Zombie Apocalypse (1) #

You might also like

You are on page 1of 39

December 20, 2011

Umuulan ngayon sa Cubao. Tahimik na nakaupo sa isang Taxi si George. Nakapatong sa


kanyang mga hita ang isang briefcase. Mahigpit na mahigpit ang hawak niya dito,
tila takot na takot na may mangagaw nito. Kanina pa siya tinitingnan ng driver.
Hindi ito ang unang beses na nagkaroon siya ng pasahero na ganyan. Kadalasan, mga
adik atsaka mga nasiraan na ng ulo ang ganyang kung kumilos. Naghanda siya sa kung
anu mang pwedeng gawin ng misteryosong lalaki.

"Manong, Para." sabi niya nung nandun na sila sa isang madilim na eskinita.

"Okay lang po ba kayo dito? Umuulan pa po, mukha pong wala naman po kayong
payong..." sabi ng mama. Naibsan ng konti ang kanyang takot na makita niyang
maganda naman pala ang suot ng lalaki. Isang corporate suit. Mayaman, at mukhang
respetable. Kung hindi lang sana siya basang basa ng pawis dahil sa nerbyos,
magmumukha talagang negosyante ang lalaki.

"Okay na ako dito manong. Sandali lang naman ako mapupunta sa ulan eh. Makakasilong
ako kaagad." Nagtaka si manong sa sinabi ng lalaki, pero pinabayaan na lang niya
ito. Binabayaran siya ng mga tao para maghatid, hindi para magtanong.

"Sige po." tapos iniiabot na ni George ang bayad. Isang libong piso.

"Wag niyo na akong suklian manong. Bilisan niyo na lang ang pagmaneho paalis." sabi
niya habang bumababa.

"S-Sige po." Pagkasarado na pagkasarado ng pintuan ng Taxi, pinaharurot na ng


matanda ang kanyang taxi bago magbago ang isip ng lalaki. Sampong beses ang
ibinayad ng isang costumer, hinding hindi niya ito tatanggihan.

Napabuntong hininga si George. Tumingin siya sa madilim na langit. Dahil umuulan,


walang bituin at walang buwan. Hinawakan niya ang isang pader doon, at pagkatapos,
pumasok na siya sa nakakasakal na kadiliman.

Nagsimula ang lahat sa Epic of Gilgamesh, 2000 years ago sa lugar na tinatawag na
Ancient Mesopotamia. Ang dyosa na si Ishtar ang nagsabing "the dead will outnumber
the living"...

Tapos nagevolve ito sa Norse Mythology, tinawag itong "draugr", isang bangkay na
muling nabuhay na kumakain ng laman ng tao...

Pagkatapos, pumasok ito sa mga Clasic Novels, tulad ng Frankenstein, The Death of
Halpin Freyser, and at mga Classic Novels nina Edgar Allan Poe at H.P. Lovecraft.

Sumanib ito sa mga classic films katulad ng Things to Come, at ang all-time
favorite, Night Of The Living Dead.

Ang mga kwento tungkol sa zombie ay pagod na sa mga kwento at palabas lamang. Gusto
nilang lumabas...lumabas papunta sa totoong mundo...

At...anong mas magandang pagkakataon, kaysa sa isang maulan ng gabi ng December 20,
2011?

Chapter 1 : Hospital of the living dead


Nakasakay sa taxi ngayon si Andrew. Tinext siya kanina ng matalik niyang kaibigan,
si Zack, nagpapasama sa ospital. Sumusumpong na naman ang allergy nito, at
nahihirapan na siyang huminga. Tinitingnan niya ang kaibigan na parang mas lalong
lumalala ang sitwasyon habang lumilipas ang oras.

"Pre, sandali na lang. Malapit na yung ospital." sabi niya sa kaibigan, nagaalala.
Alam ni Andrew na bata pa lamang si Zack, mahina na ang katawan nito. Kaya naman
tuwing sinusumpong ito, todo ang pagaalala niya para sa kaibigan. Tumango lang si
Zack bilang sagot sa kanya.

Pagdating nila sa Philippine General Hospital, nagbayad na sila ng taxi at bumaba.


Dito na lang dinala ni Andrew ang kaibigan dahil ito ang pinaka malapit sa bahay
nila. Ayaw niyang nagtatagal ng ganyan ang kundisyon ni Zack.

Pagkakausap sa nurse, nahiwalay ng sandali ang dalawang magkaibigan. Sanay na naman


si Andrew sa ganoon. Ganyan naman lagi kapag sinasamahan niya si Zack eh. Wala
kasing kakilala si Zack sa dorm niya kaya si Andrew lang talaga ang maasahan niya
sa ganito.
Limang minuto pa lang ang nakakalipas, pero naiinip na kaagad si Andrew. Kahit na
madami niyang beses na nasamahan si Zack, naiwan niya ang libangan niya na Nintendo
DS sa kanyang dorm kaya naman halos tumirik na ang mga mata niya sa sobrang
pagkabagot.

Humanap kaya muna ako ng maganda na nurse dito? isip ni Andrew.

Tumayo siya sa pagkakaupo. Sinilip muna kung stable na ang kalagayan ng kaibigan
bago siya tuluyang umalis.

Nagsimula nang maglakad si Andrew pababa sa corridor. Habang papatagal ng


papatagal, padilim ng padilim ang mga corridor na nilalakaran ni Andrew. Matagal na
siyang naglalakad, pero wala parin siyang nakikitang maganda na nurse. Iniisip niya
na siguro nasa malalim na parte ng ospital ang mga naggagandahang mga nurse.

Pero habang nagtagal, naisipan niyang bumalik na sa kanyang kaibigan. Wala naman
siyang nakikitang kahit sino dito sa parte ng ospital na ito. Parang abandonado na
nga, pero nakikita naman ni Andrew na malinis ang sahig at mukhang hindi naman ito
pinabayaan.

Habang pabalik na siya, tsaka naman siya nakarinig ng mga naguusap. Nanggagaling sa
isang kwarto. Pagsilip ni Andrew, nakita niya na naguusap �Pero mas
mukhangnagtatalo sila kaysa sa naguusap- ang dalawang doctor. Parang pinagtatalunan
nila ang mga nilalaman ng isang folder. May mga folder din na nakalapat sa isang
lamesa. Patuloy lang ang dalawang doctor sa pagtatalo hanggang mapansin nila na
pinapanood na pala sila. Nanglaki ang mata nilang dalawa, at nagsimula na ulit
sumigaw, pero hindi na sa isa�t isa. Sumisigaw sila ngayon habang hinahabol si
Andrew. Nagsimula nang tumakbo si Andrew, pero hindi papaalis. Kundi, tumakbo pa
siya palalim sa ospital, pabalik sa kadiliman na bumabalot sa pinaka loob ng
ospital.
Tumakbo siya. Hinihingal, pero tumatakbo parin. Nagtago siya sa isang madilim na
kwarto. Narinig niyang nilagpasan ng mga doctor ang kwarto kung saan siya
nagtatago. Madilim ang kwarto, pero may isang bintana doon kung saan pumapasok ang
konting liwanag. Nakita niyang may kasama siya na isa pang tao doon. Isang...nurse.

"Uhm...Nurse?" sabi niya, pero hindi siya nililingon ng nurse.

"Nagtatago ka rin ba dito?" sabay tingin sa corridor. Wala na ang mga doctor.
"Bakit nagiisa ka lang dito?" tanong niya ulit. Hindi parin siya nililingon ng
nurse.

"Ang sungit naman!" isip ni Andrew.

Narinig niyang pabalik na yung mga doctor. "Nurse...lika na alis na tayo dito."
sabay hablot ng braso nito. Umungol ito bigla at humarap sa kanya.

"!@#$%^&*()" napasigaw siya. Umuungol na lumapit ang nurse sa kanya. Dahan dahan
ang lakad nito, pero parang hindi nagmamadali. May dugo ang mukha nito.
Nangangalumata ito, parang kulang sa tulog. Pero hindi ito ang dahilan kung bakit
siya nakapagmura ng ganoon kalakas. Nagmura siya dahil sa nakita niyang hawak hawak
nito. Isang ulo...Isang ulo ang kinakain nito habang nakatalikod...tahimik lang
siya, pero parang alam na ng nurse kung nasaan siya, at mukhang aatake na ito.

"Ano ang nangyayari dito?!" biglang pasok ng mga doctor. Sakto naman na sumunggab
ang nurse. Sinunggaban nito ang doktor, at sabay kagat sa balikat nito. Humihiyaw
ang doctor sa sakit. Sinubukan siyang tulungan ng kasama, pero wala na itong
nagawa. Nang makalapit na ang kasama niya, biglang bumaling ang atensyon ng nurse
sa pangalawa nitong lalapain. Kinagat siya nito sa leeg, at tumulo ang dugo niya sa
mukha ng kanyang kasama.

Walang imik si Andrew sa nakikita niya ngayon. Nagmamadali siyang umalis doon, at
hinanap niya kaagad ang kanyang kaibigan. Nakita niyang nakaupo na ito sa kama niya
ngayon.

"Ano pre, uwi na tayo?" tanong nito sa kanya.


Walang imik si Andrew. "Pre? Uy ano nangyari sayo?"

"W-Wala...bilisan mo Zack. Alis na tayo dito." sabay hablot sa braso ng kasama.


"Uy, teka lang Drew!"

Paglabas na paglabas nilang dalawa, may narinig silang tili. Isang tili ng babae.
At nanggagaling ito kung saan nanggaling si Andrew kani-kanina lamang. Malapit ang
kwarto ni Zack kung saan nandun ang hagdan papunta sa madilim na parte ng ospital.

"PRE BILISAN MO NA!" hinawakn niya ng mahigpit ang braso ni Zack, hinihila ito
palayo doon sa madilim na hagdan.

"Teka, Drew..."

