You are on page 1of 5

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 10

W1-2 Quarter Ikatlong Kuwarter Date


I. LESSON TITLE Kasarian sa ibat-ibang Lipunan
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t
COMPETENCIES (MELCs) ibang bahagi ng daigdig AP10KIL-IIIc-5 p.6
III. CONTENT/CORE CONTENT Konsepto ng Kasarian at Sex
Gender Roles sa Pilipinas at Ibat-ibang Bahagi ng Daigdig
Learning Resource :
AP10LM DepEd
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 60 minuto Sa araling ito ay iyong matutunan ang konsepto ng kasarian (gender) at sex
Panimula at gender roles sa Pilipinas at ibat-ibang bahagi ng daigdig. Kaya bilang mag-
aaral ikaw ay inaasahang:
a) naisa-isa ang mga uri ng kasarian (gender) at sex
b) natutukoy ang gender roles sa Pilipinas sa ibat-ibang panahon at gender roles
sa ibat-ibang bahagi ng daigdig
c) nakabubuo ng damdaming naghahangad ng pagkakapantay-pantay sa
usapin ng kasarian (gender) at sex
Simulan ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbasa sa mga paksa
inilahad sa Gabay na teksto halaw sa AP10 LM na may paksang Konsepto sa
Kasarian (Gender) at Sex pahina 262-264, Gender Roles sa Pilipinas pahina 266-
268 at Gender Roles sa ibat-ibang lipunan sa mundo pahina 274-277.

Mahalagang Paalala:
Ang mga gagamiting gabay na teksto at mga gawain
ay naglalayon lamang na mapaunlad ang kaalaman sa
usaping kasarian (gender) at sex at matupad ang layunin ang
araling ito.
Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong sa paghahabi ng
kaalaman. (Hindi kinakailngan isulat ang tanong, bagkus gawin itong gabay
sa mga kaalamang hahanapin sa babasahing teksto upang masagot ang mga
sumusunod na gawain)
1. Ano ang kasarian (gender) at sex?
2. Ano-ano ang uri ng kasarian (gender) at sex?
3. Ano-ano ang gender roles sa Pilipinas sang-ayon sa ibat-ibang panahon?
4. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang mga gender roles sa
Africa, Kanlurang Asya at Pangkulturang pangkat sa Guinea?
B. Development 150 minuto A. Sa isinagawang talakayan sa teksto ay nagkaroon ka ng kamalayan sa
Pagpapaunlad konsepto ng kasarian (gender), sex at mga uri nito. Ngayon naman ay iyong
sagutin ang inihandang gawain bilang sa 1 (Pinagyamang Gawain halaw sa
LMAP10) sa ibaba.
Gawain Blg 1. Kahon ng Pagkatuto
Panuto: Ilarawan ang mga konseptong nakatala sa kahon. Gawin basehan
ang binasang teksto tungkol sa kasarian (gender), sex at mga uri nito.
Gumamit ng papel sa pagsasagot.

Sex Kasarian/Gender 1

Orientasyong Sekswal Gender Identity 2

1
Sa kasalukuyan maliban sa lalaki at babae, ay may

Gabay na Tanong
1. Ano ang kahulugan ng sex at kasarian (gender) at mga batayan
sa pagtukoy nito? Isulat sa kahon ang iyong sagot

2. Ano ang orientasyon sekswal at mga uri nito?


Ano ang gender identity? Isulat sa kahon ang iyong sagot

3. Maliban sa babae at lalaki, ano-ano pa ang katawagang may kinalaman


sa kasarian (gender)? Isulat sa kahon ang iyong sagot

4. May nabago ba sa iyong alam ng konsepto ng kasarian (gender) at


sex? Kung meron ano ito?

5. Bilang kabahagi ng iyong pamayanan, paano mo positibong pakikitunguhan


ang mga taong may nasabing gender identity, magbigay ng 2 halimbawa?

