talaga.


VLADIMIR.

Hindi nga ba?

ESTRAGON. Sa tingin ko.


VLADIMIR.

Sa tingin ko rin.

(Katahimikan.)
ESTRAGON (mababalisa). Pano tayo?
VLADIMIR.

`Pagpaumanhin mo?

ESTRAGON. Sabi ko, pano tayo?


VLADIMIR.

Hindi kita maintindihan.

ESTRAGON. Saan ang pasok natin sa usapan?


VLADIMIR.

Pasok?

ESTRAGON. Isipin mo muna.


VLADIMIR.

Pasok? Gagapang tayo nang husto.

ESTRAGON. Ganon kagrabe?


VLADIMIR.

Ke reklamo ang kanyang kagalang-galang?

ESTRAGON. Wala tayong mga karapatan?

17

(Tawa ni VLADIMIR, pigil gaya kanina, ni walang ngiti sa


labi.)
VLADIMIR.

Tatawa `ko sa `yo, kung hindi lang bawal.

ESTRAGON. Wala nang mga karapatan natin?


VLADIMIR
(malinaw
na
malinaw).
Ipinamigay
natin.
(Katahimikan. Mananatili silang nakapako, nakalaylay ang
mga bisig, nakatungo ang mga ulo, natutunaw ang mga
tuhod.)
ESTRAGON (mahina).
Hindi
katahimikan.) Hindi tayo
VLADIMIR.

tayo

nakatali?

(Sandaling

Makinig ka!

(Makikinig sila, maninigas sa groteskong anyo.)


ESTRAGON. Wala akong naririnig.
VLADIMIR.
Ssst! (Makikinig sila. Mawawalan nang tatag si
ESTRAGON, halos matutumba. Kakapit siya sa bisig ni
VLADIMIR na halos mabuwal din.
Magkakapit sila at
makikinig.) Ako rin.
(Mga buntong-hininga sa pagluwag ng kanilang mga loob.
Magrerelaks sila at maghihiwalay.)
ESTRAGON. Tinakot mo `ko.
VLADIMIR.

Akala ko, siya na.

ESTRAGON. Sino?
VLADIMIR.

Si Godo.

ESTRAGON. Sus! Ihip lang ng hangin sa talahiban.


VLADIMIR.

Maisusumpa kong nakarinig ako ng sigaw.

18

ESTRAGON. At bakit siya sisigaw?


VLADIMIR.

Sa kabayo niya.

(Katahimikan.)
ESTRAGON (paasik). Gutom ako.
VLADIMIR.

Gusto mo ng kamote?

ESTRAGON. Wala nang iba?


VLADIMIR.

Baka me singkamas ako.

ESTRAGON. Iabot mong kamote. (Hahalughugin ni VLADIMIR


ang kanyang mga bulsa, ilalabas ang isang singkamas at
iaabot ito kay ESTRAGON na papangos dito.
Galit.)
Singkamas ito, a!
VLADIMIR.
Naku, paumanhin! Ang buong akala ko, kamote.
(Muling hahalughugin ang mga bulsa; walang mahahanap
maliban sa singkamas.)
Puro singkamas.
(Muling
hahalughugin ang mga bulsa.) Kinain mo na sigurong
ultimong piraso. (Muling hahalughugin ang mga bulsa.)
Sandali, heto. (Ilalabas ang isang kamote at iaabot ito kay
ESTRAGON.)
Hayan, mahal kong katoto.
(Ipapahid ni
ESTRAGON ang kamote sa kang manggas at sisimulan itong
kainin.) Akin na uli yung singkamas. (Isasauli ni ESTRAGON
ang singkamas na isasauli ni VLADIMIR sa kanyang bulsa.)
Patagalin mo na `yon, wala na pagkatapos.
ESTRAGON (ngumunguya). Tinanong kita.
VLADIMIR.

A.

ESTRAGON. Sinagot mo ba `ko?


VLADIMIR.

Kumustang kamote?

ESTRAGON. Kamote.

19

VLADIMIR.
Lalong mainam, laong mainam.
katahimikan.) Anong gusto mong malaman?

(Sandaling

ESTRAGON.
Nakalimutan ko na.
(Ngunguya.)
`Yon ang
ikinabubuwisit ko.
(Pagmamasdan ang kamote nang
tuwang-tuwa habang umuuguy-ugoy ito sa pagitan ng
kanyang hintuturo at hinlalaki.) Hindi ko makakalimutan
ang kamoteng ito.
(Susupsupin ang dulo nito nang
nagdidili-dili.) A, `nga pala, naalala ko na.
VLADIMIR.

O?

ESTRAGON (mamumuwalan, parang blangko ang isipan).


tayo nakatali?
VLADIMIR.

Hindi

Nakatali?

ESTRAGON. Na-ka-ta-li.
VLADIMIR.

Panong nakatali?

ESTRAGON. Nakakumpurmiso.
VLADIMIR.

Kanino? Sa ano?

ESTRAGON. Sa kausap mo.


VLADIMIR.
Ke Godo? Nakatali ke Godo? Anong klaseng edya
`yan? Imposible. (Sandaling katahimikan.) Sa ngayon.
ESTRAGON. Godo ang `alan niya?
VLADIMIR.

Yata.

ESTRAGON.
Kuruin mo (Itataas ang natitira sa kamote,
nakahawak sa maikling buntot, paiikutin ito sa harap ng
mga mata niya.) Nakakatawa! Habang kinakain mo, lalong
sumasama ang lasa.
VLADIMIR.

Baligtad sa `kin.

20

ESTRAGON. Sa maikling salita?


VLADIMIR.

Nakakasanayan ko ang lasa habang lumalaon.

ESTRAGON (pagkaraan ng matagal na pag-iisip).


kabaligtaran?
VLADIMIR.

`Yon bang

Depende sa temperamento ng tao.

ESTRAGON. Sa kanyang karakter.


VLADIMIR.

Walang magagawa ron.

ESTRAGON. Hindi mo mapaglalabanan.


VLADIMIR.

Kung ano ka, ganon ka no.

ESTRAGON. Huwag ka nang tumawad.


VLADIMIR.

Hindi mababago ang kalooban.

ESTRAGON. Wala kang magagawa. (Iaabot kay VLADIMIR ang


natitira sa kamote.) Gusto mong ubusin?
(Kahindik-hindik na sigaw, malapit lamang. Mabibitiwan ni
ESTRAGON ang kamote. Mananatili silang nakapako, saka
sabay na kakaripas nang takbo patungo sa labas ng
entablado. Hihinto si ESTRAGON sa gitna, babalik, pupulutin
ang kamote, ibubulsa ito, tatakbo patungo kay VLADIMIR na
naghihintay sa kanya, muling hihinto, pupulutin ang mga
sapatos niya, tatakbo kay VLADIMIR.
Magkadikit,
namamaluktot, naduruwag sa panganib, maghihintay sila.
Papasok sina POZZO at LUCKY. Minamaneho ni POZZO
si LUCKY sa tulong ng isang lubid na nakatali sa leeg nito,
kayat nauunang lumitaw si LUCKY, kasunod ang lubid na
sapat ang haba upang makarating siya sa gitna ng
entablado nang hindi pa lumilitaw si POZZO. Dala ni LUCKY
ang isang bag na mabigat, isang bangkitong de tiklop, isang
basket-pampiknik, at isang malaking oberkowt.
May
latigong hawak si POZZO.

21

POZZO (sa labas). Arya! (Lagitik ng latigo. Lilitaw si POZZO.


Tatawid sila sa entablado.
Madaraanan ni LUCKY sina
VLADIMIR at ESTRAGON tungo palabas. Biglang hihinto si
POZZO sa sandaling makita sina VLADIMIR at ESTRAGON.
Iigting ang lubid. Hihilahin ito ni POZZO nang mabalasik.)
Atras!
(Ingay ng paglagapak ni LUCKY at ng kanyang mga abastos.
Lilingunin siya nina VLADIMIR at ESTRAGON), na natatakot
sumaklolo bagaman ibig nila. Lalapit sana si VLADIMIR;
hihilahin ni ESTRAGON ang manggas niya.)
VLADIMIR.

Pakawalan mo nga `ko.

ESTRAGON. Dito ka lang!


POZZO. Mag-ingat kayo! Salbahe `yan. (Lilingon sina VLADIMIR
at ESTRAGON kay POZZO.) Sa mga estranghero.
ESTRAGON (bulong). Siya na ba?
VLADIMIR.

Sino?

ESTRAGON (pilit iisipin ang pangalan). Si


VLADIMIR.

Si Godo?

ESTRAGON. Oo.
POZZO. Ipakikilala ko ang aking sarili. Ako si Pozzo.
VLADIMIR (kay ESTRAGON). Imposible!
ESTRAGON. Siya raw si Godo!
VLADIMIR.

Imposible!

ESTRAGON (nakikimi, kay POZZO). Hindi ka si Godo, ginoo?

22

POZZO (nakagigimbal na tinig). Ako si Pozzo! (Katahimikan.)


Pozzo! (Katahimikan.) Wala bang kahulugan sa inyo ang
pangalang `yon? (Katahimikan.) Itinatanong ko wala
bang kahulugan sa inyo ang pangalang `yon?
(Magtitinginan sina
nagugulumihanan.)

VLADIMIR

at

ESTRAGON

nang

ESTRAGON (magkukunwaring nag-aapuhap ang isipan). Bozzo


Bozzo
VLADIMIR (ganoon din). Pozzo Pozzo
POZZO. PPPOZZZO!
ESTRAGON. A! Pozzo Tingnan ko Pozzo
VLADIMIR.

Pozzo ba o Bozzo?

ESTRAGON. Pozzo Hindi Mangangamba akong Hindi


Hindi ko yata
(Lalapit si POZZO nang wariy nagbabanta.)
VLADIMIR (mamamagitan). May nakilala akong pamilya nung
araw na nangangalang Gozzo. May gonorea yung ina.
ESTRAGON (agad). Hindi kami tagarito, ginoo.
POZZO (hihinto). Mga tao pa rin kayo. (Magsusuot ng salamin sa
mata.) Sa tingin ko. (Tatanggalin ang salamin.) Magkauri
tayo. (Bubulalas ng tawa nang pagkalakas-lakas.) Kauri ni
Pozzo! Nilikhang larawan ng Diyos!
VLADIMIR.

Kundangan kasi

POZZO (hindi mapapasubalian). Sino si Godo?


ESTRAGON. Si Godo?
POZZO. Pinagkamalan niyo akong si Godo.

23

ESTRAGON. Naku, hindi, ginoo, talagang hindi.


POZZO. Sino siya?
VLADIMIR.

Naku, isa siyang isa siyang kakilala.

ESTRAGON. Hindi totoo `yon. Halos hindi namin kilala.


VLADIMIR.

Tama Hindi namin masyadong kilala

Ganunpaman
ESTRAGON.
Sa katunayan, ni hindi ko siya mamumukhaan
kapag nakita ko.
POZZO. Inakala niyong siya ako.
ESTRAGON (manliliit sa harap ni POZZO). Ang ibig kong sabihin
naiintindihan mo naman
kumakagat na ang dilim
pagod na pagod na kami sa kahihintay Aaminin kong
inakala ko nga pero sandaling-sandali lang
POZZO. Mahihintay? De hinihintay niyo pala siya!
VLADIMIR.

Alam mo kasi

POZZO. Dito? Sa aking lupain?


VLADIMIR. Wala kaming masamang tangka.
ESTRAGON. Mabuti ang layunin namin.
POZZO. Puede ngang dumaan kahit sino.
VLADIMIR.

`Yon ang akal namin.

POZZO. Malaking kahihiyan pero ganon nga.


ESTRAGON. Wala tayong magagawa.

24

POZZO (mumuwestra nang napakamapagbigay-loob). Wala nang


dapat pag-usapan. (Hahaltakin ang lubid.) Tindig, animal!
(Sandaling katahimikan.)
Bumagsak lang `yan, tulog
kagad. (Hahaltakin ang lubid.) Tindig, hayop ka! (Ingay ng
pagtindig ni LUCKY at pagpupulot ng mga abastos.
Hahaltakin ni POZZO ang lubid.) Atras! (Papasok si LUCKY
nang patalikod.) Para! (Hihinto si LUCKY.) Buwelta! (Pipihit
si LUCKY. Kina VLADIMIR at ESTRAGON, malambing.) Mga
ginoo, ikinalulugod ko kayong makilala. (Dahil hindi sila
makapaniwala.)
Oo, oo, taos-puso kong ikinalulugod!
(Hahaltakin ang lubid.) Lapit! (Lalapit si LUCKY.) Para!
(Hihinto si LUCKY.) Oo, parang kay haba ng biyako kapag
naglalakbay nang mag-isa sa loob ng (Kukunsultahin ang
kanyang relos.) Oo (Kakalkulahin ang oras.) oo
anim na oras, tama, anim na oras na walang humpay at
walang nasasalubong na sinuman. (Kay LUCKY.) Oberkowt!
(Ibababa ni LUCKY ang bag, lalapit, iaabot ang oberkowt,
babalik sa dating puwesto, bibitbitin ang bag.) Tanganan
mo! (Iaabot ni POZZO ang latigo. Lalapit si LUCKY at, dahil
may bitbit na sa dalawang kamay, iipitin sa bibig ang latigo,
saka babalik sa dating puwesto. Magsisimulang magsuot ng
oberkowt si POZZO, titigil.) Oberkowt! (Ilalapag ni LUCKY
ang bag, basket at bangkito, lalapit, tutulungan si POZZO sa
pagsusuot ng oberkowt, babalik sa dating puwesto, at
bibitbitin ang bag, basket at bangkito.) May haplos na ng
taglagas ang simoy ng hangin ngayong gabi. (Matatapos si
POZZO sa pagbubutones ng kanyang oberkowt, yuyukod,
susuriin ang sarili, tutuwid.) Latigo! (Lalapit si LUCKY,
yuyukod, hahablutin ni POZZO ang latigong nasa bibig ni
LUCKY, babalik si LUCKY sa dating puwesto.) Oo, mga
ginoo, hindi ako nakatatagal nang hindi nakikisalamuha sa
aking mga katulad (Isusuot ang salamin at sisipatin ang
dalawa.) mangyari nang hindi masyadong ganap ang
pagkakatulad namin. (Tatanggalin ang salamin.) Bangkito!
(Ilalapag ni LUCKY ang bag at basket, lalapit, bubuksan ang
bangkito, itatayo ito sa lupa, babalik sa dating puwesto,
bibitbitin ang bag at basket.) Mas malapit pa! (Ilalapag ni
LUCKY ang bag at basket, lalapit, iuurong ang bangkito,
babalik sa dating puwesto, bibitbitin ang bag at basket.
Mauupo si POZZO, itututok ang dulo ng hawakan ng latigo
sa dibdib ni LUCKY, at itutulak ito.) Atras! Hahakbang si

25

LUCKY ng patalikod.)
Para!
(Hihinto si LUCKY.
Kina
VLADIMIR at ESTRAGON.) Kaya nga, kung mamarapatin
niyo, nais kong magpalipas ng ilang sandali sa inyong piling
bago ako magpatuloy. Basket! (Lalapit si LUCKY, iaabot ang
basket, babalik sa dating puwesto.) Ginigising ng sariwang
hangin kahit sikmurang pudpod na. (Bubuksan ang basket,
ilalabas ang isang pirasong manok at isang bote ng alak.)
Basket! (Lalapit si LUCKY, aabot ang basket, babalik sa
dating puwesto.) Layo pa! (Hahakbang si LUCKY nang
patalikod.) Ang bantot niya. Sa inyong kalusugan!
(Iinom mula sa bote, ibababa ito at magsisimulang kumain.
Katahimikan. Buong-ingat sa simula, ngunit unti-unting
mangangahas, iikot sina VLADIMIR at ESTRAGON sa paligid
ni LUCKY, sinusuri ito mula ulo hanggang paa. Kakanin ni
POZZO ang kanyang manok nang animoy gutom na gutom,
itatapon ang mga buto pagkatapos itong supsupin. Dahandahang lulupaypay si LUCKY hanggang sumayad ang bag at
basket sa lupa, saka tutuwid nang pabigla at muling
magsisimulang lumupaypay. Ritmo ng isang natutulog nang
nakatindig.)
ESTRAGON. Anong sakit niya?
VLADIMIR.

Mukhang pagod.

ESTRAGON. Bat hindi niya ibaba ang mga bitbit niya?


VLADIMIR.

Anong malay ko? (Lalapit sila.) Mag-ingat ka!

ESTRAGON. Kausapin mo.


VLADIMIR.

`Ta mo, o!

ESTRAGON. Alin?
VLADIMIR (ituturo). Ang leeg!
ESTRAGON (titingnan ang leeg). Wala akong makikita.
VLADIMIR.

`Ayun.

26

(Lilipat si ESTRAGON sa tabi ni VLADIMIR.)


ESTRAGON. Susmarya!
VLADIMIR.

Magnanaknak ang sugat.

ESTRAGON. Yung lubid kasi.


ESTRAGON. Kaya ganyan.
VLADIMIR.

Yung buhol kasi.

ESTRAGON. Kumakaskas.
(Magpapatuloy sa pag-iinspeksiyon, na nauukol sa mukha.)
VLADIMIR (nananaghili). Hindi na masama ang itsura.
ESTRAGON (magkikibit ng balikat, nakangiwi). Sa tingin mo?
VLADIMIR.

Medyo binabae.

ESTRAGON. `Ta mot tulo-laway.


VLADIMIR.

Ano pa nga?

ESTRAGON. Tuyu-yaway.
VLADIMIR.

Baka kulang-kulang.

ESTRAGON. Sintu-sinto.
VLADIMIR (pakakahusayan ang pagtingin). Mukhang me bosyo.
ESTRAGON (ganoon din). Hindi `yon sigurado.
VLADIMIR.

Hinihingal.

ESTRAGON. Pano pa nga?

27

VLADIMIR.

Sakang mga mata!

ESTRAGON. Me anong mga mata?


VLADIMIR.

Parang lumuluwa.

ESTRAGON. Parang naghihingalo na.


VLADIMIR.
Hindi `yon sigurado.
Purbahan mong tanungin.

(Sandaling katahimikan.)

ESTRAGON. Mabuti bang gawin `yon?


VLADIMIR.

Anong mawawala sa `tin?

ESTRAGON (nag-aalanganin). Ginoo


VLADIMIR.

Lakasan mo pa.

ESTRAGON (mas malakas). Ginoo


POZZO. Huwag niyong istorbuhin! (Lilingon sila kay POZZO na
nagpapahid ng bibig sa likod ng kamay pagkatapos
kumain.)
Hindi niyo ba nakikitang gusto niyang
magpahinga?
Basket!
(Nagkikiskis ng posporo at
nagsisimulang magsindi ng kuwako. Makikita ni ESTRAGON
ang mga buto ng manok sa lupa at pagmamasdan ito nang
takam na takam. Dahil hindi tumitinag si LUCKY, itatapon ni
POZZO ang posporo nang galit at hahaltakin ang lubid.)
Basket!
(Magugulat si LUCKY, halos matutumba,
matatauhan, lalapit, ipapasok ang bote sa basket, babalik
sa dating puwesto. Pagmamasdan ni ESTRAGON ang mga
buto ng manok. Magkikiskis si POZZO ng isa pang posporo
at magsisindi ng kuwako.) Ano ang maaasahan niyo hindi
`yan ang trabaho niya. (Hihithit sa kuwako, mag-uunat ng
mga binti.) Ay, ang sarap!
ESTRAGON (nag-aatubili). Ipagpaumanhin mo, ginoo
POZZO. Ano `yon, katoto?

28

ESTRAGON. Este tapos ka na sa este


kailangan ang este mga buto, ginoo?

hindi mo na

VLADIMIR (maiiskandalo). Hindi ka na nakapaghintay?


POZZO. Hindi, hindi, mabuti ngang nagtanong siya. Kailangan ko
ba ang mga buto? (Pipihitin ang mga buto sa tulong ng
hawakan ng latigo.) Kung ako ang tatanungin, hindi ko na
kailangan. (Hahakbang si ESTRAGON palapit sa mga buto.)
Pero
(Hihinto si ESTRAGON.)
pero alinsunod sa
prinsipyo, sa kargador ang punta ng mga tira. Kaya siya
ang dapat tanungin. (Lilingon si ESTRAGON kay LUCKY,
mag-aatubili.) Sige, sige, huwag kang matakot, tanungin
mo, sasagutin ka niya.
(Lalapit si ESTRAGON kay LUCKY, hihinto sa harap nito.)
ESTRAGON. Ginoo ipagpaumanhin mo, ginoo
POZZO. Kinakausap ka, animal!
Subukan mo uli.
ESTRAGON.
buto?

Sagot!