"Bilisan mo Zack!" at umalis na sila doon, sakktong sakto naman dumagsa ang mga
tao, nagtataka kung ano ang tili na narinig nila.

Ngayon palang, sinasabi ko na sa inyo, si Andrew at si Zack lang ang nabuhay sa


loob ng ospital na iyon. Lahat ng taong lumapit, nagtataka kung ano ang tili, ay
nilapa ng mga halimaw na nanggaling mula sa ilalim ng Philippine General Hospital.

Chapter 1 : Hospital Of The Living DEAD : The End.

-----------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------

Chapter 2 : DEAD Men Walking : Up Next

-----------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------
Nagustuhan niyo ba ang update? VOTE naman dyan, isang click lang eh. hahaha =)

Plug ko din yung isang horror story ko dito, Manila Lockdown ang title. Hindi naman
ZOMBIE ang mga nandoon. Mga DEMON naman ang nandoon. Please read kung interested
kayo.

-Lemuel

Chapter 2 : DEAD Men Walking

"Duguan ang mga biktima ng datnan ng mga pulis ang labi ng mahigit isang libo at
dalawang daang katao dito sa Philippine General Hospital. Nilalangaw na, at mukhang
mahigit 4 na oras na ang nakalipas nang biglang mamatay ang lahat ng tao na nasa
loob ng naturang ospital. Hindi parin maipaliwanag ang kadahilanan kung bakit ito
nangyari. Patuloy parin sa pagiimbestiga ang mga eksperto tungkol sa maramihang
pagpatay. Balik sa studio..." sabi nung reporter sa news.

Tinurn off ni Andrew ang TV. Gusto na niyang kalimutan lahat ng nangyari sa loob ng
PGH. Ayaw niya ang pakiramdam ng ganito, nanghihina sa alaala ng nakita niyang
ginawa ng nurse sa dalawang doktor.

Dala-dala ang bag, sumakay siya ng taxi papunta sa isang indoor shooting range sa
Makati. Dito siya pumupunta lagi kapag gusto niyang makapag relax at mawala sa
kanyang isipan ang mga bagay na nangbabagabag sa kanyang isipan. Ang adrenaline ng
paghawak ng baril at ang tunog ng mga putok nito ay nakakarelax para kay Andrew.
Lumaki siya sa poder ng kanyang lolo na heneral at tatay na hepe ng mga pulis.
Masasabi niyo na nasa dugo na nila ang paghawak ng baril, pero walang balak si
Andrew na sumunod sa mga yabag ng kanyang tatay at lolo.

Pagkabihis ng damit, at pagbayad ng fee sa paggamit ng shooting range, nagsimula na


siya sa pagbaril sa mga target. Yung iba, hindi sakto sa gitna ang tama, pero yung
iba naman ay bulls eye, tinatamaan sa dibdib. Minsan, sinasadya niyang hindi i-
bulls eye, kundi, ang mga ulo naman ang pinatatamaan niya.

Napatigil na lang siya bigla. Nagriring pala ang telepono niya. Sinafety lock niya
ang semi automatic pistol na hawak niya at tumakbo papunta sa lamesa. Nagpunas siya
ng pawis at tiningnan kung sino yung tumatawag. Missed call ni Zack pala yun.
Tinawagan niya ang kaibigan. Nagring ito, isang beses, dalawang beses, hanggang
sumagot si Zack.
"Zack, bakit ka tumatawag?" tanong niya habang nagpupunas ulit ng pawis.

"Pre..." sabi ni Zack pabulong. Patuloy sa pagbaril ang mga kasama ni Andrew sa
shooting range. "Nasa Armscor ka?" tanong ni Zack sa kanya. Armscor ang pangalan ng
shooting range na pinupuntahan ni Andrew.

"Oo, bakit parang bumubulong ka ata? Lakasan mo, hindi kita maririnig, patuloy sa
pagbaril mga kasama ko eh!" sabi ni Andrew sa kaibigan.

"Hindi pwede. Nandito si Nina eh. Ayaw kong malaman niya na nandun tayo sa PGH nung
nagpatayan. Pre, tapatin mo ako, alam mo yung tungkol sa patayan no? Nagmamadali
kang makaalis dun kahapon eh." sabi niya. Si Nina ang girlfriend ni Zack.
Nagdadalawang isip si Andrew kung sasabihin ba niya kay Zack kung ano ang mga bagay
na nasaksihan niya sa madilim na parte na itinatago ng PGH.

"Meet tayo, SM North. Wag mo nang isama si Nina kung ayaw mong malaman din niya
yung nangyari kahapon.� Sabay alis ng naturang shooting range.

�Nina, alis lang ako sandali ah. Punta lang akong SM North.� Sabi niya sa
girlfriend na nanonood ng TV ngayon.

Napatingin ito sa kanya, at nagsabing, �Sama din ako! Magma-mall ka, hindi mo ko
isasama! Siguro kasama mo na naman si Andrew, manggi-girl hunting kayo no?�
Napabuntong hininga ang binata sa sinasabi ng nobya niya. �Nins naman, parang hindi
mo ako kilala�� sabi niya habang umaakyat ng hagdan. Kinuha niya ang wallet at
jacket niya mula sa lamesa ng kwarto niya at bumaba na ulit sa sala.

�Ah basta! Sasama ako! Kapag hindi mo ko sinama, maghanap ka na ng bago mong
girlfriend!� sigaw ni Nina. Tiningnan siya ng nobyo niya, nakatitig lang sa kanya,
hindi gumagalaw. Lumapit si Zack sa isang shelf at kinuha ang susi ng kotse niya.
Lumapit siya sa sofa at inabot ang kamay sa nobya. �Lika na, baka hinihintay na
tayo ni Andrew dun.�

Pagbaba ni Andrew sa taxi, nakita niya na nagkakaroon na ng pila sa harapan ng


entrance ng SM.
�Ano yung nangyayari?� tanong ni Andrew dun sa isa sa mga taong nakapila.

�Ewan. May madungis ata na lalaki dun. May ketchup pa nga daw sa likod eh...� sabi
naman nung lalaki na pinagtanongan niya. Nagulat naman siya. Ketchup? Nagmamadali
siyang pumunta dun sa harapan, at doon niya nakita yung lalaki. Matangkad siya, at
malaki. Nakasuot siya ng isang uniform na may nakalagay na DAEVA sa likod.

�Sorry po, sir. Bawal po ang mga lasing sa loob ng mall. Mas mabuti po sana kung
magpalipas muna kayo ng pagkalasing dyan sa labas bago po kayo papasukin dito sa
loob.� Sabi nung security guard sa labas. Umungol lang yung lalaki. Mahina lang
yung ungol, pero hindi ito nakatakas sa tenga ni Andrew. Ito ang ungol ng...

Hindi pa niya natatapos ang kanyang iniisip ng biglang sakmalin ng malaking lalaki
ang security guard. Tumungo ang ulo nito kaagad sa leeg ng guard. Nagkikisay ang
sekyu habang nakahiga, pero malakas ang katawan ng lalaki, at hindi siya nakatakas
dito. Nagtatakbuhan na ang mga tao tungo sa iba�t ibang direksyon. Ngayon napansin
na niya, hindi lang ang lalaki na nasa entrance ang ganun ang kinikilos. Nagkalat
sa siyudad ang mga taong kung maglakad ay parang tulog parin. Hindi niya iniisip na
mangyayari ito, at sa tingin niya ay panaginip lamang ito, nang bigla na lang
niyang nakita ang dalawang doktor na sinakmal ng nurse kahapon. Sigurado siyang
patay na ang dalawang ito, pero bakit naglalakad ito sa kalsada ngayon?

Nung nagsimula nang maghiyawan ang mga tao, parang biglaan na lang nagbago ang mga
tao na parang naglalakad habang tulog. Mula sa mukha na parang walang pakielam sa
mga nangyayari, nagmukha na silang gutom na gutom ngayon. Tumatakbo sila at
hinahabol ang mga taong naghihiyawan. Sa oras na mahawakan nila ang mga tao,
hinahatak nila ito. Yung isang babaeng mahaba ang buhok, isang saleslady na pauwi
na sana, ay nahablot ang buhok. Hinatak ito nung isang...zombie...at paglapit nang
ulo, bumaon ang mga ngipin nito sa bungo ng babae. Bumuhos ang dugo nung babae sa
aspalto, at parang naakit din ang iba pang zombie sa amoy nung dugo kaya naman
pinagpyestahan na nila ito.
Nagmamadaling tumakbo si Andrew sa ikalawang palapag ng SM North. Papunta sa Sky
Garden, kung nasaan ang Starbucks. Nakita niyang nakaupo habang naka cross ang mga
braso si Zack, at kasama niya ang girlfriend niyang si Nina.

Zack! Dakilang under ka talaga!, isip ni Andrew.

Humahangos na pumasok si Andrew sa Starbucks. Nandun sila nakaupo sa isang lamesa


kung nasaan masayang masayang sumisipsip ng frappe si Nina. Mukha namang mamamatay
na si Zack sa sobrang boredom.

�PARE!� sigaw ni Zack, parang tuwang tuwa na nakita na niy ang kaibigan niya.
Pinagtinginan naman sila ng mga tao sa loob ng starbucks.

�Kailangan na nating umalis dito...� sabay hatak sa braso ng kaibigan. Umangal


naman ang kaibigan, ayaw iwan ang nobya.

�Teka lang...BABY KOOOOO!� sigaw ni Zack kay Nina. Tumayo naman si Nina at lumapit
sa magkaibigan. �Hoy Zamora, gusto mong sapukin kita? San mo dadalin ang baby ko?!�
sabay hampas sa braso ni Andrew.

�Baby?! WTF?!� tapos napatingin kay Zack. �Langya ka pre...pffft...bwahahaha! Baby


pala ah...� tapos may tumili na naman sa labas. �Lintyak, bilisan niyo! Kailangan
na nating makalabas dito!� sigaw niya sa magshota. Yung ibang tao, lumalabas na at
dumudungaw kung ano na ba ang nangyayari sa baba.

