You are on page 1of 9

1.

1. INT. DINING ROOM – DAY

Kakain pamilya nila Sammy and then biglang may buybust na


mangyayare

DIANA (ROSABEL)
Tara na magsi kain na tayo Sam, Josh lika
na, Bel tam na yan

*Mapunta sila lahat*

IKE (ABNER)
*kakalabitin si aleck* tara na,

RENZ (JOSHUA)
__ nanaman?

GAB (SAMMY)
Hayaan mo na kuya

RENZ (JOSHUA)
Pangatlong init na natin yan ah, pano
kung nandito pa yung dalawang kuya naten

DIANA (ROSABEL)
*pabulong* pasalamat ka may ulam tayo

*sabay may kakatok ng tao po*

PULIS 1
Meron ka ba jan pre? Isa lang

IKE (ABNER)
*lingon* Di ko alam sinasabi mo

PULIS 1
Sabi ni boy bakal meron ka daw jan ngayon

*papasukin si pulis 1 ni ike and mag


kakagulo*

PULIS 1
Taas kamay buy bust to!

PULIS 2
Matagal ka na naming minamanmanan abner

*nagkakagulo pa din and huhulihin si ike*


2.

2. INT. BED ROOM – DAY

Nakahiga tatlong magkakapatid and pinaguusap nila kung anong


mangyayare sa kanila.

NARRATOR
Ibang-iba ang naging buhay naming sa
Pamorangon. Doon tuluyan nabuksan ang
isipan sa klase ng buhay na meron ang mga
magulang ko at ng pamilya namin

GAB (SAMMY)
Mapupunta kayang impyerno sila mama’t
papa? kriminal sila. nagbebenta sila ng
droga, sabi ni aling melba sumisira sila
ng buhay

ALECK (BELLA)
Kuya

RENZ (JOSHUA)
Oh?

ALECK (BELLA)
Bukas uwian mo kami ni ate ng cupcake ah

*smirk si renz*

GAB (SAMMY)
Bella ano ka ba naman, lagi ka na lang
humihingi ng pasalubong kay kuya, eh alam
mo naman na barya lang naman kinikita
nyan pagsusulat ng notes ng kaklase nya,
at tsaka pwede ba bel sa susunod kapag
may seryosong kausapan, wag kang
masyadong naka subsub jan sa pag aaral
mo, pati nun binisita natin si tatay naka
tutuk ka jan eh minsan nga lang natin sya
makita.

ALECK (BELLA)
Eh ate sorry na, kailangan ko mag aral ng
mabuti eh kailangan kong maging abogado
para malabas ko si papa sa kulungan.
3.

RENZ (JOSHUA)
*sighs* kaya magtiis muna tayo dito ha
kahit malayo tayo kela papa, at least
tahimik yung buhay natin dito. May nag
aalaga saten, nakakapag aral tayo ng
maayos, pero wag kayong mag alala mag
papayaman ako, di ako tutulad kena mama
at papa, makakapag tapos ka ng pag aaral
sam, at ikaw naman bel, magiging isang
magaling na abogado ka at ikaw din
kukunin ko abogado para kena papa… Basta
pramis ko senyo tayong tatlo kahit anong
mangyare Hindi tayo magkaka hiwa hiwalay
pramis?

ALECK (BELLA)
Pramis

GAB (SAMMY)
Pramis

RENZ (JOSHUA)
Osige na tulog na kayo

3. INT. OUTDOOR – DAY

Na impluwensyahan si Joshua and nag simula syang mag gawa ng


mga illegal activities.

NARRATOR
Kinabukasan kinausap kami nila tito at
tita na aalis na sila at kailangan ng
mapahiwalay ni kuya upang magtrabaho sa
paggawaan ng longganisa ni tita Ria. Ang
sabi ni kuya walang magbabago pero
pagpunta nya ng santa elena, makakasama
nya pala roon ang isa pa naming kuya na
si Benedict pati na ang impluwensya nito

JEROLD (BENEDICT)
Ang baboy hindi nanganganak ng bibe, ang
nanay mo tulak, ang tatay mo adik na
tulak pa. ano sa akala mo ang paglalagyan
mo ha? Kaya wag ka masyadong mayabang

*konting arte ni renz*


4.