Ipagpaumanhin mo, ginoo

(Kay ESTRAGON.)

Ayaw mo na sa mga

(Titingin si LUCKY kay ESTRAGON nang matagal.)


POZZO (halos magdeliryo sa tuwa). Ginoo! (Tutungo si LUCKY.)
Sagot! Gusto mo o ayaw mo na? (Tahimik si LUCKY. Kay
ESTRAGON.) Sa `yo na. (Darakmain ni ESTRAGON ang mga
buto at sisimulang ngatain.) Masama ito ngayon ko pa
lang nakitang tumanggi sa buto. (Mababalisang susulyapan
si LUCKY.) Malaking perwisyo kapag bigla pang nagkasakit
ang animal na `yan!
(Hihithit sa kuwako.)
VLADIMIR (magpuputok). Nakakahiya ito!

29

(Katahimikan. Mabibigla at mapapatigil si ESTRAGON sa


pagngata, titingin kay POZZO, pagkatapos, kay VLADIMIR.
Anyong mapayapa si POZZO. Hiyang-hiya si VLADIMIR.)
POZZO (kay VLADIMIR).
partikular?

May tinutukoy ka bang kahit anong

VLADIMIR (mauutal bagaman buo ang loob). Para tratuhin ang


isang tao (Ituturo si LUCKY) nang ganyan sa tingin
ko walang sinumang tao walang talagang
nakakahiya!
ESTRAGON (ayaw patalo). Malaking eskandalo!
(Magpapatuloy sa pagngata.)
POZZO. Masyado kang mabagsik. (Kay VLADIMIR.) Ilang taon ka
na, kung hindi masyadong masagwa ang magtanong.
(Katahimikan.) Sisenta anyos? Sitenta? (Kay ESTRAGON.)
Ilang taon na siya, sa tingin mo?
ESTRAGON. Labing-isa.
POZZO. Wala akong pitagan. (Itataktak ang kuwako sa hawakan
ng latigo, titindig.) Kailangan ko nang lumakad. Salamat sa
inyong pakikitungo. (Mag-iisip.) Maliban na lang kung
humithit pa akong minsan bago lumakad. Ano sa palagay
niyo? (Hindi sila tutugon.) Naku, sandali lang akong
humithit, sandaling-sandali. Hindi ko ugali ang magkuwako
nang sunud-sunod nagkakapalpitasyon (Ipapatong ang
kamay sa dibdib, bubuntong-hininga) ang puso ko.
(Katahimikan.) Yung nikotina kasi, nasisipsip mo gaano ka
man mag-ingat.
(Bubuntong-hininga.)
Alam niyo na.
(Katahimikan.) Pero, siguro, hindi kayo humihithit. Tama?
Mali? Hindi na bale. (Katahimikan.) Pero pano akong
mauupo ngayon, nang walang pagpupumilit, ngayong
napatindig na ako? Nang hindi lilitaw na paano kong
sasabihin nang hindi lilitaw na pauntul-untol ako? (Kay
VLADIMIR.) Ipagpaumanhin mo? (Katahimikan.) Hindi ka
siguro nagsalita? (Katahimikan.) Hindi na bale. Tingnan
natin (Mag-iisip.)

30

ESTRAGON. A, mas mabuti nga pala!


(Ipamumulsa ang mga buto.)
VLADIMIR.

Tayo na.

ESTRAGON. Ngayon na?


POZZO. Sandali. (Hahaltakin ang lubid.) Bangkito! (Ituturo ng
latigo. Iuurong ni LUCKY ang bangkito.) Sige po! Diyan!
(Mauupo. Babalik si LUCKY sa dating puwesto.) Nagawa ko
rin! (Sisiksikan ng tabako ang pipa.
VLADIMIR (masidhi). Tayo na!
POZZO.
Sana naman, hindi kayo magmadali dahil sa `kin.
Maghintay pa kayo nang kaunti, hindi kayo magsisisi.
ESTRAGON (makaaamoy
nagmamadali.

ng

dilihensiya).

Hindi

kami

POZZO (nasindihan na ang kuwako). Hindi na kasintamis ang


kasunod (Aalisin ang kuwako sa bibig, pagdidili-dilihan
ito.) Gaya nung una, ang ibig kong sabihin. (Isasauli ang
kuwako sa bibig.) Pero masarap pa rin.
VLADIMIR.

Aalis na `ko.

POZZO. Hindi na niya mabatang pakikiharap sa `kin. Maaring


hindi ako masyadong makatao, pero mano naman? (Kay
VLADIMIR.) Mag-isip ka muna nang husto bago ka gumawa
ng anumang kapangahasan.
Sabihin nating umalis ka
ngayon din, habang may araw pa, dahil hindi maikakailang
may araw pa. (Titingala silang lahat sa langit.) Tama.
(Titigil sila sa pagtingala.)
Ano ang mangyayari pag
nagkataon (Aalisin ang kuwako sa bibig, susuriin ito)
namatay (Sisindihang muli ang kuwako) pag nagkataon
(Hihithit) pag nagkataon (Hihithit) ano ang mangyayari
pag nagkataon, sa inyong pakikipagtipan kay Godo
Godo Goda alam mo na kung sinong tinutukoy ko na

31

may hawak sa inyong kinabukasan


(Sandaling
katahimikan.) Kung hindi man, sa inyong bukas, makalawa
man lamang.
VLADIMIR. Sinong me sabi sa `yo?
POZZO. Kinausap akong muli! Kapag nagtagal ito, magiging
matalik kaming magkaibigan.
ESTRAGON. Bat ayaw niyang bitiwan ang bitbit niya?
POZZO. Ako man, ikaliligaya kong magkakilala kami. Lalong
dumarami ang mga taong nakikilala ko, lalo akong
lumiligaya.
Kahit yung mga pinakahamak na nilalang,
nililisan mo nang higit kang marunong, higit na mayaman,
higit na nakatitiyak sa mga sarili mong biyaya. Kahit kayo
(Susulyapan nang marangya ang isa, saka ang isa pa,
upang ipahiwatig na walang alinlangan na pareho silang
tinutukoy.) kahit kayo, anong malay natin, maaring may
maidagdag sa aking kaganapan.
ESTRAGON. Bat ayaw bitiwan ang bitbit niya?
POZZO. Bagaman ikagugulat ko yung sadya.
VLADIMIR.

Me nagtatanong sa `yo.

POZZO (matutuwa). May nagtatanong? Sino? Ano? Kanina


lang, ginoo ang tawag niyo sa `kin, nangangamba kayo at
nangangatal. Ngayon, tinatanong niyo na ako. Masama
ang kauuwian nito!
VLADIMIR (kay ESTRAGON). Makikinig na yata.
ESTRAGON (umiikot kay LUCKY). Sino?
VLADIMIR.

Puede mo nang tumingin. Handa nang makinig.

ESTRAGON. Tanungin ng ano?


VLADIMIR.

Kung bakit ayaw bitiwan ang mga bitbit niya.

32

ESTRAGON. Pinagtatakhan ko nga.


VLADIMIR.

Bat hindi mo itanong sa kanya?

POZZO (na sumusunod sa usapan nang nag-aalalang baka


mawaglit ang katanungan). Gusto niyong malaman kung
bakit ayaw niyang bitiwan ang mga bitbit niya, gaya ng sabi
niyo?
VLADIMIR. Ganon nga.
POZZO (kay ESTRAGON).
tanong na `yon?

Sigurado kang sumasang-ayon sa

ESTRAGON. Hinihingal siyang parang balyena.


POZZO. Ito ang sagot. (Kay ESTRAGON.) Pero huwag kang
malikot, ipinakikiusap ko, ninenerbiyos ako sa `yo!
VLADIMIR.

Tama.

ESTRAGON. Alin?
VLADIMIR.

Magsasalita siya.

(Lilipat si ESTRAGON sa tabi ni VLADIMIR.


silang maghihintay, magkatabi.)

Walang tinag

POZZO. Magaling. Handa na ba ang lahat? Nakatingin ba sa


akin ang lahat? (Titingnan si LUCKY, hahaltakin ang lubid.
Titingala si LUCKY.) Puede bang tingnan mo `ko, animal ka?
(Titingnan siya ni LUCKY.) Ganyan. (Ilalagay ang kuwako sa
bulsa, ilalabas ang munting bomba para sa lalamunan,
bobombahan ang kanyang lalamunan, isasauli ang bomba
sa bulsa, eehem, dudura, ilalabas muli ang bomba, muling
bobombahan ang lalamunan, muling isasauli ang bomba sa
bulsa.) Handa na ako, Makikinig ba ang lahat? Handa na ba
ang lahat? (Isa-isa silang titingnan, hahaltakin ang lubid.)
Hayop ka! (Titingala si LUCKY.) Ayokong nagsasalita sa
hangin. Magaling. Tingnan ko.

33

(Mag-iisip.)
ESTRAGON.
`ko.

Bat ayaw niyang bitiwan ang bitbit niya? Aalis na

POZZO. Ano ba mismo ang gusto mong malaman?


VLADIMIR.

Sabi niya

POZZO (magsisiklab).
Huwag kang sumabad!
(Sandaling
katahimikan. Mas mapayapa.) Pag nagsabay-sabay tayong
nagsalita,
wala
tayong
mararating.
(Sandaling
katahimikan.)
Ano ang sinasabi ko?
(Sandaling
katahimikan. Mas malakas.) Ano ang sinasabi ko?
(Imumuwestra ni VLADIMIR ang pagbibitbit ng mabigat na
dalahin. Titingnan siya ni POZZO nang nalilito.)
ESTRAGON (mapipilitan). Abastos. (Ituturo si LUCKY.) Bakit?
Laging tangan?
(Lulupaypay, hihingalin.)
Ayaw baba.
(Ibubuka ang mga kamay, tutuwid nang nagiginhawahan.)
Bakit?
POZZO. A! Bakit hindi mo sinabi kanina? Bakit ayaw niyang
ipahinga ang sarili niya?
Subukan nating liwanagin.
Mayron ba siyang karapatang magpahinga? Siguradong
mayron. Nanganga-hulugang ayaw niya. Ganyan ang
lohika ng pangangatwiran. At bakit ayaw niya? (Sandaling
katahimikan.) Mga ginoo, ito ang dahilan.
VLADIMIR (kay ESTRAGON). Pag-ukulan mo ng pansin.
POZZO. Nagpapasikat sa `kin para huwag ko siyang itapon.
ESTRAGON. Ano?
POZZO.
Hindi siguro masyadong tumpak ang sinabi ko.
Nagsisipsip siya sa `kin para huwag ko nang isipin ang
pagpapalayas sa kanya. Hindi, hindi pa rin `yon masyadong
tama.

34

VLADIMIR.

Gusto mo siyang itapon?

POZZO. Nagpapalapad siya ng papel, pero hindi puede.


VLADIMIR. Gusto mo siyang itapon?
POZZO. Akala niya, kapag nasaksihan ko kung gano kagaling
niyang magbitbit, matutukso akong panatilihin siya sa
ganong katungkulan.
ESTRAGON. Sawa ka na sa kanya?
POZZO. Sa katunayan, napakasama niyang magbitbit. Hindi kasi
`yan ang kanyang tungkulin.
VLADIMIR.

Gusto mo siyang itapon?

POZZO. Akala niya, kapag nasaksihan kong nagsusumikap siya


nang walang humpay, pagsisisihan ko ang aking desisyon.
Ganyan ang napakahamak niyang taktika.
Akala mo
naman, may pagkukulang ako sa aking mga alipin! (Titingin
silang tatlo kay LUCKY.)
Atlas, anak ni Jupiter!
(Katahimikan.) Bueno, `yan ang aking kuru-kuro. Mayron
bang iba?
(Bomba sa lalamunan.)
VLADIMIR. Gusto mo siyang itapon?
POZZO. Alalahanin niyong puedeng ako ang nalagay sa lugar
niya at siya sa akin. Kung hindi itinakda ng tadhana na
magkabaligtad. Kani-kanyang kapalaran.
VLADIMIR. Gusmosiyapon?
POZZO. Paumanhin?
VLADIMIR. Gusto mo siyang itapon?

35

POZZO. Oo. Pero imbes na ipagtabuyan ko siya, gaya ng maari


kong gawin, ang ibig sabihin, sipain siya nang wala ni ha ni
ho, dahil sa kabutihang-loob ko, dadalhin ko siya sa perya
sa pag-asang maipagbibili ko siya sa magandang presyo.
Ang totoo, hindi mo mapalayas-layas ang mga nilikhang
ganyan. `Buti pang katayin na lang sila.
(Mahagulgol si LUCKY.)
ESTRAGON. Umiiyak.
POZZO. Mas may urbanidad ang mga matandang aso. (Iaabot
ang kanyang panyo kay ESTRAGON.) Patahanin mo yamang
naaawa ka sa kanya. (Mag-aalangan si ESTRAGON.) Sige.
(Aabutin ni ESTRAGON ang panyo.) Pahiran mo ang luha
para hindi niya akalaing pinababayaan siya.
(Mag-aatubili si ESTRAGON.)
VLADIMIR.

Sige, akin na, ako na.

(Tatanggi si ESTRAGON na iabot ang panyo.


bata.)

Magkikilos-

POZZO. Daliin niyo bago siya huminto. (Lalapitan ni ESTRAGON


si LUCKY at anyong papahiran ang mga mata nito. Sisipain
siya ni LUCKY sa lulod nang malakas.
Mabibitiwan ni
ESTRAGON ang panyo, uurong siya, pasuray-suray sa
paligid ng entablado nang tumitili sa sakit.) Panyo!
(Ibababa ni LUCKY ang bag at basket, pupulutin ang panyo,
ibibigay ito kay POZZO, babalik sa dating puwesto,
pupulutin ang bag at basket.)
ESTRAGON.
Naku, ang hayop na `yan!
Pinilayan ako!

(Ilililis ang pantalon.)

POZZO. Sabi ko na sa inyong ayaw niya sa mga estranghero.


VLADIMIR (kay ESTRAGON). Patingin! (Ipakikita ni ESTRAGON
ang kanyang binti. Kay POZZO, galit.) Nagdudugo!

36

POZZO. Mabuting senyal.


ESTRAGON (iika sa isang paa). Hindi na `ko makakalakad kailan
pa man!
VLADIMIR (malambing).
Kakargahin
katahimikan.) Kung kailangan.

kita.

(Sandaling

POZZO. Tumigil na siya sa pag-iyak. (Kay ESTRAGON.) Pumalit


ka sa kanya, kung tutuusin. (Liriko.) Bilang na bilang ang
patak ng luha sa mundo.
Katugma ng nagsisimulang
tumangis, may tumatahan sa ibang parte ng mundo.
Ganyan din ang paghalakhak. (Hahalakhak.) Kaya nga,
huwag nating laitin ang ating henerasyon hindi tayo
nakahihigit sa pagdadalamhati ng mga nakaraang panahon.
(Sandaling katahimikan.)
Huwag din namang dakilain.
(Sandaling katahimikan.)
Huwag na lang pag-usapan.
(Sandaling katahimikan. Pagkaraang mag-isip nang maigi.)
Lumalaki nga ang populasyon.
VLADIMIR. Purbahan mong lumakad.
(Hahakbang si ESTRAGON nang paika, hihinto sa harap ni
LUCKY at duduraan ito, saka susulong at mauupo sa bag.)
POZZO.
Hulaan niyo kung sino ang nagturo sa `kin ng
magagandang kaisipang `yan.
(Sandaling katahimikan.
Ituturo si LUCKY.) Ang aking si Lucky!
VLADIMIR (titingala sa langit). Hindi na ba magdidilim?
POZZO. Kung hindi dahil sa kanya, ang buong pag-iisip ko, ang
lahat ng damdamin ko, naukol na para sa mga hamak na
bagay lamang.
(Sandaling katahimikan.
Sukdulang
karubduban.)
Mga prublemang propesyonal!
(Mas
mapayapa.)
Kagandahan, karangyaan, katotohanang
walang kapantay batid kong hindi ko `yon kayang abutin.
Kaya kumuha ako ng isang asing.
VLADIMIR (maaabala sa pagsusuri niya sa langit). Isang asing?

37

POZZO.
Mag-aanimnapung taon na ang nakararaan
(Kukunsultahin ang relos) oo, halos animnapung taon na.
(Nagmamalaking itutuwid ang sarili.) Hindi niyo aakalain
kung titingnan niyo ako, ano? Kung ikukumpara sa kanya,
mukha akong bintaliyo, hindi ba? (Sandaling katahimikan.)
Sumbrero! (Ibababa ni LUCKY ang basket at huhubarin ang
kanyang sumbrero. Sasabog sa mukha niya ang mahaba at
maputing buhok. Iipitin ng braso ang sumbrero at pupulutin
ang basket.)
Ngayon, tingnan niyo.
(Maghuhubad si
POZZO ng sumbrero: nakasuot silang apat ng bowler hat.
Lubusan na siyang kalbo. Magsusumbrerong muli.) Nakita
ba niyo?
VLADIMIR. At ngayon, itatapon mo na lang? Ang isang matanda
at matapat na utusang ganyan?
ESTRAGON. Hayop ka naman!
(Patindi nang patindi ang pagkasindak ni POZZO.)
VLADIMIR.
Pagkatapos mong pagpasasaan ang mga kabutihan
niya, ihahagis mo siyang animoy animoy balat ng
saging. Naku naman
POZZO (uungol, sapo ang ulo). Hindi ko na mabata ang lahatlahat na kung umasal siya wala kayong ideya
kahindik-hindik kailangan siyang mawala (Ikakampay
ang mga bisig.) masisiraan ako ng ulo (Babagsak, sapo
ng mga kamay ang ulo.) hindi ko na mabata ang lahatlahat na
(Katahimikan. Titingin silang lahat kay POZZO.)
VLADIMIR. Hindi na niya mabata.
ESTRAGON. Ang lahat-lahat.
VLADIMIR.

Masisiraan siya ng ulo.

ESTRAGON. Kahindik-hindik.

38

VLADIMIR (kay LUCKY). Wala kang kunsiyensiya! Kasuklamsuklam! Ang bait ng amo mo! Pinahihirapan mo siya!
Pagkaraan ng maraming taon! Talaga naman!
POZZO (humahagulgol). Ang bait niya nung araw matulungin
at kaaliw-aliw ang mapagpala kong anghel pero
ngayon pinahihirapan ako.
ESTRAGON (kay VLADIMIR). Gusto ba niyang palitan?
VLADIMIR.
ESTRAGON.
hindi?
VLADIMIR.

Ano?
Gusto ba niyang humanap ng ipapalit sa kanya o
Hindi yata.

ESTRAGON. Ano?
VLADIMIR.

Ewan ko.

ESTRAGON. Itanong mo.


POZZO (mas mapayapa). Mga ginoo, hindi ko malaman kung ano
ang nangyari sa `kin. Ipagpatawad niyo. Kalimutan niyo
nang lahat ng sinabi ko. (Unti-unting mababalik sa sarili.)
Hindi ko masyadong matandaan kung anong sinabi ko sa
inyo, pero masisiguro kong wala yung sambutil mang
katotohanan. (Itutuwid ang sarili, hahampasin ang dibdib.)
Mukha ba akong taong maaring parusahan ng iba? Nang
totohanan? (Hahalughugin ang mga bulsa.) Anong ginawa
ko sa `king kuwako?
VLADIMIR.

Ang sarap ng gabing ito.

ESTRAGON. Walang kahulilip.


VLADIMIR.
ESTRAGON.

At hindi pa tapos.
Mukha ngang hindi pa.

39

VLADIMIR.
ESTRAGON.
VLADIMIR.
ESTRAGON.
VLADIMIR.
ESTRAGON.

Umpisa pa lang.
Ang sagwa.
Talo pang bodabil.
Ang sirko.
Ang kabaret.
Ang sirko.

POZZO. Ano kaya ang ginawa ko sa `king kuwako?


ESTRAGON.
Talagang komedyano.
tsupon.

Mawawala ang kanyang

(Tatawa nang maingay.)


VLADIMIR.

Sandali lang.

(Nagmamadaling patungo sa labas ng entablado.)


ESTRAGON.
VLADIMIR.

Dulo ng pasilyo, kaliwa.


Bantayan mong upuan ko.

(Lalabas si VLADIMIR.)
POZZO. Nawala ang aking Kapp at Peterson!
ESTRAGON (nagpapapadyak sa pagkatuwa). Namamatay ako sa
kanya!
POZZO (titingala). Baka nakita mo (Mapapansing wala si
VLADIMIR.) Naku! Umalis na! Ni hindi nagpaalam! Pano
niya nagawa `yon? Naghintay naman sana!
ESTRAGON. Magpuputok na kasi.

40

POZZO.
A!
(Sandaling katahimikan.)
siyempre

Aba, kung ganon,

ESTRAGON. Halika rito.