�Drew, ano nangyayare sa labas? Bakit nagtitilian ang mga tao? Pati ata mga
kalalakihan tumitili na din eh...� sabi ni Zack habang dahan dahang naglalakad para
dumungaw sa labas. Hawak hawak parin niya ang kamay ni Nina.

�ANDREW!� tapos sabay tingin sa kanya. �ANO NANGYAYARI SA BABA?!� natataranta na


tanong ni Zack sa kanyang kaibigan.
�Nangyayari sa baba kung ano ang nakikita mong nangyayari.� Sagot ni Andrew.
�Kailangan nating makaalis dito kaagad...� sabi ni Andrew. Saktong pagsabi niya na
kailangan na nilang umalis, may naghiyawan na naman. Pero hindi na sa baba
nanggaling. Sa mismong Sky Garden na nanggaling yung sigaw. Pagtingin nila sa
direksyon ng hagdanan pababa papunta sa ground floor, nakita nila na may zombie na
dun, kinakain ang isang batang babae.

�Takbo bilis...wag kayong sisigaw.� Sabi niya kina Nina at Zack. �Bumalik tayo sa
loob.� Sabi niya, habang pinapanood na umakyat sa hagdanan ang mga zombie. Kinakain
na nila ngayon yung mga tao na nagtangka tumakas gamit ang hagdanan.

�Pero Ands...paano tayo tatakas?� tanong ni Zack sa kanya habang naglalakad ng


mabilis. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ng nobya. �Sa Main Entrance na lang tayo
lumabas...� sabi ni Nina. Napatigil si Andrew bigla. �H-Hindi pwede...doon
nagsimula yung gulo. May lalaki dun kanina na bigla na lang kinain yung security
guard.�

Nagkatinginan silang tatlo. Iisa lang ang nasa loob ng kanilang isipan. Na-trap na
sila ngayon sa loob ng SM North. Lahat ng labasan, may zombie. Paano na sila
makakatakas?

Special Chapter #1 What happened at The Hospital Of The Living DEAD

"Teka Drew..."

"Bilisan mo Zack!" at umalis na sila doon, saktong sakto namang dumagsa ang mga
tao, nagtataka kung ano ang mga tili na narinig nila.

Nagmamadali na nagtakbuhan ang mga tao kung saan nila narinig ang malakas na tili
ng isang babae. Paglapit nila sa madilim na corridor, naghihintay na duon ang
nurse.

Lumapit sila dito. "Nurse, kayo ba yung tumitili? Ano ba ang nangyari?" hinihingal
na tanong ng isang lalaki. Kasama niya ang asawa niya sa taas. May cancer ang asawa
niya, at kaka-chemotherapy pa lang dito.
Nangiti lang ang nurse. Itinaas nito ang ulo nito, at nagimbal ang mga tao na
nandun sa baba sa nakita nila. Dahan dahang tumutulo ang dugo mula sa bibig nito...

Nagtilian yung mga babae. Pinauna ng mga kalalakihan ang mga babae pataas sa
hagdanan. Tila nagising ang diwa ng mala-halimaw na nurse. Nawala ang parang
inaantok na kilos nito, at mabilis itong nakalapit sa mga tao. Tinalon nito ang
paanan ng hagdanan, at hinablot nito ang paa ng babae na pinaka malapit nang
makatakas. Sa oras na nahawakan nito ang binti ng babae, ibinaon niya ngipin niya
sa binti nito.

Napasigaw ang babae, pero walang nakakarinig nito maliban lang sa mga kasama niya.
Malayo sa mataong lugar ang lokasyon nila, at lahat ng dapat na makakarinig sa
kanya ay kasama niya ngayon sa mala-impyernong ilalim ng PGH.

Hindi nakuntento ang nurse sa isang biktima. Sinigurado niyang walang nakatakas.
Unti unti, inisa isa niya lahat ng bumaba. Isang kagat, sa leeg o sa paa, para
hindi makatakas. Tsaka na lang niya babalikan kapag nakasigurado na siya na walang
makakatakas sa gagawin niya. Sinimulan na niyang lapain ang mga naging biktima
niya. Inuna niya yung mga makakasigaw pa.

Nangyari ang lahat ng ito sa loob lamang ng isang oras.

Pagkatapos niyang pagpyestahan lahat ng bumaba, bumalik na naman siya sa parang


natutulog habang naglalakad na estado. Unti unti siyang umakyat ng hagdan, kung
saan siya nakakarinig ng ingay. Ingay. Iyan ang paraan niya para maghanap ng
kanyang pagkain...

Unti unti, kinain niya ang mga taong nakikita niya. Yung iba nakakasigaw, at
nakakapagtawag ng kasama, pero walang nakakatakas. Maya-maya ay sinamahan na siya
ng dalawang doktor na kinain niya kanina. Naging katulad na niya ang mga ito.
Buhay, pero patay din. Naipit sa gitna ng estado ng isang buhay na tao at isang
patay na.

Maya maya, nasa pinaka main entrance na sila ng naturang ospital. Madami na sila
ngayon. Sa loob ng isang oras, naging katulad na nila ang mga kinain nila.
Nagiingat sila, nagtitira ng sapat na laman para maging kauri nila lahat ng
nabibiktima nila.

Lumubog ang araw, at sumikat ito. Sa loob ng labing dalawang oras, napunta na sa
mga taong buhay na patay ang buong PGH. Lahat ng mga nagising na ay nilisan na ang
naturang ospital. Nagsidatingan na din ang mga pulis, at nadatnan na nila ang mga
"bangkay". Dumating ang mga reporter sa loob ng isang oras, at umalis na din.

"Pare, nakikita mo ba yung mga sugat na to?" tanong ng isang eksperto sa kanyang
kaibigan.

"Ou nga. Parang...kagat? Pero parang hindi naman hayop. Imposibleng hayop ang
gumawa nito. Bakit may natira? Kung hayop ang gumawa nito, bakit lahat, diba? Hindi
ba siya mabubusog sa isa lang? Anong klaseng hayop ang kayang pumatay at kumain ng
1000 tao?" nagtataka niyang sagot sa kaibigan.

Naguusap yung dalawa ng biglang gumalaw yung isa.

"Pare may buhay pa dito!" sabi niya, pero paglapit nila...

Nagsimula na ang pyesta.

-----------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------

Hahaha kung may hindi pa kayo nagegets, paki hintay na lang yung mga future
chapter. Sa future chapters kasi maeexplain lahat ng mga nangyayari. hahaha

Chapter 3 : The DEAD Fight Back

Humahangos na tumatakbo si Zack habang hawak hawak ang kamay ng kanyang kasintahan.
Dumungaw siya sa gilid ng railing, at nakita niyang bumubuhos papasok ang
sangkatutak na mga gumagalaw na mga bangkay�mga zombie�

�Nina, dito!� sabay hatak sa kamay ng dalaga. Sumunod naman ng walang angal ito sa
nobyong natataranta na. Nahiwalay sila kay Andrew kanina ng biglang nabasag ang
salamin malapit sa Sky Garden at nagsipasok ang mga zombie. Muntik nang hablutin sa
Andrew, pero maliksi itong nakaiwas sa mga kamay ng mga halimaw.

�Mauna na kayo, susunod na lang ako!� sigaw sa kanya ng bestfriend niya. Ito ang
huling bagay na narinig niya mula sa kaibigan,

�Ands...siguraduhin mo lang na buhay ka...� bulong niya sa sarili habang taimtim na


hinihiling na ligtas ang kaibigan.

�Ahhhh!� sabay hampas ni Andrew sa mga zombie na pilit na humahabol sa kanya.


Napasok na siya sa isang kilalang hardware store, at inihahampas sa mga zombie ang
lahat ng mahagilap ng kanyang kamay.

�Crap, kailangan kong makaalis dito! Hahanapin ko pa sina Zack!� sabi niya sa
sarili habang naghahanap ng matibay na panlaban sa mga zombie. Alam niyang
kailangan na niyang lisanin ang hardware store, dahil mahirap na kapag nakulong ka
at napalibutan ng mga zombie. Pinadaanan niya ng tingin ang tindahan, naghahanap ng
maganda at epektibong armas pang depensa sa sarili. Kung may baril lang sana dito,
isip ni Zack...
�Eto!� sabay dampot ng isang mahabang bakal. �Pwede na siguro to...� sabi ni Andrew
ng biglang lundagin ng isang zombie ang itaas ng cabinet na lalagyanan ng mga
paninda. �AHHHH!!!� sigaw ni Andrew. Walang alinlangan niyang itinusok ang bakal sa
ulo nito.

Hindi ako pumapatay, hindi ako pumapatay, patay na sila, patay na sila... Paulit
ulit ni Andrew sa loob ng kanyang utak. Kailangan niyang gawin iyon...kailangan
niyang gawin iyon para makumbinsi niya ang sarili niya at para hindi siya mawala sa
katinuan...

Habang naghihirap ang kanyang pinaka matalik na kaibigan para hindi siya masiraan
ng isip, tahimik namang nagtatago si Zack sa ilalim ng isang countertop. Napasok
sila sa isang restaurant, at mabilis na nagtago sa ilalim ng counter. Pigil hininga
sila...dahil alam nilang dalawa ni Nina na hindi lang sila ang nandun ssa loob ng
kusina.

Umungol ng malakas ang zombie habang hinahanap ang dalawang taong alam niyang
pumasok sa abandonadong kusina. Si Nina naman, nagpipigil na ng kanyang mga luha.
Takot na takot ang dalaga. Napatingin siya sa kanyang nobyo na halatang takot din.
Nakita naman ito ni Zack, at hinigpitan ang niya ang kanyang hawak sa mga kamay ni
Nina.

