You are on page 1of 2

pu|M w PRESS RELEASE

Authority: PCOL JULIO R GO


Provincial Director
ISABELA POLICE PROVINCIAL OFFICE
Camp Lt. Rosauro Danao Toda Jr.
Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela

ippopcrsec@yahoo.com
WE
pcrb2015@yahoo.com @IppoOpns WEBSITE: www.isabelappo.com.ph

040523-64

“Pagtitiwala sa Kapulisan ang nagging Sandalan para sa Agarang Tulong


na Hatid sa Pamilyang Nasunugan”

Camp Lt. Rosauro Toda Jr. City of


Ilagan-Tunay nang nakuha ng 2nd
IPMFC na pinamumunuan ni PLTCOl
DENNIS M PAMOR, FC ang tiwala
mula sa kumunidad dahil sa mga
adbokasiyang nararamdam, nakikita at
nagugustuhan.

Isa na dito ang pinaka huling ganap,


kung saan ang pamilyang Andres, 57,
ng Minante 1 Cauayan City Isabela ang
bigla na lamang tinupok ng apoy ang
kanilang tahanan ng madaling araw
nitong ika 28 ng Marso 2023. Ayon sa
kanyang salaysay, mga 5:00 ng
madaling araw nang siyay pumasok sa
palikuran nang bigla na lamang may
kumalabog sa kanilang bubungan at
lumiyab na ang buong tahanan. Walang naisalbang gamit kundi ang dali daling ginising ang
tatalong mga anak upang iligtas.

Napag alaman ng 2nd IPMFC ang bunsong anak na umiiyak dahil nagging abo ang kanyang
gamit eskwelahan. Dali-dali itong tinungo upang i-abot ang paunang isang kabang bigas at
kumustahin ang mag-aama. Sa aming pagdating hindi mapigilang lumuha ni tatay Romeo
Andres habang kunukwento and pangyayari, hindi alam kung saan at paano mag umpisa,
bukod sa kanyang dekadang ipong halaga para sa mga bata sa kabila ng magisa na lamang
itong itinataguyod ang tatalong anak.

Ang kwentong bitbit at naipost sa FB Page ang pumukaw sa Grupo ng San Mariano Masonic
Lodge No 307 sa pangunguna ni VW William QUE Jr. ang agad nakipag ugnayan sa 2 nd
IPMFC sa kaparehas na araw upang ipagkatiwala ang halaga ng perang pambili ng Full
Package school supplies nina Princess 12, Rodalyn,9 at Lyka 5 taong gulang. Bukod sa
gamit mag-aaral ay ang umaapaw na groseryang pangkusina, pan tulog, at mga damit ang
handog ng nasabing grupo

Ngiti ng pag asa, sigla at taos pusong pasasalamat ng mag aama sa hindi inaasang
biyayang iniabot. ###

You might also like