POZZO. Bakit?
ESTRAGON. Makikita mo.
POZZO. Gusto mong tumindig ako?
ESTRAGON. Dali! (Titindig si POZZO at pupunta sa tabi ni
ESTRAGON. May ituturo si ESTRAGON.) Tingnan mo!
POZZO (magsusuot ng salamin). Aba, naku!
ESTRAGON. Tapos na.
(Papasok si VLADIMIR, mapanglaw. Tatabigin si LUCKY ng
balikat, sisikaran ang bangkito, magpapabalik-balik nang
marahas.)
POZZO. Hindi nasiyahan.
ESTRAGON (kay VLADIMIR). Bitin. Sayang.
(Hihinto si VLADIMIR, itatayo ang bangkito, magpapabalikbalik nang mas mapayapa.)
POZZO. Kumakalma na. (Lilingon sa paligid.) Sa katunayan,
kumakalma na ang lahat. Lumalatag ang isang dakilang
kapayapaan. (Magtataas ng kamay.) Pakinggan niyo!
Nahihimbing si Tan.
VLADIMIR.

Hindi na ba magdidilim?

(Titingin silang tatlo sa langit.)


POZZO. Ayaw niyo pang lumakad, habang may liwanag pa?
ESTRAGON.

Mangyari kasi

41

POZZO. Aba, natural lang `yon, natural na natural. Ako rin, kung
nasa inyong kalagayan, kung may usapan kami ni Godin
Goda Godo alam niyo kung sinong ibig kong sabihin
maghihintay ako hanggang lumalim ang gabi bago ako
umuwi. (Susulyapan ang bangkito.) Gustung-gusto kong
maupo, pero hindi ko malaman kung pano ko magagawa.
ESTRAGON. Puede ba kitang matulungan?
POZZO. Kung ayain mo `ko siguro.
ESTRAGON. Pano?
POZZO. Kung ayain mo `kong maupo.
ESTRAGON. Makakatulong `yon?
POZZO. Sa palagay ko.
ESTRAGON. Pues, heto. Maupo ka, ginoo, isinasamo ko.
POZZO. Hindi, hindi, ni sa panaginip!
Aparte.) Pilitin mo `ko.

(Sandaling katahimikan.

ESTRAGON. Sige na, sige na, maupo ka, utang na loob baka ka
mapulmonya.
POZZO. Sa palagay mong talaga?
ESTRAGON. Sus, walang kaduda-duda.
POZZO.
Siguradong tama ka.
(Mauupo.)
Nagawa ko uli!
(Sandaling katahimikan.) Salamat, katoto. (Kukunsultahin
ang relos.) Pero talagang kailangan ko nang lumakad, kung
ayaw kong mahuli sa iskedyul ko.
VLADIMIR. Huminto na ang takbo ng oras.
POZZO (ididikit ang relos sa taynga). Huwag mong akalain `yon,
ginoo, huwag mong akalain `yon. (Ibabalik ang relos sa

42

bulsa.) Akalain mo na ang gusto mong akalain, bastat


huwag `yon.
ESTRAGON (kay POZZO).
bagay ngayon.

Madilim ang tingin niya sa lahat ng

POZZO. Maliban sa kalangitan! (Tatawa, natutuwa sa sariling


talas ng isip.) Pero nakikita ko ang prublema niyong
dalawa. Hindi kayo tagarito, hindi niyo alam kung paano
ang mga takipsilim namin. Ipaliwanag ko ba sa inyo?
(Katahimikan. Muling kakalikutin ni ESTRAGON ang kanyang
sapatos, ni VLADIMIR ang kanyang sumbrero.) Hindi ko
kayo matatanggihan. (Bomba sa lalamunan.) Kaunting
atensiyon, kung maari. (Magpapatuloy sina VLADIMIR at
ESTRAGON sa kinakalikot; halos tulog na si LUCKY.
Ihahampas ni POZZO ang latigo nang mahina.) Anong sira
ng latigong ito? (Titindig at maihahampas ang latigo nang
mas malakas. Magigitla si LUCKY. Malalaglag sa lupa ang
sumbrero ni VLADIMIR, ang sapatos ni ESTRAGON, ang
sumbrero ni LUCKY. Ihahagis ni POZZO ang latigo.) Gastado
nang latigo ko. (Titingnan sina VLADIMIR at ESTRAGON.)
Anong sinasabi ko?
VLADIMIR.

Tayo na.

ESTRAGON. Pero ipahinga mong mga binti mo, isinasamo ko, at


baka ka mapahamak.
POZZO. Tama.
mo?

(Mauupo.

Kay ESTRAGON.)

Anong pangalan

ESTRAGON. Adan.
POZZO (na hindi nakinig). A, oo! Ang gabi! (Titingala.) Pero
gandahan niyong pakikinig, utang na loob; kung hindi,
walang mangyayari sa `tin. (Titingin sa langit.) Malasin
niyo. (Titingin silang lahat sa langit maliban kay LUCKY na
tulog na naman. Hahaltakin ni POZZO ang lubid.) Maari
bang malasin mo ang langit, animal ka? (Titingin si LUCKY
sa langit.) Sige, tama na. (Titigil sila sa pagtingin sa langit.)
Ano ang naroroon na napakapambihira? Sa langit qua

43

langit. Maputla at makinang, gaya ng anupamang langit


pag ganitong oras. (Sandaling katahimikan.) Sa mga
ganitong latitud. (Sandaling katahimikan.) Kapag maganda
ang panahon.
(Liriko.)
Isang oras ang nakararaan
(Susulyap sa relos, himig-prosa.) Humigit-kumulang (Liriko.)
pagkatapos magsabog mula kanina (mag-aatubili, himigprosa.) Sabihin nating alas diyes ng umaga (Liriko.) ng mga
walang puknat na bugso ng pula at putting liwanag,
nagsisimula itong maubusan ng luningning, mamutla
(Imumuwestra ng dalawang kamay ang dahan-dahang
pagkapawi.) mamumutla pang lalo hanggang (Dramatikong
katahimikan, malaking muwestra ng dalawang kamay na
biglang nagkalayong lubusan.) pppfff! tapos na! hinto na
lang basta.
Pero (Nakataas ang kamay sa anyong
pagbababala.) pero sa likod ng ganoong lambong ng
katahimikan
at
payapa,
sumasalakay
ang
gabi
(Mataginting.) dumadaluhong sa `tin (Patutunugin ang
hintuturo at hinlalaki.) Bang! ganon lang! (Mauubusan ng
inspirasyon.)
kung kailan natin hindi inaasahan.
(Katahimikan. Malumbay.) Ganyan sa hayop na mundong
ito.
(Mahabang katahimikan.)
ESTRAGON. Bastat kailangan, alam mo `yon.
VLADIMIR.

Hindi kailangang magmadali.

ESTRAGON. Hindi ka mabibigla sa mangyayari.


VLADIMIR.
ESTRAGON.
VLADIMIR.

Hindi mo kailangang mabahala.


Maghintay ka lang.
Sanay tayo riyan.

(Pupulutin ang sumbrero niya, sisilipin ang loob, aalugin ito


at isusuot).

44

POZZO. Kumusta naman ako? (Titingnan siya nina VLADIMIR at


ESTRAGON nang blangko ang mukha.) Mahusay? Papasa?
Katamtaman? Masama? Ubod ng sama?
VLADIMIR (unang maliliwanagan).
husay.

Aba, ang husay, ang husay-

POZZO (kay ESTRAGON). At ikaw, ginoo?


ESTRAGON.

Aba, tres bon, tres, tres, tres bon.

POZZO (taimtim). Pagpalain kayo, mga ginoo, pagpalain kayo!


(Sandaling katahimikan.) Sadyang kailangan ko ng alalay!
(Sandaling katahimikan.) Medyo humina sa bandang huli,
hindi niyo ba napansin?
VLADIMIR.
ESTRAGON.

Naku, bahagyang-bahagya siguro.


Akala ko, sinadya `yon.

POZZO. Alam niyo kasi, mahina na ang memorya ko.


(Katahimikan.)
ESTRAGON. Samantala walang nangyayari.
POZZO. Naiinip ka na?
ESTRAGON. Medyo.
POZZO (kay VLADIMIR). At ikaw, ginoo?
VLADIMIR.

Mas magandang libangan ko noon.

(Katahimikan. Paglalaban sa kalooban ni POZZO.)


POZZO. Mga ginoo, magpakita kayo ng pitagan sa `kin.
ESTRAGON. Hindi naman.
VLADIMIR. Bat mo naman nasabi `yon?

45

POZZO. Oo, oo tama ang lahat ng inasal niyo. Kayat


itinatanong ko sa sarili ko, mayron ba `kong magagawa
bilang ganti sa mga matapat na katotong itong inip na inip
na?
ESTRAGON.
VLADIMIR.

Kahit sampung piso lang, malaking magagawa.


Hindi tayo pulubi, hoy!

POZZO. Mayron ba akong magagawa, `yon ang itinatanong ko


sa sarili ko, para malibang sila? Binigyan ko na sila ng buto
ng manok, kinausap ko tungkol dito at tungkol doon,
ipinaliwanag ko ang takipsilim oo nga. Pero sapat na ba,
`yon ang nagpapahirap sa loob ko, sapat na ba?
ESTRAGON.

Kahit limang piso lang.

VLADIMIR (kay ESTRAGON, galit). Tama ka na!


ESTRAGON.

Hindi ko matatanggap ang mas maliit pa ron.

POZZO. Sapat na ba? Walang alinlangan. Pero bukas-palad ako.


Ganon ang aking naturalesa. Ngayong gabi. Malas nga
para sa `kin. (Hahaltakin ang lubid. Titingin si LUCKY sa
kanya.)
Dahil magsisisi ako, walang alinlangan `yon.
(Pupulutin ang latigo.)
Ano ang napupusuan niyo?
Pasayawin ba natin siya, o pakantahin, o pabigkasin ng tula,
o pag-isipin, o
ESTRAGON. Sino?
POZZO.
Sino?
dalawa?
VLADIMIR.

Marunong din ba kayong mag-isip, kayong

Marunong siyang mag-isip?

POZZO. Natural. Nang malakas. Dati nga, ang ganda ng pagiisip niya, nagagawa kong makining nang kung ilang oras.
Ngayon (Kikiligin.) Malas nga para sa `kin. Bueno, gusto
niyo bang mag-isip siya ng kung ano para sa `tin?

46

ESTRAGON.
masaya.

Mas gusto ko, magsayaw siya, pihadong mas

POZZO. Hindi rin.


ESTRAGON. Hindi ba, Didi, mas masaya `yon?
VLADIMIR.

Gusto kong marinig siyang nag-iisip.

ESTRAGON.
Siguro, puede siyang magsayaw muna, saka magisip pagkatapos, kung hindi `yon masyadong pag-aabuso sa
kanya.
VLADIMIR (kay POZZO). Puede ba `yon?
POZZO. Puedeng-puede, walang prublema. `Yon ang natural na
magkasunod sa programa.
(Tatawa nang sandali.)
VLADIMIR. Sige, pasayawin mo siya.
(Katahimikan.)
POZZO. Narinig mo animal?
ESTRAGON.

Hindi siya tumatanggi?

POZZO. Tumanggi minsan. (Katahimikan.) Sayaw, buwisit ka!


(Ibababa ni LUCKY ang sumbrero at basket, lalapit sa harap,
lilingon kay POZZO. Sasayaw si LUCKY. Titigil.)
ESTRAGON. Tapos na?
POZZO. Babalik!
(Uulitin ni LUCKY ang mga kilos niya, titigil.)

47

ESTRAGON. Sus! Magagawa ko rin `yon. (Gagayahin si LUCKY,


halos matumba.) Kulang lang sa ensayo.
POZZO. Dati, nakapagsasayaw siya ng parandola, pling, brol,
dyig, pandago, pati kuratsa.
Patalun-talon siya.
Sa
katuwaan. Ngayon, ganyan na lang ang kaya niya. Alam
niyo ba kung anong tawag don?
ESTRAGON. Dalamhati ng Napag-initan.
VLADIMIR.

Tibi.

POZZO. Lambat. Sa akala niya, napupuluputan siya ng lambat.


VLADIMIR (aalumpihit na parang alagad ng sining). May parang
ano mga
(Anyong babalikan ni LUCKY ang mga bitbitin.)
POZZO. Nona!
(Maninigas si LUCKY.)
ESTRAGON.

Ikuwento mong mangyari nung tumanggi siya.

POZZO. Ikalulugod ko, ikalulugod ko. (Kakapa sa mga bulsa.)


Sandali.
(Kakapa.)
Anong ginawa ko sa bomba ko?
(Kakapa.) Aba, hindi ba naman (Titingala, pangingilabot
sa kanyang mukha. Mahina.) Hindi ko mahanap ang
bomba ko.
ESTRAGON (mahina). Mahina ang kaliwang baga ko. (Uubo nang
mahina. Sa tinig na mataginting.) Pero kasinlakas ng
kampana ang kanan!
POZZO (sa tinig na normal). Hindi bale. Anong sinasabi ko?
(Mag-iisip.) Sandali. (Mag-iisip.) Aba, hindi ba naman
(Titingala.) Tulungan niyo `ko!
ESTRAGON. Teka!

48

VLADIMIR.

Teka!

POZZO. Teka!
(Sabay-sabay nilang huhubarin ang kanilang sumbrero,
idiriin ang kamay sa noo, at mag-iisip nang husto.)
ESTRAGON (magtatagumpay). A!
VLADIMIR.

`Kuha na niya.

POZZO (maiinip). Pues?


ESTRAGON.
VLADIMIR.

Bat ayaw niyang ibaba ang kanyang abastos?


Tanga!

POZZO. Sigurado ka?


VLADIMIR. Lintik, `di ba sinabi mo na sa `min?
POZZO. Sinabi ko na sa inyo?
ESTRAGON.
VLADIMIR.

Sinabi na niya sa `tin?


Kung anuman, ibinaba na niya.

ESTRAGON (susulyap kay LUCKY). Ibinaba na nga pala. Pero e


`no ngayon?
VLADIMIR.
Yamang ibinaba na niya ang kanyang abastos,
imposibleng itinanong pa namin kung bakit ayaw niya yung
gawin.
POZZO. Tamang pangangatwiran!
ESTRAGON.

At bakit niya ibinaba?

POZZO. Sabihin mong sagot don.


VLADIMIR.

Para makapagsayaw.

49

ESTRAGON.

Tama!

POZZO. Tama!
(Katahimikan. Magsusuot sila ng sumbrero.)
ESTRAGON. Walang nangyayari, walang dumarating, walang
umaalis ang sama!
VLADIMIR (kay POZZO). Sabihin mo sa kanyang mag-isip na.
POZZO. Iabot mong sumbrero niya.
VLADIMIR. Ang sumbrero niya?
POZZO. Hindi siya nakapag-iisip nang walang sumbrero.
VLADIMIR (kay ESTRAGON). Iabot mong sumbrero.
ESTRAGON.
nga!
VLADIMIR.

Ako? Pagkatapos ng ginawa niya sa `kin? Ayoko


Akong mag-aabot.

(Hindi siya kikilos.)


ESTRAGON (kay POZZO). Sabihin mong siya nang kumuha.
POZZO. Mas mabuting iabot sa kanya.
VLADIMIR.

Akong mag-aabot.

(Pupulutin ang sumbrero at iaabot ito nang nakatuwid ang


braso. Hindi kikilos si LUCKY.)
POZZO. Kailangang ipatong sa ulo niya.
ESTRAGON (kay POZZO). Sabihin mong ipatong niya.
VLADIMIR.

Ipapatong ko.

50

(Iikot sa likod ni LUCKY, lalapit nang maingat, ipapatong ang


sumbrero sa ulo nito at aatras nang maliksi. Hindi kikilos si
LUCKY. Katahimikan.)
ESTRAGON.

Anong hinihintay?

POZZO. Umatras kayo. (Lalayo sina VLADIMIR at ESTRAGON kay


LUCKY. Hahaltakin ni POZZO ang lubid. Titingin si LUCKY
kay POZZO.)
Isip, animal!
(Sandaling katahimikan.
Magsisimulang magsayaw si LUCKY.)
Hinto!
(Titigil si
LUCKY.) Abante! (Aabante si LUCKY.) Para! (Hihinto si
LUCKY.) Isip!
(Katahimikan.)
LUCKY. Sa kabilang dako, hinggil sa
POZZO. Hinto! (Hihinto si LUCKY.) Atras! (Aatras si LUCKY.)
Para! (Hihinto si LUCKY.) Ikot! (Iikot si LUCKY at haharap sa
oditoryum.) Isip!
(Sa mahaba at maapoy na pagtatalumpati ni LUCKY, gaya
ng sumusunod ang reaksiyon ng tatlo: (1) Sarap na sarap
sa pakikinig sina VLADIMIR at ESTRAGON samantalang
matamlay at suklam na suklam si POZZO;
(2)
Nagsisimulang tumutol sina VLADIMIR at ESTRAGON
samantalang tumitindi ang paghihirap ng loob ni POZZO; (3)
Makikinig muli sina VLADIMIR at ESTRAGON samantalang
lalong masisindak si POZZO nang paungul-ungol;
(4)
Babagsik ang pagtutol nina VLADIMIR at ESTRAGON at
biglang titindig si POZZO, hahaltakin ang lubid.
Magkakagulo.
Hihilahin ni LUCKY ang lubid, susuray,
ihihiyaw ang kanyang teksto. Ihahagis ng tatlo ang kanilang
katawan kay LUCKY na manlalaban at magpapatuloy sa
pagbigkas ng kanyang teksto.)
LUCKY. Ipagpalagay na tulad ng ibinabadya sa mga nalathalang
obra nina Puncher at Vattman na may personal na Diyos
quaquaquaqua na may putting balbas quaquaquaqua
walang hanggan walang hugis na mula sa taluktok ng

51

dakilang apatya dakilang atambiya dakilang apasya ay


nagmamahal sa atin nang puspusan maliban sa iilan gawa
ng mga sanhing hindi alam bagaman mababatid balang
araw at nagdurusang tulad ng diyosang si Miranda para sa
mga taong gawa ng mga sanhing hindi alam bagaman
nababatid balang araw ay nasasadlak sa pagpaparusa
nasasadlak sa apoy na may apoy na naglalagablab kung
magpapatuloy at sino ang may alinlangan na pag-aalabin
niyon ang kalangitan ang ibig sabihin pasasabugin ang
impiyerno hanggang sa langit na bughaw tahimik at payapa
dala ng payapang pauldut-uldot man ay mabuti na sa wala
ngunit huwag masyadong mabilis at kung iisiping bunga ng
mga
di-natapos
na
obrang
pinararangalan
ng
Akakakakademya ng Antropopopometriya ng Esse-sa-Fosse
nina Testew at Cunard itinatakda nang wala nang alinlangan
wala nang ibang alinlangan maliban sa naaakibat sa mga
pagsisikap ng sinumang tao na bunga ng mga di-natapos na
obra nina Testew at Cunard itinatakda na magmula ngayon
huwag huwag masyadong mabilis dala ng mga sanhing
walang may alam na bunga ng mga nalathalang obra nina
Funcher at Vattman itinatakda nang wala nang alinlangan
na kung isasaalang-alang ang mga pagsisikap nina Fartov at
Belcher na di-natapos gawa ng mga sanhing walang may
alam nina Testew at Cunard na di-matapos itinatakda ang
ikinakaila ng marami na ang tao sa Pozzo nina Testew at
Cunard na ang tao sa Esse na ang tao sa madaling sabi na
ang tao sa isang salita sa kabila ng mga pag-unlad sa
pagkain at pagbabawas ay nakikitang nangangayayat at
nananamlay nangangayayat at nananamlay at kasabay
niyon at magkasabay roon at bukod sa roon dala ng mga
sanhing walang may alam sa kabila ng mga pag-unlad sa
kulturang pangkatawan sa paglalaro ng palakasan tulad ng
pagtetenis, pagpuputbol pagtakbo pagbibisikleta paglangoy
paglipad paglutang pagsakay pagsalimbay pagkukuna pagiiskeyting lahat ng uri ng tenis pagkamatay pagliliparan
lahat ng uri ng palakasan taglagas tag-araw tag-lamig lahat
ng uri ng tenis lahat ng uri ng hockey penisilin at
succedanea sa isang salita magpapatuloy ako at kasabay
niyon magkasabay doon dala ng mga sanhing walang may
alam umiimpis at lumiliit sa kabila ng pagtetenis
magpapatuloy ako paglipad pagsalimbay golf sa siyam at