�Tu...Tumakbo ka na...� bulong niya sa kanyang girlfriend. Napatigil sa pagiyak ang


dalaga at napatingin ito sa kanya. �Ako na bahala, basta hanapin mo si Andrew, siya
na ang bahala sayo...at sabihin mo sa kanya...wag...magkikita pa kami.� sabi niya
sa kasintahan. Hinigpitan ni Nina ang hawak sa kamay ni Zack habang umiiling.
�Mas mabuti na ang makatakas ka kesa naman pareho tayong matapos dito.� Sabi niya
tapos lumabas na siya sa pinagtataguan. �Hoy!� sigaw nito. Agad agad siyang sinugod
ng zombie. Tumakbo naman si Zack sa kabila ng mga kalan, habang nasa kabilang dulo
naman ang zombie. �Nina, tumakbo ka na!� sigaw niya sa nobya. Lumabas ang nobya, at
tiningnan si Zack habang dahan dahang tumutulo ang luha pababa sa pisngi. Nginitian
lang siya ni Zack at nag mouth ng �I love you�. Ibinalik naman ito ni Nina, at sa
huling tingin, tumalikod na ito

Tumatakbo si Andrew, desperadong mahanap ang kanyang kaibigan. �Zack!� sigaw niya.
Wala na siyang pakielam kung habuling siya ng mga zombie. Nalagpasan na niya ang
punto na nagaalinlangan pa siyang patayin ang mga halimaw na hugis tao. Hindi na
sila tao. Mga halimaw na sila. Ang mga malalakas lang ang mabubuhay sa mga panahon
na ito, at hindi ko kayang maging mahina ngayon, lalong lalo nang nahiwalay sa akin
ang bestfriend ko... Isip isip ni Andrew. Naluluha na siya. Nagaalala talaga siya
ngayon.

�HA!� sigaw niyang habang tinutuhog ang mga zombie. �ZACK! NINA! NASAAN KAYO?!�
sigaw niya. Tumaas ang mga ulo ng zombie, tila hinahanap kung sino ang sumigaw.
Nagpatuloy lang sa pakikipaglaban si Andrew, ng bigla niyang marinig ang isang
pamilyar na sigaw.

�ANDREW! ANDREW!� sigaw ni Nina. Nilingon ito ni Andrew, at nakita niyang


pinalilibutan na ng zombie ang nobya ng kaibigan. Nagmamadali itong tumakbo, at
palundag nitong tinuhog ang tatlong zombie na nagkainteres kay Nina.

�Andrew...Andrew, sundan mo ako...please, si Zack...� Nang marinig ni Andrew iyon,


hindi na niya alam ang gagawin. Pinauna niya si Nina, at tumakbo sila pabalik sa
restaurant.
�Ikaw na lang at ako ngayon...� sabi ni Zack habang nakikipagikutan sa zombie.
�Kayang kaya kita...kailangan ko pang balikan at protektahan ang girlfriend ko...�
sabi niya ulit, parang naiintindihan siya ng kausap niya. Umungol lang ito at
hinabol siya. Umikot naman si Zack sa kalan. Nagiikutan lang silang dalawa, ng
biglang may isa pang pumasok na zombie mula sa pintuan na nasa bandang likuran
niya.

�Ohh shi-� sabi niya, pero hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng biglang
pumasok si Andrew. �Zack!� sabay tuhog sa zombie na nasa harapan ng kalan. Si Zack
naman, kumuha ng jelly roll pan at inihampas ito sa ulo ng zombie. �What the...?�
sabi niya nang parang hindi tablan ang zombie sa ginawa niya.

�AHHHH Ands!� sigaw niya ng sugurin siya ng zombie. Sinasangga niya ang mukha ng
zombie gamit ang jelly roll pan, pero hindi siya makagalaw sa takot na makagat siya
nito. Dali dali namang pumunta sa rescue ng kanyang bestfriend si Andrew. Tinusok
nito ang zombie sa ulo, at hindi na ito gumalaw pa.

Hinihingal na sinapo ni Zack ang kanyang dibdib. �Pre okay ka lang?� natatawang
tanong ni Andrew sa kaibigan. �Muntik na ako dun ah...� sabi niya. Naluluha naman
siyang niyakap ng kanyang girlfriend.

�Mukhang natutuluyan sila kapag sa utak pinatatamaan ah.� Pagobserba ni Andrew.


�Napansin ko lang habang nakikipaglaban. Hindi kasi sila tinatablan kapag sa ibang
parte ko sila pinatatamaan eh. Kapag sa ulo naman...well, tingnan mo na lang.� Sabi
niya habang sinisipa yung ulo ng zombie.
�Pare naman...tao din yan, wag mong sipain.� Sabi ni Zack sa kaibigan.

�Hindi pre...hindi na sila tao. Tao sila dati, pero halimaw na sila ngayon. Walang
tao ang kakain sa kapwa niya tao. Yan...� sabi niya habang sinisipa ang zombie.
�...hindi na yan tao. Wala na ang pagkatao niyan. Tayo ang tao. Tayo ang kailangang
mabuhay at makaalis dito sa tila-impyerno na lugar na to.�

Natawa naman si Zack habang nakasandal sa countertop. �Ngayon ko lang naalala, SM


North nga pala to.� Sabi niya habang hinahalungkat ang ref ng restaurant. Kumuha
siya ng bottled water at ininom ito. Si Andrew naman, naghalungkat ng gamit.

�Ano ginagawa mo dyan?� tanong niya kay Andrew. �Kung lahat ng lugar, parang
ganito, kailangan natin magimbak ng mga kailangan.� Sabi ni Andrew. Kumuha siya ng
bag mula sa isang drawer. �Sakto, may bag dito sa drawer. Naiwan siguro ng
empleyado...� sabi niya tapos lumapit sa ref. Nilimas niya lahat ng pagkain sa loob
at inihulog itong lahat sa loob ng bag.

�Diba pagnanakaw ang gagawin natin?� tanong ni Nina. Nilingon siya ni Andrew at
sinabing, �Hindi na siguro. Wala nang makikinabang nito kasi wala na ang mga mayari
ng restaurant na to. Mas mabuti nang pakinabangan natin to kaysa mabulok lang dito.
Sayang naman diba?� sabi niya tapos itinali ang bag. �Ngayon, ang problema na lang
ay kung paano tayo makakaalis sa lugar na to...�

Tila isang sagot sa katanungan ni Andrew, nakarinig siya ng putok ng mga baril.

-----------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------
Sino ang pwedeng magsuggest ng bagong title ng story na ito? Dapat pa bang palitan?
Comment! hahaha Ipagpapatuloy pa ba?

At kung makikita niyo ang cast, sino pwedeng magprovide ng mga picture with their
names on it?

hahaha kung sino lang naman ang may gusto, wala akong pinipilit.

-Lemuel

Chapter 4 : Saved From The DEAD

�Ano yun?� tanong nila ng sabay sabay tumaas ang ulo, tila hinahanap ang
pinanggalingan ng tunog. Bumilis ang daloy ng sa katawan ni Andrew. Putok yun ng
baril! Isip ni Andrew.

�Tingin niyo dapat puntahan natin yung putok?� tanong sa kanila ni Zack. Nagkibit-
balikat lang ang nobya niya. Susunod na lang si Nina sa kung saan man pumunta ang
dalawang kasama niya.

�Hindi naman siguro sanay humawak ng baril ang mga zombie diba? Puntahan natin...�
sabi ni Andrew. Sa katotohanan, nae-excite lang siya dahil sa putok ng baril. Isang
baril lang ang mahawakan niya, at alam niya sa kalooblooban niya, ligtas na silang
tatlo. May mga extra naman sigurong dala na bala ang may hawak ng baril, diba?
�Sigurado ka pre?� tanong ni Zack ng medyo nakakakunot ang noo.

�Oo naman. Malay niyo, naghahanap lang ng mga survivor yung may hawak ng baril...�

�Eh Ands, paano kung masamang loob pala yung may hawak ng baril?� paniniguro ni
Zack.

�Eh di tingnan muna natin sa malayuan.� Sabi niya sabay bukas ng pintuan. Wala nang
nagawa ang magkasintahan. Sumunod na lang sila kay Andrew, balot parin sa takot.

Lumapit si Andrew sa railing. Tila nabawasan na ang mga zombie sa loob ng mall.

�Sir, umalis na tayo dito!� sigaw ng isang boses mula sa palapag sa bandang ibaba.

�Kumuha ka pa ng mga supply para sa mga evacuees! Madami tayong bibig na papakainin
sa presinto!� sigaw ng isang lalaking nakauniporme. May kasama siyang apat pa na
lalaki na nagtutulak ng mga pushcart na puno ng mga grocery.
�Mga pulis sila...� bulong ni Nina na nakadungaw din sa railing. Namukhaan ni
Andrew ang lalaking tinatawag na sir ng mga kasama niya.

�Tito Jeff!� sigaw ni Andrew, nakangiti para sa unang beses mula magsimula ang
kaguluhan na ito. Nilingon siya ng lalaki at naningkit ang mga mata, inaaninag kung
sino ang tumatawag sa kanya.

�Andrew...? Andrew!� tila naaligaga ang lalaki. �Diyan ka lang! Pupuntahan kita!�
umakma na tatakbo na ang tito ni Andrew ng biglaan na lang may sumulpot na mga
zombie. Binaril nila ang mga zombie, pero hindi naman tinablan ang mga ito.

�Tito sa ulo niyo patamaan!� sigaw ni Andrew. Narinig naman ito ng tito niya at ng
mga kasama niya, kaya naman sinunod nila ang payo ng pamangkin. Nagmadali namang
bumaba sina Andrew gamit ang isang side-staircase.

�Tito!� hingal na sigaw ni Andrew.

�Bakit nandito ka?! Salamat...salamat naman at ligtas ka!� nakangiting tugon nito
sa pamangkin.
�Tito Jeff...anong nangyari? Bakit...bakit may mga ganito?!� tanong niya sa
tiyuhin.

