You are on page 1of 3

Nagyabang si Seladeng

Si Seladeng ay isang usang mahilig magyabang. Namamasyal siya sa may sapa


nang makita niya si Toso, isang kuhol. Naisip niyang walang magagawa si Toso sa
kanya kahit sa anong labanan.

“Hoy Toso, napakabagal mo naman. Nakakahiyang lumaban sa iyo ng


takbuhan.”

“Huwag kang kasisiguro at baka magsisi ka!” ganting hamon ni Toso.

Namangha si Seladeng sa sinabi ni kuhol. Wala pang nakatatalo sa kanya kung


sa takbuhan din lamang.

“Hinahamon mo akong talaga, ha? Sige, bukas magkarera tayo mula rito
hanggang sa dulo ng sapa,” hamon ni Seladeng.

“Sige tumakbo ka hanggang makakaya mo. Isipin mong buhay mo ang nakataya
sa iyong pagtakbo,” wika naman ni Toso.

Lalong nagtaka si Seladeng sa sinabi ni Toso.

Kinabukasan, humanda na ang dalawa. Si Seladeng ay sa tabi ng sapa tatakbo


at si Toso naman ay sa sapa mismo. Nagsimula na ang labanan. Pagkatapos ng ilang
hakbang, nilingon ni Seladeng si Toso.

“Toso, nasaan ka?”

“Nandito ako,” sagot naman ni Toso na nauuna sa kanya.

“Mabilis siyang lumangoy,” Wika sa sarili ni Seladeng. Ngunit mas mabilis akong
tumakbo.” Kaya binilisan pa niya ang pagtakbo.

“Toso, nasaan ka?”

“Narito ako, kaibigan,” na malayo na ang agwat sa kalaban.

“Huwag kang kasisiguro,” wika ni Seladeng sa sarili. “Madali kitang abutan.”


Binilisan pa niyang lalo ang takbo.

“Toso, nasaan ka?” Ang tanong niyang muli.


“Narito ako sa unahan mo.”

Namangha lalo si Seladeng. Ngayon ay takot na siya. Naisip niyang matatalo


siya kaya tumkbo siya nang buong bilis na animo’y ipu-ipo. Hindi na siya humihinto
upang tanawin si Toso.

Nang dumating si Seladeng sa Dulo ng sapa, nakita niyang naghihintay na roon


si Toso na tahimik na nakaupo sa isang basang bato.

“Matagal ka na ba rito?

“Oo. Bakit mo itinatanong?”

“Huwag mo nang itanong,” galit na wika ni Seladeng. Naisip niyang pinaglalaruan


siya ni Toso. Kaya walang sabi-sabing tumakbo siyang pabalik sa pinagmulan ng sapa.
Naisip niyang walang Toso na makatatalo sa kanya sa anumang labanan.

Pagkakatakbo sa isang ligid ay humihinto si Seladeng at tinatawag si Toso na


lagi naming sumasagot sa unahan niya. Kaya si Seladeng ay tumakbo hanggang sa
mamatay sa pagod. Namatay siyang hindi nalalaman na maraming Toso sa tubig na
siyang sumasagot sa kanya.
Mga Taong Nakalilipad
Noong unang panahon, sa isang pulo sa Gresya, nakatira ang mag-amang
Daedalus at Icarus na natutong lumipad. Lubhang matalino si Daedalus. Minsan,
pinagawa siya ni Haring Minos ng isang daanan na may mga lihim na pintuan.
Pambihira ang pagkakagawa niyon kaya naipasya ng hari na walang dapat makaalam
sa lihim liban sa kanya. Noon din ipinakulong niya si Daedalus ngunit nakagawa ng
paraan si Deadalus upang makalabas.

Inisip ni Daedalus na lisanin na nila ni Icarus ang pulo. Maaring sa tubig dumaan,
ngunit alam niyang pinababantayan ng hari ang lahat ng sasakyang-dagat.

Nag-iisip noon si Daedalus nang matanaw ng lumilipad na ibon. May bigla siyang
naisip. Nag-ipon siya ng maraming pakpak ng ibon. Tinahi niya nang dikit-dikit ang mga
pakpak.. Pagkatapos pinahiran niya iyon ng pandikit. Nakagawa siya ng isang pares ng
malalaking pakpak. Sinubok niyang gamitin ito sa paglipad. Anung gulat niya! Nakalipad
siya!

Gumawa siya ng isa pang pares na pakpak para kay Icarus. Nang makatapos
siya, isinuot nila ang pakpak at humanda sa pagtakas.

“Anak, ang pakpak na ito ang gagamitin natin sa paglipad. Ngunit ibig ko lang
ipaalala sa iyo na huwag kang lilipad ng napakababa o napakataas. Kung napakataas
matutunaw ang pakpak mo dahil sa init ng araw. Kung napakababa naman, mahihila ka
ng balani ng daigdig.”

Sinimulan nilang ikampay ang kanilang mga pakpak. Dahan-dahan silang


tumaas. Ilang sandal pa mataas na sila.

Tuwang-tuwa si Icarus. Nakalilipad nasiya! Nalimutan niya ang bilin ng ama.


Nagpakataas-taas siya ng lipad. Walang anu-ano’y nadama ni Icarus na mainit ang
tama ng araw sa kanya. Natunaw ang pandikit sa kanyang mga pakpak. Bumagsak
siyang parang dahon sa dagat.

Sinikap ni Daedalus na saluhin ang anak ngunit hindi magawa. Malungkot siyang
nagpatuloy sa pagtakas.

You might also like