B. Pagkatapos mong matunghayan ang teksto na may kinalaman sa gender


roles ng mga babae at lalaki sa iba-ibang yugto ng kasaysayan sa Pilipinas,
ay iyong sagutin ang Gawain Blg 2. Sulyap sa Gender Roles (Pinagyamang
Gawain halaw sa LMAP10) sa ibaba.
Gawain Blg 2. Sulyap sa Gender Roles
Panuto: Bigyang pakahulugan ang gender roles at isa-isahin ang mga
gampanin ng babae at lalaki sang-ayon sa ibat—bang yugto sa kasaysayan
ng Pilipinas . Gumamit ng papel sa pagsasagot

Gender Maikling pakahulugan

Gabay na Tanong
1. Sa anong panahon sa kasaysayan mayroong pang-aabuso sa
kababaihan? Ipaliwanag.

2. Sa anong panahon, nagsimula ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa


babae at lalaki? Ipaliwanag?

3. Nakakaapekto ba ang gampanin/katatayuan ng babae at lalaki sa


lipunan/pamayanan? Oo o Hindi, bakit?

C. Ikaw ay nabigyan ng pagkakataong matuklasan ang mga gender roles sa


Africa, Kanluran Asya at mga pangkulturang pangkat sa Guinea mula sa
tekstong iyong binasa. At upang higit itong mapagyaman ay iyong sagutin
ang gawain Gawain Blg 3. Magsuri at Matuto (Pinagyamang Gawain
halaw sa
2
LMAP10) sa ibaba.

Gawain Bilang 3: Magsuri at Matuto


Panuto: Sagutin ang mga inihandang sagot sang-ayon sa mga kaalamang
inilahad sa bonasang teksto. Gumamit ng papel sa pagsasagot
1. Ano ang kalagayan ng gampanin sa pagboto, pagmamaneho at
paglalakbay sa Africa at Kanlurang Asya?

ote

2. Sa usapin ng pagdedesisyon sa sarili, lalo na sa bahagi sa katawan, ano


ang iyong natuklasan sa FGM sa Africa at Kanlurang Asya. Ilarawan at tukuyin
ang epekto sa kababaihan?

3. Ano ang mga natuklasan nina Mead at Fortune sa mga pangkat ng


Arapesh, Mundugamur, at Tchambuli na may kinalaman sa gender roles?
Punan ang talahanayan sa ibaba.

Arapesh Mundugamur Tchambuli

4. Sa iyong palagay, nararapat bang panatilihin o bigyan pansin upang


mapabuti ang mga gender roles na iyong natuklasan sa ibat-ibang bansa. Oo o
Hindi, pangatwiranan?
C. Engagement 80 minuto A. Matagumpay mong nasagot ang mga paunang pagsubok. Sa
Pakikipagpali pagkakataong ito, ay iyong subukin ang konseptong natutunan sa pangaraw-
han araw na buhay.

Gawain Bilang 4: Simple Survey


Panuto: Magsagawa ng simple survey sa loob ng tahanan. Hingin ang
kanilang opinyon kung ano ang kanilang pananaw o ano sa palagay nila ang
positibong kontribusiyon ng mga babae, lalaki, at LGBT sa lipunan. Maaaring
sa inyong komunidad o sa ating bansa ang basehang gagamitin. Gawing
gabay ang kasunod na format. Gumamit ng papel sa pagsasagot

Gender Tao/Gampanin Positibong Kontribusiyon

3
Babae

Lalaki

LGBT
Lagda ng mga tumulong : _

Gabay na Tanong
1. Madali ba ninyong natukoy ang sagot sa ikalawa at ikatlong kahon? Oo o
Hindi, bakit?

2. Ano ang iyong napansin sa mga gampanin ng bawat taong inyong natukoy
sa bawat gender? Nakabase ba ito sa gender o kanilang kakayahan?

ba sa pamayanan/bansa ang kanilang mga naging kontribusyon? Bakit?