4. INT. FRONT OF THE HOUSE – DAY

Umuwi sila Sammy at Bella sa bahay nila Joshua at


Benedict

NARRATOR
Sa huli pinagpasapasahan din kami sa
Vinzons at napabalik din kami sa Santa
Elena

JEROLD (BENEDICT)
Oh! Bigla biglaan kayong dumarating ano
ba naman kayo? Hindi ba kayo napagod?

RENZ (JOSHUA)
Kumain na ba kayo? Kuya nagluto ka ba?

*nakita nila gab at aleck ung sigarilyo


ng kuya nya*

JEROLD (BENEDICT)
Ako ang bahala magluluto tayo jan, lika
na

*pumasok si jerold*

RENZ (JOSHUA)
Lika na kain na muna kayo, siguradong
pagod na pagod na kayo

*pumasok na silang lahat*

5. INT. HOUSE – DAY

Nag hahalungkat sila Rosabel at Joshua sa bahay


nila sabay papasok sila Sammy

DIANA (ROSABEL)
Kailangan wala na tong mga ito dito
mainit nanaman ang mata ng mga aswang na
yan satin kuya benedict mo nahuli sa
lugar nila kagabi

RENZ (JOSHUA)
5.

Ganon po ba ma, ano na pong gagawin


natin?

DIANA (ROSABEL)
Hahanap muna ako ng bagong apartment,
isasanla ko itong bahay para meron tayong
pantubos sa kuya mo

*papasok sila gab then mag eemote*

GAB (SAMMY)
*naiiyak* ma kuya tama na , ma sobrang
takot na takot na kami kung hindi kami
nakitulog sa kapit bahay hindi ko na alam
kung anong mangyayari saamin , ma alam
nyo bang hindi na kami natutulog sa
sobrang pag aalala nab aka mamaya may
raid nanaman o pag wala kayo napaano na
kayo , o baka napatay na kayo , ma please
ayoko na mabuhay ng ganito ayoko na
mabuhay sa takot utang na loob ma hindi
ka ba naaawa saamin

*sasama ng tingin si diana kay gab*

DIANA (ROSABEL)
Kung makapag salita ka kala mo wala akong
nagawang matino baka nakakalimutan mo
pinagaral kita, *pasigaw* kahit anong
gulo! nakakatungtong ka sa paaralan

*eemote silang lahat*

GAB (SAMMY)
Ma kung nahihirapan na kayo hindi na kami
mag aaral okay lang saamin tumigil kami
ma, itigil mo lang to madali na po ba yon

*magagalit si diana and aawatin si renz*

DIANA (ROSABEL)
Bawas bawasan mo pagsasalita mo ha kung
wala ako wala kayo

GAB (SAMMY)
Mas mabuti pa kung ganon
6.

*magagalit ulit si diana and aawatin si


renz and lalapit si aleck kay gab*

ALECK (BELLA)
Ma!

DIANA (ROSABEL)
Kung makapag salita ito kala mo kung sino
kala mo alam mo na lahat, tandaan nyo!
inire ko lang kayo kaya wala kayong
Karapatan sumbatan ako ng kahit ano

*ma walk out si diana*

6. INT. HOUSE – DAY

Masakit pakiramdam ni Sammy and kakamustahin sya ni


Bella

NARRATOR
Nung nawala si mama tuluyang nagkaiba iba
na ng landas kaming magkakapatid kahit
pati pala kami ni bella

*aasikasuhin ni aleck si gab*

GAB (SAMMY)
Pasensya na bell nahihilo kasi ako e

ALECK (BELLA)
Hala bakit? gusto mo dalhin kita sa
center

GAB (SAMMY)
Hindi, hindi wala akong sakit *hingang
malalim* bell buntis ako

*mag eemote si aleck*

GAB (SAMMY)
Ummm naisip ko tumira muna dun sa mama
nila Lloyd para matingnan ako ng mama
nya,,, bell bakit hindi ka muna sa
Panganiban?, dun sa isang kapatid ni mama
7.

pero pangako kapag nakapanganak ako


kukunin kita agad, bell

*mag eemote ulit si aleck*

GAB (SAMMY)
Bell-

ALECK (BELLA)
-so itatapon mo lang din ako

GAB (SAMMY)
Ha?