52

labing-walong butas lahat ng uri ng tenis sa isang salita


dala ng mga sanhing walang may alam kina Pekham
Peckham Pulham Clapham ang ibig sabihin kasabay niyon at
magkasabay roon at bukod sa roon dala ng mga sanhing
walang may alam bagaman mababatid balang araw
umiimpis at lumiliit magpapatuloy ako kina Fulham Clapham
sa isang salita ang dami ng nawawala tuwing may
natotodas mula nang mamatay si Obispo Berkeley
pumapatak sa isang pulgada apat na onsa bawat may
matodas humigit-kumulang sa pangkalahatan kung
susumahin sa pinakamalapit na desimal sapat na sukat
walang butal hubot hubad na nakamedyas ang paa sa
Connemara sa isang salita dala ng mga sanhing walang
may alam hindi bale ang mahalaga naririyan ang
katotohanan at kung isasaalang-alang ang higit pa na higit
pang malubha na ayon sa mga nawalang paliwanag nina
Steinweg at Feterman lumilitaw ang higit pa na higit pang
malubha nawalang paliwanag paliwanag paliwanag nina
Steinweg at Peterman na sa mga kapatagan sa mga
bulubundukin sa gilid ng karagatan sa pampang ng mga ilog
na dinadaluyan ng tubig dinadaluyan ng apoy pareho lang
ang hangin at saka ang lupa ang ibig sabihin ang hangin at
saka ang lupa sa sukdulang ginaw sukdulang dilim ang
hangin at ang lupang tahanan ng mga bato sa sukdulang
ginaw naku naku sa taon ng kanilang Panginoon anim na
raan at kung ilan ang hangin ang lupa ang dagat ang lupang
tahanan ng mga bato sa ilalim ng mga kailaliman ang
sukdulang ginaw sa dagat sa lupa sa hangin magpapatuloy
ako dala ng mga sanhing walang may alam sa kabila ng
tenis naririyan ang katotohanan bagaman mababatid
balang araw magpapatuloy ako naku naku sige sige sa
madaling sabi sa wakas sige sige tahanan ng mga bato sino
ang makapag-aalinlangan magpapatuloy ako ngunit huwag
masyadong mabilis magpapatuloy ako ang bungo umiimpis
at nangangayayat at magkasabay roon at kasabay niyon at
bukod sa roon dala ng mga sanhing walang may alam sa
kabila ng tenis sige sige ang balbas ang apoy ang mga luha
ang mga bato ang bughaw ang payapa naku naku sige sige
ang bungo ang bungo ang bungo ang bungo sa Connemara
sa kabila ng tenis ang mga obrang pinabayaan hindi
natapos higit pang malubha tahanan ng mga bato sa isang

53

salita magpapatuloy ako naku naku pinabayaan hindi


natapos ang bungo ang bungo sa Connemara sa kabila ng
tenis ang bungo naku ang mga bato Cunard (Labu-labo,
pangwakas na hiyawan) tenis mga bato ang payapa
Cunard hindi natapos
POZZO. Ang sumbrero niya!
(Susunggaban ni VLADIMIR ang sumbrero ni LUCKY.
Tatahimik si LUCKY. Matutumba. Katahimikan. Paghingal
ng mga panalo.)
ESTRAGON. Nakaganti tayo!
(Susuriin ni VLADIMIR ang sumbrero, sisilipin ang loob.)
POZZO. Akin na `yan. (Aagawin ang sumbrero kay VLADIMIR,
ihahagis ito sa lupa, yuyurakan ito.) `Yan ang katapusan ng
kanyang pag-iisip!
VLADIMIR.

Pero kaya pa ba niyang lumakad?

POZZO. Lumakad o gumapang!


animal!
ESTRAGON.
VLADIMIR.

(Sisikaran si LUCKY.)

Tindig,

Baka patay na.


Papatayin mo `yan.

POZZO. Tindig, basura! (Hahaltakin ang lubid.) Tulungan niyo


`ko!
VLADIMIR. Pano?
POZZO. Itayo niyo siya.
(Itatayo nina VLADIMIR at ESTRAGON si LUCKY, aalalayan
itong sandali, saka bibitawan. Natutumba ito.)
ESTRAGON.

Sinasadya `yan.

54

POZZO. Kailangang hawakan niyo pa. (Sandaling katahimikan.)


Sige, sige, itayo niyo)
ESTRAGON. Punyeta siya!
VLADIMIR.
ESTRAGON.

Sige, ulit.
Anong akala niya sa `tin?

(Itatayo nila si LUCKY, hahawakan.)


POZZO. Huwag niyong bibitawan. (Susuray sina VLADIMIR at
ESTRAGON.) Huwag kayong kikilos. (Kukunin ni POZZO ang
bag at basket at dadalhin ang mga ito kay LUCKY.) Hawakan
niyo nang mahigpit. (Ilalagay ang bag sa kamay ni LUCKY.
Agad itong bibitiwan ni LUCKY.) Huwag niyong bibitawan!
(Isasauli ang bag sa kamay ni LUCKY. Unti-unti, sa hipo ng
bag, mananauli ang ulirat ni LUCKY at titikom ang kanyang
mga daliri sa tatangnan.) Hawakan niyo nang mahigpit!
(Ganoon din ang gagawin sa basket.) Ngayon! Puede nang
bitawan. (Lalayo sina VLADIMIR at ESTRAGON kay LUCKY,
na susuray, gigiwang, manlulupaypay, ngunit mananatiling
nakatindig, bitbit ang bag at basket sa magkabilang kamay.
Aatras si POZZO, ihinahagupit ang latigo.) Arya! (Susuray
si LUCKY nang paharap.) Atras! (Susuray si LUCKY nang
paatras.) Buwelta! (Iikot si LUCKY.) Kaya! Nakakalakad na.
(Haharapin sina VLADIMIR at ESTRAGON.) Salamat sa inyo,
mga ginoo, at hayaan niyong (Kakapa sa mga bulsa.)
hayaan niyong ipagdasal ko ang inyong (Kakapa.)
ipagdasal ko (Kakapa.) Anong ginawa ko sa relos ko?
(Kakapa.) Isang antigong mekanismo, mga ginoo, walang
mintis sa pagbibigay ng tamang oras. (Hahagulgol.) Bigay
sa `kin ng lolo ko!
(Maghahanap sa lupa, pati sina
VLADIMIR at ESTRAGON. Babaligtarin ng paa ni POZZO ang
natitira sa sumbrero ni LUCKY.) Demontres, hindi ba naman

VLADIMIR.

Baka nasa dulo ng kadena.

POZZO. Sandali! (Mamamaluktot upang itapat ang taynga sa


may tiyan, makikinig. Katahimikan.) Wala akong marinig.

55

(Sesenyasan silang lumapit; lalapit sina VLADIMIR at


ESTRAGON, yuyuko upang pakinggan ang tiyan ni POZZO.)
Dapat na naririnig ang tik-tik.
VLADIMIR. Silensiyo!
(Makikinig ang tatlo nang nakabaluktot.)
ESTRAGON.

Me naririnig ako.

POZZO. Saan?
VLADIMIR.

Puso `yan.

POZZO (mabibigo). Punyeta!


VLADIMIR. Silensiyo!
ESTRAGON.

Baka tumigil.

(Tutuwid sila.)
POZZO. Sino sa inyo ang mabaho?
ESTRAGON. Mabaho ang hininga niya, mabantot ang paa ko.
POZZO. Kailangan ko nang lumakad.
ESTRAGON. Panong relos mo.
POZZO. Pihadong naiwan ko sa bahay.
(Katahimikan.)
ESTRAGON. Adiyos, kung ganon.
POZZO. Adiyos.
VLADIMIR.

Adiyos.

POZZO. Adiyos.

56

(Katahimikan. Walang kikilos.)


VLADIMIR. Adiyos.
POZZO. Adiyos.
ESTRAGON.

Adiyos.

(Katahimikan.)
POZZO. At salamat sa inyo.
VLADIMIR.

Salamat sa iyo.

POZZO. Walang anuman.


ESTRAGON.

Oo, oo.

POZZO. Hindi, hindi.


VLADIMIR.
ESTRAGON.

Oo, oo.
Hindi, hindi.

(Katahimikan.)
POZZO. Parang hindi ko kayang (Mahabang pag-aalanganin.)
yumao.
ESTRAGON. Ganyan ang buhay.
(Pipihit si POZZO, lalayo kay LUCKY patungo sa gilid ng
entablado, pahahabain ang lubid habang lumalakad.)
VLADIMIR.

Mali ang pinupuntahan mo.

POZZO. Kailangan ko ng buwelo. (Pagdating sa dulo ng lubid,


i.e., sa labas ng entablado, hihinto, at hihiyaw.) Layo kayo!
(Lalayo sina VLADIMIR at ESTRAGON, titingin sa dako ni
POZZO. Lagitik ng latigo.) Arya! Arya!

57

ESTRAGON.
VLADIMIR.

Arya!
Arya!

(Susulong si LUCKY.)
POZZO: Bilis! (Lilitaw, babagtas sa entablado nang nauuna si
LUCKY. Ikakaway nina VLADIMIR at ESTRAGON ang mga
sumbrero nila. Lalabas si LUCKY.) Arya! Arya! (Sa sandaling
mawala na rin sila, hihinto at pipihit. Mahihigit ang lubid.
Ingay ng paglagapak ni LUCKY.) Bangkito! (Kukunin ni
VLADIMIR ang bangkito at iaabot it okay POZZO na
maghahagis nit okay LUCKY.) Adiyos!
VLADIMIR/ESTRAGON: (Kumakaway.) Adiyos! Adiyos!
POZZO: Tindig! Animal! (Ingay ng pagtindig ni LUCKY.) Arya!
(Lalabas si POZZO.) Bilis! Arya! Adiyos! Animal! Hoa-a!
Adiyos!
(Mahabang katahimikan.)
VLADIMIR: Lumipas ang oras dahil sa kanila.
ESTRAGON: Pihadong lumipas din yon kahit wala sila.
VLADIMIR: Pero hindi ganon kabilis.
(Sandaling katahimikan.)
ESTRAGON: Anong gagawin natin ngayon?
VLADIMIR: Ewan.
ESTRAGON: Tayo na.
VLADIMIR: Hindi puede.
ESTRAGON: Bat hindi?

58

VLADIMIR: Hinihintay natin si Godo.


ESTRAGON: (mawawalan ng pag-asa.) Ay!
(Sandaling katahimikan.)
VLADIMIR: Ang laki ng pinagbago nila.
ESTRAGON: Nino?
VLADIMIR: Nung dalawa.
ESTRAGON: Tama- -magdaldalan tayo.
VLADIMIR: Di ba?
ESTRAGON: Ano?
VLADIMIR: Nagbago.
ESTRAGON: Malamang. Nagbabago silang lahat. Tayo lang ang
hindi.
VLADIMIR: Malamang? Siguro yon. Hindi mo sila nakita?
ESTRAGON: Siguro. Pero hindi ko kilala.
VLADIMIR: Kilala mo.
ESTRAGON: Hindi, hindi ko kilala.
VLADIMIR: Kilala natin, sinasabi ko sayo. Nalilimutan mo lahat.
(Sandaling katahimikan. Sa sarili.) Puwera lang, kung hindi
sila yon. . .
ESTRAGON: Bakit hindi tayo nakilala?
VLADIMIR: Walang ibig sabihin yon. Ako rin, nagkunwaring hindi
ko sila nakilala. Bukod sa ron, wala naming nakakakilala
satin kahit kelan.

59

ESTRAGON: Kalimutan mo na yon. Ang kailangan natin- -Aray!


(Hindi tutugon si VLADIMIR.) Aray!
VLADIMIR: (sa sarili.) Puwera lang, kung hindi sila yon. . .
ESTRAGON: Didi! Yung Kabilang paa naman!
(Iika patungo sa pungo.)
VLADIMIR: Puwera lang, kung hindi sila yon. . .
BATA: (mula sa labas.) Mama!
(Hihinto
si
ESTRAGON.Lilingon
pinanggalingan ng tinig.)

ang

dalawa

sa

ESTRAGON: Heto na naman tayo.


VLADIMIR: Lapit, boy!
(Papasok ang BATANG LALAKI, nahihiya. Hihint.)
ESTRAGON: Mister Albert. . .?
VLADIMIR: Oo.
ESTRAGON: Anong gusto mo?
VLADIMIR: Lapit.
(Hindi titinag ang BATA.)
ESTRAGON: (mamimilit.) Lapit pag sinabi sayong lumapit, bingi
ka ba?
(Lalapit ang BATA nang nag-aalanganin, hihinto.)
VLADIMIR: Ano yon?
ESTRAGON: Si Mister Godo. . .

60

VLADIMIR: Oo nga. . . (Sandaling katahimikan.) Lapit.


ESTRAGON: (marahas.) Puede bang lumapit ka? (Lalapit ang
BATA nang nahihiya.) Bat atrasadung-atrasado ka?
VLADIMIR: Me pasabi kang dala galling ke Mister Godo?
BATA: Oho.
ESTRAGON: Bat atrasadung-atrasado ka?
(Titingin ang BATA sa isa, saka sa isa, hindi malaman kung
kanino tutugon.)
VLADIMIR: (kay ESTRAGON.) Huwag mo siyang pakialaman.
ESTRAGON: (marahas.) Huwag mo kong pakialaman! (Lalapit sa
BATA.) Alam mo ba kung anong oras na?
BATA: (uurong.) Hindi ko ho kasalanan.
ESTRAGON: At kaninong kasalanan? Sakin?
BATA: Natakot ho ako.
ESTRAGON:
Kanino ka natakot?
katahimikan.) Sagutin mo ko!

Samin?

(Sanadaling

VLADIMIR: Alam ko nang nangyari- -natakot siya sa kanila.


ESTRAGON: Gano katagal ka nang nandito?
BATA: Kanina pa ho.
VLADIMIR: Natakot ka sa latigo.
BATA: Oho.
VLADIMIR: Sa mga atungal.

61

BATA: Oho.
VLADIMIR: Sa dalawang malaking tao.
BATA: Oho.
VLADIMIR: Kilala mo ba sila?
BATA: Hindi ho.
VLADIMIR: Tagarito ka ba? (Katahimikan.) Kabisado mo bang
lugar na ito.
BATA: Oho.
ESTRAGON: Puro boladas yan. (Yuyugyugin ang BATA sa braso.)
Magsabi ka ng totoo.
BATA: (nanginginig.) Pero yon ho ang totoo!
VLADIMIR: Puede bang pabayaan mo siya? Ano bang nangyayari
sayo? (Pakakawalan ni ESTRAGON ang BATA, lalayo,
tatakpan ang mukha niya ng mga kamay. Pagmamasdan
siya ni VLADIMIR at ng BATA. Ibababa ni ESTRAGON ang
mga kamay niya. Pangiwi-ngiwi ang mukha.) Ano bang
nangyayari sayo?
ESTRAGON: Nalulungkot ako.
VLADIMIR: Talaga? Kelan pa?
ESTRAGON: Nakalimutan ko na.
VLADIMIR: Ang dalas tayong paglaruan ng alaala!
(Sisikapin ni ESTRAGON magsalita, titigil, iika patungo sa
kanyang puwesto, mauupo, at maghuhubad ng sapatos. Sa
BATA.) O?
BATA: Si Mister Godo.

62

VLADIMIR: NAkita na kita, hindi ba?


BATA: Ewan ko ho.
VLADIMIR: Hindi mo ko kilala?
BATA: Hindi ho.
VLADIMIR: Hindi ikaw ang nagpunta rito kahapon?
BATA: Hindi ho.
VLADIMIR: Unang beses mo lang ito?
BATA: Oho.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Salitaan, salitaan. (Sandaling katahimikan.) Magsalita
ka.
BATA:
(mabilis.) Sabi sakin ni Mister Godo, sabihin ko sa
inyo. . .hindi siya makakarating ngayong gabi pero sigurado
bukas.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Yon lang.
BATA: Oho.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Nagtatrabaho ka ke Mister Godo?
BATA: Oho.
VLADIMIR: Anong trabaho mo?
BATA: Nagpapastol ng kambing.

63

VLADIMIR: Mabait ba sayo?


BATA: Oho.
VLADIMIR: Hindi ka pinapalo?
BATA: Hindi ho. Hindi ako.
VLADIMIR: Sinong pinapalo?
BATA: yon hong kapatid ko.
VLADIMIR: A, me kapatid ka.
BATA: Oho. Lalaki rin.
VLADIMIR: Anong trabaho niya?
BATA: Nagpapastol ng tupa.
VLADIMIR: At bakit hindi ka pinapalo?
BATA: Ewan ko ho.
VLADIMIR: Mahal ka siguro.
BATA: Ewan ko ho.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Supisyete bang binibigay sayong pagkain? (Magaalangan ang BATA.) Pinapakain ka ban g husto?
BATA: Oho naman.
VLADIMIR: Kuntento ka ba? (Mag-aatubili ang BATA.) Narinig mo
bang mga tanong ko?
BATA: Oho.
VLADIMIR: O?

64

BATA: Ewan ko ho.


VLADIMIR: Hindi mo masabi kung kuntento ka o hindi?
BATA: Hindi ho.
VLADIMIR:
Pareho lang pala tayo. (Katahimikan.) san ka
natutulog kung gabi?
BATA: Sa bodega ho.
VLADIMIR: Kasama ng kapatid mo?
BATA: Oho.
VLADIMIR: Sa dayami?
BATA: Oho.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Sige, makakaalis ka na.
BATA: Ano ho ang sasabihin ko kay Mister Godo?
VLADIMIR: Sabihin mo sa kanya. . .(Mag-aalanganin.). . .sabihin
mo sa kanya- -nakita mo kami. (Sandaling katahimikan.)
Nakita mo kami hindi ba?
BATA: Oho.
(Aatras siya, mag-aatubili, pipihit, at lalabas nang patakbo.
Biglang magdidilim. Sa isang saglit, gabi na. Tataas ang
buwan sa likuran, aakyat sa langit, mapapako, nagsasabog
ng maputlang liwanag sa buong tanawin.)
VLADIMIR:
Sa waka! (Titindig si ESTRAGON at lalapit kay
VLADIMIR, tangan sa bawat kamay ang isang sapatos.
Ilalapag ang pares ng sapatos sa gilid ng entablado, tutuwid
at pagmumuni-munihan ang buwan.) Anong ginagawa mo?

65

ESTRAGON: Namumutla sa pagod.


VLADIMIR: Ha?
ESTRAGON: Aakyat sa langit at katutunghay sa tulad natin.
VLADIMIR:
mo?

Ang sapatos mo- -anong ginagawa mo sa sapatos

ESTRAGON: (pipihit upang tingnan ang mga sapatos.) iiwanan ko


riyan. (Sandaling katahimikan.) Me ibang darating na
katulad. . .katulad. . .katulad ko, pero mas maliit ang
paa. . .at matutuwa siya.

VLADIMIR: Pero hindi ka puedeng nakatapak!


ESTRAGON: Bat si Kristo?
VLADIMIR: Si Kristo? Anong koneksyon niyan ke Kristo? Hindi mo
naman siguro ikinukumparang sarili mo ke Kristo!
ESTRAGON: Buong buhay kong ginagaya ang buhay niya.
VLADIMIR: Pero sa bayan niya, mainit at tuyo ang hangin!
ESTRAGON: Oo nga. At ang bilis siyang ipinako sa Krus.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Wala na tayong gagawin ditto.
ESTRAGON: O sa ibang lugar man.
VLADIMIR: Naku, Gogo, huwag kang maggaganyan. Bubuti ang
lahat bukas.
ESTRAGON: Sinong me sabi sayo?
VLADIMIR: Hindi mo ba narinig ang sabi nung bata?

66

ESTRAGON: Hindi.
VLADIMIR: Sigurado raw na darating bukas si Godo. (sandaling
katahimikan.) Anong masasabi mo ron?
ESTRAGON: Pues, walang dapat gawin kundi maghintay rito.
VLADIMIR: Sira ka ba? Kailangan sumilong tayo. (Hahawakan ang
bibig ni ESTRAGON.) Tayo na.
(Hihilahin si ESTRAGON. Susunod si ESTRAGON, saka titigil.
Hihinto sila.)
ESTRAGON: (magmamasid sa puno.) Sayang, wala tayong lubid.
VLADIMIR: Tayo na. Ang lamig.
(Hihilahin si ESTRAGON. Gaya kanina.)
ESTRAGON: Palala mo saking magdala ng lubid bukas.
VLADIMIR: Oo. Tayo na.
(Hihilahin si ESTRAGON. Gaya kanina.)
ESTRAGON: Gano katagal na tayong nagsasama?
VLADIMIR: Ewan ko.; Mga limampung taon na siguro.
ESTRAGON: Natatandaan mo nung ihagis kong sarili ko sa ilog?
VLADIMIR: Pumipitas tayo ng ubas.
ESTRAGON: Sinagip mo ko.
VLADIMIR: Wala na yon, nabaon na sa limot.
ESTRAGON: Pinatuyo sa araw ang damit ko.

