You are on page 1of 4

ANG MAUSISA’T INGGETERONG ISDA

Mga Tauhan:

Isda - Cantara
Tatlong Ibon – Buñag, Maraña, Bicas
Uod - Alegre
Magkasintahang Liyon – Arbolente J. at Vilar F.
Narrator – Cedeño at Dimatulac

Sa isang kagubatan, may isang lawa ang matatagpuan sa gitna neto. Sa lawang ito, may
isang isdang nakatira na gustong malaman kung ano ang pakiramdam ng manirahan sa ibabaw
ng tubig. Nakasimangot na paikot-ikot si isda sa ilalim ng lawa. Hindi na maipinta ang mukha ni
Isda dahil sa pagsimangot niya. Piling niya ang liit-liit ng kayang tinitirhan at gusto niyang
manirahan sa ibang lugar maliban sa lawa.

“Hays, ano ba yan. Ang liit-liit ng lawang ito. Napapagod at nasasasawa na akong
magpalangoy-langoy ng paikot-ikot dito. Gusto kong manirahan sa panibagong lugar, kung
saan hindi ako magsasawang manirahan”. Sabi ng Isda.

Ibig na ibig ni Isda na umalis sa kanyang lawa upang manirahan sa ibang lugar na kung
saan malawak at masaya. Nag-isip siya kung saan siya pwedeng makahanap ng bago niyang
malilipatan hanggang sa napagdesisyonan niya na lumanggoy patungo sa ibabaw ng tubig upang
makakita ng bagong tirahan.

Hmm, san kaya ako makakahanap ng bagong malilipatan? Ay alam ko na! Lalangoy ako
sa ibabaw ng lawa upang matanaw ang paligid. Baka sakaling makahanap ako dun ng bagong
malilipatan.

Nang makapunta si Isda sa ibabaw ng tubig, agad niyang nilabas ang kanyang ulo upang
matanaw ang kagandahan ng kagubatan. Manghang-mangha si Isda sa kagandahan nito. Tila
bang ayaw na niya bumalik sa ilalim ng lawa dahil gusto niya pa pagmasdan ang kagubatan.

“Hala! Ang ganda pala dito! Ang liwanag at ang lawak ng paligid.” Paglalarawan ni Isda
samundong ibabaw.
Habang nagmamasid at nagmumunimuni si Isda, may tatlong ibon ang lumapit sa kanya na
gusting mangamusta.

“Tweet! Tweet!” Magandang umaga sa iyo Isda.” Bati ng unang Ibon sabay bati din ng dalawa
pang ibon.

“Magandang umaga rin sa inyo mga Ibon!.” Bati naman ni Isda.

“Ano ang iyong dahilan at bakit ka napunta dito isda?” Tanong ng unang Ibon.

“Ah eh wala lang Ibon, gusto ko lang makita ang mundong ibabaw. Nakakasawa na kasi sa
ilalim ng lawa eh.” Sagot ni Isda at sabay tanong ng “Oo nga pala mga Ibon, san kayo nakatira?”

“Bakit mo naman yan natanong Isda?” Tanong ng ikalawang Ibon.

“Ah eh gusto ko lang malaman kung san kayo nakatira.” Sagot ni Isda sa tanong.

“May kanya-kanya kaming pugad na nakapatong sa iba’t - ibang sangay sa mataas na puno
malapit dito.” Sabi ng ikatlong Ibon.

“Maganda sa tahanan namin dahil kitang kita namin ang buong kagubatan at presko ang
hangin.” Paglalarawan naman ng ikalawang Ibon.

“Gawa ang pugad namin sa ibat ibang uri ng maliliit na sanga, dahon at kahoy.” Ukol naman sa
unang Ibon.

Inggit na inggit si Isda sa paglalarawan ng mga Ibon sa pugad nila.

“Naku! Ang gaganda siguro ng tirahan nyo, mga kaibigang Ibon.” Sabi ng Isda.
Lumipad na ang tatlong ibon patungo sa kanilang pupuntahan. Naiwan si Isdang
nagmamasid at namumuni muni sa gilid ng lawa. Hanggang sa napansin niya na may maliit na
uod ang gumagapang palabas ng lupa patungo sa mga halaman sa gilid gilid. Nilapitan ito ni Isda
at kanyang kinausap.

“Magandang umaga kaibigang uod! Maari ko bang malaman kung saan ka nakatira? At ano
meron doon?” Masayang patanong ni Isda sa Uod.

“Magandang umaga rin sa iyo kaibigang Isda! Ako ay nakatira sa ilalim ng lupa. Madilim doon,
ngunit malamig. Sa ilalim ng lupa, makikita mo ang mga ugat ng mga halaman na nakatanim.”
Paglalarawan ng Uod sa Isda.

Umalis na si uod upang bumalik sa ilalim ng lupa. Lalo nanamang nainggit si Isda sa
sinabi ng Uod sa kanya at gustong gusto niyang sumama papunta sa tirahan nito. Gusto niyang
makita kung ano talaga ang itsure ng ilalim ng lupa.

“Hmm, ano kaya ang pakiramdam na manirahan sa itaas ng puno tulad ng mga Ibon? O kaya
naman ay sa ilalim ng lupa gaya ni Uod?” Tanong ng Isda sa kaniyang sarili.

Natigil ang pagmumumuni muni ni Isda ng marinig niya ang malalakas na yabag ng
dalawang magkasintahang Lion na papunta sa kaniyang direksyon.

“Magandang umaga sa inyong dalawa Ginoo’t Ginang Liyon!” Bati ng Isda sa dawalang
magkasintahang Liyon.

“Magandang umaga rin sa iyo kaibigang Isda! Ano ang sadya mo dito?” Tanong naman ng
lalaking Liyon.
“Nagmumuni muni lang ako Liyon. Kayo? Ano ang pinunta nyo dito?” Tanon grin ng Isda.
“Naglalakad lakad lang kami kasama ang mga anak namin. Ayun oh kita ko yung isa natakbo.”
Sabi ng lalaking Liyon.

“Ayun yung isa! gumugulong pababa ng isang burol.” Sabi rin ng babaeng Liyon.

“Ayun rin yung isa! sinusubukang umakyat sa isang puno.” Sabi ulit ng lalaking Liyon.

“Teka lang! puntahan lang namin sila baka pa sila madisgrasya.” Masayang sagot ng dalwang
Lion at sabay tumakbo ng mabilis.

Hindi na mapakali si Isda matapos ang usapan nila ng magkasintahan. Gustong gusto na
niya makita ang mga lugar at tahanan ng kaniyang mga kaibigan. Pumunta sa kabilang dulo ng
lawa si Isda at lumangoy ng mabilis na mabilis. Sabay tumalon siya ng mataas upang makalabas
ng lawa. Bumagsak siya sa mga damuhan. Hindi siya makahinga! Hindi siya makatayo at
makalakad patungo sa lawa.

“Saklolo! Saklolo! Tulungan nyo ako! Nagmamakaawa ako! Pakiusap!” Malakas na sigaw ng
natataranta’t habol hiningang Isda.

Narinig siya ng mga Ibon, uod at ng magkasintahang Lion at dali dali silang lahat pumunta sa
gilid ng lawa upang tulungan na matulak ang Isda papunta sa lawa. Oh kay sarap ng pakiramdam
ni Isda nang makabalik siya sa tubig at nakakahinga. Lubos ang kanyang pasasalamat sa mga
tumulong sakanya makabalik sa kanyang tahanan. Nakahinga muli si Isda at hindi na niya inisip
pang tumalon mula sa lawa. Dahil alam na niya na dun siya ligtas.

You might also like