�Mas mabuti kung sa presinto na lang tayo magusap. Mauubusan na kami ng bala, at
delikado lalong lalo na�t gumagabi na.� Sabi ng tito at nagsenyas siya sa mga
kasama niya na simulan nang maglakad. Sumunod naman sina Andrew.

Pagdating sa presinto, nagulat sila ng makakita ng madaming tao doon. May mga
sandbag na nakapalibot sa mismong building, at may mga barbed wire na nakapalupot
sa mga pader ng sandbag. Nagmamadali silang pumasok, at nagtaka sila. Bakit ganoon
katahimik ang lugar, kung ganoon kadami ang mga taong nandoon?

�Tito...bakit...?�

�Bakit ang tahimik?� pagtapos ng kanyang tiyuhin sa tanong ni Andrew. Tumingin siya
sa labas habang nagpatuloy sa pagsasalita. Pumunta sila sa ikalawang palapag ng
presinto na tumatanaw sa kalsada.

�Mukhang hindi nila masyadong ginagamit ang kanilang paningin.� Pagtutukoy sa mga
zombie sa labas ng bahay ng makapasok sila sa opisina ng tiyuhin ni Andrew. �Imbes,
ang ginagamit nila ay ang kanilang pandinig. Kanina, tahimik yung isang pamilya na
naglalakad. Literal silang naglalakad katabi ang mga...ang mga naglalakad ng
bangkay. Naramdaman lang sila ng mga halimaw na yun ng biglang umiyak ang sanggol
ng dala dala ng ina. Agad silang nilapa. Isang segundo, nandun yung mga bangkay
nila, isang minuto ang lumipas, nalihis lang ang tingin namin, wala na sila.�
Kinilabutan si Andrew, pati na rin sina Zack at Nina sa kanilang narinig. Natakot
si Nina sa pinaguusapan ng mga kalalakihan kaya lumabas muna siya sa opisina ng
tito ni Andrew. Sumunod naman kaagad ang kanyang nobyo, tinatapik ang balikat ni
Andrew bilang pagpapaalam. �Pero...yung sinabi mo kanina tungkol sa patamaan sa ulo
ang mga bangkay...ngayon ko lang nalaman yun. Paano mo yun nadiskobre?� pagtatanong
ni Jeff sa kanyang pamangkin.

�Syempre, kailangan naman namin protektahan ang sarili namin Tito...� sabi ni
Andrew ng nakangiti. Napatingin naman si Jeff sa mahabang shaft na metal na kanina
pa hawak hawak ng kanyang pamangkin. �Ito...?� sabay turo sa metal ni Andrew, na
may mantsa na ng dugo dahil sa pakikipaglaban.

�Ang alam ko, sanay ka naman humawak ng baril. Tinuruan ka naman siguro ng kapatid
ko, diba?� pagtatanong niya. Ilang taon din niyang hindi nakausap ang kanyang
paboritong pamangkin, kahit na nasa iisang siyudad lang sila nakatira. Naging busy
na kasi si Andrew dahil sa buhay kolehiyo, at busy na din ang kanyang Tito Jeff
dahil sa mataas ng posisyon sa pulisya.

�Hindi po. Natuto lang ako sa sarili ko.� Nahihiyang sabi ni Andrew.

�May balak ka bang sumunod sa mga yapak namin?� tanong naman ni Jeff, habang
inaasikaso ng mga ibang pulis ang mga refugee na nagtatago sa loob ng presinto.

�Wala po. Kita naman po sa course na pinili ko na ayaw kong magpulis...� napakamot
sa batok ang binata habang pinapaalala sa tiyuhin ang napiling course, ang
medisina.
�Malay mo, pwede namang sa forensics ka eh.� Sabi ng tiyuhin.

�Tito naman, sa tingin mo pagkatapos nito,� sabay turo sa mga naglalakad na bangkay
sa labas ng presinto, �...magfo-forensics ako? Sus, tito naman. One-to-sawa na tayo
sa mga patay na tao.�

Natawa lang sa sinabi ng pamangkin si Jeff. �Ou nga naman...� sabay bukas ng drawer
niya. Naglabas siya ng isang maliit na kahon na yari sa kahoy. �Ito oh...Happy 18th
Birthday, Nak.� Sabi ni Jeff sa pamangkin. Dahil wala naman siyang tatawaging anak
dahil wala pa siyang asawa, pinagtuunan na lang niya ng pansin at pagmamahal ang
kanyang kaisa-isang pamangkin.

�Tito naman...tatlong buwan pa bago ako mag birthday! Ang aga naman!� sabi ni
Andrew. �Eh basta, kunin mo na...� sabi ni Jeff sa pamangkin na naeexcite na.
Kinuha naman ito ni Andrew, at binuksan. �Ti...to...�

Nagulat si Andrew sa laman ng kahon. Isa itong baril, isang revolver, na may laso
ng ginto na pumapalibot sa barrel nito. Kulay itim, sing-itim ng uling, ang
cylinder at mismong katawan nito. Kulay ginto din ang hawakan nito.

Napatingin siya sa tiyuhin, at unti unti, namuo ang ngiti sa mga labi ni Andrew.
�Salamat tito...� halos hindi makapagsalita si Andrew sa ibinigay ng tito niya.
�Malapit ka nang umabot sa tamang edad, Andrew. Gusto kong bigyan ka ng baril kapag
dumating na yon.� Sagot ni Jeff.

�Hahaha magagalit si papa kapag nalaman niyang naunahan mo na siya.�

Natawa na din ito. �Ou nga. Magagalit talaga yon.�

Kinuha ni Andrew ang baril, at inilabas ang cylinder ng baril. Pinaikot niya ito ng
napaka bilis. Hindi inaasahan, inihagis ng tito niya ang mga bala sa ere. Walang
sindak na pinitas ni Andrew sa ere isa isa ang mga bala at ipinasok ito sa baril.
Sa isang mabilis na galaw, nakaporma na si Andrew para iputok ang baril.

�Nasa dugo mo talaga ang paghawak ng baril, Pre!� gulat niya ng makita ang kaibigan
niya na pinapanood pala siya.

�Mano po, tito.� Sabi ni Zack sa tiyuhin ni Andrew.

�Aba, laki ng pinagbago mo ah. Pumopogi!� kantyaw nito sa binata ng makita ang
kasintahan.
Pagkasabi ni Jeff sa mga kataga na iyon, may mga narinig silang hiyawan ng mga tao
sa ibaba. Hiyawan ng mga refugee.

�Ano ba naman yan! Sinabi lang na gwapo ako, may sumigaw na kaagad, kinokontra!�

Tinapik ni Andrew ang balikat ng tito at kaibigan. �Tingnan natin kung bakit sila
sumisigaw.�

[ Next : Chapter 5 : DEAD At The Gates ]

Chapter 5 : DEAD At The Gates

Nilundag na ni Andrew ang huling tatlong hakbang ng hagdanan, at bumulaga sa kanya


ang isang eksena na parang kalalabas lamang sa isang bangungot.

Nakapasok na ang mga zombie sa isang lugar na inaakala nilang ligtas�

Nagsisigawan ang mga tao habang kinakain ng mga zombie. May mga nanubok tumakbo
palayo, pero nilundag at dinaganan kaagad ng zombie at nilapa. Napalingon si Andrew
sa kanan, kung saan siya nakarinig ng iyak.

Isang batang lalaki ang unti-unting nilalapitan ng isang zombie. Nag-dive si Andrew
sa kanan, palayo sa pader, at inasinta ang ulo ng zombie, kung saan dapat nakalagay
ang utak nito. Isang kalabit sa baril, at nasa lapag na ang zombie, nag spray ang
dugo nito sa kalapit na pader.

�Ahhh!� sigaw ni Zack ng makita ang mga zombie. Napansin ni Andrew na walang
kalaban laban ang kaibigan kaya naman sinipa niya ang isang stick na bakal � isang
tubo - papunta sa kanyang kaibigan. Tumama naman ito sa sapatos ni Zack at
napalingon kay Andrew. Tamango lamang ito at kinuha ang tubo, hinahawakan ito ng
parang espada.

�Hahanapin ko si Nina�� sabi lang niya kay Andrew. Tumango naman pabalik si Andrew.
Kailangan niya mailayo ang bata sa lugar na ito. Binuhat niya at ipinasan sa likod
ang batang lalaki.. Nanginginig siyang tiningnan nito.

�Si Kuya Andrew na muna bahala sayo�� sabi niya sa bata at tumakbo papalayo doon.
Masyadong late na ang sitwasyon para iligtas ang mga civilian na nilalapa ng mga
zombie. Hahanapin na lang niya ang tito at mga kaibigan niya at tatakas na sila.

Tumatakbo si Zack, natatarantang hinahanap ang nobya na humiwalay lang sa kanya


sandali. Dapat hindi na lang ako pumayag na mahiwalay sa kanya, isip ni Zack. May
sumugod na zombie sa kanyang kaliwa, pero naka-yuko siya kaagad kaya hindi siya
nakagat. Paglagpas ng ulo ng zombie, sabay hampas niya sa ulo nito gamit ang tubo
na hawak niya. Nanlalata ang katawan ng zombie na nahulog sa sahig, umaagos ang
dugo. Nangilabot si Zack sa ginawa.

Ginagawa ko ito para mahanap ko si Nina� isip niya. Tumakbo ulit siya. Hindi mo na
maaninag na ang gusali ay isang presinto. Mas mukha pa nga itong slaughter house
imbes na presinto ngayon. Naririnig niya ang mga hiyaw at iyak ng mga bilanggo sa
bilangguan, Pinagpepyestahan na sila ngayon ng mga zombie.

�Nina!� sigaw ni Zack. Wala na siyang pakielam kung marinig siya ng mga zombie
ngayon. Wala na rin siyang pakielam kung lapain siya, basta masigurado lang niyang
ligtas si Nina.