67

VLADIMIR: Wala nang kuwentang alalahanin mo pa yon. Tayo


na.
(Hihilahin si ESTRAGON. Gaya kanina.)
ESTRAGON: Sandali.
VLADIMIR: Giniginaw na ko!
ESTRAGON:
Sandali. (Lalayo kay VLADIMIR.) Ewan ko kung
nagging mas mabuting nagkahiwalay tayo, kani-kanya na
lang. (Babagtas sa entablado at mauupo sa punso.) Hindi
pareho ang landasing gusto nating tahakin.
VLADIMIR: (walang galit.) Hindi yan sigurado.
ESTRAGON: Hindi nga. Walang sigurado.
(Dahan-dahang bababagtas si VLADIMIR sa entablado at
mauupo sa tabi ni ESTRAGON.)
VLADIMIR: Puede pa tayong maghiwalay, kung mas mabuti yon
sa tingin mo.
ESTRAGON: Wala nang kuwenta ngayon.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Oo, wala na ngang kuwenta ngayon.
(Katahimikan.)
ESTRAGON: O, tayo na ba?
VLADIMIR: Oo, Tayo na.
(Hindi sila kikilos.)
TELON

68

69

IKALAWANG YUGTO
(Kinabukasang. Dating oras. Dating lugar.
Mga sapatos ni ESTRAGON sa gitna sa harapan, magkadikit
ang mga takong, magkahiwalay ang mga dulo. Sa dating lugar
ang sumbrero ni LUCKY.
May apat o limang dahon ang puno.
Papasok si VLADIMIR nang nasisindak. Hihinto siya at
magmamasid
sa
puno
nang
matagal,
saka
biglang
magpapalakad-lakad sa buong entablado nang marubdob.
Hihinto siya sa harap ng mga sapatos, pupulutin ang isa, susuriin
ito, aamuyin, masusulukasok, ibabalik ito nang maingat.
Magpapalakad-lakad. Hihinto sa dulong kanan at tatanaw sa
malayo, nakatabing sa mata ang isang kamay. Magpapalakadlakad. Hihinto sa dulong kaliwa, gaya kanina. Magpapalakadlakad. Biglang hihinto at magsisimulang kumanta nang malakas.)
VLADIMIR: Pumasok ang aso - (Dahil napakataas ng umpisa, titigil, titikhim, magpapatuloy.
Nang mas mababa.)
Pumasok ang aso sa kusina, Nagnakaw ng kaprasong
tinapay. Hinataw ng sandok ng kusinero at hinataw
hanggang mamatay.
Dumayo lahat ng mga aso, Nagtulonjg maghukay ng
libingan- (Titigil, mag-iisip nang mapanglaw, magpapatuloy.)
Dumayo lahat ng mga aso, Nagtulong maghukay ng
libingan. Sa lapida ito ang isinulat, Ibang asoy nang
mabantaan.

70

Dumayo lahat ng mga aso, Nagtulong maghukay ng


libingan- (Titigil, mag-iisip nang mapanglaw, magpapatuloy.)
Dumayo lahat ng mga aso, Nagtulong maghukay ng
libingan- (Titigil, mag-iisip nang mapanglaw, magpapatuloy.)
Nagtulong maghukay ng libingan. . .
(Sandaling tatahimik at hindi titinag, saka muling
magpapalakad-lakad sa entablado nang marubdob. Hihinto
sa harap ng puno, paparoon at paparito, hihinto sa harap ng
mga sapatos, paparoon at paparito, hihinto sa dulong
kanan, tatanaw sa malayo, lilipat sa dulong kaliwa, tatanaw
sa malayo. Papasok si ESTRAGON mula sa kanan,
nakatapak, nakatungo. Tatawid sa entablado nang dahandahan. Pipihit sa VLADIMIR at makikita ito.
VLADIMIR:
Ikaw uli! (Hihinto si ESTRAGON, ngunit hindi
magtataas ng ulo. Lalapitan siya ni VLADIMIR.)
Halika nang mayakap kita.
ESTRAGON: Huwag mo kong hipuin!
(Magpipigil si VLADIMIR na nasaktan ang damdamin.)
VLADIMIR: Gusto mong umalis na ko? (Sandaling katahimikan.)
Gogo! (Sandaling katahimikan. Pagmamasdang mabuti si
ESTRAGON.) Binugbog ka nila? (Sandaling katahimikan.)
Gogo! (Mananatiling tahimik si ESTRAGON, nakatungo.) San
ka ba nagpalipas ng gabi?
ESTRAGON: Huwag mo kong hipuin! Huwag mo kong uriratin?
Huwag mo kong kausapin! Samahan mo ko!
VLADIMIR: Iniwanan nab a kita kahit kelan?
ESTRAGON: Binayaan mo kong umalis.

71

VLADIMIR: Tingnan mo ko. (Hindi magtatas ng ulo si ESTRAGON.


Mabalasik.) Tingnan mo ko, sabi, e!
(Matataas ng ulo si ESTRAGON. Magtitinginan sila nang
matagal, saka biglang magyayakap nang naghahampasan
sa likod. Wakas ng pagyayakapan. Dahil hindi na
inaalalayan, halos matutumba si ESTRAGON.)
ESTRAGON: Teribleng araw!
VLADIMIR: Sinong bumugbog sayo? Sabihin mo sakin.
ESTRAGON: Isa pang araw ang natapos din.
VLADIMIR: Hindi pa.
ESTRAGON: Tapos na para sakin, anupaman ang nangyari.
(Katahimikan.) Narinig kitang kumanta.
VLADIMIR: Oo, natatandaan ko nga.
ESTRAGON: Yon ang lungkot sakin. Ka ko sa sarili ko, nag-iisa
siya, akala niya tuluyan na kong nawala, kaya kumakantakanta.
VLADIMIR: Hindi kontrolado ng isang tao ang kanyang mga
sumpong. Buong araw na ang sarap ng pakiramdam ko.
(Sandaling katahimikan.) Hindi ko kinailangang bumangon
kagabi, ni minsan!
ESTRAGON: (malungkot.)Kita mo na, mas maginhawa ang pagihi mo pag wala ako.
VLADIMIR: Hinanap-hanap kita. . .samantalang Masaya rin ako.
Hindi ba kakatwa?
ESTRAGON: (mabibigla.) Masaya ka?
VLADIMIR: Baka hindi yon ang tumpak na salita.

72

ESTRAGON: E ngayon?
VLADIMIR: Ngayon. . . (Natutuwa.) Heto ka uli. . . (Walang
damdamin.) Heto uli tayo. . . (Mapanglaw.) Heto uli ako.
ESTRAGON: Ta mo, mas pangit ang pakiramdam mo pag kasama
mo ko. Mas masarap din ang pakiramdam ko pag nag-iisa
lang ako.
VLADIMIR: (Maiinis.) Ganon pala, bat palagi kang gumagapang
pabalik?
ESTRAGON: Ewan ko.
VLADIMIR: Ewan mo nga, pero alam ko. Kasi, hindi mo kayang
ipagtanggol ang sarili mo. Hindi puede saking bugbugin ka
nila.
ESTRAGON: Hindi mo sila kayang pigilan.
VLADIMIR: Anong hindi?
ESTRAGON: Sampu sila.
VLADIMIR: Hindi- - ang ibig kong sabihin, bago ka bugbugin.
Pipigilan kita sa paggawa mo nang kung-anong ginagawa
mo.
ESTRAGON: Wala akong ginagawa.
VLADIMIR: Kung ganon, bat ka nila binubugbog?
ESTRAGON: Ewan ko.
VLADIMIR: Naku, hindi, Gogo- - ang totoo, may mga bagay na
hindi mo napapansin na napapansin ko- - halata mo yung
pihado.
ESTRAGON: Sabi sa yong wala akiong ginagawa.

73

VLADIMIR: Wala nga siguro. Pero yung klase ng paggawa ang


importante, yung paraan ng paggawa- - kung gusto mong
makapamuhay nang tahimik.
ESTRAGON: wala akong ginagawa.
VLADIMIR: Pihado ring maligaya ka naman, sa kaibuturan mo,
kung alam mo lang.
ESTRAGON: Maligaya tungkol sa ano?
VLADIMIR: Dahil nakabalik ka sakin uli.
ESTRAGON: Sa palagay mo ba?
VLADIMIR: Sabihin mong oo, kahit hindi totoo.
ESTRAGON: Anong gusto mong sabihin ko?
VLADIMIR: Sabihin mo - - maligaya ako.
ESTRAGON: Maligaya ako.
VLADIMIR: Ako rin.
ESTRAGON:
Ako rin. (Katahimikan.) Anong gagawin natin
ngayong maligaya na tayo?
VLADIMIR:
Maghintay kay Godo. (Uungol si ESTRAGON.
Katahimikan.) May mga nagbago na mula kahapon.
ESTRAGON: Nagnanaknak lahat.
VLADIMIR: Tingnan mong puno.
ESTRAGON: Tumatagas ang nana bawat sandal. Paiba-ibang
patak ng nana bawat kurap ng mata mo.
VLADIMIR: Ang puno- -tingnan mong puno.)
(Titingnan ni ESTRAGON ang puno.)

74

ESTRAGON: Wala ba yan kahapon?


VLADIMIR:
Nandiyan. Hindi mo ba natatandaan? Muntik na
tayong magbigti riyan. Ayaw mo lang. Hindi mo
natatandaan?
ESTRAGON: Nananaginip ka.
VLADIMIR: Posible bang makalimutan mo na?
ESTRAGON: Ganon ako talaga. Nakakalimutan ko agad o hindi ko
nakakalimutan kahit kelan.
VLADIMIR: E sina POZZO at LUCKY, nakalimutan mo na rin?
ESTRAGON: Sina POZZO at LUCKY?
VLADIMIR: Nakalimutan na niya lahat!
ESTRAGON: Me natatandaan akong sira ulo na sumipa sa alulod
ko. Tapos, umarte nang umarteng parang gago.
VLADIMIR: Yon si LUCKY.
ESTRAGON: Natatandaan ko yon. Pero kelan yon?
VLADIMIR: E yung nag-aalaga sa kany7a, natatandaan mo?
ESTRAGON: Binigyan niya ko ng buto.
VLADIMIR: Yon si POZZO.
ESTRAGON: Kahapon ka mo lahat yon?
VLADIMIR: Kahapon siyempre.
ESTRAGON: At ditto sa kinaroroonan natin ngayon?
VLADIMIR: Saan pa sa palagay mo? Hindi mo ba nakikilala ang
lugar nato?

75

ESTRAGON: (biglang magagalit.) Nakikilala? Anong nariritong


puede kong makilala? Habang buhay akong pagulunggulong sa putik! Tapos, tatanungin mo ko tungkol sa
tanawin? (Lilinga sa paligid nang mabalasik.)
Tingnan mo lang ang tambakang ito! Hindi na ko nakaahon
sa basurahan!
VLADIMIR: Kalamayin mong loob mo.
ESTRAGON: Ikaw at ang mga tanawin mo! Yung mga uod ang
ipagtanong mo sakin!
VLADIMIR:
Ganunpaman,
hindi
mo
sasabihing
may
pagkakahawig ang lugar na ito (Ituturo.) . . .sa. . . (magaatubili.) . . . baryon g Makon, halimbawa. Hindi mo
ikakailang malaking pagkakaiba.
ESTRAGON: Baryon g Makon! Sinong me sinasabi tungkol sa
baryon g Makon?
VLADIMIR: Pero nanggaling ka na ron, sa baryon g Makon.
ESTRAGON: Ano? Hindi pa ko napupunta sa baryon g Makon
kailanman. Habang panahong kong ditto isinusuka ang
parang sukang buhay ko, sinasabi ko sayo. Dito! Sa baryo
ng Makon!
VLADIMIR: Pero magkasama tayo ron isinusumpa ko! Namitas
tayo ng ubas sa asyenda ng isang mamang nangangalang. .
. (Patutunugin ang hinlalaki at hintuturo.) . . .hindi ko
maalala ang tawag sa lugar na yon. . . Hindi mo ba
natatandaan?
ESTRAGON: (mas mahinahon nang kaunti.) Posible. Wala akong
napansin.
VLADIMIR: Pero sa lugar na yon, pula ang buong paligid!

76

ESTRAGON: (mauubusan ng pasensya.) Wala akong napansin,


sabi na!
(Katahimikan. Bubuntung-hininga si VLADIMIR nang
malalim.)
VLADIMIR: Ang hirap mong pakisamahan, Gogo.
ESTRAGON: Buti pa nga, maghiwalay na tayo.
VLADIMIR: Sabi ka nang sabi niyan, balik ka naman nang balik.
ESTRAGON: Ang pinakamabuti, patayin na lang ako, gaya nung
iba.
VLADIMIR: Sinong iba? (Sandaling katahimikan.) Sinong iba?
ESTRAGON: Yung bilyun-bilyong iba.
VLADIMIR: (nagmamatayog.) Bawat tao, may pinapasang sarisariling krus. (Bubuntung-hininga.) Hanggang sa mamatay
siya. (Ihahabol.) At mabaon sa limot.
ESTRAGON:
Samantala, purbahan nating mag-usap
mahinahon, hindi rin lang natin kayang manahimik.
VLADIMIR: Tama. Hindi tayo nauubusan ng mapag-uusapan.
ESTRAGON: Para maiwasan ang pag-iisip.
VLADIMIR: Yon nga ang dahilan natin.
ESTRAGON: Para maiwasan ang pakikinig.
VLADIMIR: Me sarili tayong dahilan.
ESTRAGON: Sa lahat ng mga patay na tinig.
VLADIMIR: parang mga pakpak ang tunog.
ESTRAGON: parang mga dahon.

nang

77

VLADIMIR: Parang mga butyl ng buhangin.


ESTRAGON: Parang mga dahon.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Sabay-sabay silang magsalita.
ESTRAGON: Bawat isa, kinakausap ang sarili.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Bumubulong, kung tutuusin.
ESTRAGON: Kumakaluskos.
VLADIMIR: Bumubulong.
ESTRAGON: Kumakaluskos.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Anong sinasabi?
ESTRAGON: Ibinibidang buhay nila.
VLADIMIR: Hindi sapat sa kanilang mabuhay.
ESTRAGON: Kailangang ibida.
VLADIMIR: Hindi sapat sa kanilang mamatay.
ESTRAGON: Hindi supisyente.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Ang ingay nila, parang mga balahibo.
ESTRAGON: Parang mga dahon.
VLADIMIR: Parang mga abo.

78

ESTRAGON: Parang mga dahon.


(Mahabang katahimikan.)
VLADIMIR: Magsalita ka naman!
ESTRAGON: Pinipilit ko nga.
(Mahabang katahimikan.)
VLADIMIR: (nagdurusa.) Magsabi ka ng kahit ano!
ESTRAGON: Anong gagawin natin ngayon?
VLADIMIR: Maghintay ke Godo.
ESTRAGON: Ay!
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Terible ito!
ESTRAGON: Kumanta ka.
VLADIMIR:
Ayoko, ayoko! (Mag-iisip.) Puede sigurong magumpisa uli tayo sa umpisa.
ESTRAGON: Madali na yon.
VLADIMIR: Yung mag-uumpisa ang mahirap.
ESTRAGON: Puedeng mag-umpisa sa kahit ano.
VLADIMIR: Go, pero kailangang magdesisyon.
ESTRAGON: totoo.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Tumulong ka!

79

ESTRAGON: Pinipilit ko nga.


(Katahimikan.)
VLADIMIR: Maghanap ka, me naririnig ka.
ESTRAGON: Tama.
VLADIMIR: Kaya wala kang makikita.
ESTRAGON: Wala nga.
VLADIMIR: Kaya wala kang maiisip.
ESTRAGON: Mag-iisip ka pa rin.
VLADIMIR: Hindi, hindi. Imposible.
ESTRAGON: Ganyan nga- -magkontrahan tayo.
VLADIMIR: Imposible.
ESTRAGON: Sa tingin mo?
VLADIMIR: Wala nang peligrong makapag-isip pa tayo.
ESTRAGON: Ganon pala, anong inirereklamo natin?
VLADIMIR: Hindi yung pag-iisip ang pinakaterible.
ESTRAGON: Hindi nga siguro. Pero kung anupaman, nandiyan din
yon.
VLADIMIR: Anong yon?
ESTRAGON: Sige- -magtanungan tayo.
VLADIMIR: Anong sinasabi mong Kung anupaman, nandiyan
yon?

80

ESTRAGON: Ang paghupa ng paghihirap.


VLADIMIR: Totoo.
ESTRAGON: Ano kung magpasalamat tayo sa mga biyayang
binibigay satin?
VLADIMIR: Ang teribleng talaga, yung magkaron ng iisipin.
ESTRAGON: Pero nangyari nab a yon satin?
VLADIMIR: Sn galling lahat ng bangkay na ito?
ESTRAGON: lahat ng kalansay na ito.
VLADIMIR: Yon ang sabihi9n mo sakin.
ESTRAGON: Oo nga.
VLADIMIR: Siguradong mag-isip tayo kahit konti.
ESTRAGON: Nung umpisang-umpisa.
VLADIMIR: Parang morge! Parang morge!
ESTRAGON: Hindi mo kailangang tumingin.
VLADIMIR: Hindi mo maiiwasang Makita.
ESTRAGON: Totoo.
VLADIMIR: Gaano mo mang subukan.
ESTRAGON: Ano ka mo?
VLADIMIR: Na piliting iwasan.
ESTRAGON:
loob.

Kailangang sa Kalikasan bumaling nang buo ang

VLADIMIR: Pinurbahan na natin yon.

81

ESTRAGON: Totoo.
VLADIMIR: Naku, hindi yon ang pinakaterible, alam ko.
ESTRAGON: Alin?
VLADIMIR: Ang makaron ng iniisip.
ESTRAGON: Malinaw nga.
VLADIMIR: Pero huwag na lang sana.
ESTRAGON: Que voulez-vous?
VLADIMIR: Ano ka mo?
ESTRAGON: Que voulez-vous?
VLADIMIR: A! Que voulez-vous? Yon mismo!
(Katahimikan.)
ESTRAGON: Hindi masama ang takbo non, ano?
VLADIMIR: Hindi nga, pero kailangang humanap na naman ng
ibang pag-uusapan.
ESTRAGON: Tingnan ko.
(Mag-aalis ng sumbrero, mag-iisip nang mataman.)
VLADIMIR:
Tingnan ko. (Mag-aalis ng sumbrero, nag-iisip.
Mahabang katahimikan.) A!
(MAgsusumbrero sila, nakakahinga nang maluwag.)
ESTRAGON: O?
VLADIMIR: Anong sinasabi ko kanina? Puedeng dun tayo magumpisa.

82

ESTRAGON: Anong sinasabi mo kelan?


VLADIMIR: Nung umpisang-umpisa.
ESTRAGON: Umpisa ng ANO?
VLADIMIR: Kanina. . .ang sabi ko. . .ang sabi ko. . .
ESTRAGON: Naku, hindi ako istoryador.
VLADIMIR:
Teka. . .nagyakapan tayo. . .maligay tayo. .
.maligaya... Anong gagawin natin ngayong maligaya tayo. .
.magpapatuloy sa paghihintay, , ,paghihintay. . .teka. .
.makukuha ko na. . .magpatuloy sa paghihintay. . .ngayong
maligaya tayo. . .teka. . .a! Ang puno!
ESTRAGON: Ang puno?
VLADIMIR: Hindi mo natatandaan?
ESTRAGON: Pagod na ko.
VLADIMIR: Tingnan mo.
(Titingnan nila ang puno.)
ESTRAGON: Wala akong nakikita.
VLADIMIR:
Pero kagabi, itim lahat, saka hubad na hubad.
Nagyon, hitik sa mga dahon.
ESTRAGON: Mga dahon?
VLADIMIR: Sa loob ng isang gabi.
ESTRAGON: Pihadong tagsibol na.
VLADIMIR: Pero sa loob ng isang gabi!

83

ESTRAGON:
Sabin a sayo,
Binabangungot ka na naman.

wala

tayo

rito

kahapon.

VLADIMIR: At nasan tayo kagtabi? Sang-ayon sayo?


