You are on page 1of 6

Jamila Abdulgani

BSEd Filipino – 3rd Year


FIL126 A2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang layunin ng kabanatang ito ay ipakita ang iba pang mga ideya tungkol sa nilalaman

ng pag-aaral na ito batay sa kaugnay na mga pag-aaral.

WIKA AT PASISMO: POLITIKA NG WIKA AT ARALING WIKA SA PANAHON NG

DIKTADURA

Gonzalo A. Campoamor II

Rasyunal

Sa hatol ng Nacionalista Party (NP), nahalal si Ferdinand Marcos bilang

pinakamakapangyarihang lokal na indibdiwal sa bansang Pilipinas noong ika-9 ng Nobyembre

1965. Sa pamamagitan ng kanyang islogan na “This nation can be great again.” ay nakuha niya

ang posisyong pangulo sa pambansang halalan. Hindi maikakailang ang wika rito ay naging

instrumento sa kanyang pagkapanalo. Maliban dito, batid na ng lahat kung gaano ka

makapangyarihan ang batas militar na ipinatupad ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang

wika sa panahong ito ay nagsilbing instrumento upang kontrolin ang sambayanan na naging

benepisyal gayundin naging masamang bangungot sa iba. Ang pananaliksik na ito ay pag-aaral

hindi lamang ng politika ng wika at politika ng araling wika. Pag-aaral din ito ng mga praktikal
na implikasyon ng politika ng wika sa ilalim ng rehimeng batas militar, partikular noong dekada

sitenta.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral ay gumagamit ng historikal na disenyo ng pananaliksik. Partikular sa

panahon ng rehimeng batas militar na siyang malaking sakop ng pag-aaral.

Layunin

Pangkalahatang layunin ng libro ang tukuyin ang politika ng wika at politika ng araling

wika sa konteksto ng pandaigdigang krisis pangekonomiya ng mga dekada sitenta at ng

pasismong dulot ng rehimeng batas militar. Kaakibat na mga espesipikong layunin ang

sumusunod: (1) Alamin ang realidad ng pagkakaroon ng dominasyon sa larangan ng

pandaigdigang araling wika; (2) Isa-isahin ang mga araling wikang humamon sa dominante at

tradisyonal na araling wika; (3) Pahalagahan ang pilosopiya ng wikang nakabatay sa makauring

teorya ng lipunan; (4) Tantiyahin ang lugar at patutunguhan ng araling wika, partikular sa

Pilipinas, sa konteksto ng politika ng wika; (5) Suriin, sa pamamagitan ng pinahalagahang

pilosopiya ng wika, ang diskurso ng batas militar / bagong lipunan bilang repleksiyon ng 4

pasistang anyo ng pamamahala at repraksiyon ng wika bilang lehitimasyon ng hegemonya at

pagpapanatili nito; at, (6) Tiyakin ang posibilidad na gamitin ang wika bilang lugar ng kontra-

hegemonya o kontra-kultura.
Resulta/Konklusyon

Dominante naman sa usapin ng wika sa panahon ng rehimeng batas militar ang

makauring anyo ng wika ng pasismo. Maaaring puwersahan ang imposisyon o pagpapagamit ng

mga partikular na salita at dalumat, pero may kapasidad din ang estado na ipagpaliban nang

bahagya ang pagpapagamit ng mga ito sa wika hanggang sa ang mamamayan na mismo ang

gumamit at gawing kumbensiyon ang diskurso. Kaalinsabay ng iba pang sistemang semyotiko,

pinakaimportanteng senyas ang dominanteng mga anyo ng diskurso at wika na naglelehitima ng

kapangyarihan ng estado at nakapangyayaring uri kaya nga itinuturing ang wika na lugar ng

patuloy na tunggalian ng uri. Patuloy naman ang paggigiit ng naghaharing uri sa wikang

sentralisado, monoglosiko, singkroniko, at awtoritaryo dahil kaalinsabay ng pagpapakitid ng

kahulugan ng mga salita (tungo sa nais nilang maging pakahulugan ng mga ito) ang pagtindi ng

kanilang kapangyarihan. Nakakamit ang ganap na kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsasanib

ng wika at mapanupil na aparato, o ng monoglosiko at awtoritaryong wika na naglelehitima sa

represibong aparato ng estado at ng militar.

PLURALISMO AT KAPANGYARIHAN: ISANG ADYENDA SA GLOBALISASMONG

PANGWIKA

Pamela C. Constantino

Rasyunal

Ang paghahambing sa wikang Ingles at Filipino ay isang kontrobersyal na isyu na hindi

rin mawala-wala. Ang isyu ng inferiority complex na nangyayari sa pagitan ng dalawang wika ay

matagal ng pinagdedebatihan ng mga iskolar. Para sa nakararami, ang wikang Ingles ay wika ng
mga edukado na tila sinasalamin ang sinaunang panahon na ang Filipino ay para sa mga indio

lamang. Malaki ang nakunsumo ng wikang Ingles sa pagkatao ng bawat tao kung kaya’t sa pag-

aaral na ito ay tinitingnan kung paano mas mapapayabong ang wikang Filipino bilang wika ng

globalisasyon.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral ay gumagamit ng kwalitatibong disenyo ng pananaliksik. Napapangkat

ang pag-aaral kung saan ang bawat paksa ay maayos na nagkakasunod-sunod sa pamaraang

pasaklaw.