�Zack!� sigaw ng isang boses. Lumingon si Zack, at nandun si Nina, tumatakbo.

�Nina!� umakma siyang yayakapin ang nobya, katulad ng inaakala niya na ginagawa ng
mga magkasintahan sa pelikula, pero hinablot lang ni Nina ang kamay ng nobyo at
nagpatuloy sa pagtakbo.
�Zack, ano ba! Takbo!� sabi ni Nina.

Magtatanong na sana si Zack, ng biglang may malaking tunog � isang tunog na parang
may isang malaking bagay na bumabangga sa bato � siyang narinig. Habang tumatakbo,
napalingon siya at binalot ng takot sa nakita. Isang malaking zombie ang humahabol
kay Nina.

�Nina, takbooooooo!� sigaw ni Zack, na ngayon ay nauunahan na sa pagtagpo ang


nobya. Lumiko sila sa kanan, at... dead end.

Napalingon sila sa likod nila. Papalapit na ang malaking zombie. Nakikita na nila
ang anino nito, dahil may mga bintana na nagpapapasok ng liwanag ng buwan mula sa
labas.

Unti unting naglalakad ang malaking zombie papalapit sa kanila. Umungol ito ng
napaka lakas, alam na hindi na makakatakbo ang mga hinahabol nitong pagkain. Dahan
dahan nang naglalakad ang zombie, kampanteng kampante na mabubusog siya ngayong
gabi.

Hinawakan ng mahigpit ni Nina ang braso ng nobyo. Takot na takot...mas nakakatakot


ito kaysa sa mga oras na na-trap sila doon sa kusina sa loob ng mall. Kasi alam
niya, dito, wala na siyang matatakbuhan.

Kumapit pa ng mas lalong mahigpit si Nina sa braso ni Zack. Nagsimula nang dumugo
ang braso ni Zack. Naamoy ito ng higanteng zombie, at umuungol ng napaka lakas.
Kakain na siya...

.nang bigla na lang sa isang putok, tumumba na ang higanteng zombie. Kumalma ng
bigla ang buong katawan ni Zack. Nandito na si Andrew. Tuwang tuwa siya na naging
kaibigan niya si Andrew. Swerte talaga siya na sanay gumamit ng baril ang kanyang
kaibigan nang magsimula ang tinatawag na Zombie Apocalypse.

Lumabas sa dead end si Zack. Pinapangako niya sa sarili niya, yayakapin niya ng
sobrang higpit ang bestfriend dahil iniligtas na naman nito ang kanilang buhay
nang... pagliko niya sa hallway, walang taong nandoon.

Walang tao... so saan nanggaling ang bala na nagligtas sa kanila?

�Zack...� sabi ni Nina na malapit sa bintana. Nilingon siya ni Zack, at nakitang


pinapadaan ni Nina ang kanyang kamay sa isang maliit na butas sa bintana. May
parang isang malaking spiderweb na crack sa buong salamin, at sa pinaka gitna nito
ay nandoon ang butas.

Alam niya ang butas na ganyan. Nakita na niya yan sa mga pelikula na pinapanood
niya.

�Sniper shot?� tanong niya sa sarili. Tumingin siya sa labas ng bintana, hinahanap
ang kanilang tagapagligtas.

Tumatakbo si Andrew, palayo sa ingay ng mga zombie sa baba. Nagpasalamat siya sa


langit na parang hindi masyadong sanay ang mga zombie sa pagakyat ng hagdanan.
Napansin din niya ito nung nandoon sila sa Sky Garden ng SM North. Nakakaakyat
sila, pero parang nadadapa sila lagi habang paakyat, tila natitisod sa mga hakbang
ng hagdanan.

Patuloy siya sa pagtakbo, karga karga ang bata na iniligtas kanina, nang makarinig
siya ng isang napaka-lakas na putok ng baril. Napagaralan niya ang mga baril, at
alam na isang high-powered gun � isang sniper rifle o ano � ang kayang gumawa ng
ganun kalakas na tunog. Tila nawalan siya ng dugo sa mukha. Ano na ang nangyari?

Nagmadali siyang tumakbo papalapit sa tunog, at nakita si Zack at Nina, nakatanaw


palabas ng bintana, may isang higanteng zombie ang nakahilata, parang isang harang
sa buong hallway.

�Anong nangyari?!� tapos napatingin sa malaking zombie, �Kagagawan mo?� tanong niya
sa kaibigan, tinatanong kung siya ang nakapatay sa zombie.

Umiling lang si Zack, at itinuro ang bintana, kung nasaan ang spiderweb crack.

Lumapit si Andrew sa bintana, at nakita na niya ang bullet hole. Nagisip siya, at
sinabing, �Malamang nasa rooftop lang ang bumaril. Yun lang naman ang magbibigay ng
full view ng buong corridor eh. Pero ang malaking tanong...� sabi niya.

�...ay kung sino� pagpapatuloy ng kanyang matalik na kaibigan.

�Tama.� Nakita niyang naka-tingin si Zack at Nina sa bata na naka-pasan sa likod ni


Andrew. �Bakit?�
�Anak mo?� tanong ni Nina, naka-ngisi.

�Hello po...� sabi nung bata. Sisigaw na sana si Nina dahil sa sobrang cute ng
batang pasan pasan ni Andrew, pero nakarinig sila ng ungol...ungol ng mga zombie.

�Boys, kailangan na siguro natin umalis� sabi ni Nina.

�Pero umalis, at pumunta patungo saan?� tanong ni Andrew kay Nina.

�Hindi...hindi ko din alam� pero parang sagot sa kanilang katanungan, nakarinig


sila ng tunog ng pag-ikot ng mga propeller...propeller ng helicopter.

�Naririnig niyo ba...� simula ni Zack.

�...ang naririnig ko?� at nagkangitian ang magkaibigan ng parang timang.

�Halika na nga, B1 and B2!� sabay hatak sa kanilang dalawa paalis.

Tumakbo sina Andrew, at nakakita sila ng isang mahabang hagdan papataas. May maliit
na butas sa bubong. Pinauna nila si Nina, sumunod si Zack, at huli si Andrew, nang
bigla niyang maalala...

�Teka, si tito Jeff?� tanong ni Zack.

�Ha?� tapos biglang naalala ni Andrew. Ang tiyuhin niya! �Mauna na kayo...� sabi
niya, ibinababa ang batang pasan pasan. �Kayo na muna ang bahala sa kanya...� sabi
ni Andrew, ginugulo ang buhok ng bata.

�Teka...paano ka?� tanong ni Zack sa kaibigan, na tatalikod na sana. Hinawakan niya


ang kamay ng bata at pinauna sa hagdan, nakasunod kay Nina.

�Basta mauna na kayo, tingnan niyo na kung sino yung nasa helicopter sa
taas...�sabi ni Andrew sa kanilang dalawa. �At... alagaan mo siya� sabi ni Andrew,
naka-tingin ng parang nagaalala sa bata na nakasunod kay Nina.

At tumakbo na palayo si Andrew, determinadong hanapin ang tiyuhin, at sa huling


lingon niya, nginitian siya ng kaibigan na parang nagsasabing �Ako na muna ang
bahala�. Kampante siya, at nagtitiwala na si Zack na muna ang bahala kay Nina at sa
batang napapalapit na sa kanyang puso.

Chapter 6 : Rose Versus The DEAD

Hindi maiwasang magalala ni Andrew para sa batang iniligtas niya kanina.

"Zack, nako, alagaan mo yang batang yan, lagot ka sakin kapag may daplis yan
pagbalik ko..." Napailing na lang si Andrew sa sinabi niya. Nagpapaka-tatay siya sa
isang bata na kakakita pa lang niya.

Unti-unting binagalan ni Andrew ang takbo, at nagtago sa sulok ng isang pader.


Lumingon iya sa corridor, at tama nga, sangkatutak na ang mga zombie. Nakapasok na
sila sa gusali. Pagsikat ng araw, mao-overrun na ang buong presinto. Kailangan na
niyang mahanap ang kanyang tiyuhin bago pa yon mangyari.

Umasinta ni Andrew. Isang putok lang. Isang putok lang ang kaya niyang gawin. Konti
lang ang extra niyang bala, pero kailangan niyang dumaan sa corridor na ito.
Kinalabit ni Andrew ang baril na ibinigay sa kanya ng kanyang Tito Jeff at
asintado, napatamaan niya ang vase na nasa pinaka dulo ng corridor.

Napalingon ang mga zombie sa kanya dahil sa tunog ng baril, pero nadistract naman
ang mga ito kaagad nang marinig nila ang pagkabasag ng vase. Nagsimula nang
maglakad ang mga zombie papunta sa vase, palayo sa kinatatayuan ni Andrew.

Napahinga siya ng malalim. Gumana ang plano niya.

Dahan dahan, pero mabilis, siyang naglakad. Nangmakalayo na siya, nagsimula na


naman siyang tumakbo.

"Tito Jeff...nasaan ka na ba?" tanong niya sa sarili.

Nagmamadaling umakyat ng manipis na hagdanan ang tatlo. Una si Nina, sumunod naman
ang bata, at sa hulihan si Zack. Pagakyat nila, sakto naman naglaland na ang
helicopter.

"Saan kaya galing to?" tanong ni Nina sa sarili. Inalalayan niya ang bata paakyat
habang pinapanood na lumapit nang lumapit ang helicopter. Pero hindi ito
naglanding. Imbes, nagpalaglag lang sila ng mga lubid, at nagsimula na mag-rappel
pababa ang mga armadong lalaki. Sa oras na maabot nila ang sahig, pumwesto na
kaagad sila, nakahanda ang baril.

"Rooftop, clear!" sigaw ng isang lalaki. Dahan dahang nagland ang helicopter sa
rooftop. Lumabas doon ang isang lalaking naka-corporate suit.

"Good Evening. My name is George...and we are here to save you." bati sa kanila
nito. May pinindot si George malapit sa kanyang tenga. "Alpha Team, deploy."