ALECK (BELLA)
Gaya ng ginawa nila papa,,, anong
nangyari sa pangako mo?? hindi moa ko
susukuan

GAB (SAMMY)
*hinga ng mamalim* bell anong itatapon??
buntis lang ako wala akong ginawang
krimen,, pwede ba wag mo ako itulad
sakanila kasi hindi ako ganun,, at
makapanganak lang ako gagawa ako ng
paraan, bell naman

*papasok si renz*

RENZ (JOSHUA)
anong sinabi mo?

ALECK (BELLA)
Kuya kuya tama na

RENZ (JOSHUA)
Anong sinabi mo? *pasigaw* ha! *sabay
sampal* anong ginagawa mo sa buhay mo
ha?? paano na yung mga pangarap mo

GAB (SAMMY)
Hindi ba dapat,, tanong mo yan sa sarili
mo?? wala kang karapatan na isumbat sakin
yan kasi ikaw yung nang iwan

RENZ (JOSHUA)
8.

Kasi akala ko mas magiging matalino ka,,


sa lahat ng isinumbat mo kay mama akala
ko ikaw yung matino

ALECK (BELLA)
Tama naa! tama na! Parehas lang kayo
tumatakas!! nang iiwan sa ere!!! pero ano
bang napapala nyo,,, ikaw kuya,, pag wala
na yung tama mo,, nandun pa din yung
problema diba?? ikaw naman ate,, anong
akala mo sa pagkakaroon mo ng sarili mong
pamilya matatakasan mo problema natin??
ate naman hindi ganun yun! at kahit anong
takas ang gawin nyo kung wala tayong
tamang gagawin sa buhay natin, miserable
pa din tayo

RENZ (JOSHUA)
Alam mo bell,, mas maiintindihan mo ang
hirap kapag ikaw na nasa lugar ko

ALECK (BELLA)
Kuya matagal na akong nasa lugar mo,
*iyak* nangako ka,, saamin ni ate sam na
hindi mo kami iiwan,, na mag sasama tayo
hanggang sa huli,, anong ginawa mo iniwan
mo kami,, kuya naman kinapitan ko yung
pangako mo! okay lang kahit wala akong
maaasahan kay mama,, sanay na ako pero
ikaw ang haligi ko kuya e,,,, kayo ni
ate,, mahal na mahal ko kayo pero wala
kayong pinagkaiba kala mama at papa

*konting moment then walk out si aleck*

7. INT. JAIL – DAY

Binisita ng magkakapatid papa nila tas kinwento ung


mga ganap nila sa buhay

GAB (SAMMY)
Mukhang si bell matutuloy na sap ag aaral

ALECK (BELLA)
Opo pa, pag hindi man po nakaaabot
hanggang college yung nag sponsor sakin
9.

magtatrabaho nalang po ako sa ibang bansa


pag iipunan ko yung pang college ko saka
bibili na ako ng sariling bahay natin,,
para hindi tayo palipat lipat,,, at ako
rin po mag aaral sa mga pamangkin ko,,
diba kuya meron ulit ako

RENZ (JOSHUA)
Pa kahit na hindi ko kadugo yung baby ng
girlfriend ko,, gusto ko pa din maging
mabuting ama sakanya,,, dishwasher po ako
sa isang restaurant ngayon,, maliit man
yung kita pero kegal naman,, saka
maipagmamalaki ko sa pamilya ko

IKE (ABNER)
Proud ako sainyo mga anak,,, baliko man
yung landas na ibinigay namin sainyo ng
mama nyo,, pero unti unti nyong
dinediretso ngayon,,, alam kong hindi
tayo sama sama pero mas ramdam ko ngayon
na buo tayo

*sabay happy moments*

NARRATOR
nang nawala ang impluwensya ng droga
nagkaroon din ng kanya kanyang marangal
na trabaho pati sila kuya josh at kuya
benedict at malapit na din makalaya si
papa, mahirap pa din ang buhay pero wala
na saamin ang laging kaba na kahit anong
oras ay meron kaming mahal sa buhay na
mahuhuli o mamamatay patuloy pa din kami
ni bel sa pag aaral,

-END-

You might also like