Layunin

Layunin ng papel na ito na maglahad ng isang iskemang pangwika na magbibigay

konsiderasyon sa multilingguwal, neokolonyal, at pluralistikong karakter ng lipunang Pilipino.

At pangunahing adyenda rin ng ng iskemang ito na mapigil ang malawak at malalim na epekto

ng pagsaklaw at pagdomina ng wikang Ingles at ng Kulturang Amerikano sa araw-araw na

pamumuhay at kaisipan ng mga Pilipino.

Resulta/Konklusyon

Ang iskemang ito ay nagdaragdag, hindi nagpupuwera sa Filipino o kaya'y sa Ingles.

Hindi ito nanghihingi ng debate ukol sa kulturalismo sa posisyon ng Pambansang

Demokratikong Prente o kaya'y naghuhudyat ng krisis ukol sa depinisyon ng isang nasyon. Sa

itinataguyod ng iskema ang pagkakaiba o dibersidad upang bumuo ng isang kulturang nakasentro

sa Pilipinas sa ngayon. Angkop na sipiin dito si Fishman (1999:182) sa kanyang pagtalakay sa


"diskurso ng pambansang pagkakaisa na ipinahayag ng isang apela para sa isang pinagsaluhang

wikang magkakaiba, hindi ng pinaghalong wika ng isang komon na kultura." Ang pagkakaiba o

dibersidad na ito, ay makapagpapalakas sa lohika at argumento tungo sa isang pambansang

kultura, na dahil sa globalisasyon ay nagiging mailap at di-praktikal. isang pangangailangan

ngayon, kung gayon, na magbigay-konsiderasyon sa mga kultura at wika sa Pilipinas upang

hadlangan ang paglaganap ng iisang-kulturang global.

MGA POLITIKA NG DILA: IMAHE (NASYON), KAAKUHAN AT EROTISISMO SA

NOBELANG LUMBAY NG DILA (2010)

John Clifford E. Sibayan

Rasyunal

Ang nobelang Lumbay ng Dila ni Genevieve L. Asenjo ay may samu’t saring tema ng

politiko. Makikita rito ang masalimuot na mga relasyong pangkapangyarihan: mula sa

kinalakhang bayan tulad ng sa Barasanan, Antique, sa mga magulang ni Sadyah na dating mga

kumander ng Bagong Hukbong Bayan o New Peoples Army (NPA), sa mga magugustuhan at

makakarelasyong mga lalaki, sa paggamit ng wika, sa pakikipagtalastasan gamit ang teknolohiya

ng internet at cellphone, hanggang sa usapin ng katawan, trabaho, kasaysayan at kamalayan.

Samakatuwid, lahat ay politikal. Ganito maaaring taluntunin ang nobelang Lumbay ng Dila ni

Asenjo – ang pagsusuri at pagsisiwalat sa mga lantad, lantay at kubling mga politika na

matatagpuan at lumikha sa nobela.


Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral ay gumagamit ng deskriptibong disenyo ng pananaliksik dahil sa

paglalarawan at pagkritik ng mga pangyayari sa nobela na may koneksyon sa politico.

Layunin

Sinuri ng papel na ito ang iba’t ibang politika o relasyong pangkapangyarihan na

nagtatalaban sa nobelang Lumbay ng Dila. Bilang isa sa mga kontemporanyong nobela,

masisipat sa Lumbay ng Dila ang mayamang talaban ng mga politika o relasyong

pangkapangyarihan. Sa partikular, ipinakita sa papel ang politika ng wika, politika ng espasyo,

politika ng katawan at politika ng kasaysayan – at kung paano nito hinulma ang proyekto ng

bansa bilang isang nobela.

Resulta/Konklusyon

Kakikitaan na taliwas sa nakalimbag na Maragtas ng Panay, buhay na buhay ang politika

ng interbensiyon ng mamamayan sa pamamagitan ng mga mito, kuwentong bayan at mga tsismis

sa Antique. Sa katunayan, ganito ang makikita sa ikalimang kabanata ng Lumbay ng Dila.

Ikinukuwento ng tauhang si Sadyah kung paanong nilikha ng mga kuwento ng kaniyang Auntie

at Uncle, ang mga nag-aruga sa kaniya dahil nga NPA ang kaniyang mga magulang, ang

kamalayan, karanasan at espasyo ng kaniyang kabataan.

You might also like