Tumango ang mga lalaki na nasa kanan niya at sinabing, "Affirmative". Nagmadali na
sila pababa. Itinusok nila ang isang bagay sa taas nung butas, at hindi na sila
naghagdan pababa. Tumalon na lang sila at nag-rappel.

"Wag kayong magalala, nandito na kami para iligtas kayo. Pumasok na kayo sa loob ng
helicopter para madala na kayo sa ligtas na lugar." sabi ni George sa kanilang
tatlo.

"Ah..." napakamot si Zack sa ulo niya. "Maraming salamat po..." tumango naman is
George bilang acknowledgement sa pasasalamat.

Papasok na sana sila ng helicopter nang biglang hilahin ng bata ang kamay ni Nina.
"Bakit?"

"Kuya..." sabi lang nito. Namimiss ng bata si Andrew...

"Oo nga Zack, hindi natin pwedeng iwan si Andrew dito..." sabi ni Nina sa
Boyfriend.

"Sir, may isa pa po kaming kasama. Bumalik po siya para hanapin ang tito niya sa
loob..." Nagulat naman si George sa narinig. Napamura ito nang mahina at pinindot
na naman ang earpiece niya.
"Alpha One, situation analysis: Two more civilians are inside. I repeat, two more
civilians are inside. Bravo Team, deploy." sabi lang niya sa earpiece. "Ang mga tao
ko na ang bahala sa kanya. Ano ba ang pangalan niya ulit?" tanong ni George sa
kanila.

"Andrew po..." sagot ni Zack.

"Andrew. Wag na kayong magalala, ang DAEVA na ang bahala sa inyo..." sagot ni
George. "Kami na ang hahanap kay Andrew."

"Maraming salamat, sir..." sabi nila, tapos nagboard na sila ng helicopter. Sa


earpiece ni George, naririnig niya ang mga hiyaw ng Alpha Team habang kinakain sila
nang higanteng Zombie. Kaya niya idineploy ang Bravo Team ay dahil nakain na ang
Alpha Team ng mga zombie.

Mukhang...kailangan ka na naman sa field." sabi niya nang mahina sa earpiece niya


habang naglalakad pabalik sa helicopter.

"Permission to enter the battle zone, sir?" tanong ng isang boses sa earpiece niya.
Boses ng isang babae.

"Permission, granted. Rose...magiingat ka."

"Sir, yes, sir...."

Nakarinig ng mga sigaw si Andrew habang tumatakbo. Narinig niya ang mga panaghoy
ng mga tao sa hindi kalayuan, kasabay ng mga putok ng baril. Natigilan siya. May
mga tao na din ba na nakapasok? O baka naman mga naiwan itong pulis? Naalala niya
si Tito Jeff niya. Baka ito sila!

Nagmadaling tumakbo at sumandal sa dingding si Andrew, at dumungaw lagpas sa pinto.


Hindi mga pulis ang mga taong may hawak ng baril. May mga high-tech na eyepiece ang
mga ito, parang mga eyepiece na makikita sa mga Marines, o kaya sa mga bilihan ng
mga night vision equipment. At hindi lang basta basta ang mga baril nila. Makikita
mong high-quality ang mga baril nila, katulad ng gamit ng mga sundalo sa ibang
bansa.

Pero ang mas nakakagulat ay ang kalaban nila. Isang malaking zombie, na sa tantya
ni Andrew ay 7 o kaya naman 8 feet ang tangkad. Kinakalaban ito ng mga armadong
lalaki, at pinatatamaan sa katawan. Hindi man lang iniinda ng malaking zombie ang
mga bala ng baril.

"Mali...sa ulo niyo patamaan..." sabi ni Andrew habang inaasinta na ang bungo ng
zombie. Nasa bungad lang siya ng pinto, pero asintado siya sa paghawak ng baril.
Nahihigitan nga niya ang ibang pulis sa squad ng Tito at Tatay niya.

Isang kalabit lang ulit, at bumaon sa ulo ng zombie ang bala. Kinlick niya ang
cylinder ng kanyang gintong revolver, at nakita niyang ubos na ang bala niya. Pinop
out niya ang mga gamit na lalagyanan ng bala, at pinalitan ito ng bagong anim.
Menos ang mga ginamit niyang bala, anim na bala na lang ang natitira sa kanya.
Total ng labindalawang putok na lang ang kaya niyang gawin.

Nilapitan niya ang mga sundalo. Sugatan ang iba dahil sa inihagis ng malaking
zombie. Ang kalahati naman ng squad ay patay na, may mga malalaking parte ng
katawan ang kulang dahil kinain ito ng kinakalaban nila kanina. Nakahinga ng
maluwag ang mga sundalo nang makita si Andrew, at naupo silang lahat para gamutin
ang kanilang mga sugat.

Lumapit ang parang squad leader kay Andrew at nagpasalamat. "Ako si Sergeant Dela
Cruz. Salamat sa pagligtas sa amin kanina." sabi niya at kinamayan si Andrew.

Natawa si Sergeant Dela Cruz. "Hay...kinakabahan na ako kanina. Akala ko hindi na


kami makakalabas nang buhay dito! Buti na lang pala dumating ka...ano ang pangalan
mo? Atsaka bakit ka sanay humawak ng baril?" tanong sa kanya ng Sergeant habang
tinitingnan ang kabuuan niya. "Mukha kang civilian..."

"Andrew ho ang pangalan ko. Opo, civilian po ako, pero naka-recieve ako ng training
kung paano humawak ng baril." napatingin si Andrew sa mga kasamahan ng Sergeant.
"Kanina niyo pa po ba kalaban yung zombie?"

"Hindi. Actually, may unang team na ang nakakalaban sa zombie na yan. Na wipeout
sila. Sila ang Alpha Team, kami na ang Beta Team. Isang squad kami na nahahati sa
dalawa, at ngayon naman, kalahati na lang ng team namin ang natitira." napatingin
ang Sergeant sa mga namatay na kasama. "May hinahanap kami na isang bata. Ang
problema, hindi sa akin nasabi ng Sergeant ng kabilang team ang pangalan ng batang
hinahanap bago siya mapatay ng mga zombie."

"Hindi niyo po ba kayang kontakin ang base niyo? Siguro naman po may outpost po
kayo na malapit na pwede niyong i-contact?"
"Wala na, Andrew. Mobile Outpost ang helicopter na sinakyan namin papunta dito, at
matagal na itong nakaalis."

"Wala po ba kayong contingency plan...?"

"Magpo-proceed kami on foot papunta sa pinakamalapit na outpost dito sa Manila.


Magi-issue na ako ng abondon mission due to failure. Mas importante na makalabas
tayo ng buhay dito."

Napansin naman ni Andrew na okay na ang mga kasamahan ng Sergeant. "Mali po ang
pagbaril niyo..." sabi ni Andrew. Natawa naman ang sergeant, pero biglang naalala
nito na isang putok lang ni Andrew, napatumba niya ang zombie na trenta minuto na
nilang kinakalaban.

"Paano mo ba natalo yung zombie kanina?" tanong ni Sergeant Dela Cruz.

"Sa hindi malamang dahilan, gumagana lang ang pagbaril sa kanila sa ulo. Siguro
kahit patay na sila, gumagamit parin sila ng utak..."

"Hmm..." sabi ng sergeant. "Narinig niyo ba yon?" tanong niya sa mga kasamahan.
Lahat naman sila ay umoo. "Maganda yang nadiskubre mo, Andrew. Makakatulong talaga
yan sa DAEVA..." sabi niya.

Napaisip si Andrew. DDAEVA? Parang narinig na niya ito...or nakita. Biglang


nagflashback ang eksena sa mall sa utak ni Andrew.

Pinapanood niya ang nangyayari sa Entrance ng SM North EDSA mula sa 2nd floor.
Hinarang ng guard ang isang lalaking may bahid ng catsup sa likod. Nang harangin
ito, bigla niyang kinagat ang leeg ng security guard. Ang nakasulat sa likod ng
lalaking may bahid ng catsup sa likod - na dugo pala - ay...DAEVA.

"DAEVA...?"

"Department of Anti-Epidemic Vaccines Agency. Isang maliit pero elite na sektor ng


Department of Health. Kami ang mga bahala sa mga epidemic na lalaganap sa bansa, at
kami din ang bahala para magproduce ng mga vaccine na pangkontra dito." sabi ng
Sergeant.

"Isang epidemic po ba ang gumagawa nito sa mga taong namatay na?" tanong ni Andrew
sa Sergeant.
"Yan...ang hindi ko alam. Mga higher ups lang sa DAEVA ang nakakaalam niyan. Mga
simpleng sundalo lang kami, pero ang mga leader ang binibigyan ng idea kung ano ang
mga nangyayari. Kung may gusto ka pang malaman, sumama ka na lang sa amin. Dun ka
sa DAEVA HQ magtanong-tanong..." at sumenyas na siya sa mga tauhan niya.

"Kailangan na nating umalis bago maover-run ng mga zombie ang buong building..."
Nakarinig sila ng isang malakas na tunog o ungol sa hindi kalayuan. "Sa tingin ko,
hindi lang nagiisa ang higanteng zombie na yun. Malamang may mga kasama sila. Men,
move out!"

Nagfile out ang mga tauhan ni Sergeant Dela Cruz. Sumunod naman sa likuran si
Andrew. Maingat na dumudungaw ang mga sundalo bago lumiko sa madilim na mga
corridor ng abandonadong presinto. Hindi nagtagal ay napalingon na lang sila kay
Andrew at sinabing, "May mga zombie na..."

Maingat na dumungaw si Andrew. Oo nga, madami nang zombie. At ngayon, wala na


silang vase na patatamaan para pangdistract. Lumingon siya sa mga kasama at
sinabing, "Hindi ko na alam ang gagawin eh." sabi ni Andrew sa kanila.
"Nadidistract sila sa ingay. Yun ang ginamit ko para makatawid ako eh. Mukhang
hindi nila masyadong ginagamit ang sense of sight nila kaya naman nagrerely sila sa
sense of hearing..."