4. Base sa daloy ng mga sagot mula sa tanong 1-3, pabor ka ba o hindi na


maging pantay ang pagtingin sa lahat ng gender at sex? Pangatwiranan ang
iyong sagot

Rubriks para sa Simple Survey


Krayterya Gabay sa Pagpupuntos Puntos
3 2 1
Kumpleto Kumpletong May kulang May kulang na
nasagutan na 1-2 3 at higit pa
ang lahat ng
kahon
Tama Tama ang May kulang May kulang na
lahat ng na 1-2 3 at higit pa
sagot sa lahat
ng kahon
Katwiran Maliwanag at May kulang May kulang na
tama ang na 1-2 3 at higit pa
mga naging
katwiran sa
mga tanong
Kabuuang puntos
*Pupunan ng guro ang rubriks sa pagpupuntos

D. Assimilation 30 minuto Gawain Bilang 5: 321 Inventory of Learning


Paglalapat Panuto: Sa pagkakataong ay tuusin mo ang iyong natutunan sa anyo ng 321
inventory of learning. Gamit ang mga gabay na salita, punan ito ng mga
sagot. Gumamit ng papel sa pagsasagot
Magtala ng 3 salita na iyong natuklasan

Magtala ng 2 pinakamahalagang konsepto na iyong natutunan

Magtala ng 1 mahalagang aral/pagpapahalagang iyong nakuha sa talakayan


at maaaring maipamuhay sa araw-araw.

V. ASSESSMENT 30 minuto Maikling Pagsubok


(Learning Activity Panuto: Suriin ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot. Gumamit
Sheets for ng papel sa pagsasagot. (maaaring gumamit ng google form para sa mga
Enrichment, online synchronous at time-rehearsed ppt para sa asynchronous)
Remediation or 1. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa
Assessment to be biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng
given on Weeks 3 babae sa lalaki?
and 6) A. bi-sexual B. gender C. sex D. transgender
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na
itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

4
A. bi-sexual B. gender C. sex D. transgender
3. Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan
at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay
tinatawag na:
A. bakla B. homosexualC. lesbian D. transgender
4. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng
lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama
ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa
ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
5. Kapwa pinapayagan noon ang mga babae at lalaki na hiwalayan ang
kanilang asawa. Maaring hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa
pamamahitan ng pagbawi sa mga ari-arian nito noong panahon na sila ay
nagsasama pa, samantalang ang babaeng ibig makipaghiwalay ay walang
makukuhang anumang pag-aari. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
A. Walang pagmamay-ari ang mga kababaihan noon.
B. Maraming pagmamay-ari ang kalalakihan noon.
C. May pagkiling sa mga lalaki ang kasunduan sa pakikipaghiwalay.
D. May pantay na karapatan ang babae at lalaki sa usapin ng paghihiwalay
6. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong
pangkat sa New Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa ang babae at lalaki
ay maalaga o mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa
mga Tchambuli ay:
A. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente
B. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento
samantalang ang kalalakihan ay dominante at naghahanap ng
makakain.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
D. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang
kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili, at mahilig sa kuwento.
7. Nahirapan ang mga kababaihan na magkaroon ng karapatang bumuto sa
mga sumusunod na bansa maliban sa isa?
A. Kuwait B. Lebanon C. Pilipinas D. Syria
8. Sang-ayon sa WHO mayroong 125 milyong kababaihan ang biktima nito mula
sa 29 na mga bansa sa Africa at Kanlurang Asya, ano ito?
A. kawalan ng edukasyon B. female genital mutilation
C. hindi pagboto C. foot binding
9. Sa anong bansa hindi pinapayagang magmaneho ang mga kababaihan
nang walang pahintulot ng kamag-anak na lalaki?
A. Egypt B. Iraq C. Saudi Arabia D. Yemen
10.Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong
kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong
magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano
ang iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin ang
aming pagkakaibigan.
VI. REFLECTION 10 minuto Bilang pagtatapos ng gawain, magsulat ka ng iyong repleksyon/nararamdaman
gamit ang isang pangungusap lamang na kukumpleto sa prompt na ito:

Aking napagtanto at naramdaman sa araling ito na:

Binabati kita sa matagumpay mong pagsasagot sa araling ito!

You might also like