ESTRAGON: Anong malay ko? Sa ibang lungga. Mauubusan ba
naman ng kalawakan?
VLADIMIR: (siguro sa sarili.) Magaling. Wala tayo rito kagabi.
Pues, anong ginawa natin kagabi?
ESTRAGON: Ginawa?
VLADIMIR: Pagpilitan mong maalala.
ESTRAGON: Ginawa. . .Nagdaldalan siguro.
VLADIMIR: (nagtitimpi.) Tungkol sa ano?
ESTRAGON: Naku. . .tungkol don, tungkol dito siguro, tungkol sa
kahit ano. (May katiyakan.) Oo, natatamdaan ko na ngayon-nagdaldalan tayo kagabi tungkol sa kung anu-ano.
Kalahating siglo nang parating ganon.
VLADIMIR: Wala kang natatandaan, ni isang bagay, ni isang
pangyayari.
ESTRAGON: (pagod na.) Huwag mo kong pahirapan, Didi.
VLADIMIR: Ang araw. Ang buwan. Hindi mo natatandaan?
ESTRAGON: Andon siguro, gaya nang dati.
VLADIMIR: Wala kang napansing lihis sa karaniwan?
ESTRAGON: Malas!
VLADIMIR: Si POZZO? Si LUCKY?
ESTRAGON: Si POZZO?

84

VLADIMIR: Ang mga buto.


ESTRAGON: Parang pispis ng isda.
VLADIMIR: Si POZZOng nagbigay sayo.
ESTRAGON: Ewan.
VLADIMIR: At ang sipa.
ESTRAGON: Tama, me sumipa nga sakin.
VLADIMIR: Si LUCKYng gumawa non.
ESTRAGON: At kahapon lahat yon?
VLADIMIR: Pakita mong binti mo.
ESTRAGON: Aling binti?
VLADIMIR:
Pareho. Ililihis mong pantaloon mo. (Iaabot ni
ESTRAGON ang isang binti kay VLADIMIR; susuray siya.
Aabutin ni VLADIMIR ang binti. Parehong halos matumba.)
Ililihis mong pantaloon mo.
ESTRAGON: Hindi ko maabot.
(Ililihis ni VLADIMIR ang pantaloon ni ESTRAGON, titingnan
ang binti nito, bibitawan ito. Halos matumba si ESTRAGON.)
VLADIMIR: Yung kabila. (Iaabot ni ESTRAGON ang unang binti pa
rin.) Yung kabila, hayop ka! (Iaabot ni ESTRAGON ang
kabilang binti. Magtatagumpay.) hayan ang sugat! Naguumpisa nang magnana!
ESTRAGON: E no ngayon?
VLADIMIR: (bibitawan ang binti.) Nasan ang sapatos mo?
ESTRAGON: Tinapon ko na siguro.

85

VLADIMIR: Kelan?
ESTRAGON: Ewan ko.
VLADIMIR: Bakit?
ESTRAGON: (ubos na ang pasensya.) Ewan ko kung bakit ewan
ko!
VLADIMIR: Hindi, ang ibig kong sabihin, bakit mo tinapon ang
sapatos mo?
ESTRAGON:
ko!

(ubos na ang pasensya.) Dahil sumasakit ang paa

VLADIMIR: (magtatagumpay, ituturo ang mga sapatos.) Tingnan


mo ron! (Titingnan ni ESTRAGON ang pares ng sapatos.)
Andon mismo sa pinag-iwanan mo kagabi.
(Lalapit si ESTRAGON sa pares ng sapatos, susuriin ito nang
mabuti.)
ESTRAGON: Hindi yan sakin.
VLADIMIR: (matutuliro.) Hindi sayo?
ESTRAGON: Itim yung sakin, kulay-balat yan.
VLADIMIR: Sigurado kang itim yung sayo?
ESTRAGON: Bueno, medyo abuhin.
VLADIMIR: At kulay-balat yan? Pakita mo nga.
ESTRAGON: (pupulutin ang isang sapatos.) Bueno, medyo berde.
VLADIMIR:
Pakita mo. (Iaabot ni ESTRAGON ang sapatos.
Susuriin ito ni VLADIMIR, ihahagis ito nang galit.) Aba,
demontres- ESTRAGON: Ta mo na, panay kademontresan lang yan.

86

VLADIMIR: A! Alam ko na. Oo, alam ko nang nangyari.


ESTRAGON: Panay kademontresan- VLADIMIR: Simple. Me dumaan at pumulot sa sapatos mo at
iniwanan ang sapatos niya.
ESTRAGON: Bakit?
VLADIMIR: Makipot yung kanya, kaya kinuha yung sayo.
ESTRAGON: Pero makipot nga yung sakin.
VLADIMIR: Para sayo, hindi para sa kanya.
ESTRAGON: (pagkatapos subukang maunawaan ang narinig.)
Pagod na ko. (Sanadaling katahimikan.) Tayo na.
VLADIMIR: Hindi puede.
ESTRAGON: Bat hindi?
VLADIMIR: Naghihintay tayo ke Godo.
ESTRAGON: Ay! (Sandaling katahimikan. Mawawalan ng pagasa.) Anong gagawin natin, anong gagawin natin?
VLADIMIR: Wala tayong magagawa.
ESTRAGON: Pero hindi ko na kayang ganito.
VLADIMIR: Gusto mo ng labanos?
ESTRAGON: Yon lang ang meron?
VLADIMIR: Me labanos at me singkamas.
ESTRAGON: Wala kang kamote?
VLADIMIR: Wala na. Saka sobra nang kakakamote mo.

87

ESTRAGON: Kung ganon, bigyan mo ko ng labanos. (Kakapa si


VLADIMIR sa loob ng mga bulsa niya, walang mahahanap
maliban sa mga singkamas; sa wakas, maglalabas ng isang
labanos at iaabot it okay ESTRAGON, na susuriin ito,
aamuyin.) Ang itim!
VLADIMIR: Labanos pa rin.
ESTRAGON: Yung mapula-pula lang ang gusto ko, alam mo yon!
VLADIMIR: De ayaw mo?
ESTRAGON: Yung mapula-pula lang ang gusto ko!
VLADIMIR: De isoli mo sakin!
(Isasauli ni ESTRAGON ang labanos.)
ESTRAGON: Lalakad ako para humanap ng kamote.
(hindi siya kikilos.)
VLADIMIR: Walang kuwenta nang talagang nangyayaring ito.
ESTRAGON: Kulang na kulang.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Bat hindi mo subukan?
ESTRAGON: Nasubukan ko nang lahat.
VLADIMIR: Hindi, ang ibig kong sabihin, yung sapatos.
ESTRAGON: makakabuti ba yon?
VLADIMIR: Panp[alipas ng oras. (Mag-aatubili si ESTRAGON.)
Masisiguro ko sayo, Gawain din yon.
ESTRAGON: Libangan.

88

VLADIMIR: Aliwan.
ESTRAGON: Libangan.
VLADIMIR: Subukan mo.
ESTRAGON: Tutulungan mo ko?
VLADIMIR: Natural.
ESTRAGON:
Makakaraos din tayo, hindi ba, Didi, bastat
magkasama tayo?
VLADIMIR:

Oo, oo. Sige, unahin natin yung kaliwang paa.

ESTRAGON:
Lagi tayong nakakahanap ng kung ano, hindi ba,
Didi, para makapaniwala tayong eto nga tayo?
VLADIMIR:
(mauubusan ng pasensya). Oo, oo, mga
salamangkero tayo. Pero pangatawanan natin ang
napagdesisyunan bago natin makalimutan. (Pupulutin ang
isang sapatos.) Sige, akin nang paa mo. (Itataas ni
ESTRAGON ang paa niya.) Taas mo pa! (Magkapulupot
silang susuray sa entablado. Sa wakas, magtatagumpay si
VLADIMIR sa pagsusuot ng sapatos kay ESTRAGON.)
Subukan mong lumakad. (Lalakad si ESTRAGON.) O, ano?
ESTRAGON:

kasya.

VLADIMIR:
(dudukutin ang sintas sa bulsa niya.) Pues,
subukan mong talian.
ESTRAGON:

(marubdob.) ayoko, ayoko ng itali, ayoko ng itali!

VLADIMIR:
Magsisisi ka. Subukan natin yung kabila. (gaya
kanina.) O, ano?
ESTRAGON:

(pilit na pilit.) Kasya rin.

VLADIMIR:

Hindi masakit?

89

ESTRAGON:

hindi pa.

VLADIMIR:

kung ganon, me sapatos ka na.

ESTRAGON:

Malaki

VLADIMIR:

baka magkaron ka ng medyas baling araw.

ESTRAGON:

Totoo.

VLADIMIR:

Kung ganon sayo na yan.

ESTRAGON:

Tama nang tungkol sa sapatos.

VLADIMIR:

Oo, pero..

ESTRAGON:
(marahas.) Tama na! (katahimikan.) Sa tingin ko,
buti pang maupo ako.
(hahanap ng lugar na mauupuan, saka lalakad at mauupo
sa punso.)
VLADIMIR:

diyan ka nakaupo kagabi.

ESTRAGON:

Makatulog sana ko.

VLADIMIR:

nakatulog ka kahapon.

ESTRAGON:

Pupurbahan ko.

(Babalik sa posisyong tulad ng bata sa bahay-bata, nasa


pagitan ng mga tuhod ang ulo.)
VLADIMIR: Teka. (Lalapit at mauupo sa tabi ni ESTRAGON at
magsisimulang kumanta nang malakas.)
Meme na, meme na
Meme na, meme na
Meme na, meme na

90

Meme na . . .
(Makakatulog si ESTRAGON. Titindig si VLADIMIR nang
maingat, maghuhubad ng amerikana at isasampay ito sa
mga
balikat
ni
ESTRAGON,
saka
magsisimulang
magpalakad-lakad, paimbay-imbay ang mga braso upang
mapag-init ang katawan. Magigising si ESTRAGON nang
paggitla, mapapabalikwas, lilinga nang gulilat. Tatakbuhin
siya ni VLADIMIR, ipupulupot ang bras okay ESTRAGON.)
Ayan . . . ayan . . . Andito si Didi . . . huwag kang matakot .
..
ESTRAGON:

A!

VLADIMIR:

Ayan . . . ayan . . . wala na.

ESTRAGON:

Mahuhulog ako - -

VLADIMIR:

Wala na, wala na.

ESTRAGON:

Nasa tuktok ako ng - -

VLADIMIR:
huwag mo
maglakad-lakad tayo.

nang

ikuwento

(hahawakan si ESTRAGON sa braso


paglakad hanggang sa umayaw ito.
ESTRAGON:

sa
at

kin!

Halika,

aalalayan

sa

Tama na. Pagod na ko.

VLADIMIR:
Mas gusto mong nakatengga ron nang walang
ginagawa?
ESTRAGON:

Oo.

VLADIMIR:

Bahala ka.

(Bibitawan si ESTRAGON, pupulutin ang kanyang amerikana


at isusuot ito.)

91

ESTRAGON:

Tayo na.

VLADIMIR:

Hindi puede.

ESTRAGON:

bat hindi?

VLADIMIR:

Naghihintay tayo ke Godo.

ESTRAGON:
Ay! (Magpapalakad-lakad si VLADIMIR.) Hindi ka
ba puedeng pumirmi sa isang lugar?
VLADIMIR:

Giniginaw ako.

ESTRAGON:

Napakaaga natin.

VLADIMIR: Laging pagkagat ng dilim ang usapan.


ESTRAGON:

Pero hindi klumakagat ang dilim.

VLADIMIR:

Biglang kakagat, gaya kahapon.

ESTRAGON:

At magiging gabi.

VLADIMIR:

At makakaalis na tayo.

ESTRAGON:
At magiging araw uli. (Sandaling katahimikan .
Mawawalan ng pag-asa.) Anong gagawin natin, anong
gagawin natin?
VLADIMIR:
(hihinto, mabalasik.) Puede bang tigilan mong
kauungol mo? Punung-puno na ko sa mga pananaghoy mo!
ESTRAGON:

Aalis na ko.

VLADIMIR:

(MAKIKITA ANG SUMBRERO NI lucky.) Aba!

ESTRAGON:

Paalam

VLADIMIR:
Ang sombrero ni LUCKY. (lalapit.) Sang oras na
ko rito, ngayon ko lang nakita. (Tuwang-tuwa.) Ang inam!

92

ESTRAGON:

Hindi mo na ko makikita.

VLADIMIR:
Sigurado na kong ito nga ang tamang lugar.
Wala nang prublema. (Pupulutin ang sumbrero, pagmumunimunihan ito, uunatin.) Ang ganda siguro nito noon. (Isusuot
ang sumbrero ni LUCKY, iaabot kay ESTRAGON ang sarili
niyang sumbrero.) Eto
ESTRAGON:

Ano?

VLADIMIR:

Tanganan mo.

(Aabutin ni ESTRAGON ang sumbrero ni VLADIMIR. Aayusin


ni VLADIMIR ang sumbrero ni LUCKY sa sarili niyang ulo.
Isusuot ni ESTRAGON ang sumbrero ni VLADIMIR at iaabot
ang sarili niyang sumbrero kay VLADIMIR. Aabutin ni
VLADIMIR ang sumbrero ni ESTRAGON. Aayusin ni
ESTRAGON ang sumbrero ni VLADIMIR sa sarili niyang ulo.
Isusuot ni VLADIMIR ang sumbrero ni LUCKY. Aabutin ni
ESTRAGON ang sumbrero ni LUCKY. Aayusin ni VLADIMIR
ang sumbrero ni ESTRAGON sa sarili niyang ulo. Isusuot ni
ESTRAGON ang sumbrero ni LUCKY at iaabot kay VLADIMIR
ang sumbrero ni VLADIMIR. aabutin ni VLADIMIR ang sarili
niyang sumbrero. Aayusin ni ESTRAGON ang sumbrero ni
LUCKY sa sarili niyang ulo. Isusuot ni VLADIMIR ang sarili
niyang sumbrero at iaabot kay ESTRAGON ang sumbrero
nito. Aabutin ni ESTRAGON ang kanyang sumbrero. Aayusin
ni VLADIMIR ang sarili niyang sumbrero sa kanyang ulo.
Isusuot ni ESTRAGON ang sarili niyang sumbrero at iaabot
kay VLADIMIR ang sumbrero ni LUCKY. Aabutin ni VLADIMIR
ang sumbrero ni LUCKY. Aayusin ni ESTRAGON ang sarili
niyang sumbrero sa kanyang ulo. Isusuot ni VLADIMIR ang
sumbrero ni LUCKY at iaaboy kay ESTRAGON ang sarili
niyang sumbrero. Aabutin ni ESTRAGON ang sumbrero ni
VLADIMIR. Aayusin ni VLADIMIR ang sumbrero ni LUCKY sa
sarili niyang ulo. Isasauli ni ESTRAGON ang sumbrero ni
VLADIMIR kay VLADIMIR na aabot sa sumbrero at
magsasauli nito kay ESTRAGON na aabot sa sumbrero at
magsasauli nit okay VLADIMIR na aabot sa sumbrero at
maghahagis nito sa lupa.)

93

Bagay ba sa kin?
ESTRAGON:

Pangit!

VLADIMIR:

Oo, pero mas pangit bas a karaniwan?

ESTRAGON:

hindi mas pangit, hindi mas maganda.

VLADIMIR:
kung ganon puede na sa kin. Naiinis na ko sa
sumbrero ko.
(Sandaling katahimikan.) pano ko nga ba sasabihin?
(Sandaling katahimikan.) pinangangati ako.
(Huhubarin ang sumbrero ni LUCKY, sisilipin ang loob nito,
aalugin ito, kakatukin ang ibabaw, isusuot uli.)
ESTRAGON:

aalis na ko.

(katahimikan.)
VLADIMIR:

Ayaw mong maglaro?

ESTRAGON:

Maglaro ng ano?

VLADIMIR:

Puede tayo maglaro ng Pozzo at Lucky.

ESTRAGON:

Wala akong alam ng ganung laro.

VLADIMIR:
Ako si Lucky, ikaw si Pozzo. (Gagayahin si LUCKY
na pinanlulupaypay ng bigat ng kanyang mga abastos.
Titingnan siya ni ESTRAGON nang natutuliro.) Ikaw naman.
ESTRAGON:

Pano ng gagawin ko?

VLADIMIR:

Murahin mo ko.

ESTRAGON:

(pagkatapos mag-isip.) Pilyo!

VLADIMIR:

yung mas masakit!

94

ESTRAGON:

Gonococcus! Ispiroket!

(Susuray si VLADIMIR, mamamaluktot.)


VLADIMIR:

Sabihin mong mag-isip ako.

ESTRAGON:

ano?

VLADIMIR:

Sabihin mo - - Isip animal!

ESTRAGON:

Isip, animal!

(katahimikan.)
VLADIMIR:

Hindi ko kaya.

ESTRAGON:

Tama na.

VLADIMIR:

Sabihin mong magsayaw ako.

ESTRAGON:

Aalis na ko.

VLADIMIR:
Sayaw,
hayop!
(Mamimilipit.
Lalabas
si
ESTRAGON sa kaliwa nang pabigla.) Hindi ko kaya!
(Titingala, mapapansing wala si ESTRAGON.) Gogo!
(magpapalakad-lakad sa entablado nang nasisindak.
Papasok si ESTRAGON sa kaliwa nang hinihinga.
Magmamadali patungo kay VLADIMIR, babagsak sa mga
braso nito.) Nandiyan ka na uli sa waksa!
ESTRAGON:

Isinumpa akong talaga!

VLADIMIR:
lubusan.

San ka galling? Akala ko, nawala ka nang

ESTRAGON:

Andiyan na sila!

VLADIMIR:

Sino?

ESTRAGON:

Ewan.

95

VLADIMIR:

Ilan?

ESTRAGON:

Ewan.

VLADIMIR (nagtatagumpay.) Si Godo! Sa wakas! Gogo! Si Godo!


Ligtas na tayo! Halikat salubungin natin! (Kakaladkarin si
ESTRAGON patungo sa labas ng entablado. Lalaban si
ESTRAGON, kakalas, lalabas sa kanan.) Gogo! Bumalik ka!
(Tatakbo si VLADIMIR patungo sa dulong kaliwa, mamalasin
ang abot tanaw. Papasok si ESTRAGON sa kanan,
magmamadali patungo kay VLADIMIR, babagsik sa mga
bisig nito.) Nandiyan ka na naman uli!
ESTRAGON:

Para kong nasa impiyerno!

VLADIMIR:

san ka galing?

ESTRAGON:

Andon din sila!

VLADIMIR:
Napapaligiran tayo! (Susugod si ESTRAGON
patungo sa likuran.) Tanga! Walang lagusan diyan.
(Hahawakan si ESTRAGON sa braso at kakaladkarin patungo
sa harapan. Ituturo ang nasa harap.) Hayan! Wala ni isang
tao! Sulong na! Bilis! (Itutulak si ESTRAGON patungo sa
oditoryum. Aatras si ESTRAGON sa pagkahindik.) Ayaw mo?
(Pagmumuni-munihan ang oditoryum.) Bueno, naiintindihan
kita. Pag-iisipan ko sandal. (Mag-iisip.) Ang pag-asa mo na
lang, magtago nanh husto.
ESTRAGON:

saan?

VLADIMIR:
Sa likod ng puno. (Mag-aatubili si ESTRAGON.)
Bilis! Sa likod ng puno. (Susulong si ESTRAGON at yuyukyok
sa likod ng puno, makahahalatang hindi siya nakukubli,
lalabas.) Talaga palang walang kasilbi-silbing punong ito.
ESTRAGON:
(mas mahinahon.) Nataranta ko. Ipagpatawad
mo. Himdi na mauulit yon. Sabihin mo sakin ang dapat
kong gawin.
VLADIMIR:

Wala kang magagawa.

96

ESTRAGON:
Dun ka tumayo. (Dadalhin si VLADIMIR sa dulong
kanan at ipupuwesto ito nang nakatalikod sa entablado.)
Diyan ka, huwag kang kikilos, mag-abang ka lang. (Mamala
ni VLADIMIR ang abot-tanaw, nakatabing ang mga kamay sa
mata. Tatakbo si ESTRAGON at pupuwesto nang ganoon din
sa dulong kaliwa. Pipihitin nila ang kanilang mga ulo at
magtitinginan sila.) Magkatalikod uli tayo gaya noon!
(Magpapatuloy silang nagtitinginan sandal, saka babalik sa
pagbabantay. Mahabang katahimikan.) me nakikita kang
dumarating?
VLADIMIR:

(lilingon.) Ano ka mo?

ESTRAGON:

(mas malakas.) Me nakikita kang dumarating?

VLADIMIR:

Wala.

ESTRAGON:

Ako rin.

(Babalik sila sa pagbabantay. Katahimikan.)


VLADIMIR/ESTRAGON:(magkasabay pipihit.) May nak
VLADIMIR:

Ipagpaumanhin mo.

ESTRAGON:

Sige lang.

VLADIMIR:

Hindi, hindi, ikaw muna.

ESTRAGON:

Hindi, hindi, ikaw na.

VLADIMIR:

Pinutol kita.

ESTRAGON:

Sa kabilang dako nga.

(Magdidilatan sila nang galit.)


VLADIMIR:

Maseremonyang Unggoy!

ESTRAGON:

Makuriring baboy!