Hindi nila alam, may malaking zombie na nakatayo sa likuran nila. Narinig ng isang
sundalo ang ungol nito at lumingon. Nakita niya ang malaking zombie na nakatayo, at
sinubukan niyang sumigaw, pero walang boses ang lumalabas sa bibig niya. Naihi na
siya sa pantalon niya nang biglang umungal ang higanteng zombie. Lahat sila ay
napalingon dito.

"Patay..." sabi ni Andrew habang inihahanda ang baril niya, nang bigla siyang
hatawin ng isang malaking kamay. Nahambalos ang katawan niya sa dinding, at
tumilamsik mula sa kamay niya ang kanyang baril. Nagscatter naman ang mga sundalo,
pinapatamaang pilit ang ulo ng higanteng zombie, pero hinaharang ng zombie ang ulo
niya gamit ang mga kamay niya. Dumadagdag pa ang mga zombie na pilit na lumalapit
sa kanila ngayon.

"Sergeant, iwas!" sigaw ni Andrew. Maliksi na nakaiwas ang sergeant sa malaking


bibig ng zombie. Ilang centimeter lang ang naiwas ng sergeant, konti na lang ang
nawalan na ng ulo ang sergeant. May edad man ng konti ang sergeant, pero maliksi
parin ito.

"Kapag nagpatuloy pa to, sandali na lang, mapapatay na tayo..." sabi ng isang


sundalo. Nagngalit ang mga ngipin niya. Ito na nga ba ang katapusan?
Nang biglang may isang malakas na putok ang umalingawngaw sa gabi. Napalingon si
Andrew sa malaking salamin ng buong corridor. Ang nakita niya...ay isang malaking
crack sa bintana na nasa hugis ng isang spiderweb, na may isang maliit na
bullethole sa gitna.

Pero hindi niya inaasahan ang susunod na mangyayari.

May isang anyo ang sumalpok sa buong bintana. Nabasag ang buong bintana, at
gumulong ang anyo ng isang tao sa sahig ng corridor. Nakapwesto ito na naka-extend
ang dalawang kamay, at halatang may hawak na baril ang tao.\

Nagulat na lang si Andrew nang biglang paputukin ng anyo ang dalawa niyang baril
nang hindi man lang tumitingin. Saktong sakto sa mga noo ng mga zombie ang mga bala
ng baril. Sunod sunod na tumumba ang mga zombie, at pinaikot ng anyo ang mga baril
niya pabalik sa mga holster ng baril sa kanyang balakang.

Umungol ng malakas ang higanteng zombie. Napalingon ang anyo dito, at may hinugot
na mahaba mula sa likuran niya. Itinutok ito sa higanteng zombie. Biglang humangin
ng malakas, at napawi ang mga ulap at lumitaw ang buwan. Lumiwanag ang buong
corridor, at napanganga si Andrew sa hanga at sindak sa nakita.

Isang babae na naka leather na cloak, at may hawak hawak na sniper rifle. Nakasilip
ang babae sa scope ng kanyang sniper rifle, at sa isang kalabit, sumabog ang ulo ng
higanteng zombie.

Nilingon lingon niya ang mga lalaki. Lumapit siya sa sergeant, at binati ito habang
tinatanggal niya ang mga gloves niya. Nakanganga parin si Andrew sa gulat.

"Sergeant..." bati nito habang isinasabit sa belt ang mga gloves.

"Rose..." bati ng sergeant, at yumuko siya ng bahagya sa dalaga.

"Ipinadala na ako ni Sir George. Ipinapahanap niya ang isang batang nagngangalang
Andrew." Ipinaalam ni Rose sa sergeant, na ngayong tinutulungan patayo ang ibang
mga sundalo niya. Napalingon naman siya kay Andrew.

Natawa nang bahagya si Andrew. "Ako pala ang hinahanap niyo eh..."
Nilingon siya ni Rose, at sinabing, "Nakita na ng Charlie Team ang iyong Tito Jeff.
Bravo Team, binigyan kayo ni Sir George ng order to clear out. Sasamahan ko kayo
pabalik sa pinakamalapit na Outpost ng DAEVA." pormal na pormal na sabi ni Rose,
una kay Andrew, sunod sa lahat.

"Halika na. Hindi nauubusan ang mga zombie. Kailangan na nating umalis, kasi
siguardo akong rinig ng buong block ang mga putok ng baril ko." sabi ni Rose at
nagsimulang maglakad papalayo.

Weeeee nakakatuwa naman! Isang araw lang ako nawala ang dami nang nag-add kaagad ng
mga story ko sa reading list nila! Weeee! Maraming maraming salamat!

Plug ko lang yung ibang works ko: Mafia Boss Lover atsaka My Girlfriend Is A
Vampire!

Chapter 7: DEAD On The Street

Nagisip si Andrew ng plano. "Come on Andrew! Paganahin mo utak mo, kundi patay
kayo!" sabi niya sa sarili. Napaisip siya: Siya ang nakadiskubre kung paano pumatay
ng zombie. Kaya niya to...

Inobserba niya ang zombie. Malaki ito, at kahit zombie na, matibay parin ang laman.
Sobrang tibay, kaya niyang hindi maapektuhan ng mga bala ng sniper rifle.

Inimagine bigla ni Andrew ang isang bungo ng isang tao. Iisa - rather, dadalawa -
lang ang butas na pwedeng pasukan sa isang bungo, maliban sa bibig...

"Sa mata..." napabulong si Andrew sa sarili, pero narinig ito ni Rose. Kaagad
insainta ni Rose ang kanang mata ng napaka-laking zombie at kinalabit ang trigger.
Sumabog ang buong mata ng zombie at umulan ang dugo sa aspalto sa harapan nina
Andrew.

"Galing mo ah..." sabi ni Rose sa kanya.

"Med student eh. Kailangan kabisado ko yan..." sabi ni Andrew, pero naka-smirk na
siya ngayon.
"Wag masyadong confident. Buhay parin yan..." sabi ni Rose at pinasabog ang
kaliwang mata ng zombie. "Bwisit! Ayaw mamatay!" tinadtad ni Rose ng bala ang mga
mata ng zombie sa sobrang inis. Humihiyaw lang ang zombie sa naramdaman.

"Nasasaktan parin siya..." observe ni Andrew.

"Siguro nga, pero hindi ito ang oras para magaral. Kapag nagpatuloy to, maattract
lahat ng zombie sa lokasyon natin..." paliwanag ni Rose.

Nainis si Andrew, pero hindi kay Rose. Naiinis siya sa sarili niya. Wala siyang
magawa. Wala siyang maitulong. Idagdag mo pa ang nararamdaman niya na insecurity
kay Rose... napasuntok na lang siya sa aspalto.

Biglang umapak ng malakasang malaking zombie. Yumanig ang lupa at napaupo si Rose.
Nabitawan niya ang sniper rifle. Umalulong na naman ang higanteng zombie. Sa
sobrang lakas ng ungol, kita na ni Andrew ang ngala-ngala nito. Naalala niya tuloy
ang mga pelikula na pinapanood niya dati, kung saan nagsusuicide ang mga tao gamit
ang pagsubo ng baril atsaka ipuputok ito.

Isusubo ang baril at ipuputok ito...

"Sorry, pero pahiram muna..." sabi ni Andrew sabay hablot sa sniper.

"Hoy, akin yan!" sigaw ni Rose. Tumakbo siya papasok ng gusali at umakyat sa
ikaapat na palapag. Hinabol siya ni Rose.

"Ano ba gagawin mo?!" habol ni Rose sa kanya, pero hindi niya pinansin.

"Hoy!" sabi ni Rose. "WAAAAAAAG!!" sigaw ni Rose habang lumundag si Andrew mula sa
ikaapat na palapag, diretso papasok sa bibig ng higanteng zombie. Nilamon si Andrew
sa isang lunok.

"Andrew!" sigaw ni Rose. "Waaaaaaaaaaahhh!!" sigaw ni Rose habang hinuhugot ang


dalawang baril na nakasabit sa kanyang balakang. Pinaulanan niya ng bala ang zombie
pero walang nangyayari. Bumaba na lang siya.
Nagpipigil ng luha, nagulat na lang siya ngpagbaba niya ng biglang umulan ng dugo
pagkatapos nilang makarinig ng isang malakas na putok ng baril. Napatingin sila sa
higanteng zombie, at bumagsak na ito.

"Ano nangyari...?" tanong ni sergeant Dela Cruz sa kanya.

"Si Andrew..." sagot ni Rose, at nakita nilang gumagapang palabas ng bibig ng


zombie si Andrew, basang basa ng laway at dugo.

"Kadiri...pweh!" sabi ni Andrew habang tumatayo. Lumapit sa kanya si Rose. Akala


niya yayakapin siya nito, pero biglaan siyang sinalubong ng sapak nito.

"Para yan sa pagkuha ng sniper ko ng hindi pa ako pumapayag..."sabi ni Rose at


pinulot ang sniper niya na nababalot ng laway.

Pinat naman ni sergeant Dela Cruz ang balikat ni Andrew. "Ingat ka, wag kang
lulunok ng laway o dugo ng mga yan."

"Yeah, alam ko." sabi ni Ands sabay ngiti.

"May problema tayo..." sabi ni Rose.

"Na naman?!" magtatanong na sana si Andrew ng maranig niya... ang mga ungol ng mga
libo libong mga zombie na papalapit sa kanila.

"Shet naman oh!" sabi ni Andrew. Binilang niya ang mga bala. "Rose, may extra ka
pa?" napailing na lang ang dalaga.

"Oh shet..." sabi ni Andrew. "Patay..."

"Oo, patay. Ang tanong, sino? Sila, o tayo?"


<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>32##########################################################
</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>

You might also like