97

VLADIMIR:

Tapusin mong sasabihin mo!

ESTRAGON:

Tapusin mong sayo!

(Katahimikan. Magsasalubong sila, hihinto.)


VLADIMIR:

Gunggong!

ESTRAGON:
Ganyan nga, magmurahan tayo.
Iikot sila, maglalayo, iikot muli at maghaharap.)
VLADIMIR:

Gunggong!

ESTRAGON:

Kutung-lupa!

VLADIMIR:

Bosyo!

ESTRAGON:

Dosyo!

VLADIMIR:

Bayawak!

ESTRAGON:

Prayle!

VLADIMIR:

Sintu-sinto!

ESTRAGON:

(pangwakas.) Mamumuri!

VLADIMIR:

Ay!

(Malalanta siya, mapupuksa, at tatalikod.)


ESTRAGON:

Ngayon, bati na tayo.

VLADIMIR:

Gogo!

ESTRAGON:

Didi!

VLADIMIR:

Ang kamay mo!

ESTRAGON:

Abutin mo!

98

VLADIMIR:

Halika sa mga bisig ko!

ESTRAGON:

Sa mga bisig mo?

VLADIMIR:

Sa dibdib ko!

ESTRAGON:

Arya!

(Magyayakap sila. Maghihiwalay. Katahimikan.)


VLADIMIR:

Anong bilis lumipas ng oras pag me kasayahan!

(Katahimikan.)
ESTRAGON:

Anong gagawin natin ngayon?

VLADIMIR:

Habang naghihintay.

ESTRAGON:

Habang naghihintay.

(Katahimikan.)
VLADIMIR:

Puede tayong mag-ehersisyo.

ESTRAGON:

Mag-iinat.

VLADIMIR:

Maglulundag.

ESTRAGON:

Mag-uunat.

VLADIMIR:

Magtitingkayad.

ESTRAGON:

Mag-uunat.

VLADIMIR:

Para mag-init ang dugo.

ESTRAGON:

Para gumaan ang katawan.

VLADIMIR:

Arya!

99

(Magkakandirit si VLADIMIR sa isang paa, pagkatapos, sa


kabila. Gagayahin siya ni ESTRAGON.)
ESTRAGON:

(titigil.) Tama na. Pagod nako.

VLADIMIR:
(titigil.) Wala tayo sa kondisyon. Purbahan nating
huminga nang malalim.
ESTRAGON:

Pagod na kong huminga.

VLADIMIR:
Tama ka. (Sandaling katahimikan.) Gayahin na
lang natin ang puno para tumibay ang binti.
ESTRAGON:

Ang puno?

(Gagayahin ni VLADIMIR ang puno, maninimbang sa isang


paa.)
VLADIMIR:

(hihinto.) Ikaw naman.

(Gagayahin ni ESTRAGON ang puno, maninimbang sa isang


paa.)
ESTRAGON:

Sa tingin mo kaya, nakikita ako ng Diyos?

VLADIMIR:

Kailangang nakapikit ka.

(Pipikit si ESTRAGON, lalong halos matumba.)


ESTRAGON:
(hihinto, iwawasiwas ang kamao, sukdol ang
pagsigaw.) Kaawaan ako ng Diyos!
VLADIMIR:

(inis.) E ako?

ESTRAGON:
Ako! Ako! Kaawaan! Ako!
(Papasok sina POZZO at LUCKY. Bulag si POZZO. May mga
abastos si LUCKY, gaya ng bdati. Lubid gaya ng dati, ngunit
higit na maikli, upang makasunod si POZZO nang mas
madali. Iba nang sumbrero ang suot ni LUCKY. Sa pagkakita
kina VLADIMIR at ESTRAGON, hihinto siya. Tuluy-tuloy si
POZZO, kayat mababangga sa kanya.)

100

VLADIMIR:

Gogo!

POZZO:
(kakapit kay LUCKY na sumusuray.) Ano yon?
Sino yon?
(Matutumba si LUCKY, mabibitawan ang lahat ng dala at
mapapasama si POZZO. Matitihaya sila nang walang
magawa sa gitna ng nagkalat na abastos.)
ESTRAGON:

Si Godo?

VLADIMIR:
wakas!

Sa wakas! (Lalapit sa tumpok.) Mga kakampi, sa

POZZO:

saklolo!

ESTRAGON:

Si Godo?

VLADIMIR:
Nasisiraan na tayo ng loob. Ngayon, siguradong
mababata na natin ang dilim.
POZZO:

Saklolo!

ESTRAGON:

Naririnig mo siya?

VLADIMIR:
Hindi na tayo mangungulila, naghihintay sa
pagdating ng gabi, naghihintay ke Godo, naghihintay sa . . .
naghihintay. Buong gabi tayong naglalaban ang loob,
walang tumutulong. Tapos na ngayon. Nandito na ang
bukas.
POZZO:

Saklolo!

VLADIMIR:
Tumatakbo nang muli ang oras. Lulubog ang
araw, sisikat ang buwan, at lalayo tayo . . . sa lugar na ito.
POZZO:

Maawa kayo!

VLADIMIR:

Kawawang POZZO!

101

ESTRAGON:

Alam kong siya nga.

VLADIMIR:

Sino?

ESTRAGON:

Si Godo.

VLADIMIR:

Pero hindi yan si Godo.

ESTRAGON:

Hindi yan si Godo?

VLADIMIR:

Hindi yan si Godo.

ESTRAGON:

Sino yan?

VLADIMIR:

Si POZZO.

POZZO:

Dito! Dito! Tulungan niyo kaming bumangon.

VLADIMIR:

Hindi makabangon.

ESTRAGON:

Tayo na.

VLADIMIR:

Hindi puede.

ESTRAGON:

Bat hindi?

VLADIMIR:

Naghihintay tayo kay Godo.

ESTRAGON:

Ay!

VLADIMIR:

Baka may buto me buto uli para sayo.

ESTRAGON:

Buto?

VLADIMIR:

Ng manok. Hindi mo natatandaan?

ESTRAGON:

Siya yon?

VLADIMIR:

Oo.

ESTRAGON:

Tanong mo.

102

VLADIMIR:

Siguro, dapat muna nating tulungan.

ESTRAGON:

Sa ano?

VLADIMIR:

Para makabangon.

ESTRAGON:

Hindi makabangon?

VLADIMIR:

Gustong bumangon.

ESTRAGON:

De bayaan mong bumangon.

VLADIMIR:

Hindi nga kaya.

ESTRAGON:

Bakit?

VLADIMIR:

Ewan.

(Mamimilipit si POZZO, Ihahampas sa lupa ang mga kamao.)


ESTRAGON:
Hingin muna natin ang mga buto. Pag ayaw
niyang ibigay, iwanan natin diyan.
VLADIMIR:

Ibig mong sabihin, hawak natin siya?

ESTRAGON:

Ano pa?

VLADIMIR:
At dapat isalalay an gating pagmamagandangloob sa ilang kondisyon.
ESTRAGON:

Anong kondisyon?

VLADIMIR:
bagay.

Mainam nga yata. Pero kinakabahan ako sa isang

POZZO:

Saklolo!

ESTRAGON:

Sa ano?

VLADIMIR:

Baka biglang umarangkada si LUCKY. Talo tayo.

103

ESTRAGON:

Si LUCKY?

VLADIMIR:

Yung dumaluhong sayo kahapon.

ESTRAGON:

Sabin a sayo, sampung katao sila.

VLADIMIR:

Hindi, nung una pa, yung sumipa sayo.

ESTRAGON:

Andiyan siya?

VLADIMIR:
Buhay na buhay. (Ituturo si LUCKY.) Sa ngayon,
hindi tumitinag. Pero puede yang maghurmentado nang
walang kaabug-abog.
POZZO:

Saklolo!

ESTRAGON:

E kung bugbugin natin, tayong dalawa?

VLADIMIR:
Ibig mong sabihin, kung sugurin natin habang
tulog pa?
ESTRAGON:

Oo.

VLADIMIR:
Magandang ideya yata. Pero kaya ba natin? Tulog
bang talaga? (Sandaling katahimikan.) Hindi, ang
pinakamainan, samantalahin natin ang paghingi ni POZZO
ng saklolo
POZZO:

Saklolo!

ESTRAGON:

Saklulohan natin . . . siya?

VLADIMIR:
Sa
pag-asang
pagmamagandang loob natin.
ESTRAGON:

gagantihan

niya

ang

E kung hindi tayo - -

VLADIMIR:
Huwag na tayong mag-aksaya ng oras sa walang
kapararakang
pagsasalita!
(Sandaling
katahimikan.
Marubdob.) Kumilos tayo habang may pagkakataon pa!

104

Hindi
araw-araw
na
me
nangangailangan
satin.
Nangangailangan sa ating pagkatao mismo. Me iba pang
makakatugon din sa pangangailangang yan, baka mas
mahusay pa satin. Iniuukol yon sa buong sangkatauhan,
ang mga paghingi ng tulong na umaalingawngaw sa ating
mga taynga! Pero sa lugar na ito, sa sandaling ito, tayo lang
ang buong sangkatauhan, gustuhin man natin o hindi.
Gawin natin ang lahat ng makakaya natin bago maging huli
ang lahat! Katawanin natin nang marangal, minsan man
lamang, ang hamak na liping pinagsadlakin satin ng
malupit na Kapalaran! Anong masasabi mo? (Walang
sasabihin si ESTRAGON.) Totoo nga na habang tiklop-bisig
nating tinitimbang pa lang ang mga bentaha at disbentaha
ng kuwestiyong ito, maipagmamalaki na tayo ng mga kauri
natin. Lumulundag ang tigre para tulungan ang kanyang
kadugo nang hindi man nagmumuni-muni, o kayay
nagkakanlong sa pinakaloob ng kagubatan. Pero hindi yon
ang pinag-uusapan. Ano ang ginagawa natin dito - - yon
ang kuwestiyon. At pinagpala tayo sa bagay na ito - - na
nagkataong alam natin ang kasagu7tan. Oo, sa gitna ng gamundong kaguluhan, isang bagay ang bukod-tanging
malinaw. Hinihintay nating dumating si Godo - ESTRAGON:

Ay!

POZZO:

Saklolo!

VLADIMIR:
At lumalalim ang gabi. (Sandaling katahimikan.)
Tumutupad tayo sa usapan, at yon lang ang mahalaga.
Hindi man tayo mga banal, tumutupad pa rin sa usapan.
Ilan sa mga tao ang makapagmamarangal nang ganyan?
ESTRAGON:

Bilyun-bilyon.

VLADIMIR:

Sa akala mo?

ESTRAGON:

Ewan.

VLADIMIR:

Tama ka siguro.

POZZO:

Saklolo!

105

VLADIMIR:
Alam ko lang na ang bagal-bagal ng takbo ng
oras sa ganitong kalagayan, at napipilitan tayong aliwin ang
sarili sa pamamagitan ng mga pangyayaring - - pano
sasabihin? - - parang makatwiran naman sa unang tingin,
hanggang sa makaugalian na. puede mong sabihing para
maiwasan ngang matabunan an gating isipan. Sigurado
yon. Pero hindi ba ang tagal na nyong nagkakaligaw-ligaw
sa mga gabing walang hanggan sa mga banging walang
kapara sa kalaliman. Yan ang malimit kong pinag-iisipan.
Sinusundan mo ba ang pangangatwiran ko?
ESTRAGON:
(magsalawikain sa unang pagkakataon.) Baliw
tayong lahat kung isilang. Ang iba naman, nagpapatuloy sa
kanilang kabaliwan!
POZZO:

Saklolo! Babayaran ko kayo!

ESTRAGON:

Magkano?

POZZO:

Sandaan!

ESTRAGON:

Ang liit.

VLADIMIR:

Sobra naman.

ESTRAGON:

Ang sandaan?

VLADIMIR:
Hindi, ang pagsasabi mong sira na ang ulo ko
pagsilang ko sa mundong ito. Pero hindi yon ang pinaguusapan.
POZZO:

Dos siyentos!

VLADIMIR:
Naghihintay tayo. Nababagot tayo. (Magtataas
ng isang kamay bilang pagsansala kay ESTRAGON.) Huwag
kang umangal- - namamatay tayo sa pagkabagot, hindi yon
maikakaila. Tama. Sa darating naman ang mapaglilibangan - anong ginagawa natin? Sinasayang natin. Halikat
asikasuhin na natin. (Lalapit sa dalawang magkatumpok,
hihinto sa paghakbang.) Sa isang iglap, maglalaho ang lahat

106

at mag-iisa na
(Mamamanglaw.)

naman

POZZO:

Dos siyentos!

VLADIMIR:

Heto na kami!

tayo

sa

gitna

ng

kawalan!

(Magsisikap maitindig si POZZO, mabibigo, magsisikap muli,


matutumba, magsisikap bumangon, mabibigo.)
ESTRAGON:

Ano ba naman ang nangyayari sa inyo?

VLADIMIR:

Saklolo!

ESTRAGON:

Aalis na ko.

VLADIMIR:

Huwag mo kong iiwanan! Papatayin nila ko!

POZZO:

San naron ako?

VLADIMIR:

Gogo!

POZZO:

Saklolo!

VLADIMIR:

Saklolo!

ESTRAGON:

Aalis na ko.

VLADIMIR:
Ibangon
pagkatapos.

mo

muna

ko.

Sasamahan

ESTRAGON:

Pangako?

VLADIMIR:

Isinusumpa ko.

ESTRAGON:

At hindi na tayo babalik ditto maski kelan?

VLADIMIR:

Hindi na!

ESTRAGON:

Pupunta tayo sa pirineo?

kita

107

VLADIMIR:

Kahit saan.

ESTRAGON:
Pirineo.

Ang tagal ko nang pangarap makapagliwaliw sa

VLADIMIR:

Magliliwaliw ka ron.

ESTRAGON:

(uurong.) Sinong umutot?

VLADIMIR:

Si POZZO.

POZZO:

Heto ko! Heto ko. Kaawaan niyo ko.

ESTRAGON:

Bumabaligtad ang sikmura ko.

VLADIMIR:

Dali! Abutin mo ko.

ESTRAGON:
Aalis na ko.
malakas.) Aalis na ko.

(Sandaling

katahimikan.

Mas

VLADIMIR:
Pues, sa katapus-tapusan siguro, makakabangon
di akong mag-isa. (Magsisikap, Mabibigo.) Pagsating ng
oras.
ESTRAGON:

Ano bang prublema mo?

VLADIMIR:

Demonyo ka.

ESTRAGON:

Diyan ka na lang ba?

VLADIMIR:

Mientras tanto.

ESTRAGON:

Manong tumindig ka na, baka sipunin ka riyan.

VLADIMIR:

Huwag mo kong alalahanin.

ESTRAGON:

Sige na, Didi, huwag kang matigas ang ulo.


(Iaabot ang kamay na agad susunggaban ni

VLADIMIR.)

108

VLADIMIR:

Hila!

(Hihilain ni ESTRAGON si VLADIMIR,


matutumba. Mahabang katahimikan.)
POZZO:

Saklolo!

VLADIMIR:

Nandito na kami!

POZZO:

Sino kayo?

VLADIMIR:

Mga tao.

madadapa

siya,

(Katahimikan.)
ESTRAGON:

Ay, hayop!

VLADIMIR:

Hindi ka makabangon?

ESTRAGON:

Ewan.

VLADIMIR:

Purbahan mo.

ESTRAGON:

Mamya na.

(Katahimikan.)
POZZO:

Anong nangyari?

VLADIMIR:
(marahas.) Magtigil ka nga riyan! Peste! Walang
iniisip kundi sarili niya!
ESTRAGON:

Bat hindi muna tayo magsiyesta?

VLADIMIR:
Narinig mo? Gustong malaman kung anong
nangyayari.
ESTRAGON:

Huwag mong pansinin. Matulog ka na!

(Katahimikan.)

109

POZZO:

Maawa kayo sa kin! Maawa kayo sakin!

ESTRAGON:

(magigitla.)

VLADIMIR:

Tulog ka na ba?

ESTRAGON:

Yata.

VLADIMIR:

Ang hayop na POZZONG ito kasi.

ESTRAGON:

Patigilin mo nga. Sikaran mo sa pundiya.

Ano yon.

VLADIMIR:
(hahampisin si POZZO.) Puede bang magtigil ka
na! Kutung-lupa! (kakalas si POZZO nang umuungol sa sakit
at gagapang palayo. Hihinto siya, pakampa-kampas ang
mga kamay nang walang nakikita, humihingi ng saklolo.
Papanoorin ni VLADIMIR nang nakasandal sa kanyang siko
ang pag-atras ni POZZO.) Wala na siya! (Babagsak si
POZZO.) Bumagsak.
ESTRAGON:

Anong gagawin natin ngayon?

VLADIMIR:
kanya.

Puede siguro tayong gumapang papunta sa

ESTRAGON:

Huwag mo kong iwanan.

VLADIMIR:

O puede ko siyang tawagin.

ESTRAGON:

Tawagin mo.

VLADIMIR:
POZZO! (Katahimikan.) POZZO! (Katahimikan.)
Ayaw sumagot.
ESTRAGON:

Sabay tayo.

ESTRAGON/VLADIMIR: POZZO
ESTRAGON:

Sigurado ka bang POZZOng alan niyan?

110

VLADIMIR:
(mababahala.) Mister POZZO! Balik ka rito! Hindi
ka naming sasaktan!
(katahimikan.)
ESTRAGON:
Puede nating purbahan sa kanyang iba-ibang
pangalan.
VLADIMIR:

Naghihingalo na yata.

ESTRAGON:

Ang sarap non.

VLADIMIR:

Anong masarap?

ESTRAGON:
Tawagin siya ng iba-ibang pangalan. Pampalipas
ng oras. At pihadong matsatsambahan natin ang tama,
puede bang hindi?
VLADIMIR:

Sabin a sa yong POZZOng pangalan niya.

ESTRAGON:

Makikita natin. (Mag-iisip.) Abel! Abel!

POZZO:

Saklolo!

VLADIMIR:

Nag-uumpisa na kong mapagod sa eksenang ito.

ESTRAGON:

Baka si Cain yung isa. Cain! Cain!

POZZO:

Saklolo!

ESTRAGON:
Siya ang buong sangkatauhan. (Katahimikan.)
Tingnan mong maliit na ulap, O.
VLADIMIR:

(titingala.) San?

ESTRAGON:

Ayun! Sa kaitaasan.

VLADIMIR:
E no ngayon? (Sandaling katahimikan.) Anong
nakakagulat don?
(Katahimikan.)

111

ESTRAGON:

Ibahin na natin ang usapan, puede ba?

VLADIMIR:

Yon nga ang sasabihin ko.

ESTRAGON:

Pero ano?

VLADIMIR:

Ay!

(Katahimikan.)
ESTRAGON:

Ano kung magbangon muna tayo?

VLADIMIR:

Hindi masama.

(Magbabangon sila.)
ESTRAGON:

Ang dali.

VLADIMIR:

Kailangan mo lang dibdibin.

ESTRAGON:

At ngayon?

POZZO:

Saklolo!

ESTRAGON:

Tayo na.

VLADIMIR:

Hindi puede.

ESTRAGON:

Bat hindi?

VLADIMIR:

Naghihintay tayo ke Godo.

ESTRAGON:
natin?

Ay! (Mawawalan ng pag-asa.) Anong gagawin

POZZO:

Saklolo!

VLADIMIR:

Ano kung tulungan natin siya?

ESTRAGON:

Ano bang gusto niya?

112

VLADIMIR:

Gusto niyang bumangon.

ESTRAGON:

Bat hindi siya bumangon?

VLADIMIR:

Gusto niyang tulungan? Anong hinihintay natin?

(Tutulungan nila si POZZO na makatayo, bibitawan ito.


Matutumba si POZZO.)
VLADIMIR:
kailangang hawakan natin. (Muli itong itatayo.
Lalaylay si POZZO sa pagitan nila, nakasampay ang mga
braso sa kanilang mga leeg.) Mas mabuti na bang
pakiramdam mo?
POZZO:

Sino kayo?

VLADIMIR:

Hindi mo kami namumukhaan?

POZZO:

Bulag ako.

(Katahimikan.)
ESTRAGON:

Baka marunong siyang manhula.

VLADIMIR:

Kelan pa?

POZZO:
Ang talas ng mata ko nung dati - - pero mga
kaibigan ba kayo?
ESTRAGON:
(tatawa nang maingay.) Gusto niyang malaman
kung magkaibigan tayo!
VLADIMIR:
Hindi, ang ibig niyang sabihin - - kung mga
kaibigan niya tayo.
ESTRAGON:

Ano nga ba?

VLADIMIR:
Napatunayan na nating mga kaibigan tayo - tinulungan natin siya.

113

ESTRAGON:
Oo nga. Tutulong ba naman tayo kung hindi tayo
mga kaibigan?
VLADIMIR:

Puede rin.

ESTRAGON:

Tama.

VLADIMIR:

Huwag na nating pagtalunan yon.

POZZO:

Hindi kayo mga tulisan?

ESTRAGON:

Mga tulisan? Mukha ba naman kaming tulisan?

VLADIMIR:
tao?

Demonyo, hindi mo ba nakikitang bulag yung

ESTRAGON:
Demonyo,
katahimikan.) Daw.

bulag

nga

pala.

(Sandaling

POZZO:

Huwag niyo kong iwanan!

VLADIMIR:

Hindi mangyayari yon.

ESTRAGON:

Sa ngayon.

POZZO:

Anong oras na?

VLADIMIR:

(susuriin ang langit.) Alas siyete. . . alas otso . . .

ESTRAGON:

Depende kung anong panahon.

POZZO:

Madilim na ba?

(Katahimikan. Pakakasuriin nina VLADIMIR at ESTRAGON


ang paglubog ng araw.)
ESTRAGON:

Tumataas ang araw.

VLADIMIR:

Imposible.

ESTRAGON:

Nag-uumaga na siguro.

114

VLADIMIR:

Huwag kang gago. Kanluran yan.

ESTRAGON:

Anong malay mo?

POZZO:

(nagdurusa.) Madilim na ba?

VLADIMIR:

Kung anuman, hindi gumagalaw.

POZZO:

Bakit hindi niyo ko sagutin?

ESTRAGON:

Bigyan mo kami ng pagkakataon.

VLADIMIR:
(Pinapatibay ang sarili loob.) Madilim na, ginoo,
madilim na. Malapit nang gumabi. Gusto ng kaibigan ko
ritong
mag-alinlangan
ako,
at
ipagtatapat
kong
nagdalawang-isip nga akong sandal. Pero hindi nasasayang
ang pagsubaybay ko sa buong araw na pinagdaanan ko, at
matitiyak ko sa yong malapit nang sumapit
ang
pagwawakas nito. (Sandaling katahimikan.) Kumustang
pakiramdam mo?
ESTRAGON:
Gano katagal pa nating papasanin ang taong
ito? (Halos bitawan si POZZO ng dalawa, sasaluhin ito bago
bumagsak.) Hindi tayo sampayan.
VLADIMIR:
sabi mo kanina, matalas ang paningin mo noon - kung tama ang dinig ko sayo.
POZZO:

Ang talas-talas! Ang talas-talas ng paningin ko!

(Katahimikan.)
ESTRAGON:

(inis.) Kuwento pa! Kuwento pa!

VLADIMIR:
Bayaan mo siya. Hindi mo ba nakikitang
ginugunita niya ang mga araw nung maligaya pa siya?
(Sandaling katahimikan.) Memoria praeteritorum bonorum - pihadong ang sama ng pakiramdam non.
ESTRAGON:

Malay natin.

115

VLADIMIR:

At nangyari yan sayo nang biglang-bigla?

POZZO:
Nagising na lang ako isang araw, mas bulag pa
sa Tadhana. (Sandaling katahimikan.) Kung minsan, naiisip
kong baka natutulog pa ako.
VLADIMIR:

At kelan yon nangyari?

POZZO:

Ewan ko ba.

VLADIMIR:

pero kelan lang siguro- -

POZZO:
(marahas.) Huwag kang kelan nang kelan sa
akin? Walang alam sa oras ang bulag. Nalilingid sa kanya
ang takbo ng panahon.
VLADIMIR:
Aba, kuruin
kabaligtaran nga.

mo!

Ang

ESTRAGON:

Aalis na ko.

POZZO:

Nasan ba tayo?

VLADIMIR:

Hindi ko masasabi sayo.

buong

akala

ko,

POZZO:
Posible bang nandon tayo sa lugar na tinatawag
na Entablado?
VLADIMIR:

Hindi ko alam.

POZZO:

Anong itsura ng lugar na ito?

VLADIMIR:
(lilinga sa paligid.) Mahirap masabi. Walang
kamukha. Walang kahit ano. Me isang puno lang.
POZZO:

Kung ganon, hindi nga ito ang Entablado.

ESTRAGON:

(manlalata.) Anong klaseng libangan ito?

116

POZZO:

Nasan ang utusan ko?

VLADIMIR:

Sa tabi-tabi.

POZZO:

Bakit ayaw sumagot pagtawag ko?

VLADIMIR:

Ewan. Parang natutulog. Baka patay na.

POZZO:

Ano ba mismong nangyari?

VLADIMIR:
Nadapa
kayong
Katahimikan.) At natumba.

dalawa.

(Sandaling

POZZO:

Tingnan mo kung nasaktan siya.

VLADIMIR:

Hindi ka naming puedeng iwanan.

POZZO:

Hindi niyo kailangang mawala nang sabay.

VLADIMIR:

(kay ESTRAGON.) Ikaw ang tumingin.

ESTRAGON:

pagkatapos ng ginawa niya sakin? Ayoko nga//1

POZZO:
Sige, sige, yung kaibigan mong palakarin mo - ang baho ng amoy niya. (Katahimikan.) Ano pang
hinihintay niya?
VLADIMIR:

Anong hinihintay mo.

ESTRAGON:

Hinihintay ko si Godo.

(Katahimikan.)
VLADIMIR:

Ano bang dapat niyang gawin?

POZZO:
Bueno, sa umpisa, dapat niyang hilahin ang
lubid, hilahin niya hanggang gusto niya, huwag lang niyang
sasakalin yung tao. Titinag na yon. Pag wala pang
mangyari, dapat niyang patikimin ng sipa, sa mukha at sa
kabahagi kung maabot niya.

117

VLADIMIR:
(kay ESTRAGON.) Ta mo, wala kang dapat
ikatakot. Makakaganti ka pa nga.
ESTRAGON:

E kung ipagtanggol ang sarili niya?

POZZO:
niya.

Hindi, hindi niyang ipinagtatanggol ang sarili

VLADIMIR:

Sasaklulohan kita ora mismo.

ESTRAGON:

Huwag mong aalisin sakin ang mata mo.

(Lalapit kay LUCKY.)


VLADIMIR:
Siguruhin mong buhay pa siya bago ka magumpisa. Saying ang pagod mo kung patay na.
ESTRAGON:

(yuyuko sa tabi ni LUCKY.) Humihinga.

VLADIMIR:

Pues, tira na.

(Biglang pagsisisipain ni ESTRAGON si LUCKY nang galit na


galit, kasabay ng pagmumura rito. Ngunit masasaktan ang
paa niya at lalayo siya nang umiika at umuungol. Titingnan
si LUCKY.)
ESTRAGON:

Hayop na hayop!

(mauupo sa punso at sisikaping hubarin ang sapatos. Ngunit


agad siyang hihinto at aatupagin ang pagtulog, nakapatong
sa mga tuhod ang mga braso, at nakapatong ang ulo sa
mga braso.)
POZZO:

Anong nangyari?

VLADIMIR:

Nasaktan sa paang kaibigan ko.

POZZO:

Si LUCKY?

VLADIMIR:

Si LUCKY nga pala siya?

118

POZZO:

Ano ka mo?

VLADIMIR:

Si LUCKY ba siya?

POZZO:

Hindi kita maintindihan.

VLADIMIR:

Do ikaw si POZZO.

POZZO:

Si POZZO ako, natural.

VLADIMIR:

Gaya kahapon?

POZZO:

Kahapon?

VLADIMIR:
Nagkakilala tayo kahapon. (Katahimikan.) Hindi
mo ba natatandaan?
POZZO:
Wala akong natatandaang nakilala ko kahapon.
Pero bukas, hindi ko rin naman matatandaang nagkakilala
tayo ngayon. Kaya huwag mong asahang matutulungan kita
sa bagay na yan.
VLADIMIR:

Pero - -

POZZO:

Tama na. Bangon, animal!

VLADIMIR:
Dadalhin mo ka mo siya sa perya para ibenta.
Nagkuwento ka samin. nagsayaw siya. Nag-isip siya.
Nakakakita ka pa non.
POZZO:
Ikaw ang bahala. Paraanin mo ko. (Lalayo si
VLADIMIR.) Bangon!
(Magbabangon si LUCKY sa harap ni POZZO nang
nabibigatan sa mga bitbitin.) Latigo. (ibababa ni LUCKY ang
lahat, hahanapin ang latigo, maghahanap ito, ilalagay ito sa
kamay ni POZZO, bibitbitin na naman ang lahat.) LUBID!
(Ibababa ni LUCKY ang lahat, ilalagay ang dulo ng lubid sa
kamay ni POZZO, saka muling bibitbitin ang lahat.)
VLADIMIR: Ano bang laman ng bag na yon?

119

POZZO:
VLADIMIR:
POZZO:

Buhangin. (Hahaltakin ang lubid.) Arya!


Huwag muna kayong umalis.
Lalakad na ko.

VLADIMIR:
Anong ginagawa niyo pag natutumba kayo nang
malayo sa makakasaklolo sa inyo?
POZZO:
Naghihintay kami hanggang sa makabangon kami
mag-isa. Saka kami lumalakad. Arya!
VLADIMIR: Pakantahin mo siya bago kayo lumakad!
POZZO:
VLADIMIR:
POZZO:
VLADIMIR:
POZZO:
VLADIMIR:
POZZO:
VLADIMIR:

Sino?
Si LUCKY.
Pakantahin?
Oo. O pag-isipin. O pabigkasin.
Pero pipi siya.
Pipi!
Pipi. Ni hindi makaungol.
Pipi. Kelan pa!

POZZO:
biglang magagalit.) Hindi ka pa ba tapos sa
pagpapahirap sakin sayong kakekelan? Kasumpa-sumpang
talaga! Kelan! Kelan. Isang araw - - hindi pa ba yon sapat
sayo? Isang araw gaya ng lahat ng araw - - isang araw
nagging pip[I siya, isang araw nagging bulag ako, isang
araw magiging bingi tayo, isang araw isinilang tayo, isang
araw mamamatay tayo, isang araw ding yon, sa saglit ding
yon - - hindi pa ba yan sapat sa sayo? (Mas mapayapa.)
Nagluluwal sila ng sanggol, nakabukaka sa ibabaw ng

120

hukay, sandaling kumikislap ang liwanag, saka muling


naghahari ang karimlan.) (Hahaltakin ang lubid.) Arya!
(Lalabas sina POZZO at LUCKY. Susundan sila ni VLADIMIR
hanggang sa gilid ng entablado, tatanawin ang paglayo nila.
Ingay ng pagbagsak sa lupa, na patitindihin ng paggagad ni
VLADIMIR - - natumba na naman ang dalawa. Katahimikan.
Lalapit si VLADIMIR kay ESTRAGON, pag-aaral itong sandal,
saka ito yuyugyugin upang magising.)
ESTRAGON:
(maaalimpungatan, pakampay-kampay ang mga
braso, hindi mawawaan ang pangungusap. Sa wakas.) Bat
ayaw mo kong patulugin kahet kelan?
VLADIMIR: Nalulungkot ako.
ESTRAGON: Nananaginip ako. Ang saya ko.
VLADIMIR: Pampalipas ng oras.
ESTRAGON: Napaginipan kong - VLADIMIR: (marahas.) Huwag mo nang ikuwento! (Katahimikan.)
Ewan ko kung bulag siyang talaga.
ESTRAGON: Bulag? Sino?
VLADIMIR: Si POZZO.
ESTRAGON: Bulag?
VLADIMIR: Sabi ni tin bulag siya.
ESTRAGON: E no ngayon?
VLADIMIR: Sa damdam ko, nakita niya tayo.
ESTRAGON: Nananaginip ka. (Sandaling katahimikan.) Tayo na.
Hindi puede. Ay? (Sandaling katahimikan.) Sigurado ka bang
hindi siya yon?

121

VLADIMIR: Sino?
ESTRAGON: Si Godo.
VLADIMIR: Sino nga?
ESTRAGON: Si Pozzo.
VLADIMIR:
Imposible! (Mag-aalangan.) Imposible. (lalo pang
mag-aalangan.) Imposible!
ESTRAGON: Tumayo na nga siguro ako. (Titindig, masasaktan.)
Aray! Didi!
VLADIMIR: Hindi ko na alam ang dapat kong isiupin.
ESTRAGON: Ang mga paa ko! (Mauupo, susubukang hubarin ang
mga sapatos.) Tulungan mo ko.
VLADIMIR:
Natutulog ba ko habang nagdurusa ang iba?
Natutulog ba ko ngayon? Bukas, paggising ko, o sa palagay
kong paggising ko, anong sasabihin ko tungkol sa araw na
ito? Na kasama si Estragong kaibigan ko, sa lugar na ito,
hanggang sumapit ang gabi, naghintay ako ke Godo? Na
dumaan si Pozzo, kasama ang kanyang kargador, at
nakipag-usap siya samin? siguro. Pero sa lahat na yon,
anong katotohanan ang nilalaman?
(Dahil nabigo sa paghuhubad ng sapatos, tulog nang muli si
ESTRAGON.) wala siyang kamalay-malay. Sasabihin niya
sakin tungkol sa sumipa sa kanya at bibigyan ko siya ng
kamote. (Sandaling katahimikan.) Nakabukaka sa ibabaw ng
hukay at naghihirap sa pagluluwal. Mula sa ilalim ng balon,
patay-patay na ipinansusungkit ng sepulturero ang sipit.
May panahon pa tayong tumanda. Puno ng iyakan ang
buong paligid. (Makikinig.) pero nakakagamayan din natin
dahil sa dalas ng pag-ingit.
(Muling pagmamasdan si ESTRAGON.) Sakin din, may kung
sinong tumutunghay, natutulog siya, walang kamalaymalay, huwag niyong gigisingin. (Sandaling katahimikan.)
Hindi ko na kayang magpatuloy!

122

(Sandaling katahimikan.) Ano bang nasabi ko na?


(Magpapalakad-lakad nang marubdob, hihinto sa wakas sa
dulong kaliwa. Mamamanglaw. Papasok ang BATA sa kanan.
Hihinto siya. Katahimikan.)
BATA: Mister. . . (Lilingon si VLADIMIR.) Mister Albert?
VLADIMIR: Heto na naman kami. (Sandaling katahimikan.) Hindi
mo ko nakikilala?
BATA: Hindi ho.
VLADIMIR: Hindi ikaw ang nagpunta rito kahapon.
BATA: Hindi ho.
VLADIMIR: Unang punta mo ngayon.
BATA: Oho.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Me pasabi sayo si Mister Godo.
BATA: oho.
VLADIMIR: Hindi siya makakarating ngayong gabi.
BATA: Hindi ho.
VLADIMIR: Pero darating siya bukas.
BATA: Oho.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Me nakasalubong ka bang kahit sino?
BATA: Wala ho.

123

VLADIMIR: Dalawang . . . (Mag-aatubili.) . . .tao?


BATA: Wala ho akong nakita.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Anong ginagawa niya, si Mister Godo? (Katahimikan.)
Narinig mo ba ko?
BATA: Oho.
VLADIMIR: O?
BATA: Wala ho siyang ginagawa.
(katahimikan.)
VLADIMIR: Kumustang kapatid mo?
BATA: May sakit ho.
VLADIMIR: Siya sigurong nagpunta rito kahapon.
BATA: Aywan ko ho.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: (mahina.) Me balbas ba siya, si Mister Godo?
BATA: Oho.
VLADIMIR: Puti . . . O . . . (Mag-aatubili.) . . . itim?
BATA: Puti ho yata.
(Katahimikan.)
VLADIMIR: Kaawaan tayo ng Panginoon!
(Katahimikan.)

124

BATA: Ano ho ang sasabihin k okay Mister Godo?


VLADIMIR: Sabihin mo sa kanya . . . (Mag-aatubili.) . . . sabihin
mo sa kanyang nakita mo ko, saka . . . (Mag-aatubili.) . . .
sabihin mong nakita mo ko. (Sandaling katahimikan. Lalapit
si VLADIMIR. Hihinto ang BATA. Biglang mabalasik.) Sigurado
kang nakita mo ko! Hindi mo sasabihin bukas pagpunta mo
rito ha hindi mo pa ko nakikita kahit kelan! (Katahimikan.
Biglang susugod si VLADIMIR sa BATA, iiwas ito at tatakbong
palabas. Katahimikan. Lulubog ang araw, tataas ang buwan.
Gaya sa Unang Yugto. Nakatindig nang walang-tinag si
VLADIMIR, nakatungo. Gigising si ESTRAGON, maghuhubad
ng sapatos, titindig nang hawak ang isang sapatas ng
sapatos sa bawat kamay, at lalakad upang ilapag ang pares
ng sapatos sa gitna ng harapan ng entablado, saka lalapit
kay VLADIMIR.
ESTRAGON: Anong nangyayari sayo?
VLADIMIR: Wala.
ESTRAGON: Aalis na ko.
VLADIMIR: Ako rin.
ESTRAGON: Ang tagal ban g tulog ko?
VLADIMIR: Ewan ko.
(Katahimikan.)
ESTRAGON: San ang punta natin?
VLADIMIR: Diyan lang.
ESTRAGON: Naku, sa malayung-malayo tayo pupunta.
VLADIMIR: Hindi puede.
ESTRAGON: Bat hindi?

125

VLADIMIR: Kailangang bumalik ditto bukas.


ESTRAGON: Para ano?
VLADIMIR: Para maghintay ke Godo.
ESTRAGON: Ay! (Katahimikan.) Hindi dumating?
VLADIMIR: Hindi.
ESTRAGON: At masyado nang gabi.
VLADIMIR: Gabi na nga.
ESTRAGON: E kung kalimutan na lang natin siya? (Sandaling
katahimikan.) Kung kalimutan na lang natin?
VLADIMIR: Lagot tayo sa kanya. (Katahimikan. Titingin sa puno.)
Patay ang lahat, puwera lang ang puno.
ESTRAGON: (nakatingin sa puno.) Ano ba yan?
VLADIMIR: Puno.
ESTRAGON: Oo, pero anong klase?
VLADIMIR: Ewan.
(Hihilahin ni ESTRAGON si VLADIMIR palapit sa puno.
Titindig sila nang walang-tinag sa harap nito. Katahimikan.)
ESTRAGON: Bat hindi tayo magbigti?
VLADIMIR: Pano?
ESTRAGON: Wala kang kaprasong lubid?
VLADIMIR: Wala.
ESTRAGON: Hindi nga puede.

126

(Katahimikan.)
VLADIMIR: Tayo na.
ESTRAGON: Teka, me sinturon ako.
VLADIMIR: Masyadong maigsi.
ESTRAGON: Puede kang maglambitin sa mga binti ko.
VLADIMIR: At sinong maglalambitin sakin?
ESTRAGON: Oo nga, ano?
VLADIMIR: Tingnan ko. (Kakalasin ni ESTRAGON ang tali na
tumatangan sa kanyang pantaloon na, dahil masyadong
maluwag, malalaglag. Titingnan nila ang tali.) Pu-puede na
siguro kung magkagipitan. Pero matibay ba?
ESTRAGON: Makikita natin. Hawakan mo.
(Hahawakan nila ang magkabilang dulo ng tali
maghihilahan. Malalagot ang tali. Halos matumba sila.)
VLADIMIR: Walang silbi.
(Katahimikan.)
ESTRAGON: Kailangan ka mong bumalik ditto bukas?
VLADIMIR: Oo.
ESTRAGON: De puedeng magdala ng mahabang lubid.
VLADIMIR: Oo.
(Katahimikan.)
ESTRAGON: Didi.
VLADIMIR: O?

at

127

ESTRAGON: Hindi ko na kaya ang ganito.


VLADIMIR: Akala mo lang yon.
ESTRAGON: Kung maghiwalay tayo. Baka mas mainam.
VLADIMIR: Magbigti tayo bukas. (Sandaling katahimikan.) Puwera
lang, kung dumating si Godo.
ESTRAGON: At kung dumating nga?
VLADIMIR: Ligtas na tayo.
(huhubarin ni VLADIMIR ang sumbrero niya - - nadumating
kay LUCKY - - sisilipin ang loob nito, kakapain, aalugin ito,
tutuktukin ang ibabaw nito, isusuot muli.)
ESTRAGON: O? Tayo nab a?
VLADIMIR: Itaas mong pantaloon mo.
ESTRAGON: Ha?
VLADIMIR: Itaas mong pantaloon mo.
ESTRAGON: Gusto mong hubuin kong pantaloon ko?
VLADIMIR: Itaas ang sabi ko.
ESTRAGON: (mapapansing nalaglag ang pantaloon niya.) Tama
(Magtataas ng pantaloon.)
VLADIMIR: O? Tayo na?
ESTRAGON: Tayo na.
(Hindi sila kikilos.)

128

TELON

You might also like